Kabanata 18

Kabanata 18

Call


After my conversation with Alonzo, I feel like everything is alright. Hindi man kami madalas mag-usap at tuwing nakikita ko man siya sa school, sa malayo at ngiti lang ang naigagawad ko, ayos na iyon sa akin.

I know he's busy and I heard he's been offered work. Hindi pa man nakakagraduate at hindi pa man nakakapag board, may ganoon na para sa kanya. I'm happy for him even if it entails he'd probably leave Altagracia for that. It's his dreams and I want nothing but for him to reach it.

Actually, he inspires me the most. Hindi man lumaki sa karangyaan, daig pa ang mayayaman sa paggalang. Nagsisikap ng mabuti at nagtatrabaho para maiahon ang sarili at ang kanyang pamilya. His parents must be very proud of him.

Those thoughts drive me into thinking that I should do the same for myself, too. I've been sheltered my whole life but that doesn't mean I should continue to. I should find things I am passionate about and work on it. Para na rin sa kinabukasan ko...

I busied myself into thinking about that. Bukod doon, lagi ko ring sinusubukang makipag-ayos kay Margaux pero lagi namang bigo. It breaks my heart everytime she ignores me. Hindi siya kailanman naging ganoon sa akin, ngayon lang.

"Alam mo, Sancha, hayaan mo na 'yon si Margaux," si Soren.

There's a rift between me and Margaux. Tulungan man ako ni Ella, wala pa ring pinagbago. Minsan mas naiirita lang siya kapag sinusubukan kong makipag-ayos.

"Imbes na mag-usap tayo, hindi mo na ako pinakikinggan sa pag-aalala mo dahil lang hindi ka niya pinansin kanina!"

Nasa kiosk kami ngayon sa malayong parte ng field. Galing kami ng cafeteria at katatapos lang mag lunch. Nagto-tooth brush ako sa girl's bathroom nang naroon din si Margaux, nag-aayos. Kinausap ko siya ng maayos pero nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng cheek tint.

"Margaux, please don't be like this. What do you want me to do? I already confronted Soren and he's sorry about it. Ayaw mo bang patawarin ko siya kasi at this point, na ganito tayo, pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat magkaayos lang tayo."

I don't want to say that but this is taking too much of my peace of mind. Umabot na ako sa pag-iisip na mas mabuti na rin siguro kung dumistansiya nga ako kay Soren. Lalo na nitong nakaraang buwan, nararamdaman ko ang matindi niyang pag-asa dahil lang mabait ako sa kanya.

I treat him the way I treat a friend, nothing more, but I realized I could unknowingly do more damage to him if I continuously do this. Kahit pa paulit-ulit ko siyang pinaaalalahanan na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Kahit pa ganoon na ang sinabi ko, binalewala niya pa rin ako. I'm more bothered now than ever.

"Sancha..." malambing na tawag ni Soren sabay akbay sa akin.

Ni hindi ko na napansin na malapit na kami dahil kanina pa malalim ang iniisip ko. Nilingon ko siya, bigo pa rin ang itsura.

"Hayaan mo na ang babaeng iyon. Ang mabuti pa, uminom ka na ng milktea na binili ko para sa atin. Nawawala na ang lamig oh."

Tinitigan ko ang binili niya. Nakapangalahati na siya sa kanya at ang akin, hindi pa nagagalaw.

"Sancha? Hello?" he teased, and pinched my cheek.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Soren-"

He lifted my chin and pulled it towards his face.

"Alam ko kung ano ang dapat mong gawin."

Napakurap-kurap ako. Seryosong gusto kong malaman kung ano pa ang puwedeng gawin. "Ano?"

"Titigan mo muna ang mga mata ko."

I was already looking at him intently so I stayed silent and waited for his opinion.

Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi at unti-unti niyang inilapit ang mukha. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi at doon ko natanto kung ano ang ginagawa niya. I pushed him away and urgently stood up to get away from him.

"Soren! Hindi ako nagbibiro!" iritado kong sinabi.

Seryoso siya nang umiling at mukhang dismayado. "Seryoso rin ako, Sancha."

"Seryosong ano? Hahalikan mo ako?"

Umirap siya. "Can't I? It's been five months since I courted you-"

"I told you I don't wanna be courted because I only see you as a friend!"

"You only see me as a friend because you're not really attentive with the things I'm doing for you," sabay sulyap niya sa mga milk tea sa hapag.

Tumayo rin siya at inayos ang kanyang mga gamit.

"Puro ka si Margaux! Wala na ngang pakealam ang kaibigan mo sa'yo, tapos bukambibig mo siya?"

"Ganoon din ako sa'yo noon, Soren! Wala ka nang pakealam sa akin, pero iniisip ko kung paano tayo magkakaayos dahil magkaibigan tayo! Kaya huwag mo akong sasabihan ng ganyan! If I ignored you as well, I don't think we'd ever be okay!"

"And because of this, you didn't give me my chance to prove you that I love you, sincerely, Sancha!"

"No matter what you do, I already told you I only see you as a friend! You don't have to court me because I will never say yes! I can't because I told you, repeatedly, that I only want you as a friend! Kaya ba't mo ipinipilit ang sarili mo sa akin kung hanggang doon lang talaga ang tingin ko sa'yo!"

Sa galit at iritasyon ko, kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmartsa na palayo roon. Nang nakalayo na, bahagya ring nagsisi. I have a rift with Margaux and now with Soren, too. But somehow, it's alright. It's my only way to prove my point. I hope he'd understand it. Kung hindi man ngayon, sana eventually.

Hindi muna ako mag-eexpect na maayos kami ni Soren. Sa mga sinabi ko, pakiramdam ko hindi pa niya ako kakausapin.

"Wala pa rin, Sancha, e," si Ella.

"Wala siyang sinabi tungkol sa akin?"

Umiling si Ella.

"Pakisabi sa kanya na ipinaliwanag ko kay Soren ang tungkol sa pag-ayaw ko sa kanya bilang boyfriend. At mukhang... nagalit siya sa akin, oh. Baka sakaling magbago ang isip ni Margaux at kausapin na ako."

Hindi ko man ginawa iyon para kay Margaux pero nagbabakasakali akong aayos kami dahil nagpakatotoo ako. Nagpakatotoo rin naman ako noon pero siguro inakala kong hindi na kami aabot sa ganito ni Soren para lang maintindihan niya ang gusto ko.

"Susubukan ko, Sancha, pero nakakatakot kasi si Margaux kapag ikaw ang pinag-uusapan. Baka magalit siya sa akin, e."

"Ganoon ba? S-Sige... ayos lang, Ella. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, sasabihin ko rin mismo sa kanya."

"Huwag kang mag-alala, susubukan ko rin. Sinasabi ko lang na hindi ako sigurado kung positibo ba ang magiging reaksiyon niya. Binasted mo si Soren para magkaayos kayo ni Margaux?"

"H-Hindi naman sa ganoon, Ella. Talagang... hindi ko lang gusto si Soren na maging boyfriend."

"Talaga?" kumunot ang noo ni Ella. I understand. Everyone thinks I like Soren because I'm so close to him.

"Oo."

"Bakit? May gusto ka bang iba?"

"Ah... W-Wala naman."

Although I have a hunch myself but I'm still not ready and comfortable to confront my own feelings.

"Sigurado ka? Kasi hindi ba gusto mo si Soren? Crush mo siya? Unless you have feelings for another person, that's the only way to change your feelings."

"H-Hindi naman siguro. Basta... tingin ko lang na hindi ko naman talaga siya gusto sa ganoong paraan. Yes, he's my crush but that's just because we're close and he's handsome. Pero k-kung tungkol na sa pagbo-boyfriend..." umiling ako para maexplain ang gusto ko.

Tumango si Ella. "Sige, susubukan kong kausapin si Margaux tungkol diyan."

However, a few weeks passed and a couple of confrontation with Margaux later, nothing has changed. Mas nakikita ko pa silang magkasama ng mga kaibigan ko, sina Julius, Soren, Margaux, Ella, at iba pa kaysa sa akin. Hindi na ako madalas na sumama kasi hindi sumasama si Margaux at Soren kapag nariyan ako. It surprised me a bit, though, that Margaux can live with Soren in the group, but not me.

Nagsimula na yata ang semestral break ng ilang mga kurso sa college department. Patapos na rin kami nitong linggo pero dahil may ilang exams pa, pumapasok pa kami.

Ang grupo ng mga kaibigan ko ay nasa kiosk para sa group study. Pero dahil parehong naroon si Margaux at Soren, umiwas na muna ako at mag-isang umakyat sa library.

I glanced at the medical courses building before finally deciding what I'm going to do. Wala na gaanong tao roon at kung meron man, hindi naka uniform kaya ramdam ko na wala na nga silang pasok.

I have studied so much at home and I don't really need to study more in the library pero kailangan ko ng mauupuang lugar, dahil may dalawang oras pa bago ang huling exam.

My heart pounded when I saw Alonzo's group near the photocopying machine of the library's second floor. Napatingin ang ilang kaklase niya sa akin, pare-pareho silang hindi na nakauniporme. Isang sabi lang, napawi ang ngiti ni Alonzo at napabaling agad sa akin. His other companions looked at me, too.

Bahagya akong yumuko, kinakabahan. Gusto ko sanang sa floor na iyon na maupo pero dahil nariyan sila, mukhang kailangan kong umakyat pa.

I saw them collecting the paper they photocopied. Ang iba'y umamba nang lumapit sa hagdanan kaya dumiretso na ako sa napiling upuan.

I glanced back and saw Alonzo tailing the group, papunta na sa hagdanan pababa. Tumikhim ako at tuluyan nang umupo. Para akong nabunutan ng tinik nang naupo na sa unang lamesang nakita at sinubukang huwag na silang tingnan.

Kinuha ko ang libro ko at binuksan na. Hindi pa sa tamang pahina pero kunwari na lang tama para hindi na ako mapatingin sa grupo niya.

Kaya nang naramdaman kong bumaba na sila, 'tsaka ako tumingin sa hagdanan. I sighed and my eyes stayed for a while there. Matagal dahil malalim ang iniisip pero natigil nang naramdaman kong may gumalaw sa banda ng photocopier. My eyes drifted there and saw that Alonzo was still there! Alone! And he's watching me, nag-iwas lang ng tingin nang napatingin ako sa banda niya!

Tumikhim ako at agad ibinagsak ang tingin sa libro at ngayon hinanap na ang mga tamang pahina. I read the first two sentences but nothing would go inside my head. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Nakita kong may tinanggap pa siyang ibang papel sa nag xe-xerox.

He licked his lower lip and his head turned to where I was. Nagkatinginan kaming dalawa. I don't know why I'm confused if I should smile to him or what. He smiled to me so my lips slowly rose, too. I waved a bit.

Nilingon niya ang matandang nagxe-xerox at may inabot na bayad. Inayos niya ang mga papel bago siya lumingon ulit sa banda ko. Lips apart, he looked at me and slowly walked towards my table.

"Hi!" I said when he was near me.

He smiled again. "Study?" aniya sabay tingin sa libro ko.

Umiling ako. "Nakapagstudy na ako kagabi. Naghihintay na lang ng oras. Dalawang oras pa kasi bago ang exam."

Tumango siya. Hinihintay kong umupo siya pero hindi niya ginawa. Instead, tumingin siya sa hagdanan na para bang may balak nang magpaalam.

"N-Nagmamadali ka?"

Mabilis siyang umiling. "May inaayos lang naman. Wala nang exams."

"Ahh..." I nodded slowly.

He glanced at the seat in front of me and then back to the stairs.

"Upo ka muna o... aalis ka na?" tanong ko.

He chuckled. "Wala naman talaga akong gagawin na. Aayusin ko na lang ito. Kung ayos lang, dito ko na aayusin. I won't disturb you if you'll read."

"Sure! Hindi na ako magbabasa. I believe it's always better to study in advance then let your mind rest when it's just hours away from the exam."

He smiled and nodded. Naupo siya sa upuan sa harap ko at nilapag ang mga dala. Inayos niya ang iilang papel. He glanced at my book, still anxious that I might study.

"For your application?" I asked.

Nag-angat siya ng tingin. "Oo."

"Work?"

Nag-angat na rin siya ng tingin sa akin. "Oo. May isang alumni lang na nakipagcoordinate sa school. Nangako na kapag nakapasa, puwede kaming mag training sa ospital na tinutuluyan niya."

"Kami? Marami kayo?"

"Uh, tatlo."

Sa dami nila, kasali siya. Kung sabagay, if I'm not mistaken, he graduated as Valedictorian.

"Abroad?"

Tumitig siya saglit bago tumango. I smiled assuringly.

"That's great! Hindi hamak na mas malaki ang suweldo roon kumpara rito."

"Pero... hindi pa ako sigurado kung tutuloy ba talaga ako kung natanggap," sabay bagsak ng tingin niya sa mga papel.

"Ba't naman?"

Kumunot ang noo niya at hindi agad nakasagot. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. "May... ibang iniisip lang."

"M-Mami-miss mo ang... parents mo?"

It's natural. He's an only child.

"That's one."

Ngumuso ako at tumango. "Pero okay na rin mag-ibang bansa ngayon. Puwedeng tumawag through internet, chat, Facetime..."

"You think it's a good idea?" he asked seriously.

"It's your dream so it is a good idea."

Tumango siya at ngumiti.

"P-Puwede ka rin namang umuwi... once or twice a year. I guess..." napakurap-kurap ako at ibinagsak ang tingin sa libro.

"Kung tatanggapin ko 'to, baka nga madalas ang uwi ko. Iyon ang mas pag-iipunan ko."

"Then... that's... better."

"At siguro nga... madalas din ang tawag ko sa amin."

I nodded without looking at him.

"Can I call you, then? If I take this?"

My eyes darted to his. He looked darkly worried and at the same time curious.

"Oo naman... B-Bakit hindi?"

"Baka lang... abala ka sa ibang bagay o..." hindi siya nagpatuloy.

"Hindi naman ako busy kapag nasa bahay. Syempre kapag nasa school, baka... busy ako." I chuckled nervously.

"B-But of course you can call me... when I'm home. And that's... like... every night."

"Then I'll call you," agap niya.

"Uh... when? I mean. Kapag nasa ibang bansa ka na?"

I realized my question was somehow... questionable.

"Oo. Hindi ba ako makakaistorbo?"

"Wala naman akong ginagawa kaya hindi ka makakaistorbo."

He watched me intently. "Kahit... mamaya."

My heart pounded against my chest. We were talking about the time when he's abroad in the future but somehow it made its way to this. Iyon din naman ang iniisip ko dahil bukod sa mga tawag niya noong summer, hindi na nasundan ulit iyon. Ayps lang naman sa akin pero siyempre minsan naiisip ko rin.

I thought he's just busy. Maybe at times but maybe at times... when he's not, he thinks I am the one whose busy.

"Hindi ka makakaistorbo dahil wala naman akong... ibang ginagawa."

We grew silent for a moment. Nag-angat ako ng tingin, kuryoso sa katahimikan niya.

"Then I'll call... when you'r not busy, Sancha."

"Y-You don't really have to." Medyo nag-alala na masyado akong demanding. "I mean... if you're busy."

"But I want to."

Hindi ako nakapagsalita. He licked his lower lip and continued.

"Kung hindi ka busy... at hindi rin ako busy. Kung okay lang sa'yo."

"Okay lang sa akin," agap ko.

He smiled and nodded. Napatingin siya sa kabilang lamesa bago sa akin. "Bakit ka nga pala mag-isa? Hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?"

I sighed. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba ito kahit kanino pero kung kay Alonzo, parang kumportable ako. I even feel like he'll know what to do.

"Medyo... nagalit ulit si Soren sa akin, e."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

I hesitated in looking at him but I did before answering the question. "Kasi... sinabi ko sa kanya na hindi ko siya puwedeng maging boyfriend."

Tumango siya. "Kung ganoon, ayos ka lang ba?"

Nagulat ako na ganoon ang tanong niya. I thought he'd ask more about it but instead, he wanted to know if I was okay.

"Oo naman."

"Arre you sure, Sancha?" he asked, more worried.

I smiled. "Syempre malungkot na nagalit siya sa akin pero siguro ganoon dapat... kung ayaw ko siyang paasahin."

He looked at me with concern in his eyes. I smiled to assure him.

"Ayos lang ako."

"Ang ibang mga kaibigan mo?"

Ngumiti ulit ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi ako pinapansin ni Margaux, e. Pero ayos lang. Sinusubukan kong kausapin siya para umayos kami.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His lips were parted as his eyes stayed with me. When he saw me watching him he licked his lower lip.

"Siguro nga kailangan n'yong mag-usap. You're a good friend, Sancha. Pasensiya na at medyo marami akong tanong. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba talaga."

Surprisingly... I'm honestly okay. Not like last year. I've gotten over it. Maybe because I am just being real this time.

"I'm okay."

Pinagmasdan niya ako na tila ba naninimbang sa totoo kong nararamdaman. Maaaring malungkot ako para roon pero sa totoo lang, ayos lang ako, Alonzo.

"I'll talk to her later... after our last exam."

He sighed. "Tatawagan kita mamayang gabi, kung ganoon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx