Kabanata 19

Kabanata 19

Inspire


I honestly expected him to call immediately. I mean, when it's night, my phone will just suddenly ring for his call. Hindi ko inasahan na magti-text muna siya.

Alonzo:

Good evening, Sancha! How was your exam.

Ako:

Mabuti naman. Nakasagot dahil nakapagstudy. Ikaw? Kumusta ang application?

Alonzo:

Okay din. May ginagawa ka ba?

Buong semestral break, gabi-gabi tumawag si Alonzo. We talked about random stuff. Umiiksi lang kapag may gagawin siya o may gagawin ako. Mostly, what I do at night is to entertain guests of my parents or Ate Peppa's family. Masaya naman ako at hindi na nagrereklamo dahil natutuwa ako kay Ramon, ang anak nila.

"How was it?" Alonzo asked.

I sighed. "Hindi siya nagreply, e."

Sa ilang araw na pag-aalala niya tungkol sa amin ni Margaux, nagkaroon ako ng bagong desisyon. Hindi na kami nagkikita dahil sa break kaya t-in-ext ko na lang ang lahat ng gusto kong sabihin.

Ako:

Hi Margaux! I don't really expect you to reply to this message but I do hope you will. I just want you to know that I miss you. I can't believe it's been months since I last talked to you. Para sa akin, nagsimula mo akong hindi kausapin nang nalaman o nakita mong willing pa rin akong makipag-ayos kay Soren. Gusto kong makipag-ayos hindi dahil crush ko siya, kundi dahil kaibigan ko siya kahit paano. You think he's being an ass to me so you're mad because I gave him a chance. I want to be at peace with him so I did that. I'm sorry if it hurt you. I hope you'd forgive me.

Ako:

Niligawan ako ni Soren pero narealize ko na hindi ko siya gusto sa ganoong paraan. I made it clear to him, reason why he's cold to me these days. I don't regret any of it because I did my best to keep my friendship with him. And I did my best to stay true to myself. You're right, he's an ass but he's also our friend. I think this is the best thing I can give to him so far. I hope you realize my reasons and I hope you'd talk to me if I missed something in your perspective.

Sa haba ng mga mensahe ko, wala ni isang tuldok na reply si Margaux. I just hope she read it. At kung sana, may pagkakamali man ako sa mga nagawa ko, sabihin niya sa akin.

"Hindi pa rin siya nagrereply, e."

"I'm sorry. Siguro bigyan mo na lang ng panahon."

I sighed. "Wala rin naman akong magagawa kundi bigyan nga siya ng panahon."

It's been six months, but do I really have a choice when Margaux just won't reply.

"Kumusta nga pala ang recommendation ni Mayor?" I asked.

Alam ko kasi na bumisita sila ng pamilya niya kagabi kina Mayor para roon. Maiksi lang ang tawag namin dahil may gagawin sila kagabi.

"Kukunin na lang next week. Dadaanan ko sa hall," he said.

I smiled and hugged my pillow. "Kailan ba malalaman kung tanggap ba?"

"Siguro pagkatapos ng graduation."

"Bakit? Aalis ba kaagad pagkatapos ng graduation n'yo?"

"Hindi ko pa alam, Sancha. Pero siguro... hindi naman. Kasi ipo-process pa ang mga documents."

I chuckled nervously. "Iniisip ko 'yong birthday mo. Baka sa ibang bansa ka mag birthday kung diretso nga ang alis n'yo."

And that's my debut. Mommy wants a grand debut for me, gaya kay Ate Peppa noon, o higit pa. Ngayon pa lang, nagpaplano na at bumibisita na ang mga gagawa ng gown ko, at ang event stylist.

"Hindi ako sigurado, pero sana hindi. I want to spend my birthday here."

I paused. Suminghap ako at tinatagan ang loob.

"Iimbitahin sana kita sa debut ko."

He didn't respond immediately. Kinabahan ako. Ibinagsak ko ang mukha ko sa unan.

"Talaga?"

"Oo."

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. He chuckled after a while.

"Then, I can't wait, Sancha. Sana hindi pa nga umalis kaagad."

I smiled. "Sana nga... P-Pero, kung aalis naman, ayos lang. Mas importante ang trabaho. Kikita ka roon. At opportunity 'yon kaya... ayos lang. Kahit... tawagan mo na lang ako."

"Sisikapin kong pumunta, Sancha. Kung nandito pa ako no'n."

I smiled again. Somehow, his words lifted my spirit up.

Naging maayos ang pagbabalik eskuwela. Alonzo can't call me every night because he has exams and sometimes his duty extends beyond class hours. Pero kapag free naman siya, nagti-text at tumatawag na. Hindi gaya noon na tuwing birthday lang. Sa bandang iyon, wala na akong hihilingin pa.

Kaya lang, nagsisimula ang Disyembre nang narinig ko sa girl's washroom ang pag-uusap Margaux kay Ella. I heard things like this from some of my classmates but I didn't really mind it. Akala ko sabi-sabi lang. Nagulat ako nang kay Margaux ko talaga narinig.

Papasok ako sa washroom nang natigilan dahil sa pinag-uusapan.

"Margaux, naniwala ka naman?" si Ella.

"Totoo naman kasi 'yon! Kunwari pa siyang binasted niya si Soren, ang totoo, inayawan siya ni Soren kasi boring siya. Ayaw pa hawak o pa halik man lang!" si Margaux.

May pakiramdam ako kung sino ang tinutukoy nila pero gusto ko pa ring bigyan ng pagkakataon. I heard that kind of thing from my classmates but I ignored it.

"Basahin mo ang text ni Sancha sa akin, oh. Hindi niya sinabing binasted niya sa Soren pero she implied it."

Hindi ko na napigilan. Pumasok ako sa washroom para sana makausap si Margaux. Kitang-kita ko ang takot at gulat sa itsura ni Ella nang natanaw ako. Ganoon din naman si Margaux pero imbes na manatiling takot, nagpatuloy siya sa pagsusuklay sa buhok niya at hindi na nagsalita.

"Margaux, can we talk?" I said.

"Margaux, mag-usap kayo ni Sancha," si Ella.

"Wala tayong dapat na pag-uspan, Sancha," she said and collected her things. "Let's go, Ella."

"Anong wala? If you are back stabbing me like this as I try my best to rebuild our friendship, then are you saying that we'll never be friends again?"

Hindi niya na ako sinagot. Umalis na sila ni Ella. Ella looked at me with sadness in her eyes. She waived.

"Kakausapin ko," she said worriedly.

Sinundan niya si Margaux pero parang alam ko nang wala rin naman siyang magagawa. Pumikit ako ng mariin at lumapit na sa lababo. I sighed and slowly opened my eyes.

Nagpatuloy ako na parang walang nangyari dahil kahit anong gawin ko, natapos na iyon. I took out my toothbrush and my bottled water. Hindi ako makapagsimula dahil naglalakbay ang isipan ko sa nangyari.

Bumukas ang pintuan ng isang cubicle. Lumabas doon si Steffi. She smiled and combed her long brown hair using her fingers. Tumabi ako at bahagyang nahiya dahil nasisiguro kong narinig niya ang confrontation.

"Sorry, I can't deny this. I heard what happened."

Tumango ako at kinuha na ang toothpaste sa hygiene kit ko. Nilapitan ako ni Steffi at tinapik sa balikat.

"Margaux is one mean bitch. Narinig mo ba ng buo ang pinag-usapan nila?"

May pinag-usapan pa sila bukod sa narinig ko?

"Uh... Sabi niya na hindi ko naman binasted si Soren. Umayaw si Soren k-kasi... boring ako," bigo kong sinabi.

Ngumiwi si Steffi at umiling.

Kinabahan ako bigla. Ano ang ibig niyang sabihin.

"Ang dami niya pang sinabi, Sancha. Hindi nga ako makapaniwala, e."

"A-Ano?" napabaling ako kay Steffi.

"I want you to get back with Margaux but like what I said, there are just friends who are not meant to really stay. For me, ah. Kasi ang iba, kaya namang magpatawad. Pero ako? Kapag b-in-ack stab ako, mahihirapan na akong magtiwala."

Mas lalo pa akong kinabahan. Ano ba ang sinabi ni Margaux?

"Malapit na pa naman ang debut mo. Camila has been gushing over it because Ate Peppa promised to invite us! I'm excited for it, too! Kaso... pano 'yon? Tanggal na si Margaux sa eighteen candles mo? Sali mo na lang kami ni Camila. We're your friends."

"I-I'll see, Steffi. Uh... I'm just wondering. Ano pa bang sinabi ni Margaux? Bukod sa naabutan ko?"

"Sabi niya..." Umiling si Steffi, dismayadong dismayado. "Ipinagpalit mo raw si Soren sa... hindi ako sigurado kung totoo 'yong narinig ko, e."

What?

"I-Ipinagpalit kanino?"

"But I won't judge you. He's really known to be liked by anyone, even the rich girls of our batch. Kaya hindi na kataka-taka na nagustuhan mo rin siya. Si Anais nga, crush 'yon, e. And she's from Silliman. She had options from the boys of that university but she just can't help but gush over him."

"S-Sino?"

"Si... Alonzo?"

Naestatwa ako.

Steffi smiled and ruffled my hair. "Ayos lang 'yan, Sancha. At siguro nadala ka rin sa mga tukso sa inyo kasi itong si Alonzo talaga, matagal nang inaamin na gusto ka nga."

"H-Huh? Hindi naman sa ganoon."

Hindi ko naman matanggi dahil natatakot akong marinig ni Alonzo. Baka ano pang isipin niya.

"Ano? Hindi 'yon totoo? Hindi mo gusto si Alonzo? Dahil... mahirap lang siya?"

Mabilis akong umiling para pabulaanan ang sinabi ni Steffi.

"I mean, hindi naman sa..."

"Whatever it is, Sancha, it's okay. I won't tell anyone. I'm your friend, remember? Lalo na't wala na sina Margaux at Soren na friends mo. You need friends now more than ever. Mahirap nang magshare kahit kanino. At least I'm here. Camila, too, but she's in Silliman." Steffi smiled.

Hindi ko masabi kay Alonzo ang nangyari. I don't want him to know that I'm worried about the rumors Margaux is talking about. Lalo na noong naalala ko ang reaksiyon niya noong tinaboy ko siya nang hintayin niya akong matapos sa school. He thinks I'm embarrassed to be seen around him.

I want to change that but I can't tell him directly. Kaya naman, tuwing nagkikita kami sa school grounds, nagsisikap akong kausapin siya. I can still sense his hesitation to greet me. Lalo na kapag maraming tao.

Alam kong maaaring mas lalong dadami ang usapan tungkol sa amin kung gagawin ko ito pero hindi ko naman mapigilan. I'm just really determined to change his opinion of me.

"May duty ka pa ba?" tanong ko.

Napansin ko kasing kaunti na lang ang pumapasok na college students. Samantalang kaming mga senior high, kahit tapos na ang party, inuubos pa ang school days. Kahit pa wala na namang halos ginagawa at puro work books na lang.

"Wala na, Sancha."

"Kung ganoon, may quiz?"

He shook his head.

Kumunot ang noo ko. "Ba't ka nandito? Hindi ko na nakita sina Levi. Madalas 'yon dumaan sa cafeteria kapag lunch."

"May inaayos lang sa application."

Tumango ako dahil may punto nga naman siya. Nakasalubong ko siya kanina sa pathway at nang nag-usap kami, nagkasundong maupo muna sa kiosk habang naghihintay ng resume of classes namin para mamayang hapon.

"How is it going?"

"It's going better. Salamat din sa recommendation ng Daddy mo."

Ngumiti ako. Daddy is the president of a big organization for businessman particularly involving sugarmills. Kaya malaki ring tulong ang pangalan niya kaya sinabi ko iyon kay Alonzo. Sinabi ko rin kay Mommy at Daddy at pareho naman nilang gustong tulungan ang mga Salvaterra.

"But I'm sure it's not the only thing that would make your employer think. Nasisiguro kong sa standing mo rin, kaya sigurado akong makukuha mo 'yan."

"Hindi pa rin sigurado, Sancha. You know it's always better to get employees or even trainees with experience."

"Hindi pa ba experience ang mga duty n'yo sa ospital?"

He smiled. "Hindi."

Tumango ako. Marami pa talaga akong aalamin tungkol sa college life at sa mga careers.

"Ganoon pala 'yon?" I said as realization dawned on me.

"May naiisip ka na bang kurso na kukunin pagka college mo?"

I nodded. My face heated when I realized I want to share something. "I actually want to take up nursing, too. Because... I like the uniform... pero na-realize ko na kung ganoon lang ka babaw ang dahilan ko, baka hindi ako magtagal."

"Ayos lang 'yan. Marami rin namang ganyan sa amin, Sancha. Ang iba pa nga, kinukuha lang 'yan para makapag abroad. Hindi naman lahat ang may gusto talaga sa kurso. They just learned to love it along the way, some... never. Kaya ayos lang din kung hindi ka pa talaga sigurado sa kursong kukunin mo. Unless may nagugustuhan ka talaga."

"Sa totoo lang, hindi pa rin naman ako sigurado. Everyone is expecting me to join Kuya Manolo in managing our sugarmill. Parang tumatak na rin iyon sa utak ko dahil expected na iyon sa akin."

"That's okay, Sancha. Mahirap magpatakbo ng negosyo kaya walang masama kung ipagpapatuloy mo nga ang inaasahan sa'yo."

"I actually want to do something else, you know... I've been so sheltered my whole life... I want my name to mark something else... instead of just being Sancha Alcazar of our azucarera."

His eyes widened a bit, and his lips parted. He put it on a grim line, nodded, and swallowed hard.

"That's good. So you have something in mind, then?"

I smiled shyly.

"Yup. I'm still not sure but for now I think I'll take up business. Hindi para sa azucarera pero para sa naiisip ko."

"T-That's really good, Sancha."

Bahagya naman akong nalugod sa papuri niya. Ang totoo, ang hindi niya alam, malaki ang tulong niya sa pag-iisip ko sa kinabukasan ko. He's always so sure of his steps for his future and his career. Meanwhile, I'm just too sheltered and comfortable to even think of a career.

Kahit pa hindi ako magtrabaho, may pera ako. Kahit pa buong buhay ko, aalis at magtatravel lang, magshopping, at kung ano ano pa (na gustong mangyari ng Mommy at Daddy ko para sa akin), hindi ako mauubusan ng pera. Nasisiguro ko ring ganoon ang tingin ni Kuya Manolo. Pinapagtrabaho niya ako sa azucarera para raw malaman ko ano talaga ang ginagawa roon pero ang totoo, puro naman encode lang ang ginagawa ko roon. Nothing very significant. So I'm sre he'd have a peaceful mind if he'd just fund my travels and shopping in the future, instead of making me stay in the office.

Ayos lang sa akin iyon noon. S'yempre sinong may ayaw sa buhay na walang ibang gagawin at may ate Soling na nag-aabang sa kahit anong utos. Kaya lang... something about this year changed my mind. I want to make my own name, apart from the heiress of a large azucarera. I want a name of my own. I want a career.

That's something that nobody would ever expect of me... and that's something that I want to do.

"Hindi pa nga lang ako sigurado."

"But that's already a huge step, Sancha. Unang taon mo pa lang sa Senior High at marami ka pang panahon para pag-isipan iyan. Take your time."

The bell rang, telling me that it's already time for our afternoon useless classes. Puro workbooks at wala na ang mga teachers. Kung hindi naghahanda sa mga sayaw nila para sa sariling party, absent na at nagsimula na ang holiday break para sa kanila.

"Klase n'yo na," puna ni Alonzo.

Tumango ako at hindi pa tumatayo. Now, I can agree I learn more outside our classroom.

"Sancha..."

"Wala naman kaming gagawin na. Kung hindi workbooks baka maubos ang oras sa pag-uusap-usap doon."

His eyes narrowed and his lips pursed. "Hindi ka papasok?"

"Uh. Papasok naman."

He smiled. "Oo kasi paano ang mga pangarap mo, hindi ba?"

I sighed and collected my things. Hay naku, Alonzo.

Tumayo ako. Tumayo na rin siya. Nilingon ko siya. Nasa malayong kiosk kami ngayon sa field. Mas gusto ko roon, hindi lang dahil walang tao at walang manunukso, presko rin ang hangin. This is where I walked out in front of Soren but to me it's been a long time since.

"Ikaw? Ipagpapatuloy mo na ang application mo?"

"Uuwi ka ba agad mamaya?" he asked.

Tumango ako. I'd rather go home early. Ba't pa ako mananatili sa school.

"Uuwi na ako kung ganoon."

"A-Akala ko ba may gagawin ka sa application mo?"

"Natapos ko na kanina."

Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng field. Umihim ang malamig na hangin ng Disyembre. Hindi na ako makapaghintay. Hindi ko alam kung saan pero parang ang lahat ng ito... paghahanda lang sa kung ano.

Tumigil ako nang nasa daanan na. Sa harap namin ay ang Senior High building at ang cafeteria, sa unang palapag. I know he can't be with me until our floor. Hindi ko rin namang gustong ihatid niya ako. Nasisiguro ko na ang mga tukso. Bukod pa sa sasabihin ni Margaux.

"Dito ka na?" tanong ko.

"Oo. Sige na, Sancha. Mauna ka nang maglakad patungo sa building n'yo."

"Okay."

Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Halfway accross the road, I looked back at him. He's watching me intently, like the way he watched me walk... that day... when he was once our subsitute teacher for Biology... and I wanted to go to the washroom.

Ang sabi ko noon, tiningnan niya lang ako dahil responsibilidad niya ako. Dahil estudyante niya ako sa pagkakataong iyon. Ngayon... ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Tinitingnan niya ako dahil pakiramdam ko... responsibilidad niya ako. Or at least that's what he makes me feel.

I smiled brightly at him. Slowly, his lips curled and his eyes grew gentle.

"Walk," he mouthed and he smiled.

I smiled more. Bakit parang ang utos niyang iyon ay hindi para sa akin. Parang para sa kanya. O guni-guni ko lang ba 'yon? Kung hindi ba ako lalakad at hindi tutuloy, anong gagawin niya?

But I won't find that out because I'll walk and go to school. Kasi paano ko nga ba mapapatunayan sa kanya na kaya kong gumawa ng sariling pangalan, gaya niya, kung dito pa lang sa eskuwelahan, hindi na ako nag-aaral ng mabuti?

I laughed to myself as I continued walking.

Just some years ago, he annoys me for his bold attitude and his famous feelings for me. Right now... he inspires me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx