Kabanata 34

Kabanata 34

Check Up


Naniniwala akong maayos ang pagkakasabi ko sa media. May punto rin ang nagtatanong kaya hindi na rin naging mahirap ang pagpapaliwanag ko.

Una, hindi pa nasisiguro kung ano nga ang dahilan sa nangyari. Hindi puwedeng dahil huling kinain ang desserts ko, iyon na ang dahilan.

Pangalawa, kung iti-test ang desserts ko, iti-test din dapat ang lahat ng kinain ng bisita sa party na iyon. Iyon nga lang, si Ella na siyang nag cater noon ay nasa ospital dahil kasali sa mga sumakit ang tiyan.

Pangatlo, willing ako na i-test lahat ng mga gawa ko at naiserve sa party na iyon. In fact, I already set aside some samples each sweets if anyone would want to test it. However, I will give it only a day since I don't want it tested beyond its best before.

Pang-apat, willing din ako na tingnan ang sanitation ng aking buong cafe at mas mainam din na mamaya o bukas agad nang sa ganoon malaman na ang totong problema.

"The pastries usually don't get stale easily! Lalo na dahil freshly baked iyon. You guys should check the caterer first! Iyon naman ang mas mabilis mapanis." si Camila nang kinausap ng awtoridad.

"Pero Ma'am, kasi sabi sa tapioca at revel bars daw."

"Kumain kami ng parehong uri noon at hindi pa naman sumasakit ang tiyan ko ngayon," si Camila. "And whatever you say, I don't think pastries like revel bars would stale quickly! At kung tapioca, kumain din kami at maayos pa naman kami ngayon."

"Like I said, puwede namang itest na rin. Besides, if it's from my food, then I guess I will need to know so I can learn from it," sabi ko.

"Sancha, bago ka, dapat ang caterer muna nga ang tingnan! Hindi puwedeng dahil lang haka haka na galing sa dessert ang dahilan, iyon na agad! We can sue anyone who said that it is from the cafe."

"Bakit hindi ko ipatest na lang agad itong mga pagkain na gawa ng kapatid ko ngayon? Hindi na ako maghihintay ng request sa awtoridad! At sa oras na masigurado namin na malinis ang mga iyon, kakasuhan at ipapakulong ko kayo?!" si Kuya Manolo.

"Kuya..."

"Sir, wala pa naman pong sinasabi na talagang galing sa sweets ni Miss Alcazar. Naroon na rin naman ang ibang media at awtoridad sa caterer para icheck na rin pero 'yon nga lang nasa ospital pa kasi ang may-ari."

"I will supervise the testing of my sister's pastries. Kapag nalaman ko na walang may sira roon at kapag kumalat sa buong Altagracia ang paratang ng sino man 'yan, pati kayo, ipapakulong ko!" iritado nang sinabi ni Kuya.

"Kuya, tama na. We haven't proved anything yet. It's better to stay calm and humble while-"

"No, Sancha! I get that you're thinking you might be at fault but what if you aren't? At nasira na ng mga ito ang pangalan mo?! Hindi puwedeng ganoon! Bukod pa sa tama si Camila na hindi nga mabilis mapanis ang mga sweets! I don't get why people would think that it's from your pastries!"

Kinausap ni Kuya Manolo ang iilang pulis na nasa labas at ang media naman ay lumabas na rin, naghihintay ng resulta sa imbestigasyon sa caterer at sa mga isinugod sa ospital.

"Tama ang kapatid mo, Sancha. Siguro mas mabuti nga na ipa test na natin at huwag na sigurong hintayin ang awtoridad na mag request," si Ate Soling.

"These kind of things, usually they can't pinpoint which food is the reason unless we test the food. Kasi maraming pagkain. Unless if it's involving only one kind of food, then mas madali ituro kung alin talaga ang panis na."

Habang nag-uusap-usap kami sa counter, napansin ko ang pagpasok ni Margaux. Tumanggap pa rin naman kami ng mga customer pero kaunti lang ang kumain. Madalas ay take out lang. Siguro dahil sa kumusyon at sana hindi dahil kumalat na na nakakasakit ng tiyan ang mga gawa ko.

