Kabanata 16

Kabanata 16

Gift


Ako:

Sure...

Hindi na nagtagal, tumunog na ang cellphone ko. I stared at it for a few moments. I can't believe that this is happening. I don't know how to react or answer it.

"H-Hello," I greeted first.

"Hello, Sancha..."

Marahan at pormal ang kanyang boses. Pinigilan ko ang paghinga kaya naman isang marahang buga ang nagawa ko pagkatapos marinig iyon.

"Gusto ko lang tumawag para mabati ka ng mas maayos. Happy birthday."

"Thank you."

Hindi na ako umiiyak pero may bakas pa ng luha sa aking pisngi. Unti-unti ko iyong pinalis habang nakikinig sa katahimikan sa linya naming dalawa.

"Pasensya na kung biglaan. Hindi ba ako nakakaistorbo? Hindi ba nagpaparty kayo?"

"O-Okay lang naman. Kanina pa naman ang party at nag kukuwentuhan na lang sila sa labas."

"Sa labas? Nasaan ka ba?"

Napabaling ako sa paligid. Kinagat ko ang labi ko.

"Nasa hotel room ko. May... uh... ginawa lang saglit."

"Buti pala tumawag ako ngayon, habang hindi ka na busy sa party mo."

I chuckled a bit because I remember how I intentionally removed myself from my own party just for this call.

"Wala ka bang ginagawa? Trabaho?"

It's a weekday. Nasisiguro kong nagtatrabaho siya.

"Break pa namin ngayon."

I can imagine him on the shed. It's almost three in the afternoon and it's a hot summer day here in Cebu. Ganoon din siguro sa Negros.

"Uh... Nag merienda ka na ba?" Pumikit ako ng mariin, nahihirapan sa mga sasabihin sa kanya.

"Busog pa naman ako. Uminom lang ng tubig, Sancha."

"N-Na miss ko tuloy ang pagtatrabaho sa azucarera tuwing summer. Naalala ko last year."

"Oo nga. Na-miss ko rin 'yon." He cleared his throat. "Ang ibig kong sabihin... ang magtrabaho rito."

Ngiting-ngiti ako at hindi na alam ang sasabihin pero gusto pa ring magpatuloy.

"Sancha?!" Kuya Manolo shouted followed by a violent knock and his hearty laugh.

"Ang Kuya Manolo mo ba 'yon?"

"Uh, oo. Wait lang." Binaba ko ang cellphone at gusto nang umirap. "Kuya?"

"May cake na ibinigay ang hotel para sa birthday mo! Labas ka at hipan mo na! Ano bang ginagawa mo riyan! Lumabas ka nga at makisama ka naman dito!"

"Okay, Kuya. Wait lang po."

Ibinalik ko ang cellphone sa aking tainga.

"Hello..."

"Sancha, ayos lang. Sige na at ibaba mo na para makapagcelebrate ka ng maayos sa birthday mo."

"Uh... Okay. Pasensiya na."

"Don't worry about it."

"Thank you sa pagtawag."

"You're welcome," he answered with a hourse voice. "Enjoy the rest of your day."

"I will. Ingat ka naman sa trabaho."

"Salamat. Ibaba mo na, Sancha."

"Okay. Bye."

"Bye."

Ilang sandali ko pang pinakinggan ang katahimikan sa kabilang linya. 'Tsaka ko lang tuluyang naibaba nang narinig ang muling pagkatok ni Kuya Manolo.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang. Madalas na rin namang tumawag si Soren sa akin pero hindi ako ganoon ka excited. The only text I remember I was excited about was that New Year text, when he finally gave me a chance to talk to him. After that... I'm just happy that we're back to normal.

Iba kay Alonzo. Ultimo greetings ko lang ay ilang oras kong paulit-ulit na tinitipa at dinidelete bago tuluyang ma send.

Ako:

Happy birthday, Alonzo!

Hindi rin siya palaging nag ti-text sa akin. Ang huling text at tawag sa birthday ko pa pero hindi naman ako nalungkot. I just looked forward to this day and tonight I finally had the guts to really send him the message.

Alonzo:

Thank you, Sancha! Alam kong hindi pa kayo nakakauwi pero gusto ko pa ring imbitahan ka sa bahay.

I was smiling the whole time as I was reading his message.

Ako:

Thank you sa pag imbita. Sayang at hindi ako makakapunta. Next time siguro. Marami ka bang bisita, gaya last year?

Alonzo:

Sakto lang naman. Mga kaibigan at katrabaho.

I imagine him on the table of his classmates. Doon na siya abala sa kanila, hindi na sa amin ni Kuya Manolo. I smiled and I realized I might be texting him too much when he should just concentrate on that.

Alonzo:

Busy ka ba?

Sagot niya iyon bago pa ako makapagtipa ng irereply sana sa naunang text.

Ako:

Hindi naman. Bakit?

Alonzo:

Puwede bang tumawag ako?

I stared at my phone with a conscious effort not to hyperventilate. I typed in my answer.

Ako:

Sige.

He called me. I greeted him again. Ni hindi ko na inisip na masyado kaming nagtagal sa tawag na iyon at may party pa siyang kasalukuyang nagaganap. Kalaunan na nang sumagi iyon sa isipan ko, sa gitna ng halakhak naming dalawa.

"Oh, uh... iyong party mo nga pala."

He sighed. "Ayos lang, Sancha. Kumakain pa naman ang mga bisita."

Kinagat ko ang labi ko. Napasarap ang usapan namin tungkol sa pagbabalik ko sa azucarera. Luckily, Kuya Manolo allowed me to work for the summer. Muntikan na nga'ng hindi. Sabi niya kasi, isang buwan na lang at pasukan na kaya ba't pa ako magtatrabaho pagbalik namin?

I laughed at Kuya Manolo's reaction for his problems at work. Kinuwento lang sa akin ni Alonzo na ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng makinarya kahapon ay dahil daw may nakapasok na pusa at takot silang lahat na maglikot sa loob at biglaang humalo sa mga tubo. They rescued the cat and as a result, almost all of them got scratched by a cat.

I couldn't imagine them taking turns to get something as small and as silly as a cat. Lalo pa dahil nakalmot halos lahat. Paano kung naroon si Kuya Manolo. Mainit pa naman ang ulo noon at baka siya na mismo ang kumuha sa pusa at nakalmot ng marami.

"Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa naman ako nagugutom. Busog pa sa katitikim sa mga luto namin kanina."

I smiled.

"Ikaw? Nakapaghapunan ka na ba?"

"Oo. Kanina, bago ako nag text. Kumain ka na rin. Mag iinuman ba kayo?"

"Siguro, kunti. Nanghihingi sina Levi kanina pa. Inimbita niya kasi ako noong nakaraan kasama ang mga kaibigan pero tinanggihan ko."

"Inimbitahan saan?" hindi ko napigilan ang pagiging kuryoso.

"Inuman lang yata sa bayan."

"Ah. Kailan 'yon?"

"Last Saturday, Sancha."

"Hindi ka pumunta? Bakit?"

"Marami lang inasikaso at... gabi na. Kaya nanghihingi na bumawi ako ngayon." He chuckled a bit.

Ngumuso ako. May mga ganoong ganap pala pero ngayon ko lang nalaman. Kung sabagay, hindi naman kami laging nagti-text. And it's not that I should know every little thing about his life, anyway.

"Oo nga, bumawi ka sa kanila. Tinanggihan mo pala si Levi no'n!"

"Ah, magpapainom lang. Hindi naman ako iinom ng marami. Ayaw kong malasing."

I smiled again. "Hindi nga... maganda 'yon. Huwag kang... maglalasing."

He chuckled again. "I won't, Sancha."

I cleared my throat. "Uh... babalik ka na ba sa party mo? Ibababa ko na 'to."

"Matutulog ka na ba?"

"Manonood pa siguro ako ng movie dito sa kuwarto ko."

"What kind of movie?"

"Uh... Uhm... Hindi ko pa sure, e. Baka... love story."

"Love story," he echoed.

Uminit ang pisngi ko.

"Gusto mo ba ng mga ganoong palabas?"

I thought he's resuming his party duties. Why are we in another topic?

"Uh, gusto. Takot kasi ako kapag horror at iyon lang ang nakikita ko rito sa TV ko."

"Pagkatapos niyan, matutulog ka na?"

"Baka. O... baka magaya kahapon na nakatulog ako bago matapos ang pinapanood?"

"Love story din?"

"H-Hindi, e. Comedy 'yong kahapon."

"Oh... so you get bored when it's comedy, huh?"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam bakit napunta kami sa napakarandom na usapin.

"Hindi naman. Baka inantok lang talaga ako no'n. Hey, how about your party?"

"Oo nga pala." He laughed. "Nalibang na ako sa usapan natin."

I pouted. "Hinihintay ka na ng mga bisita mo."

"Baka antukin ka at makatulog, I'll say my good night now. Pero iti-text pa rin kita mamaya kapag nagliligpit na ako rito sa bahay."

My heart pounded. He'll text again!

"Sige. Kapag hindi pa ako natutulog, magrereply ako."

"Alright. Good night, Sancha. Salamat sa pagbati sa akin. Masaya ako."

I paused for a while, appreciating his politeness.

"Enjoy your party. Happy birthday ulit!"

"Ibaba mo na. Para makapanood ka na." He chuckled a bit.

"Okay." I chuckled, too.

Dumating ang pag-uwi ko at kinabukasan, pumasok na agad ako. Abala si Kuya Manolo dahil sa mahabang bakasyon niya kaya naman medyo marami-rami ang ibinigay niyang trabaho sa akin. I feel kinda sad about it but I know, above all of this, I really need to learn many things in this business.

Una kong nakita si Alonzo noong tanghali, kinuha ang bag ng kanyang Mama bago umalis. we exchanged some greetings but then he went home with his family.

Matagal nang natapos ko ang trabaho sa hapon. At pagkatapos pa ng trabaho, tumulong pa ako sa ibang empleyadong naroon. Ate Soling waited if I will ever go out without her knowing but it didn't come. Or at least not while she's awake. Kasi nang natapos na ako sa pagtulong, 'tsaka niya naman napiling umidlip kaya naiwan ko ulit siya sa loob ng opisina para lumabas.

I went out a little later than usual. Madalas kasi tinataon ko sa break niya kaso ngayon sa dami ng ginawa ko roon, nahuli na ako. Hindi bale at may bukas pa naman.

Ilang sandali akong naghintay sa pathway pero umalis na yata ang mga kinakargahang truck. Wala na rin doon ang ibang trabahante. I smiled to myself. I'm still happy, though.

Just when I was about to turn and go back to the office, narinig ko ang pagdating ng isa pang truck. Magpapatuloy sana ako pero may nagmadaling lumapit sa akin galing doon. I faced him and I smiled.

Hinihingal pa si Alonzo nang harapin ako. Bahagyang pinalis ang pawis sa noo at inayos ang damit.

"Busy?" he asked like we both know what he's talking about.

He's right, though. "Oo, e. Kababalik lang kasi galing bakasyon.

Tumango siya. "Iyon din naisip ko."

"Tapos na ang break mo?"

Tumango siya. He swallowed hard too and was hesitant to come nearer me. May kung ano siyang kinuha sa bulsa.

He looked really hesitant to come near me. Kung puwede lang hindi niya gawin, hindi na talaga siya lalapit pero mukhang kailangan iyon. Lumapit siya at inilahad ang kamay na may dinukot galing sa bulsa.

Tinitigan ko ang palad niyang may nakapatong na maliit na bracelet. It has pale pink clear and round beads around it and some silver smaller beads. My lips parted. Inangat ko ang mga mata ko kay Alonzo.

"Hindi 'to mamahalin pero... regalo ko sana sa'yo para sa birthday mo. Sana magustuhan mo."

Halos manginig ang kamay ko nang kunin ko iyon sa kanyang palad. I stared at it for a few moments before I looked at him again.

"T-Thank you. Nagustuhan ko. N-Nag-abala ka pa talaga."

He smiled. Tinitigan niya ang bigay niya na para bang may gusto siyang gawin. I realized then that he wanted me to wear it but he couldn't put it on my wrist. Nagmadali agad akong isuot iyon. Garterized kaya hindi na mahirap isuot.

"Eto na. Ang ganda!" sabi ko.

Tumango siya. "Oo nga." Nang nakatitig sa akin. "Pasensiya na hindi ako makakapagtagal. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

Smiling as I nodded. "Ayos lang. Sige magtrabaho ka na. Thank you rito sa gift mo. Nagustuhan ko talaga."

Tumango siya at nakangiting bumalik sa trabaho. Hindi rin matanggal ang ngiti ko pabalik sa opisina.

It's weird why I am this happy for something. Ni hindi ko naramdaman ito kahit pa sa mga regalo ni Soren. O siguro ngayon lang ako mas naging conscious sa lahat ng nararamdaman ko, hindi ko alam.

I liked Soren for so many years that I'm used to it. Now I want to know if I really still do like him. Kasi kung ganoon nga, bakit parang... may mas higit pa sa kung ano man ang naramdaman ko para sa kanya?

What's weirder was that there were days when Soren wanted to see me. Weekdays. Sure, I can absent from work but I declined. Sinabi ko na ayaw kong may kaligtaang trabaho pero alam ko sa sarili ko na hindi lang din iyon ang dahilan ko.

I feel guilty, too. Soren is my friend and it is unbecoming of a friend to do that. Kaya naman nang bumalik ang pasukan, bumawi ako sa kanya. Ganun pa man, si Margaux naman ang nagalit sa akin nang nalaman at nakita kung paano kami nagkasundo ng best friend.

"Margaux, walang namamagitan sa amin ni Soren. Friends na ulit kami at iyon lang. If you're worried that he's fooling me, then he can't. Dahil magkaibigan lang kami!" paulit-ulit kong sinabi kay Margaux ito.

"Hindi mo naiintindihan, Sancha," aniya at umambang aalis.

"Then explain it to me so I can see your opinion of this! Margaux, kaibigan kita gaya ng kaibigan ko si Soren. Please, don't do this!"

"Ewan ko sa'yo, Sancha!" sabay talikod sa akin ni Margaux.

It doesn't help that Ella is also busy with her own things this year. May manliligaw siya kaya madalas siyang wala. Hindi ako gaanong pinapansin ni Margaux at tuwing pinipilit kong pag-usapan namin ang tungkol doon, laging nauuwi sa ganoon ang usapan.

Naging okay nga kami ni Soren, hindi naman kami ayos ni Margaux. Nakakalungkot.

Tahimik akong umakyat sa Senior High building, bumabalik na pagkatapos bumili ng inumin sa cafeteria. Masyadong tahimik ang hagdanan, ibang-iba tuwing may recess kaya naman naisip ko kung na late ba ako at hindi ko napansin ang bell.

Agad ding nasagot ang tanong ko nang pagkaliko sa tamang palapag ay nakita ko ang mga pulang balloons, maraming bulaklak, at maraming naghihiyawang kaklase. Sa gitna nila ay si Soren na naka uniporme pa ng college department at may hawak na tarpaulin.

"Will you be my girlfriend, Sancha?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx