Kabanata 26
Kabanata 26
Order
Nagmamadali akong pumasok sa bahay pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak sa loob ng sasakyan. I even had to retouch just so my parents won't realize what's up.
"Ayos ka lang, hija?" si Mommy pagkatapos kong humalik at magmano.
"Pagod lang, Mommy," I said with my rehearsed answer.
Ilang beses na akong nasugod sa ospital dito na hindi naman nalalaman ni Mommy at Daddy. Siguro dahil alam ni Ate Soling na ayaw ko nang mag-alala sila. But sometimes, the news will reach them the next day and they will overreact. This time, I don't want to tell them anything since my tears are all ready to fall.
"Magpapahinga lang po ako."
"Sancha? Naku, you should rest. Katatapos mo lang sa busy weeks mo sa Cebu at inakala kong uuwi ka para makapagrelax na riyan sa bagong business mo..." nagpatuloy si Mommy.
"I just need a little rest, Mom."
I cried the whole time while I was on my room. I have no other excuse but my "not-feeling-well" alibi. Ayaw kong lumabas at mapagkita dahil nasisiguro kong tatanungin ako kung bakit namumugto ang mga mata ko.
Hindi na ako pumunta sa cafe at dumiretso na ako rito. Naiintindihan naman ni Ate Soling iyon. At nang tumawag ako na baka hindi na muna ako papasok bukas, muli niyang naintindihan 'yon.
"Naku, Sancha? Sigurado ka bang okay ka lang? Ba't ka pinalabas ng ospital kung hindi pa pala maganda ang pakiramdam mo?"
"Umayos na naman ako, Ate. I'm just making sure that I'm completely fine the next days so I'll take this time to rest."
"O sige. Ako na ang bahala rito kaya huwag mo nang alalahanin, okay?"
"Thank you, Ate. Sorry ulit."
"Ayos lang 'yan. Kagagaling mo lang ng Cebu. Dapat nga matagal pa bago ka mag-ayos dito para makapag bakasyon ka naman."
My excuse seems working for Ate Soling and my parents.
Hindi tumigil ang luha ko. Pakiramdam ko kasi, sa totoo lang, ako nga lang talaga ang hindi pa nakaka move on. My parents barely remember what happened years ago, my siblings are now more busy with their families and would choose to forget what happened, the Salvaterras are now happy and content. I am honestly glad for everyone. Pero bakit parang ang bigat pa rin sa pakiramdam ko? Bakit parang ako lang ang nanatiling nakatira sa nakaraan?
No matter how much I try to convince myself that I should move on and forget about it, I still couldn't. Maybe seeing Alonzo successful and happy right now would help. That's a step. My guilt will be lessened because although I ruined his life, he still made it... successfully.
Siguro rin tama si Ella. Maybe the reason why I haven't moved on was because unconsciously I want everything to stay the same. Because my feelings... for Alonzo... stayed the same.
"Miss Sancha, si Madame po nagtatanong kung hindi ka ba bababa para sa tanghalian n'yo?"
"Pasensiya na, Manang. C-Can you please just send me my food here? I'm still not feeling well. Pakisabi po kay Mommy."
"Si Sancha ba 'yan? Gising na ba?" I heard Mommy's voice.
Umakyat siya rito! I've got no choice but to open my door widely. I'm still in my pajamas and, although I'm not crying anymore, my eyes are still bloodshot from all the crying.
"Mommy, good afternoon. Pasensiya na. Hindi na muna ako pumasok para makapagpahinga."
"Kung hindi sinabi ng Kuya Manolo mo ngayon na sinugod ka sa ospital kahapon, hindi ko pa nalaman! Care to explain, Sancha?"
"K-Kuya Manolo?"
"Yes, he's here with Camila and Manuella. Nasa baba. Kaninang umaga pa. Hindi na kita inistorbo kasi tulog ka pa raw."
"Ah. I'm sorry, Mom. Nagkaroon lang ako ng mild na attack kahapon sa pag taste test ko."
"That's why you're not feeling well right now? My goodness! Dapat nagpa admit ka kung ganoon!"
Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang desisyon kong gawing excuse iyon.
"Hindi naman, Mom. Maayos na ako ngayon. I just need to take a bath."
"Are you sure?" she reached for my forehead worriedly. "Tapos ka na ba sa annual check up?"
Oh great God!
"Hindi pa, Mom."
"Hay naku! Huwag mo sabihing kakaligtaan mo 'yan ngayon dahil sa pag bubukas ng branch mo rito! Sancha, health is wealth! Paano mo mapapangalagaan ang business mo kung hindi mo aalagaan ang katawan mo?"