I really want to know that truth, even if I'm terrified. Imagine the blow I will take if this reaches my Cebu branch!

"Sancha, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Margaux.

Camila looked at Margaux. Nakalapit na siya sa amin. Suminghap si Camila at umikot na sa counter para kausapin ng pribado si Ate Soling, iniwan kaming dalawa sa kinatatayuan.

"Ayos lang, Margaux. Napa bisita ka? Uh, may bibilhin ka ba?" kinakalma ko ang sarili.

"Wala naman pero narinig ko ang nangyari. Isinugod sa ospital ang mga bisita nina Almira. Ang sabi'y sa revel bars at tapioca mo raw? Nasabi sa akin ni Julius. Kuwento raw sa kanya ni George."

"Hindi pa naman napapatunayan at magpapatest din kami, pero sana hindi."

"Hindi naman siguro, Sancha. Matagal masira ang mga sweets, hindi ba? Baka sa ulam. Sa caterer."

I cleared my throat. "Si Ella ang caterer. Nasa ospital din siya at masakit din daw ang tiyan."

Pagkatapos ng eskandalo, kusang umiwas si Ella sa grupo nina Julius at Margaux. Ganoon din naman ako pero dahil nagsusumikap si Margaux na magkaayos kami, kumpara kay Ella, mas malapit pa rin naman ako sa grupo. Iyon nga lang, nang g-um-raduate ng senior high, nalayo na ako dahil sa Silliman na nag-aral. Alam kong hindi na gaanong close si Margaux at Ella pero alam ko ring walang namagitang samaan ng loob sa dalawa kaya kahit paano magkaibigan pa rin naman sila.

"Naku, ganoon ba? Pero kasi hindi ba mas madaling masira kapag ulam... kumpara sa sweets. Iyon ang alam ko."

Tumango na lang ako. She sighed heavily.

"I'm sorry about this, Sancha. Nag-alala ako nang narinig ko ang balita. Lalo dahil mismong ang mother-in-law ni Axel talagang isinugod sa ospital dahil nagsusuka. E hindi ba may sakit pa 'yon?"

Nanlamig ako bigla. Almira's not very nice but she's been good to me. Iniisip ko tuloy kung ano ang iniisip niya sa akin ngayon! Pumikit ako ng mariin at yumuko.

"Hindi kaya sinabotahe ka? Kasi imposible talagang sa sweets mo galing tapos ikaw ang idinidiin. I mean... wala bang common sense ang mga bisita roon? It's obvious that the last thing they should think of, when it's food poisoning, are the sweets!"

"Hindi ko alam, Margaux."

Tumango siya. "Nandoon pa naman daw si Alonzo. Narinig ko."

Napaangat ako ng tingin. "Oo. Nandoon si Alonzo. Tumulong siya sa pagsugod sa ospital."

"Naku! Eh, hindi ba may galit iyon sa'yo sa nangyari noon?" nag-aalalang sinabi ni Margaux.

I remember. She tried to rebuild our friendship but I never had the courage to take the risk. I didn't really elaborate on her about what happened on that scandal or how I feel about Alonzo.

"Baka mamaya sa ulam talaga ni Ella iyon, ah? And we don't know, Alonzo is part of it to get back on you. Alam kong matagal na at alam ko ring doktor na siya ngayon pero malaki ang nawala sa kanya noon, ah. Posible na may galit pa siya sa'yo-"

"Margaux..." pigil ko sa mga sinabi niya.

My mind is already very crazy right now. With her feeding me these things, mas lalo lang yata akong maguguluhan.

I never trusted anyone again, after the scandal. I can't trust Margaux's words just because it makes sense. However... I trust Alonzo. Unconsciously. I don't want to trust anyone but unconsciously I do trust him.

"Sinasabi ko lang ang nasa isipan ko, Sancha. I know it's silly of me to butt in now but I just can't sit and watch you be like this when I can sense these things."

"Hindi gagawin ni Alonzo 'yon."

Kitang-kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata, gulat siguro na may pinagkakatiwalaan akong iba. At hindi siya. She smiled awkwardly.

"I do hope so, Sancha. I just think that it makes perfect sense somehow. Hindi siya mayaman kaya nagsikap siyang maging laude at makakuha ng trabaho sa ibang bansa. His life was ruined so I think it is only natural for him to-"

"Hindi magagawa ni Alonzo 'yan, Margaux," medyo tumaas ang boses ko.

"Sure, Sancha. I'm sorry..." she said. "I-I know I've broken your trust and... I'm glad you're trusting someone now. It's just that... I heard he's visiting your cafe regularly. So... I think..."

Naghintay ako sa dugtong niya pero umiling lang siya.

"I don't know. I just really hope you trust the right person."

Nagpunta na rin si Mommy at Daddy sa cafe. Abala ako sa pakikipag-usap kay Kuya Manolo at Camila habang unti-unti na ring nagsialisan ang mga awtoridad.

On the tests, it was indeed some possible contaminated food. Wala kasing ibang maituro dahil iyon lang ang pare-parehong ginawa sa araw na iyon. It's too late to do tests on the caterer because as of the moment, some of it turned stale because we waited until the afternoon. Kaya kung alin man sa hinandang pagkain ni Ella ang panis kaninang umaga at tanghali, hindi na malalaman ngayon.

"I'll wait for your tests. Buti at may nakapagsabi na imposibleng sweets ang dahilan dahil hindi naman agad iyon nasisira. Pero hindi ako titigil hanggang hindi natetest at napapatunayan na wala nga sa gawa mo ang sira, Sancha," si Kuya Manolo.

Ang probinsiya at ospital ay nagsalita na rin patungkol doon. Doon pa lang ako nabunutan ng tinik. Opisyal na kasing sinabi na hindi galing sa mga luto ko ang dahilan dahil naunang pinatingnan ni Kuya Manolo ang revel bars at tapioca.

"Ayos na naman daw ang mga naisugod sa ospital," si Mommy. "Ang pagsusuka ni Evelyn ay dahil daw yata sa sakit niya, hindi naman nakitaan ng bacteria na kagaya sa nakita sa ibang naroon."

Tumango ako.

"Nakausap ko si Alonzo at maayos na raw ang kalagayan ng Nanay ni Almira. Ang iba'y umuwi na rin pagkatapos malapatan ng gamot."

"Have it checked, Manolo. I want everyone to know that it is not from Sancha's products."

"Bibisita ako sa ospital para masigurong-"

"Hindi mo gagawin 'yan, Sancha!" si Kuya sa tonong nasisiguro kong may bahid ng pagmamataas.

I know why he doesn't want me to go there. Paulit-ulit niyang sinabi sa akin kanina. Hindi ako ang may kasalanan at nasigurado na namin iyon.

"Alam kong nag-aalala ka kahit paano pero iisipin lang nila na ikaw ang may kasalanan at guilty ka."

"Kuya, napatunayan na naman na hindi. Gusto ko lang makita na maayos na rin ang mga bisita. Si Almira. Lalo na ang kanyang Mommy."

"I think it's best to go there tomorrow or some other day, Sancha. Huwag muna ngayon. You look exhausted and besides Almira's mom is still recovering. Maybe you should let her recover first before going to visit them," si Camila.

"Tama si Camila, anak. Umuwi ka na lang muna at magpahinga. You look exhausted."

Sa huli, sumama ako kina Mommy at Daddy. Bumisita pa kasi kami sa Mayor's office, kahit gabi na. I cleared my name personally.

It was a long day. Pagkauwi ay nakatulog na agad ako.

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo kaunting lakad lang. Pinahatid ko sa kuwarto ang agahan ko at nagpahinga na lang muna sa lamesa. I saw missed calls from Alonzo and Almira. Mayroon ding text.

Alonzo:

Are you okay? Tinulungan ko si Almira sa pag-aasikaso sa nanay niya. Pupuntahan kita mamaya sa cafe. I hope you're fine.

Alonzo:

Katatapos lang ng lab tests. Hindi gaya ng mga isinugod sa ospital dahil masakit ang tiyan, normal sintomas lang sa gamot na ipinainom ng doktor. Binigyan na ng ibang gamot at baka hindi hiyang sa naunang niriseta.

Alonzo:

Only two wanted to get admitted. The others only have mild stomachache and diarrhea. Kaya umuwi na rin pagkatapos ng abiso. I'll check on the patients tomorrow.

Alonzo:

Hindi galing sa handa mo ang bacteria na nakita. I'm guessing it's either the spaghetti or the kaldereta. Iyon din kasi ang sinabing napanis na alas tres pa lang kanina. Kaya naisip ko na baka nga medyo panis na iyon kaninang tanghali pa lang. Puwedeng hindi lahat ang makaranas ng pananakit sa tiyan, depende pa sa dami ng nakain o kung noong kumuha ka, panis na. That's why only a few visitors were affected. Also, the incubation period of the bacteria found has a minimum of 2 hours, that means it can't be your sweets because the visitors ate the dessert after the eating the buffet. Isang oras o tatlumpong minuto pa lang magmula noong kumain sila noon kaya imposibleng galing iyon sa dessert. It's very likely that it's from the buffet.

Alonzo:

Umuwi ka na raw. It's been a long day. Rest well, Sancha.

Alonzo:

Good morning, Sancha! Sir Manolo tested some of your desserts yesterday at negatibo sa hinahanap na bacteria. Although I find it unnecessary because I'm very sure that it's not from the desserts. May lakad ka ba mamaya?

Alonzo:

I'm sorry. If you want to rest for today, no problem. I'll visit you on Monday.

Ako:

Thank you, Alonzo. Sana ayos lang ang Mommy ni Almira. Magpapahinga muna ako ngayon. Magpahinga ka rin. Pasensiya na at naabala ka sa rest day mo. Mabuti at nandoon ka. I kinda panicked and I don't know what to do. Thank you!

Alonzo:

Ayos na ang nanay ni Almira. Bukas, lalabas na. Nagsuka lang noon dahil sa gamot niya. Mabuti at hindi naman nakakain ng kaldereta o spaghetti dahil sa diet din niya.

Almira:

Sancha, I'm sorry about what happened. Hindi sa'yo galing ang nakasama ng tiyan ng mga bisita. At iyong kay Mama, sa gamot niya iyon. Kumain siya ng butter cake at carrot cake at nasarapan siya! Bibili pa nga kami ulit, e. Sabi ang nakasakit sa tiyan nina Keira ay ang caldereta o 'di kaya'y spaghetti.

Ako:

Pasensiya na rin. Kinabahan ako kaksi huli raw kinain ang revel bars at tapioca na gawa ko. Nagpacheck na rin kami ni Kuya Manolo sa mga sweets ko para masiguro. Mabuti naman at okay lang ang Mommy mo. I'll visit or send her her favorites when she's out of the hospital. Pakisabi na pagaling siyang mabuti.

I sighed heavily. I felt relieved from all of it.

Almira:

Sige ba! I wanted to confront Ella about what happened but she's admitted now in the hospital! Ang sabi'y masakit pa rin daw ang ulo at tiyan niya. Nakakainis nga, e. Malamang ganoon nga kasi sa kanya pala galing ang panis na pagkain! Baka mamaya pagtikim niya pa lang panis na! Galit na galit si Axel pero hindi namin makumpronta kasi nga may sakit pa.

Ako:

Maybe it was an honest mistake. After all, siya ang pinaka apektado ngayon kaya baka nga hindi niya naman namalayan.

Almira:

I HOPE SO! Kasi kung hindi, titirisin ko siya! May pakiramdam pa naman ako na umaarte lang siya dahil kay Alonzo! At itong boyfriend mo naman nasobrahan sa bait, nagrequest lang na isali sa rounds, sinasali naman!

Almira:

Ay! Huwag kang magseselos, ah! Sinasabi ko lang na ingrata si Ella. Buti hindi dahil sa pagkain niya ang pagkakaospital ni Mama kundi titirisin ko siya!

Ako:

Hehe. Hindi ko naman boyfriend si Alonzo at doktor siya kaya trabaho niya naman 'yan. Kausapin mo na lang si Ella kapag maayos na siya.

Almira:

Iyong mga inoperahan lang dapat ang kasali sa rounds ni Lonzo, no! Operahan ko 'tong si Ella, e!

I chuckled.

Buong araw namin pinag-usapan ang pagkakaayos ng nangyari kahapon. Mabuti naman at nalinis ko na rin ang pangalan ko at ang pangalan ng cafe. Because of my happiness and relief, I decided to put up a promo on my Cebu branch. Hindi naman umabot sa kanila ang nangyari pero ayos na rin.

Hindi rin naman tumawag si Larissa kaya naisip kong hindi na nga kumalat pa iyon. Maganda rin na agad na aksyonan ni Kuya Manolo ang nangyari.

Yumuko ako at natantong masyado talaga akong mahina under pressure. I was there staring at the victims, with a blank mind, too worried to think straight. Kahit na nagpapanic na rin si Kuya Manolo at halatang nagagalit niya, level-headed pa rin naman siya sa mga desisyon niya.

"Kung ako 'yon, kakasuhan ko ang mga nagpapakalat!" si Ate Peppa na galit na galit.

"That's enough. It's all done now. Huwag mo nang dagdagan pa ang stress ni Sancha," si Mommy dahil huli nang nagalit si Ate Peppa nang narinig ang buong detalye.

"Ayos lang, Ate. Naagapan naman at hindi naman ako nasira-"

She laughed hysterically. "Hindi nasira? Kaunting sabi-sabi may mga maniniwala pa rin na galing sa'yo 'yon."

"Hindi, Paloma. Galing iyon sa caterer. Iyong Ella naman pala. Tingnan na lang nila kung saan iyon nagluluto at baka pa iyon ang marumi." Puno ng panghuhusga ang tono ni Daddy sa sinabi niya.

"Dad..."

"Posible! Baka may mga ipis doon sa pinaglulutuan niya. Napadaan ako kanina doon, nakita-"

"Tama na nga 'yan, Paloma. You're stressing your sister out already with your words!" si Mommy at nilingon ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "Why don't you rest for two to three days. You did a great job so far kahit na may kontrobersiya agad kabubukas pa lang."

"Your Mom is right, hija. Isa pa... kung magpapahinga ka bukas, mas maigi sigurong gawin mo na rin ang annual check up mo. Hindi ka pa nakakapagpacheck up dahil sa pagiging abala mo sa cafe," dagdag ni Daddy.

Unti-unti akong tumango at sumang-ayon. Sa dami ng iniisip ko at sa unti-unting guilt na naramdaman ko kahapon, siguro nga mas mabuting magpahinga na muna ako.

It was a long night on our long rectangular table on my family. Hindi ko maipagkakaila na unti-unti nga'ng bumubuti ang pakiramdam ko dahil doon. Nagpaalam ako kay Ate Soling na hindi muna ako papasok bukas para magpa annual check up na.

Isa pa, nangako ako na sa unang linggo lang ako magiging abala para sa cafe. Ngayong natapos na iyon, siguro naman ayos lang na magpahinga muna ako. Lalo na't bago ang linggong iyon, abala ako sa paghahanda sa grand opening, at bago ang grand opening, kagagaling ko lang sa presentation sa Cebu. I guess I do deserve a break.

Madaling araw akong tumulak sa La Carlota. Hindi ako nagsabi kahit kanino na roon ako magpapa annual check up. May kilala naman kaming doktor din doon kaya ayos lang siguro. Isa pa, hindi ko alam kung magandang ideya ba na sa Altagracia magpacheck up... I pouted a bit because I know one of the main reason why I decided to have it in La Carlota... is Ella.

Ngayong nasa kanya ang sisi dahil nilinis ko kaagad ang pangalan ko, nasisiguro kong lalo siyang nainis sa akin. Hindi pa kasali na... gusto niya si Alonzo. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx