Kabanata 20
Kabanata 20
Feelings
Sa Christmas party ng azucarera, nagkita ulit kami ni Alonzo. Pero dahil naroon ang mga kaibigan niya, hindi ako masyadong nakalapit. I only greeted them politely and went back to my seat.
Naroon si Almira dahil dito yata sa amin nagtatrabaho ang isa sa mga kapatid niya. Kasama siya sa grupo nina Alonzo. Naglakbay tuloy ang isipan ko kung isa rin kaya siya sa nabigyan ng offer sa ibang bansa? I'm not sure if she graduated with honors back in Senior High but I've got a weird hunch.
Ako ang nag-abot sa mga nanalo ng raffle. Iyon ang tulong ko lalo na't abala si Ate Peppa kay Ramon. Kaya naman naroon pa rin ako kahit na gabi na. Last year, maaga akong umalis at malungkot ako. Ngayon, kahit na may suliranin, ayos pa rin naman.
Paminsan-minsan kong tinatanaw si Alonzo. Naalala ko kasi na maaga siyang umuwi noong nakaraang taon at inisip kong ganoon din ngayon pero naroon pa siya kahit noong nag alas otso na.
I couldn't ignore him because when I look their way, I see catch him watching me. Nag-iiwas ng tingin kaya kapag may kausap ako at ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya, muli kong mapapansin ang balik ng tingin niya.
Nagtatawanan at nagsasayawan na ang mga empleyado. May kaunti pang parlor games na natitira dahil marami pang prizes pero mukhang iraraffle na lang din para makapagpatuloy na sa sayawan at inuman.
"Hindi ka pa magpapahinga, Sancha? Umalis na ang Kuya Ramon at Ate Peppa mo..." si Ate Soling.
Umiling ako. "Ayos pa naman ako, Ate."
She didn't even hear my response because she's now busy with her friends. Mga kapitbahay nilang tauhan sa azucarera, naroon din. Hinayaan ko siya. Kung sa bagay ay ito lang ang pagkakataon nilang mag party.
"Tatapusin mo ba ang party?"
Napatalon ako at nagulat na nakalapit na si Alonzo. Napatingin ako sa grupo niya sa malayo. Nagtatawanan sila at nag-iinuman. Medyo maingay dahil mga kaklase at kaibigan niya ang naroon.
"Uh, hindi naman. Mamaya, magpapahinga na ako," sabi ko sabay harap sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
"Ikaw?"
"Uuwi na rin mamaya. Nagkakatuwaan pa si Mama at Papa kaya hinihintay ko. Pero puwede na ring mauna na ako. Dala ko naman ang motor ko."
Nagtilian ang mga kaibigan niya sa kanilang lamesa dahilan kung bakit napatingin kami sa banda roon. Narinig ko ang pagbabanggit nila sa mga wish nila para sa pasko. I'm not sure who I heard but someone said... "Sana matanggap ang application ko!"
"Sana makapasa ako sa board!"
Ngumiti ako habang tinitingnan sila. Napabaling si Alonzo sa akin.
"Hindi ka sasali sa inuman nila?"
"Mamaya, Sancha. Ikaw? May gagawin ka pa ba? Mamimigay ka ng mga... give aways?" sabay baling niya sa lamesang medyo puno pa ng mga regalo.
Umiling ako. "Ipaparaffle na lang yata, e. 'Tsaka... mabigat na ang mga 'yan. Sila na ang bahala."
Tumango siya. "Tutulungan nga sana kita dahil nakita kong... malalaki na ang natitira."
I chuckled. "Hindi na. Sila na ang bahala riyan."
"Napagod ka ba?"
"Hindi naman. 'Tsaka masaya ako sa mga nagawa ko ngayon kumpara last year. Ang aga kong umuwi no'n. Ang aga kong... napagod."
"Ako rin, maagang umuwi no'n."
Nag-ingay ulit ang mga kaibigan ni Alonzo kaya napabaling kami sa kanila. Kinabahan ako at baka bigla kaming punahin dito. Naalala ko ang narinig ni Steffi kay Margaux. I wonder how she noticed that. It's true that I was seen with Alonzo on the library or the kiosk but that's only once each. Agad ba siyang nag conclude na may kung ano agad sa amin ni Alonzo? Sa ilang beses lang na pagkakakita sa amin?
Or maybe there are rumors, too, from Alonzo's friends. Of course not from Alonzo himself... but from moments like this?
I wonder if this is a good thing or not?
"Hindi ba sinabi mong tatlo kayong kukunin noong nakipag coordinate sa school... para sa trabaho abroad?" panimula ko.
"Oo."
Hindi natanggal ang tingin ko sa mga kaibigan niya. "Sila rin ba... mga kaibigan mo... nag-aapply."
"Uh, oo. Sa kanilang narito, si Almira, nag-aapply din."
Ngumuso ako at tumango. Hindi makatingin kay Alonzo ngayon. It's been on my mind ever since I heard him mention about his application. I knew it.
"Must be good if you two got in." I chuckled. "You won't be too bored abroad because you have her..."
Nagtaas siya ng kilay. "Sure, Sancha. It won't hurt to have friends when I'm far from home."
Ngumiti ako nang hindi ipinapakita ang ngipin.
"Kung tatlo kaming tatanggapin, mas okay dahil may dalawa akong kaibigan sa ibang bansa. Hindi nga lang maiibsan ang pangungulila rito sa Altagracia, Sancha."
"But at least... you're not... that alone."
"Tatawag din naman ako kina Mama at Papa, palagi. Kung makukuha ako."
Why is he always unsure when I myself am sure that he's going to land on this job!
"Sigurado akong makukuha ka. Ganoon din siguro si Almira."
Tumango siya sabay baling sa mga kaibigan niya. "Sure, Almira is a brilliant student."
Bumagsak ang mga mata ko sa kamay ko. Saan kaya 'yon? Baka puwedeng bumisita sa summer? O kapag may oras akong free. I've been to Europe, you know. So it might not be hard if he'll work there or even in the US. Suddenly, I felt relieved that we're rich... for the first time.
"Matagal na kayong magkaibigan?" I tried to sound happy, and I did.
His weight shifted. "Oo. Matagal na."
Nag-iwas ulit ako ng tingin bago tumango. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan niyang pare-parehong masiyahin. Siguro nga tama si Soren... boring nga ako. I can't even be that jolly and be that energetic. I'm just standing here in silence... with only a few actions.
"Pero magkaibigan lang kami, Sancha. Gaya ng mga kaibigan ko lang din ang mga kasama ko riyan."
Napatingin ako kay Alonzo. Tumango ako na para bang hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi 'to.
"Yup. You two are good friends. Lagi ko kayong nakikita na magkasama."
"Group mates kasi kami madalas. Iyon lang naman."
I laughed awkwardly as my face heated. "Buti hindi mo niligawan?"
My lips parted for my own words. Alonzo stared at me for a long time kaya para tabunan ang kahihiyan sa tanong ko, at para makitang normal iyon, nagpatuloy ako.
"Si Soren nga... matagal ko ng kaibigan. Niligawan niya ako kalaunan."
Umiling siya. "Hindi ko naman gusto si Almira sa ganoong paraan, Sancha. Kaya hindi ko siya liligawan."
"W-Well, yeah." I laughed nervously again. "Soren courted me eventually. So..."
"Wala rin akong planong ligawan, kahit pa makasama ko siya sa ibang bansa. Iba ang gusto ko, Sancha."
And nobody knows who it is! Sancha, you stupid girl! Bakit napunta rito ang usapin gayong alam ng buong bayan na ito kung sino ang gusto ni Alonzo!
"Ah. Iyon nga raw." I chuckled very nervously this time.
He chuckled, as well. Yumuko at hinilot ang batok. "I'm sorry. I hope I'm not making you uncomfortable with what I just said."
"H-Hindi naman."
Pumikit siya ng mariin bago nag-angat uli ng tingin sa akin. "Uh... sali na ako sa kanila, Sancha. Para... magawa mo na ang ano pang kailangan mong gawin."
"Sige. Sige..." sabay tango tango ko.
"Uh... Uuwi na ako kapag uuwi ka na."
My eyes widened. Pumikit siya saglit. He licked his lower lip.
"Ang ibig kong sabihin, hindi na rin naman ako magtatagal. I'll text you when we're both home. Hindi mo kailangang magreply, alam kong pagod ka."
"Ah... Hindi pa naman ako pagod. Kaya baka magreply nga ako."
Napalinga-linga ako. Wala na akong gagawin kaya ba't pa nga ba ako nandito?
"Sige, uh... mag enjoy ka muna. Ayos lang. Uuwi na ako. Wala na kasi akong gagawin."
He nodded. "Magpapaalam na rin ako sa mga kaibigan ko kung ganoon."
"Hindi... Huwag na. Uh... Sumali ka muna sa kanila. Uh..." Pumikit ako ng mariin. "Lalapitan ko muna si Kuya Manolo at baka may maitulong pa ako sa kanila roon."
"Okay. Kung ganoon, balik na rin ako sa lamesa namin."
"S-Sige."
Hindi ko alam kung bakit nagtagal sa isipan ko ang usapan naming iyon. Nasa tabi na ako ni Kuya Manolo, namimigay ng papremyo at natutulala pa ako kakaisip sa napaka awkward na pangyayaring iyon.
I've been teased to Alonzo for years and everyone knows that he likes me. Hindi gaya noon na masasabi kong medyo totoo nga iyon, iba na ngayon dahil nakilala ko na siya. Baka naman hindi? Baka naman assuming lang ako? O sabi-sabi lang? O baka rin ayaw ko nang aminin na nararamdaman kong totoo iyon dahil natatakot ako kung sakaling hindi.
But that conversation kind of confirmed it... Or am I too assuming? I smiled thinking about it.
Ibang-iba ang pasko at new year na ito kumpara last year. I was lonely last year and I said it was because my boy best friend isn't okay with me. This year, both Soren and Margaux are not okay with me but I'm not lonely.
How weird.
Maybe because... I found a friend... in Alonzo. And maybe some other concerned people.
Bigla akong nalungkot na hindi man lang ako ganoon ka apektado sa nangyayari sa amin ni Soren at ni Margaux. I feel guilty. What kind of a friend I am if I feel okay even though we're not okay?
May kaunting pagtatampo sa puso ko para kay Margaux. And Soren, I'm sure I'm just doing the right thing to put him in his place and to prove my point - painful but needed.
"Hi, Sancha! You're alone again?" si Steffi at naupo sa tabi ko sa kiosk.
Ngumiti ako. "Oo. Ikaw?"
She smiled. "Alone din. You know... Camila's my only best friend. Nawalan na ng ibang plastik na kaibigan kaya heto."
Tumango ako.
"Ayos lang ba na dito na rin muna ako magstudy? Para ba 'yan sa midterms n'yo?" sabay tingin niya sa nakalatag kong notes.
"Oo. Ikaw? Midterms din?"
"Oo. Kinakabahan nga ako, e. Running for cum laude kasi ako. Kaya kailangan ko ring magsunog ng kilay."
"Wow. Congrats, then, Steffi. In advance."
She laughed. "Hopefully, Sancha. Nga pala... kumusta na kayo nina Soren at Margaux? Umayos ba kayo? Perhaps on Christmas?"
Ngumiti ako. "Hindi pa, e. Pero ayos lang. Maybe they need time."
"Hay naku! Ikaw rin naman! Lalo na't ikaw talaga ang pinakadehado, 'no! Those two should reach out to you. Not you! Sila ang may kasalanan kaya sila dapat ang makipag-usap. Kung ako b-in-ackstab, I don't think I would even think of reconciling, anyway."
I hate to say this but she's kind of right. Iyon ang pagtatampo ko kay Margaux. And to think we've been best of friends for a long time.
"Speaking of them, I saw them hanging out together. Silang dalawa lang. May kung ano ba sa kanila?"
Shocked, I'm speechless. Really?
"Or... hindi ba?"
"H-Hindi ko alam, e. Ang alam ko ayaw ni Margaux kay Soren. Galit siya noong... nagkaayos kami ni Soren."
"Oh! Then... oh my. I'm sorry, Sancha."
Napaisip ako sa sinabi ni Steffi.
"I'm not sure what's up but I saw them a bit touchy with each other. I'm sorry. Do you still like Soren?"
"Uh... no... It's okay. I'm just... surprised."
"Ay oo nga pala. Si Alonzo na nga pala ang gusto mo."
Napaangat ako ng tingin kay Steffi. She winked at me.
"Don't worry, wala akong sinabihan. Kahit nga si Camila, e."
Kinagat ko ang labi ko. I don't know what to say. Should I thank her for that? For keeping this a secret?
"Alam mo, nasisiguro kong makukuha si Alonzo sa trabahong in-aapply-an niya. Summa yata 'yon gagraduate at hindi na malabo na papasa agad iyon sa board! Daming offers sa kanya pero mukhang pinakamalaking offer 'yong ina-apply-an niya."
Tumango ako.
"Wala ka bang planong sabihin sa kanya ang feelings mo?"
"H-Huh?" nagulat ako roon.
She smiled. "You know... we all know how much he likes you. He isn't denying that and when someone asks him, his reply is all the same. Kaya kung may kailangan mang magsabi ng nararamdaman dito, Sancha, ikaw 'yon. Kasi wala siyang alam sa nararamdaman mo. Alam niya lang na si Soren ang crush mo."
"H-Hindi ko alam. Hindi ko yata kakayanin 'yon!" Uminit ang pisngi ko.
I've been crushing on Soren for years but never did I even thought of confessing my feelings to him.
"Aalis siya, Sancha. Mas mabuting klaro n'yong dalawa ang feelings n'yo bago siya umalis. O kahit bago gumraduate. O kahit nga bago mag finals para ma inspire siya lalo. 'Tsaka... sige ka... baka maghanap 'yan ng iba sa ibang bansa kapag hindi ka naging klaro sa nararamdaman mo."
"I don't know. I-I'm not sure."
"This is your first time, right? And you've never had a boyfriend. I've been in a few relationships so you can say that... I know what's best for this," she winked.
"Hindi ko alam kung paano. Kinakabahan ako," iniisip ko pa lang pakiramdam ko mahihimatay na ako.
"I'll teach you how, Sancha. Trust me. I'm an expert on this. At huwag kang mag-alala, hindi ko rin sasabihin kahit kanino."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top