"Mom, calm down, okay? Magpapacheck up ako. I'll schedule it soon. Ako na po ang bahala do'n."
"If you are so busy, we can call the doctor and pay you a visit here? Ganoon yata ang ginawa nila Manolo sa annual check up nila."
Namilog ang mga mata ko. Although I know it's impossible that Alonzo will be the attending physician if that happens, I don't want to take my chances.
"Huwag na, Mommy! I promise I'll have my annual check up. Ako na po ang bahala, okay? I'll just take a bath now and eat my lunch after. Baba na po ako. Huwag ka na masyadong mag-alala." I said in a very panicky tone.
Hindi ko alam paano ko natakasan ang pag-aalala ni Mommy. All I know is that my plan to rest in my room this whole day is ruined. Siguro ayos na rin iyon. Nothing will change if I stay in my room and cry the whole day.
Wala akong mapagsabihan sa lahat ng nararamdaman ko. I don't have friends and it's okay with me. I can't call Margaux because I don't think I'm comfortable to trust her. I can't call my Silliman-friends because they don't really know anything about my past. Ang tanging nakakausap ko ay ang aking teddy bear. I wonder then if I have given those stuffed toys too much negative energy in the past years that they'd move and haunt one day.
I can't believe I'm thinking about that.
Suminghap ako at pinagpatuloy na ang pag-aayos. Pagkatapos ng ilang sandali, bumaba na ako para sa tanghalian.
Naroon nga si Kuya Manolo at Camila kasama si Manuella. Abala si Mommy at Daddy sa kanilang apo samantalang ang madalas kong sulyap kay Kuya at Camila ay medyo nakakakaba. Hindi ko nga lang sigurado kung may ibang dahilan ba iyon o talagang malikot lang ang isipan ko ngayon.
I ate silently while my parents were too joyful for Manuella's presence. They spoiled her so much.
"Hindi mo pala sinabi na isinugod ka sa ospital kahapon," si Kuya.
Akala ko matatapos na ako sa tanghalian na walang kahit anong tanong tungkol diyan.
"Ah. I don't want Mommy and Daddy to worry. Mild attack lang naman iyon. Nakapagdrive pa ako papuntang ospital at hindi naman... nahumatay."
"You know, Alonzo is now on that hospital."
Kitang-kita ko ang sipat ni Camila kay Kuya. Kuya glanced at her and continued. I paused a bit and continued eating, too.
"Hindi ko alam kung consultant ba siya roon for good o ano pero... naroon siya."
Sumulyap ako kay Mommy at Daddy na ngayon ay medyo napansin ang sinabi ni Kuya.
"Yeah, he's now a doctor," si Daddy. "Hindi ko gustong sabihin 'to pero parang mas nakabuti pa na hindi niya nakuha iyong offer ba 'yon? Noon? Dahil ngayon, mas malayo ang narating niya."
I stopped eating. Hindi ako makapaniwala na pinag-uusapan namin ito pagkatapos ng ilang taon. Nanatili ang mga mata ko sa pinggan ko.
"Let's just forget about that part, shall we? Manolo..." si Mommy.
"It would be nice if we could at least apologize to their family for what happened..." hindi ko na napigilan.
"Sancha..." Camila called gently.
"Everyone had a fair share of fault and it's all in the past now. We're happy for them and they are now happy. That's all that matters now," si Daddy.
"Pero sa lahat sila po ang pinaka naapektuhan," agap ko sabay angat ng tingin.
Pumikit ng mariin si Mommy at umiling. "Hija, that's enough. Lahat may kasalanan sa nangyari. Let's just move on. Clearly, the Salvaterra's have moved on from it. He has stained his name in the past but your name was stained, too, because of it."
"It was all my fault."
"Not entirely! Huwag mong akuin ang buong kasalanan dahil menor de edad ka pa lang noon. We all make stupid mistakes when we're young- oh!" Mommy laughed a bit and covered her mouth.
Manuella was listening to her intently with innocent eyes. Suminghap ako at natantong hindi magandang naririnig ng pamangkin ko ang usaping ito.
"Now, let's just all move on with our lives. Let's enjoy a peaceful lunch. Can we?" sabay tingin ni Mommy sa akin.
Hindi na ulit ako nakakain. Nanatili na lang ako sa lamesa, tahimik, habang nagbibigay naman ng bagong pag-uusapan si Kuya Manolo. Camila looked at me with concerned eyes the whole time. Pinilit ko na lang ang sarili kong sabayan ang usapan sa normal na paraan.
Pagkatapos ng tanghalian, nakipaglaro si Mommy at Daddy kay Manuella sa sala. Kuya was with them, slightly asking Daddy some business-related questions. Si Camila naman, inalalayan ang anak habang tuwang-tuwa si Mommy sa ginagawang pagbabasa ng story books.
I remained on the terrace, silently watching our fields. Gusto kong umakyat na pero nasisiguro akong iisipin ni Kuya na masama pa nga ang pakiramdam ko.
"Malapit na ang opening, ah?" si Camila na bigla na lang nagsalita.
Naupo siya sa tabi ko. Binaba ko ang iniinom na tsaa at bahagyang tumuwid sa pagkakaupo. I smiled and nodded, without looking at her.
"Handa na ba ang lahat?"
She threw in questions about my cafe. Sinagot ko lang siya ng diretsahan at hindi na masyadong nag-elaborate pa. In the end, she sighed and I realized where this is going.
"Nagkita ba kayo ni Lonzo kahapon sa ospital?"
Napasulyap ako at ngumiti. "Ah. Oo. Nasa ER siya nang dumating ako."
"You know, Sancha. You don't say anything to me or your family but I think you've been very guilty. Sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari noon. Ikaw lang."
I swallowed hard. There's a reason why I don't share too much and I'd like to keep it that way. Hindi ako magaling pumili ng tao at kaibigan. Ayaw ko nang magtiwala kahit kanino. Kahit kanino.
"Though, I think your parents were very... one sided back then but they're right. You all had fair share of faults. Hindi lang ikaw ang may kasalanan. Hindi ikaw ang puno't-dulo. You're just guilty because... you think you didn't suffer enough. Unlike Alonzo. I think if anyone should suffer, it should be Steffi."
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Magkaibigan kami ni Steffi at alam ko ang tungkol sa kanila ni Alonzo noon. He was part of our group until she confessed her feelings for him. That time some of us, his closest friends, already knew that... Alonzo was crushing on you. So when she confessed and asked about Alonzo's crush, he answered you. Hindi iyon matanggap ni Steffi. It caused an unnecessary drift between our friends. Lalo na dahil hindi lang pala si Steffi ang may gusto kay Alonzo noon."
I sighed. I can't believe I'm hearing this from her for the very first time after years. Siguro dahil kanina lang nabuksan ang nakaraan. Siguro rin sa ilang beses naming pag-uusap ni Camila, lagi na lang akong malamig. Hindi siya kailanman nagkaroon ng pagkakataong sabihin ito. I'm not sure now, though, if I needed to hear this.
"I thought it's all just a childish game. Hindi ko na masyadong inisip lalo na't sa Silliman naman ako nag kolehiyo. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari rito. Hindi ko rin alam na ilang taon na ang lumipas, matindi pa rin ang galit ni Steffi kay Alonzo."
She sighed when she realized I'm not going to say anything.
"I'm not saying this to defend Steffi. She was my friend and she deserves the worst for doing that to Alonzo... and you. I'm saying this because I don't want you to be guilty anymore. You don't deserve the pain you've been carrying, Sancha. You're now a self-made businesswoman. You've grown beautifully and it hurts me to still see pain in your eyes. And I know what's hurting you."
Ngumiti lang ako at hindi na dumugtong ng kahit ano.
"Merienda raw," si Kuya.
Camila turned and slightly gave him angry eyes. Tumayo ako at kinuha na lang ang tasa ng tsaa.
"Ibabalik ko lang sa kusina," sabi ko.
Then, I excused myself.
Hapon na sila umuwi. Sa gabi'y muli kong pinahatid na lang ang hapunan dahil abala na sa mga accounts ng Cebu branch ko. Pero bukod doon, may isa pa akong pinagkakaabalahan.
"Sancha... Uh, hindi ko alam kung ayos lang ba na sabihin ko 'to..."
Nakaloud speaker si Ate Soling habang nagtitipa ako sa laptop para sa mga accounts ng Cebu branch. Tumigil ako at kinabahan na baka may problema sa cafe.
"Ano pong problema? Dumating po ba 'yong supply?"
"Ah..." Ate Soling laughed a bit. "Hindi sa supply ang problema... pero kasi... nalaman ko kanina na nag... ano..."
"Ano po?" hindi pa ako makapagtipa dahil sa kaba kung may problema ba. I can't afford to have any problems now that the opening is nearing.
"Na... nagkita pala kayo ni Alonzo sa ospital kahapon?"
Pumikit ako at napahilot sa nosebridge habang sumasagot. "Oo. Bakit, Ate?"
"Ah... Nasabi lang ni Almira kanina."
"Si Almira?"
"Oo. Bumisita kasi sila rito. May in-order kasi siyang brownies. P-in-ick up niya. Kasama niya si Alonzo."
My heartbeat raced and I can't believe that I'm feeling this.
"Pumunta sila rito kanina. Kaya... nalaman ko. Iyon lang naman. Nagpaparinig pa nga si Almira na baka raw mag birthday siya at dito siya o-order ng cake. Hahanap pa raw siya ng design. Close daw kayo kaya magrerequest siya na ikaw ang mag bake."
"Ah. Sige po, Ate. Hintayin ko na lang po ang order niya. Ako po ang gagawa."
"Ah. Oo. Hehe..." she stalled a bit.
"Iyon lang po ba? Kumusta po ang pagpipinta?"
"Ah. Ayos naman. Hehe. Pasok ka na ba bukas?"
"Oo, Ate."
Pagkatapos ng tawag, pinilit kong magpatuloy sa ginagawa pero sa huli, hindi ko nagawa. I found myself staring nowhere as both my hands cupped my forehead, looking all problematic.
I want to talk to him. I want to apologize to him and... his family.
Pero alam ko rin na hindi na dapat ako nakekealam. Tama si Ella, hindi na nga dapat ako lumalapit pa. I ruined their life, it's understandable if Alonzo wants to avoid me with a fear that I might ruin his life again.
Tears rolled down my cheeks when I realized that I can't even say my apologies and regrets because... I shouldn't. They'd avoid me and I should avoid them.
Siguro rin masyado akong makasarili. Na gusto ko lang naman talagang humingi ng tawad at kausapin sila para maibsan ang guilt na nararamdaman. Ni hindi ko iniisip kung gusto nga ba nilang marinig ang mga sasabihin ko. Ni hindi ko naiiisip na maaaring pinapalala ko lang ang lahat kapag muli kong binuksan ang sugat na 'to.
It remained on my mind the next day. Nasa loob na ako ng cafe at madalas pang matulala dahil sa mga naiisip kahapon. Maaga na nga ako ngayon dahil hindi ko na kayang mag-isa sa kuwarto ko at lagi na lang natutulala, tapos ngayon, nandito naman ako at ganoon pa rin.
"I'd like to pick up my order," a familiar voice interrupted my train of thought.
Halatang-halata siguro ang gulat sa itsura ko. Kausap niya ang katabi kong si Ate Soling. Alonzo was already inside my cafe. Nakatayo na hindi kalayuan sa akin at tanging counter lang ang nasa gitna namin.
Tumuwid ako sa pagkakatayo. Nagkatinginan kami ni Ate Soling.
Ni hindi ko alam na may order siya! At na... ngayon niya kukunin iyon!
"Uh, sandali lang, Alonzo. Kukunin-"
"A-Ate," agap ko dahil nagpapanic na. "Ako na ang kukuha."
Hindi ako nag-alinlangang dumiretso sa loob ng kitchen. I don't even know what were his order. I had to look at the board. Nanginginig ang kamay kong tiningnan ang post it. Kinuha ko ang tatlong box ng brownies.
Lumabas ako at nilapag sa tabi ni Ate Soling ang tatlong patong ng box. Pinanatili ko ang mga mata ko sa kahera. My heart slowly pounding harder.
"Paorder din po ng kape," dagdag ni Alonzo.
"Ako na ang gagawa, Sancha," si Ate Soling na agad iniwan ang kahera para sa coffeemaker.
Sinulyapan ko si Ate at nahuli kong tumingin din siya sa akin habang nagsasalin doon. I cleared my throat and put Alonzo's order on the system without looking at him.
Kumunot ang noo ko nang mali ang napindot. I corrected it slowly to have more excuse not to look at him.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked.
Narinig ko ang bahagyang pagkakamali rin ni Ate Soling sa coffeemaker. Nilingon ko siya bago ako sumagot kay Alonzo.
"Ayos naman," sagot ko at pinindot na ang kahera para magprint na ng resibo.
Lumayo ako roon nang nakabalik na si Ate Soling. Unti-unti naman akong tahimik na naglakad pabalik sa kitchen habang nagbabayad si Alonzo. Hindi na ako lumabas doon hanggang sa narinig kong nagpaalam si Ate Soling pagkatapos ay pinasok niya ako sa kitchen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top