Kabanata 15

Kabanata 15

Tears


Hindi agaran ang pag-uusap nami ni Soren. Nang nagbalik na ang eskuwela, paunti-unti lang ang interaksiyon namin. It's okay with me as long as I received that message from him for the New Year. Pakiramdam ko, hindi man ngayon, unti-unti kaming magkakaayos.

"Ikaw, Sancha? Saan kayo mag babakasyon ngayong summer?" he asked.

Nasa gitna kami ng pagkukuwentuhan tungkol sa summer. Nakapagsabi kasi si Julius na aalis sila ng pamilya niya kaya nag share na rin ang iba tungkol sa summer nila. Sinabi ni Soren na baka nga raw pumunta silang Hong Kong pero saglit lang. The rest of his summer will be spent here in Altagracia.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Margaux rolled her eyes and Ella smiled a bit at me.

"Uh. Hindi ko pa alam pero... pagkatapos ng moving up, tutulak kami ng Cebu para kay Ate Peppa. Doon din muna kami hanggang sa manganak na siya.

"Talaga? Ilang buwan na ba ang tiyan ng Ate Peppa mo?"

"Around five or six months..."

Sobrang tahimik ng mga kaibigan ko. Para bang unang pagkakataon ito na nag-usap ulit kami ni Soren kaya walang sumasabat ni isa.

Margaux closed her book. Tumayo siya at biglang nag-ayos ng bag.

"Ella, Sancha, let's go..."

"H-Huh?" litong sinabi ni Ella sabay tingin sa akin.

Napatingin ako sa nagkalat na gamit ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong umalis ni Margaux.

"I said let's go!" utos niya nang nakitang hindi pa ako tumatayo.

"Margaux?"

Nagmamadaling tumayo si Ella, hindi malaman ang gagawin. Napatingin ako sa kaibigan at takot siyang tumango. Umiling ako dahil hindi pa rin naiintindihan ang gustong mangyari ni Margaux.

"Sancha!" she reprimanded.

"Margaux-"

She rolled her eyes at me and turned. Nagwalk out siya habang si Ella ay hinahabol na siya ngayon.

"Anong nangyari do'n?" si Julius.

Napasulyap ako kay Soren. Mabilis kong sinikop ang mga gamit ko pagkatapos ay sinundan na ang dalawang naunang kaibigan.

"Margaux, sandali lang!"

Mabilis ang lakad ni Margaux. Kahit pa alam kong naririnig niya ako, hindi siya bumagal. Si Ella na nasa likod niya'y nangangalabit na pero binalewala iyon ni Margaux.

"Margaux!" I called.

Pumasok siya sa cafeteria. Sumunod ako. Dahil maraming estudyante, medyo naabutan ko siya.

"Margaux!"

She then looked at me angrily.

"Ano 'yon, bati na kayo?"

Nagulat ako sa patiuna niyang tanong. Umiling ako.

"It was a casual conversation. Hindi pa kami nakakapag-usap-"

"Talaga? O nililihim mo lang?"

"H-Huh?"

"Sabihin mo ang totoo, Sancha."

"Wala, Margaux. Iyong sinabi kong nagtext kami noong New Year, hanggang doon lang. Hindi pa kami nakakapag-usap-"

"Sancha, naalala mo ba ang ginawa niya sa'yo? Ngayong usapan na mukhang may hindi sila pagkakaunawaan ni Chantal, balik agad siya sa'yo at tinanggap mo agad?"

"Margaux, hindi pa kami nag-uusap ni Soren. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Chantal kaya hindi ko alam bakit mo sinasabing babalik siya sa akin? Babalik kami sa pagkakaibigan. Iyon lang ang gusto ko."

"Hindi ko alam, Sancha, kung mabilis ka ba talagang mauto o nagpapakatanga ka dahil gusto mo si Soren."

My lips parted a bit. Bahagyang napansin ang ibang nakarinig sa pinag-usapan namin. "Margaux, please, let's talk somewhere private. We shouldn't be fighting about this."

"Yes, you're right. We shouldn't be if only you were smart enough to notice what you're doing!"

I can't believe I'll say this but... I am always relieved when it's the weekends. At ngayon, kahit pa aalis naman kami, parang mas gusto ko na ngang magbakasyon na.

Hindi naman kami nagkaaway ng husto ni Margaux pero may kakaiba na sa relasyon namin. Ayaw rin niyang pag-usapan ang tungkol kay Soren kaya hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niyang mangyari.

I was very determined to talk to Margaux, though. Kaya naman hindi ko na sinayang ang mga pagkakataon tuwing kami lang tatlo ni Ella.

"Margaux, I know you're not in favor when I talk about Soren."

"Tss..." she rolled her eyes and closed her book again.

Umaamba na naman siyang aalis sa Kiosk kung nasaan kaming tatlo ni Ella.

Usap-usapan sa buong campus na hindi na gaanong bumibisita si Chantal sa varsity practice ni Soren dahil may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. They are not seen together anymore and it seems like they are now ignoring each other.

I am not happy about it. Sa totoo lang, malungkot nga ako para kay Soren. Margaux thinks I am happy because he's finally free and he's finally coming back to me. Iyon ang gusto kong itama.

"Pero kaibigan kita at gusto kong maliwanagan ka. Gusto kong malaman mo na hindi naman talaga ako masaya sa nangyari kay Chantal at Soren... sa kung ano man ang misunderstandings nila. In fact, I'm sad for Soren. I just really want to fix our rift since he's also my friend."

Tumayo si Margaux at muling tumingin sa akin. Hostilitiy in her eyes.

"And you'll just accept him after that?"

"No, we have yet to talk about it, Margaux. And want kind of acceptance are you talking about. If you meant friendship, then maybe I could give him that."

"Ewan ko sa'yo, Sancha! Ang tanga mo talaga! Hindi ka na nadala!"

"What do you want me to do, anyway? Just forget about Soren and forget my friendship with him?"

"Why not, Sancha? Hindi lahat ng tao dapat mong kaibiganin lagi!"

"Margaux-"

"Ewan ko sa'yo!" she said and walked out again.

"Margaux!" Ella called.

Umiling ako at tinabunan ng mga palad ang mukha. Ella sighed. "Sancha, wala akong papanigan sa inyo ni Margaux. Mukhang problemado siya nitong nakaraan kaya sana intindihin mo muna. Kakausapin ko lang siya. Saglit."

Tumango ako at hinayaan si Ella na umalis.

Hindi pa nag iilang sandali sa pag-alis ni Ella, may naupo na sa tabi ko. Napadilat ako at napatingin kung sino at nakita ko kaagad si Steffi. I tried to smile to greet her politely but she pouted.

"Aww. So it's true, what they are saying. May away nga raw kayo ni Margaux."

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagkaila. Pero sa tingin ko, narinig ni Steffi ang alitan namin kaya wala na rin akong nagawa kundi tumango.

"Just a misunderstanding."

"Yeah. I heard it. And based on what I heard, it's about Soren? Bakit? Nag-aagawan kayo?"

Umiling agad ako. Ngumiti siya.

"Ayos lang 'yan, Sancha. Ganoon talaga ang buhay. Hindi lahat ng friends mo ngayon, friends mo na lagi. Habang tumatanda ka, nalalagasan ang listahan ng kaibigan mo. Nagkakakilala kayo ng mabuti at narerealize mo na hindi kayo nagkakasundo. Sometimes you grow, sometimes they grow, and sometimes you grow apart... and it's normal. It's okay."

Napatingin ako kay Steffi. Palakaibigang ngiti ang iginawad niya sa akin. Then she shifted into a gloomy mood.

"Naalala ko tuloy ang mga karanasan ko. Ganyan din ako dati. Nalulungkot din kapag may mga kaibigang nawawala sa akin. Lalo na kapag pinagkakatiwalaan ko."

Hindi ako nagsalita. She's got a point, though.

"Ako nga, ginawa ko ang lahat para sa kaibigan ko. Ang ending tinraydor pa rin ako. Nakakalungkot nga, e. Pero ganoon siguro talaga ang buhay."

Napakurap-kurap ako. "Tinraydor? Bakit? Anong ginawa?"

She smiled. "I did so many favors for him. Helped him a lot at school, work, everything... tapos noong ako naman ang may kailangan..." She sighed. "... ayaw niya na. Tinalikuran niya na ako. Sinaktan pa."

"Sinaktan?"

"Yup. Kaya ganoon siguro talaga. Minsan nga... gusto kong gumanti. Sa galit ko. It's just so unfair and I don't think I could ever move on without putting up a fight."

Tumitig lang ako kay Steffi. It was a very random moment but somehow, it calmed me to know that some people do experience this kind of things. Mas matindi nga lang kay Steffi kung ganoon nga ang nararamdaman niya. Nasaktan man ako ni Soren, hindi ko iisiping maghiganti. At may hindi pagkakaintindihan man kami ni Margaux ngayon, naniniwala pa rin akong magkakaayos kami.

"Anyway... I should go. I am your friend now, Sancha. Kaya kung may problema ka, you can count on me. That's life, really. You meet friends, you lose them and meet better ones."

Tumango ako.

"I have a class. Dumaan lang ako kasi narinig ko ang alitan n'yo ni Margaux. Good luck, Sancha!"

"Good luck, too. Thanks, Steffi!"

Weeks passed, walang nagbago sa amin ni Margaux. It was late March, just before the moving up ceremony and Soren's graduation when I received a text from him. Ni hindi na ako makakasama sa Moving up dahil aalis na raw kami. Kaya masaya ako na nagtext si Soren bago pa iyon.

Soren:

Can we talk? Kahit saglit lang, Sancha. Sa benches sa dulo ng field.

Ako:

Okay, Soren. Magkita tayo roon after class.

It was one of the most secluded part of the school. Malapit na kasi sa perimeter fence, sa gilid ng gym, at malayo sa mga buildings. Naroon na si Soren pagkalapit ko. Tahimik akong naupo sa bench at tinanaw siya. He's wearing his post-varsity practice attire with the shoes his father bought the team. He's finally achieved all of these before graduation. I am genuinely happy for him. Also... finally, I can say that to him.

"I know it's almost a year late, pero congrats... sa pagkakapasok sa varsity team at ngayon naman sa graduation mo."

He laughed a bit and shook his head. I took that opportunity to talk. Magsu-summer na at hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng graduation niya kaya mas mabuting... masabi ko rin lahat ng hinaing ko.

"I want to be honest with you, Soren. I was a bit disappointed with your attitude that day... noong una tayong nagkaroon ng alitan. At mas na disappoint din ako sa mga sumunod na ginawa mo, but I am not holding that one against you. It's not your fault that you like Chantal Castanier."

Nag-angat ng tingin si Soren sa akin. Tahimik pa rin siya.

"Ayos lang na niligawan mo siya at kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa-"

"Ayos lang, Sancha?"

Tumango ako.

"Hindi ba iniyakan mo 'yon? Hindi ba nagalit ka sa akin dahil doon?"

"Iniyakan ko 'yong unang pag-aaway natin kasi na frustrate ako na hindi ko kayang ipaintindi sa'yo ang punto ko. I don't really like anyone insulting someone. Or anyone looking down at someone just because of social status or anything that would highlight differences, Soren."

"Sancha, alam kong nasaktan kita sa panliligaw ko kay Chantal Castanier and I'm sorry."

I was about to open my mouth but I stopped and tried hard to understand what he just said.

"I know you like me ever since but... that day I was just so pissed. Hindi ko matanggap na may iba kang pinapanigan. Isang hindi mo naman kilala, kung ikukumpara sa akin."

"Wala dapat na ganoon, Soren. If only we both had open minds."

"I'm sorry if I did so many hurtful things to you. Sorry sa lahat, Sancha. My frustration led me to hurting you more and wanting so bad to get even with you."

Hindi ulit ako nagsalita. Hinayaan ko siya.

"Now I realized hindi tama iyon. Matagal na tayong magkaibigan at hindi ko kayang magkasakitan pa tayong dalawa. Gusto kong magkaayos na tayo."

I sighed.

"Alam kong ayaw pa ni Margaux at baka nga sinisiraan niya ako sa'yo. Hinintay ko ang tamang pagkakataon pero ngayon, hindi na ako makapaghintay. It's almost summer and that means we won't be seeing each other that much anymore."

Tumango ako at hinayaan siyang magpatuloy.

"My Dad asked me if I wanted to enrol in Manila, for college. Pero tinanggihan ko iyon dahil tingin ko... kung aalis ako ngayong may alitan pa tayo, baka hindi lang ako matahimik doon."

Napaangat ako ng tingin sa gulat. Ang tanggihan ang isang life-changing decision tulad noon ay nakakagulat!

"Kaya dito muna ako mag-aaral ng college, for next year. I hope next school year we can rebuild our friendship, Sancha. I'm very sorry for everything. I hope this two months of vacation will finally lead you to forgive me."

"I-It's okay, Soren. You don't really have to do that. I mean, I've already forgiven you. Kung may mali man ako, pag pasensiyahan mo rin sana ako. Gusto ko ring magkaayos tayo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang tanggihan ang offer ng Dad mo na iyon. We can always communicate and continue our friendship that way. You don't have to do this."

"I want to do this, Sancha..."

Lumapit siya sa akin. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Shocked at his intimacy, I am speechless.

"I want to do this for you."

"You don't have to. It doesn't change anything. I forgive you now, even without you sacrificing that."

"I want to, Sancha."

Ang akala ko, aayos ako dahil sa pagkakaayos namin ni Soren. It was a short time happiness. Iniisip ko pa kung dahil ba hindi naman talaga gusto ni Margaux na magkabati kami... o dahil sa desisyon ni Soren na ipagpaliban ang pag-aaral sa Maynila para sa akin... o ano? Hindi ko alam anong problema at anong kulang.

Maybe I want it to be the same as it was last year... back when Margaux was okay with me and Soren is friends with me... maybe that?

I'm not sure.

Matagal ang labor ni Ate Peppa kaya inabot na ng birthday ko sa Cebu. It wa smy seventeenth birthday. My parents promised me a very extravagant debut to make up for my two consecutive birthday in Cebu. Wala naman sa akin iyon pero kung ikasasaya nila ang engrandeng debut, hindi ko rin sila pipigilan next year.

Ate Peppa gave birth to a handsoma baby boy. Ramon Felipe's name is from Kuya Ramon and Ate Paloma Filippa. Whatever happiness I felt for those moments with family, it was all shortlived. Lalo na nang nalaman kong buong buwan muna kami sa Cebu dahil masyadong masaya si Mommy at Daddy sa unang apo.

But I remember one happy day that month, before all the labor and before Ramon Felipe's birth. It was my birthday in a hotel. We were all excited for Ate Peppa's labor then. Tapos na ang kantahan para sa akin at ang kainan nang nanginig ang kamay ko at biglaang gustong magkulong sa kuwarto.

"Saglit lang po. Sa kuwarto lang ako."

Since everyone is busy, nobody noticed how I disappeared to stare at a birthday greeting. Hindi iba sa birthday greetings ng iba pero iyon lang ang tinitigan ko ng ganoon.

Alonzo:

Happy birthday, Sancha!

Ako:

Thank you.

Para namang unique ang message niya kung makapagkulong ako rito sa kuwarto.

Alonzo:

Kumusta? I hope you're having fun.

Ako:

Nasa Cebu kami at may celebration. Malapit na rin ang birthday mo.

Alonzo:

Oo. Makakapunta ka ba? Kailan ang uwi n'yo?

I curled on my bed as I smiled. Tears crossed my nosebridge and it reached my pillow. Agad kong pinalis iyon.

Ako:

Hindi, eh. May pa kasi ang uwi namin.

Alonzo:

Ayos lang. Magtatrabaho ka ba sa azucarera pagbalik mo?

Ako:

Yup.

Kahit hindi pa sigurado iyon dahil wala pa namang sinabi si Kuya Manolo pero sisiguraduhin ko 'yon!

Alonzo:

See you then.

Kinagat ko ang labi ko nang natantong patapos na ang usapan namin.

Ako:

See you. By then.

Alonzo:

Enjoy your birthday and vacation.

I bit my lower lip.

Ako:

I'll try. Thank you.

Tumihaya ako pagkatapos ng ilang minuto at hindi na nakapagreply si Alonzo. Tears fell from my eyes. Pakiramdam ko lahat ng pinasan ko buong taon, muling bumuhos ngayon. Hindi ko na alam. Hindi ko maintindihan. I should be happy. Ayos na kami ni Soren, may hindi pagkakaunawaan man kami ni Margaux, naniniwala naman akong maayos din kami... masaya ang pamilya ko. Manganganak si Ate Peppa. Masaya ang lahat... pero... bakit?

And it's my birthday! What in the world is happening to me?

I clicked my phone for another message. Nanlalaki ang mga mata ko habang bumubuhos ang mga luha.

Alonzo:

Are you busy right now? Can I call?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx