Kabanata 22
Kabanata 22
Breathe
"I-I think I-I'm in love with-"
"Sancha!" sigaw niya, nilulunod ang mga salita ko at tuluyan na akong nakaharap.
Sobrang init ng pisngi ko at nagbabadya na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Mahaba ang plano kong sasabihin pero pakiramdam ko maduduwag akong sabihin ang katagang iyon kung pinatagal ko pa!
Matapang akong nag-angat ng tingin sa kanya, hindi maipagkakaila ang takot sa biglaan niyang sigaw. Bakit niya ako pinigilang sabihin 'to? Mali ba ako sa akala kong may nararamdaman siya sa akin at... gusto niya akong isalba sa kahihiyang nagbabadya?
I never thought of that. As I think about what I'm going to do right now, his feelings for me isn't a question anymore. I already know how he feels for me like how everyone in Altagracia knows it! Nagkamali ba ako?
Well, then it's too late, isn't it? Nasabi ko na. At ano nga ba ngayon kung hindi niya nga ako gusto? That doesn't make my feelings for him false.
Yumuko siya at pumikit ng mariin bago muling nag-angat sa akin. His eyes were gentle and almost sheen and moist eyes.
"I'm sorry for shouting. I didn't mean that."
Suminghap ako. Hindi ko namalayan na kanina pa ako hindi humihinga. He smiled slowly.
"Bago mo sabihin 'yan, gusto ko ako ang mauuna."
Napakurap-kurap ako. His lips parted as if I ambushed him and he's unprepared for a speech! I licked my lower lip as I watch him struggle for words.
"This isn't the right time yet but..." he smiled again. "I'll tell you."
He exhaled slowly and licked his lower lip. Mas lalong lumambot ang mga mata niya.
"Pasensiya na sa maraming beses na tinutukso ka sa akin. O tinutukso ako sa'yo," he said slowly.
Kinagat ko ang labi ko.
"Kasalanan ko ang lahat ng 'yon. Tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit wala akong girlfriend o sino ba ang gusto ko, pangalan mo ang sinasagot ko."
My heart skipped a beat.
"It isn't an excuse. Noong una, sinabi ko lang 'yon sa mga taong mapagkakatiwalaan ko pero hindi ko alam paano kumalat. Siguro sa paminsan-minsang tukso. At nang may nagtanong na sa akin kung totoo ba na gusto nga kita, ayaw kong tanggihan. I know you don't have feelings for me but I didn't want it to reach you that I denied what's true."
"I-I have-"
"Ako muna, Sancha. Please?" malambing niyang sinabi.
If my heart isn't exploding yet a while ago, then right now, it is.
"It's true. I've got a crush on you for years. I like you so much." Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko maitanggi dahil ayaw kong umabot sa'yo at maisip mong masyado akong presko. I want you to like me and I can't deny it."
I want him to know my feelings but this is more than whatever I asked for in return of my confession. Ni hindi pa ako nakakapagsalita!
"Nang nakilala kita... sa nakaraang taon, at ngayon, mas lalo lang akong nahuhulog."
"Nahuhulog?" I echoed his words.
He smiled and nodded.
"Yes, Sancha. I want to tell you this but I know it isn't the right time yet. kahit pa mukhang aalis nga ako. I hoped you'd be patient enough to wait for me while I'm gone. I promise I'd communicate with you."
Nangilid ang luha ko sa saya. This is really more than what I asked for.
Tama nga si Steffi. Her words are very true! All of it!
Naalala ko ang isa sa pinaka importante niyang ibinilin sa akin. Alonzo is years older than me so it must be natural for him to be mature when it comes to relationship. I want him to know that I am no longer a kid and I'm ready to be a girlfriend, as long as it is with him.
Matapang akong humakbang palapit sa kanya. He continued talking, though.
"Mahal kita, Sancha. Matagal na," he said softly.
I smiled. Kung ano mang takot ang naramdaman ko kanina, wala na iyon ngayon. Braver because of his own confession, I tiptoed my way to his face. Because I still couldn't seem to gain access on his lips, I pulled his shirt.
Muntikan na akong mawalan ng balanse dahilan ng paghawak niya sa aking baywang. Hindi ako tuluyang nadapa dahil sa ginawa niya at naabot ko rin ang kanyang labi.
My heart pounded as I prolonged the kiss. According to Steffi, that's how we should kiss. Alonzo's hand held me firmly as he received my kiss. His lips felt so soft and feathery. I feel like melting in his arms.
Pikit ang mga mata ko pero nang unti-unti akong ibaba ni Alonzo, dumilat ako at tiningnan siya. He's watching me for a while but then his eyes darted somewhere else. Kumunot ang noo niya at binitiwan ako.
"Steffi?" he said and moved.
Lumabas siya sa shed kaya ganoon din ang ginawa ko. Steffi? Hindi ba umalis na siya?
"Steffi!" sigaw ni Alonzo at nakita namin ang unti-unting pagtakbo sana ni Steffi.
Wala nga lang siyang matakbuhan dahil walang sasakyan na nakaparada sa malapit. Uminit ang pisngi ko at natantong narinig ni Steffi ang lahat. But then... it's okay, right? She can be trusted?
Ngumisi si Steffi at ang dalang cellphone ay itinago sa likod.
"Hi, Lonzo! Sancha!"
"Anong ginagawa mo rito? At ano ang kinuhanan mo sa cellphone mo?"
Napabaling ako kay Alonzo. Kitang-kita ko ang galit sa itsura niya, isang bagay na hindi ko pa yata nakita kahit kailan.
Napawi ang ngiti ni Steffi. Nilingon niya ang highway na ngayo'y may palapit nang sasakyan nila. Kinabahan ako bigla. Kakaibang klaseng kaba. Unti-unting umahon sa akin ang banta ni Ella at ang pumalit na ngisi ni Steffi ngayon.
"Bakit? Ide-delete mo, Lonzo? Nasend ko na sa mga kaibigan ko kaya kahit idelete mo ngayon dito, kalat na."
"K-Kalat ang?" singit ko, nalilito na.
Alonzo's eyes narrowed. The obvious brewing anger is really there and I can't believe it. I stepped toward Steffi and Alonzo pulled me back near him.
"Dito ka lang, Sancha!"
"Ohh..." sabay tingin ni Steffi sa kamay ni Alonzo na hawak ang kamay ko.
Mabilis na binitiwan iyon ni Alonzo.
"Ano kayang mangyayari, Alonzo, kung kumalat pa lalo ang halikan at ang mga sinabi mo sa menor de edad na si Sancha Alcazar? Huh? And in this dirty place where students come to make out and do more."
I paused as I began to realize what this is all about. Iginala ni Steffi ang mga mata sa paligid.
"Sikat 'to sa mga highschool malapit dito, ah. Dito gumagawa ng milagro at naglalampungan ang mag bo-boyfriend. Ew, Lonzo?"
"Huh?!" I said. Sumulyap lang si Steffi sakin.
"Good bye latin honors? Iyon lang kaya? O pati ba... pamamaalam din sa offer mo sa ibang bansa-"
"Anong gusto mong gawin ko?" marahang tanong ni Alonzo.
"A-Ano 'to, Steffi?"
"Thanks, Sancha! You're a good sport." She winked at me.
"Anong gusto mong gawin ko?!" Alonzo's baritone thundered.
My heart hurt at so much pounding and I realized what I've done wrong.
Sinabi niya nga namang hindi pa tamang panahon! He's years younger and I'm still seventeen! Kinuhanan kami ni Steffi? Ng video? Ng alin? Ng kiss? At ano pa? Not that it mattered what but the kiss itself... I'm sure!
Alonzo!
And it wasn't his fault! He's... innocent! I initiated! And... Steffi made me do it! But I initiated!
"Sabi ko sa'yo, e. Masama 'yang batang 'yan para sa'yo, Lonzo. Hindi ka nakikinig. You're corrupting a minor, and that's creepy. For someone with your intelligence and potential, your relationship with Sancha is just suicide."
Mabilis na dumiretso si Steffi sa loob ng sasakyan, nakangisi sa akin.
"Salamat sa tulong, Sancha! Naisakatuparan mo ang plano natin.Kung hindi dahil sa'yo, wala akong ebidensiya sa nakakadiring si Alonzo Salvaterra! Thirsting on a girl your age, how dirty. You're a minor and this is against the law. If this reaches the school, and your parents, I doubt he'd even be given ta diploma."
Our SUV immediately parked in front of the shed. Bumaba ang salamin at nakangiting dumungaw si Ate Soling.
"Uy, nandito si Alonzo! Nakita naming bumalik na ang sasakyan ni Steffi kaya-"
Natigil si Ate Soling nang pumihit ang sasakyan nina Steffi at humarurot palayo. Kinabahan ako bigla at sa takot sa nangyayari at naisip, agad akong pumasok sa sasakyan.
"Ate Soling, pakisundan po ang sasakyan nina Steffi!" I ordered.
"H-Huh? Bakit? May problema-"
"Please, pakisundan po! Nawawala na! Please!" I cried.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, pagkabukas ko ng bintana para humingi ng tawad kay Alonzo, nakalayo na kami. It doesn't matter, though. What I need right now is to go and talk to Steffi. Whatever is her evil plan, I want her to stop it.
For sure I can convince her.
"Sancha, saan 'to patungo? Ang paalam mo ay sa Canlaon lang..." si Ate Soling. "Anong problema?"
"Please!" sabi ko habang tinitingnang mabuti ang pagharurot ng naunang sasakyan.
Sa tingin ko alam ko kung saan ito patungo. Daanan ito patungo kina Soren at siguro pupunta siya roon.
"K-Kina Osorio 'to. Sancha, bawal ka-"
"Ate! May kailangan akong gawin, okay? Ako na ang bahala kay Kuya Manolo! Sige na po! Please, Manong! Ako ang sasalo sa galit ni Kuya, please!" pagsusumamo ko.
Nang nakita nila ang pag-iyak ko, pinaharurot na rin ng driver namin ang sasakyan. Nakapasok kami kina Soren at nakaparada na roon ang sasakyan nina Steffi. Nakita kong pumasok siya sa main entrance na puno ng mga estudyante at kakilala.
"Dito lang ako!" utos ko at nagmamadali nang pumasok.
"Sancha, hindi kami paparada dahil bawal ka rito. Iikot na lang kami!" si Ate Soling na hindi ko na sinagot.
"Uy, si Sancha? Invited ka pala?" sinabi ng iilang kaklase.
Dire-diretso ang pasok ko. Huli na nang napansin ng lahat ang itsura ko. Ang katutuyong luha at namumulang mata, ang nag-aalalang mukha.
Maingay sa buong bahay. Animo'y bar sa isang siyudad iyon. Nang sinundo namin ni Kuya Manolo si Ate Peppa sa kanyang bachelorette party, sa labas pa lang ng kumpulang bar, ganito na ka ingay. May mga inumin. May inabot sa akin na inignora ko.
"Si Steffi?" sabi ko sa mga nakasalubong.
"Uy, si Sancha-"
"Si Steffi?!" I commanded.
Itinuro nila ang papasok pa sa kabahayan. Nakasalubong ko si Ella at Margaux. I would want to talk to them but certainly... definitely not right now. I ignored them and asked a classmate near them.
"Si Steffi?"
"Ah, yes, your new best friend. Dito pa talaga malapit sa amin tinanong para marinig namin-" it was Margaux and I am losing my patience because of the predicament.
"Please, Margaux! Awat na! Kailangan kong mahanap si Steffi dahil may kailangan ako sa kanya, okay?!" sigaw ko.
Sa gulat ni Margaux, napatingin tingin siya sa paligid. Nakita niya ang mabilis na tsismisan ng mga kakilala at binalewala ko iyon. I need to find her.
Near the older batches, I think I saw her on the sofa. Mabilis akong lumapit at may hagikhikan agad akong narinig galing sa mga estudyante.
"Shh..." someone said.
"Steffi!" tawag ko at nakita siya.
May hawak siyang inumin na nasa isang cocktail glass. Ganoon din ang iba at ang mga lalaki'y may beer. Some servers were giving out cocktails and drinks. I was once again given but I said no.
"Steffi, please, hindi ko alam ang nangyayari pero-"
She smiled and went to me. "You remember my story about a friend who broke up with me... even after all the favors, Sancha?"
"Steffi-"
"Si Alonzo 'yon." She smiled. "Pagkatapos ng maraming tulong ko sa kanya, sa group namin, sa eskuwela, at kahit sa personal na buhay. My father recommended his mother on your azucarera and in the end, he ends our friendship."
"Steffi, maawa ka kay Alonzo. Please, idelete mo ang video. Wala siyang kasalanan, please.
She chuckled and got one cocktail from one of the servers. Dalawa na ang nasa kamay niya ngayon.
"Hmm. I thought you'd understand because we have the same problem?" tinagilid niya ang ulo niya.
"Steffi, please. Please, I beg you-"
"Sige, pag-iisipan ko, Sancha. Inumin mo muna 'tong cocktail."
Napatingin ako sa baso. Hindi ako umiinom at kung sa ibang pagkakataonm tumanggi na ako. Pero kahit ano na para lang matigil ito, gagawin ko.
"You'd delete it if I did?"
"Pag-iisipan ko, Sancha. Kung ayaw mo, e 'di huwag?" aniya.
Kinuha ko ang cocktail drink at walang pag-aalinlangang ininom iyon. I stopped halfway when I noticed something.
"T-Tapos na-"
"Ubusin mo muna!" she smirked.
"Steffi, oh... nandito pala si Sancha?" narinig ko sa likod ko si Camila.
Nang naubos ko ang martini, sa dulo ng pag inom ko nakita ko ang maliliit na mani. Alam kong bawal iyon sa akin pero dahil wala na akong pakealam, nilapag ko ang inumin at hinarap na si Steffi.
"Steffi, tapos na. idelete mo na ang video, please?"
"Video?" someone heard what I said. Nasa likod ni Steffi, isang lalaking ka-batch niya rin yata. "Iyon bang video n'yo ni Lonzo sa lugar na 'yon? Gigil na gigil siya sa halikan n'yo, ah? Sa hawak niya sa'yo parang gusto ka niyang hubaran!" sabay tawa ng lalaki.
Hindi ako makapaniwala na totoo ngang ikinalat niya na! Kung ganoon, huli na ba ang lahat? I want to defend Alonzo at what that boy just said but I know I need Steffi's answer!
"Ang sabi ko... pag-iisipan ko pa, Sancha-"
"Steffi, please! Tumupad ka sa usapan! Huwag mo akong paglaruan ng ganito! Hindi biro ito! Hindi biro para kay Alonzo, please-"
"Patay si Lonzo riyan. Good luck sa latin honors niya at sa offer sa ibang bansa. At good luck na rin sa parents niya na nagtatrabaho sa inyo," the boy said.
"Huh? Anong nangyayari, Steffi?" si Camila na mukhang walang alam sa pinag-uusapan namin.
Maybe because I am panicking or... I hyperventilated immediately. Dahil sa dami ng tao roon, natanto kong hindi na ako lalo makakahinga.
"Steffi!" sigaw ko pero naputol nang suminghap na para sa paghinga.
I wanted to continue but I know I'm going to faint there without anyone knowing. I need to somehow breathe!
"Steffi, parang awa mo na-"
Before I could finish my sentence, I decided to go out of the room. Akala ko aayos ako. Tinawag pa ako ni Camila pero dahil hindi pa rin ako makahinga, dire-diretso na ako sa sala.
Nakalapit ako kay Margaux. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero nang iwasan niya ako, dumiretso na ako palabas.
Nakikita ko na ang fountain sa labas at tumakbo ako roon sa pag-aakalang aayos ako. Ni hindi ko nakita ang sasakyang dadaan.
"Sancha!" I heard Alonzo's familiar voice but before I could turn to him, a fast SUV screeched on my side.
It hurt so much, physically... and emotionally. To top it all, I couldn't breathe. Nagdilim ang tingin ko at ang huling nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Alonzo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top