Kabanata 30

Kabanata 30

Past


What does he want to talk about?

Iyon na lang ang inisip ko. I refuse to think that this is more than a talk we need to close the past. I refuse to hope. I know how fragile my feelings for him all these years and I don't want to awaken them. Not that it was ever asleep.

"K-Kung may gagawin ka o magpapahinga ka..." he trailed off, probably seeing my reaction.

"Naipangako ko kasi sa pamilya ko ang dinner bukas, e. Celebration namin sa opening ko. With my family."

He swallowed hard and nodded. Gustong bumawi, agad akong nag-isip kung kailan puwedeng magkita.

"How about on Monday? I'm free in the afternoon!"

Yumuko siya. "May trabaho ako. Pasensya na. Sa gabi kaya no'n?"

Ako naman ang yumuko ngayon. "First time kasi na matagal magsara ang cafe, e. Kaya baka kailangan ako rito sa linggong ito."

"Then, I'll come here!" he said.

"Dito?"

Tumango siya. "Hihintayin kita na matapos dito."

Bahagya akong natawa. "Hindi na naman kailangan. Uh... We can set it on... Saturday! Puwede ako no'n ng dinner."

"Pupunta ako rito sa Lunes. I'll eat my dinner here."

"Sigurado ka?"

He nodded.

I still don't know how I survived that conversation. Nanatili iyon sa isipan ko nang nasa hapag na at animo'y may piyesta sa harapan dahil sa tatlong bubuwit at mga matatandang nag-uusap-usap tungkol sa saya ng grand opening ko.

Pagkatapos kong laruin ang mga bata, natahimik na lang ako kaiisip sa usapan namin ni Alonzo.

"Alonzo was there, right? Hindi ko na masyadong maalala," si Kuya nang umabot na roon ang usapan.

"Alonzo Salvaterra?" Mommy asked as if there's another Alonzo that we know.

"Nakita lang yata ni Sancha sa station. Nagpapagasulina, kaya inimbita ko na. Ang batang 'yon, hindi na nagbago. Napakamagalang pa rin."

Mommy cleared her throat and looked at me. "Nandito na kaya sina Laura at David?"

Umiling si Kuya. "Wala pa raw, e. Kinukumbinsi niya pang umuwi."

"Kumusta na si Alonzo, Manolo? May asawa at anak na ba?" si Daddy.

Nagkibit ng balikat si Kuya. "Nakalimutan ko kung natanong ko ba."

"Wala pa siyang asawa at anak, Dad," si Camila na siyang sumagot kay Daddy.

Napatingin naman si Daddy sa akin. "What happened in the past was really unfortunate. Hindi ko maitatanggi na mabait at magalang nga si Alonzo. My view of him just got tainted by that incident. Sancha was very young and it was very inappropriate."

"I-If you're talking about the kiss, hindi naman po si Alonzo ang nag initiate no'n, Dad. It was me."

Naiwan ang ingay galing sa mga bata. Uminom ng tubig si Kuya Manolo at natahimik pareho si Mommy at Daddy.

"But still, you have to know, Sancha, that whatever happened, it was against the law. Alonzo can't have a relationship with a minor, that was you," si Ate Peppa. "Alam ni Alonzo iyon at iyon ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang kaparusahan."

Kumunot ang noo ko. "Pero-"

"Sancha, listen..." si Ate Peppa sa seryosong tono. "I know you're guilty about what happened. But this is the truth... Alonzo should've pushed you away because you were a minor and he's years older than you."

"Paloma," mommy said with a warning and looked at my niece and nephews.

Sumulyap si Ate Peppa kay Ramon, ang pinganay nila bago siya nagpatuloy. "It was just. We are your family and we know that it was wrong. You were a minor so whatever you say or do isn't counted because you are supposed to be someone who still can't decide. It already happened, okay? I guess what we can do now is slowly rebuild our connections to the people we hurt."

Natahimik ako.

"The good thing is Alonzo understands our stand on this. He knows why we did it and I'm glad. Hindi ko rin ito masyadong naintindihan noon pero nang nagkaanak na ako, I realized I'd do anything to protect my sons." Ate Peppa smiled at me. "Hindi ko 'to naintindihan noon, Sancha, pero gusto ko ring protektahan ka. Kaya wala man akong maintindihan, gusto ko pa ring maparusahan ang lahat ng may sala sa nangyari, para sa'yo."

Simula nang nagkausap kami ni Alonzo, parang araw-araw na nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa kanya kapalit sa ginawa ko, pero unti-unti ko na ring  nakikita na mukhang maayos naman ang kinahinatnan niya kahit pa nangyari iyon.

Lunes ng umaga, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Alonzo na nakaparking sa labas ng cafe. Nagmadali agad akong pumasok. Bukas na iyon at naroon na ang ibang empleyado. Natanaw ko kaagad siya sa loob na bumibili ng kape.

Paalis na siya nang naabutan ko.

"Good morning!" sabi ko.

"Good morning, Sancha."

Napatingin ako sa kape sa kamay niya. I smiled when I realized may trabaho nga pala siya.

"Good luck sa trabaho."

"Thanks! I'll.. see you later."

I don't even know if Almira is working that day. Paano ba naman kasi, panay ang message niya sa akin para ipakita ang mga gusto niya sa birthday ko.

Almira: Okay ba 'to?

Almira: Gusto ko rin sana ng dessert buffet.

Almira: Sa bahay namin 'to gaganapin. Buti pinayagan ako ni Axel. Alam mo na... matanda na ang parents ko at gusto nila makita na roon pa rin ako magcecelebrate ng birthday ko.

Almira: Invited ka, ah!

Ako: I'll go because you wanted me to be the one styling your buffet, right?

Almira: Bukod diyan, invited ka talaga sa birthday ko!

How weird. I remember the very day I got jealous of her. Matalik siyang kaibigan ni Alonzo at lagi silang magkasama noon. Nararamdaman ko na may gusto nga siya kay Alonzo. Nararamdaman ko rin na hindi niya ako gusto para kay Alonzo.

Hindi ko na nasundan kung bakit hindi rin siya nakuha para sa offer abroad, gaya ni Alonzo. I just believed that she stopped trying because she wanted to go abroad with Alonzo. Now that Alonzo didn't have the offer, she doesn't want it anymore.

Noong una ko rin siyang nakita sa ospital, gaya ngayon, she wasn't exactly friendly. She was sarcastic and would throw shady things at me. But at the same time, I think I needed that. I need someone who hates me to really hate me. Hindi ko na kayang pakiharapan ang mabait na kaibigan na may lihim palang galit sa akin.

I guess at some point, I even liked her more than I liked my previous friends. I liked that she was transparent. I liked that she hated me in front of me.

"Magbaon ka nga ng Epipen kapag nandito ka. Hindi ko kayang lagi kang nag papa E.R. dito, e," I remember that was her first words for me.

Or more shady like...

"Buti naka move on na siya, kung hindi'y-" she would slightly hurt my arm as she finds a vein.

Nilagay ko ang mga order ni Almira sa board. Nasa likod ko si Ate Soling, binabasa ang mga isinusulat ko sa post it note.

"Ikaw ang talaga ang gagawa at sasama ka sa pagsi-serve?"

"Oo, Ate. Request ni Almira."

"Kailan ba kayo naging magkaibigan no'n? Hindi ba ka-batch 'yon ni Alonzo?"

"Ah. Sa ospital, Ate. Madalas kasi siya ang nurse ko."

Tumango si Ate Soling. "Naalala ko tuloy ang hinagpis ng inay at itay niyang si Almira nang hindi rin nakuha sa ibang bansa."

Napatingin ako kay Ate Soling. Umiling si Ate Soling sabay tingin sa akin.

"Pinakiusapan daw niyang asawa niya ngayon na tanggalin ang application niyan sa ibang bansa. Nga naman, oo. Mayaman kasi itong si Axel kaya hindi alam ang hirap ng pagkakapasok ni Almira roon-"

"Ginawa 'yon ni Axel, Ate Soling?"

May narinig nga akong ganoon noon pero dahil graduate na si Almira no'n at fourth year naman si Axel, medyo hindi ako sigurado. I was just too preoccupied because Soren ran away from their home after the del Real-tragedy. Iyon ang mas pinagkaabalahan ko.

"Oo. Kaya matagal ding natanggap 'yang dalawa. Si Axel, dahil sa ginawa niyang pagsabotahe sa offer na 'yon kay Almira... at si Almira dahil mahirap lang."

Interesting.

My mind is clouded by that and more. Hindi ko na tuloy namalayan na mabilis nagdaan ang panahon.

Marami ang tumangkilik at nagdinner sa cafe. Dahil ang schedule ni Ate Soling ay sa tangali pa magsisimula, siya ang magsasarado ng cafe. Hinayaan ko na rin siyang dito na muna ang asawa at anak kapag gabi para naman may kasama rin siya bukod sa mga empleyado. Pero nangako ako na sa linggong ito, sasamahan ko muna siya para na rin makita ko kung magandang ideya ba ang schedule.

It was indeed a good idea. Casual customers went and some of them were glad that it's still open six in the evening onwards.

Iba na ang damit, pumasok si Alonzo sa cafe. Diretso siya sa counter kaya naisip kong may bibilhin siyang brownies, at hindi pa magdidinner.

Nakita kong sumulyap si Ate Soling bago siya naging abala sa paglalapag ng pagkain sa ibang customer. Abala naman ako sa pag-aayos ng brownies dahil may pick up ngayon.

"What's your order, Sir?" ang kahera.

"Magdi-dinner ako rito pero bili sana ako ng take out para mamaya."

"Ano po 'yon, Sir?"

Sumulyap ako kay Alonzo.

"Carrot cake sana," si Alonzo.

I stiffened because I know that's not on the menu or our dessert offers. Halatang binasa pang muli ng kahera ang menu bago siya sumagot.

"Ay, sorry, Sir. Wala po kasi 'yan sa offer dito."

Unti-unti akong lumapit. I wonder if he likes carrot cake, that's why he's ordering right now.

"Uh, Carrot cake?" tanong ko kay Alonzo.

He cleared his throat and nodded. "Pero ayos lang kung wala rito." He looked away and picked the menu up to search for another order.

"Uh, puwede naman akong gumawa ng special order. Wala lang sa ginagawa na ng mga kusinero. Pero puwedeng special order," sabi ko.

Tumango siya at binaba ang menu. He licked his lips. "If it's not too much, Sancha."

"Uh... okay. No problem. Puwede bang bukas mo na lang i pick-up? Bukas ng umaga ko siguro gagawin."

He chuckled a bit. "Ayos lang. Hindi ba nakakaabala?"

"Hindi naman."

Palipat-lipat ang tingin ng kahera sa aming dalawa. Pinalitan ko siya para mailagay ang order ni Alonzo. Kumuha si Alonzo ng pera at naglapag na ng isang libo. Sinulyapan ko ang kanyang bill at natantong hindi pa siya nagtatanong kung magkano. Mura lang naman pero... parang wala siyang pakealam kung magkano. Bibilhin niya. Gustong-gusto niya ba 'yon? Maybe I should... consider putting that on the menu? If he likes it, huh?

"Kumain ka na ba, Sancha?"

Inilahad ko sa kahera ang nilagay ko para siya na ang magpatuloy. Napatingin ako kay Alonzo.

"Hindi pa."

"I'm here for our dinner," he said.

Kaswal akong tumango. "Sige. Doon na lang tayo na lamesa," sabi ko at lumabas na sa counter para maglakad patungo sa dulo at pinaka corner na lamesa ng cafe.

It takes so much discipline to make my mind understand that this may be another part of the closure, and not something else. Para tuluyan kong madisiplina ang isipan, inisip ko si Ella at ang relasyon niya kay Alonzo. Inisip ko kung nasaan siya ngayon at kung pumayag ba siya sa pagkikita namin ni Alonzo ngayon.

Pumayag siguro. Para rin naman ito kay Alonzo. Para tuluyan na siyang makalimot sa nakaraan.

Naupo ako. Siya naman sa harap. We ordered first. Nang umalis na ang waitress na kumuha ng order namin, nagsimula na ang pangamba ko... my mind whirled with many questions and hopes and I hated it.

"Buti... wala kang lakad ngayon?"

Umiling siya. "Wala naman, Sancha. Mas pipiliin kong sa bahay na lang ngayon, kaysa umalis pa."

My lips protruded.

"Ang ibig kong sabihin, kung hindi naman tayo magkikita ay sa bahay lang ako."

Tumango ako at huminga ng malalim. "Mag-isa ka ba sa inyo?"

"Oo, Sancha. Nakausap ko si Mama kanina at uuwi naman daw sila. May aasikasuhin lang kaya baka... one of these days, nandito na rin sila."

Napaangat ako ng tingin. I want to talk to them. I wonder if they are as willing as Alonzo? "S-Sabihan mo ako kapag nariyan sila."

He nodded. "I will tell you, Sancha. In fact, I wonder if you'd... come with me if I invite you to our house... when they're here."

I swallowed hard and nodded immediately. "Of course, I will!"

He smiled. "Nagkausap nga rin pala kami ni Manolo. Hindi ko lang alam kung dahil ba 'yon lasing siya pero... inimbitahan niya rin ako sa inyo. Nakakahiya pero ang sabi naman niya'y nangungumusta raw si Sir Crisanto."

"Y-You should come to our house... to... I mean... if you'd like. If you want you can visit."

He smiled again and nodded.

Kinabahan ako roon, ah. Natahimik kaming bigla. Nag-isip ako na baka nga iyon ang gusto niyang pag-usapan. Kung sa bagay ay kailangan din talaga naming makausap ang mga magulang ng isa't-isa.

"Did you invite your college friends and classmates on your grand opening?"

Nagulat ako dahil walang koneksyon sa nakaraan ang sumunod niyang tanong. Tumango pa rin naman ako.

"That's good. Buti hindi sila nanghingi ng after party sa'yo?"

Still not the questions I thought he'd ask.

"Uh, taga Dumaguete kasi iyong pumunta kaya umuwi pa sila. Ang ibang kaklase ko, taga Cebu kaya hindi na pumunta."

"None of them stayed just for your grand opening?"

Umiling ako. "Umuwi lang sila ng Dumaguete."

Natahimik kami nang nilapag na ang mga order. Confused at his train of questions, I looked at Alonzo.

"Ilan ba silang pumunta rito?"

Why is this about my Silliman classmates?

"Hmm." I counted. "Trent, Charmaine, Blanca, Quentin, and John. Lima."

"Marami pala..." he chuckled.

"Larissa, another classmate is in Cebu. Pupunta rin sana siya kaso busy."

"Wala kang manliligaw sa nabanggit mo?"

Natigilan ako. My head is screaming something else. This isn't about the past anymore!

Umiling ako. "W-Wala naman. Classmates ko lang. Hindi naman... close talaga. Sakto lang."

Uminom siya ng tubig at nakatingin na sa pagkain. I was about to tell him that we should eat now but he continued.

"Si Levi ba... nanliligaw?"

Napakurap-kurap na ako. Hindi na talaga ito tungkol sa nakaraan!

But then isn't his girlfriend... Ella? O hindi ba nanliligaw siya kay Ella? Alam kong hindi ugali iyon ni Alonzo pero hindi ko na rin naman siya kilala ngayon. Years have passed and things have changed. Who am I to say that everything about him stayed the same. Hindi ba siya na mismo ang nagsabi na marami na nga ang nagbago?

"Hindi naman."

Sumeryoso siya at hindi na makatingin sa akin. Hinawakan niya ang mga kubyertos. Slowly, I tried to regain my composure and finally the guts to tell him that we should eat our dinner now.

"Malungkot ka, dahil diyan?" he chuckled a bit and picked up his spoon and fork.

Kinuha ko na rin ang kutsara at tinidor ko.

"Hindi rin naman."

"I'm sorry. You must be hungry. Kumain na tayo?" yaya niya.

"Okay."

I think this is my first time to eat with Alonzo? I'm not sure but it feels like it. Bawat subo ko nararamdaman ko na naninibago ako. Hindi rin ako makatingin sa kanya habang kumakain siya. The deafening silence is making it all worse.

"It's good that you communicate, even when he's not around here anymore."

I agreed. "Madalas din kasi kaming makapagkita. Madalas kasi siya sa Cebu."

Kumunot ang noo niya at tumango siya.

"At sa Singapore? Narinig ko ang kuwento ni Chayo noong nakaraan."

"Oo. Nakapgkita rin kami sa ibang bansa."

His eyebrows are now very furrowed as he looked at his food. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"Gusto mo si Levi?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx