Kabanata 13
Kabanata 13
Fight
I've been so nervous going to work since the very first day. Akala ko maiibsan iyon kalaunan pero hindi nabawasan. Hanggang ngayon, kabado pa rin ako tuwing pumapasok sa trabaho.
I have little interaction with Alonzo since then. Kung hindi kami nakakapag-usap tuwing lumalabas ako, isang tango at ngiti lang galing sa kanya kapag pumapasok siya sa opisina para sunduin ang ina.
Weeks passed and it almost felt like this is going to be an infinite thing. Hindi ko man lang namalayan na unti-unti ring nalalagas ang oras ng tag-araw at tuwi-tuwina na ang bisita ng ulan.
One gloomy afternoon, when I'm done with my works and done with helping other people, I went out of the office. Nakapantalon, t-shirt, at block heeled sandals, tinahak ko ulit ang pathway patungo sa mga warehouse. Natigil ako nang sa kalagitnaan ay nakita ko ulit si Alonzo na ginagawa ang trabaho niya.
Kinakarga ang sako sakong retaso ng tubo patungo sa mga truck na nakahilera at naghihintay ng ilalagay.
Napakurap-kurap ako nang nakita ang hirap ng ginagawa nila habang ipinapagkasya sa truck ang maraming sako. May isa pang nakahulog ng sako dahilan ng pagtulong ni Alonzo roon. Nasira ang balanse ng pagkakapatong-patong kaya tinulak ni Alonzo ang ibang sako para hindi mahulog ang lahat. Ang mga kasama niya'y unti-unting pinulot ang mga nahulog at inaayos ulit sa taas.
Couldn't stand seeing him struggling, I went out of the pathway. Dire-diretso ang lakad ko. Dahil abala ang lahat, huli na nang napansin ako ng isang trabahante.
Sa tabi ni Alonzo, tumulong ako sa pagtutulak ng sako kahit alam kong walang bilang.
"Si Ma'am!"
Nakayuko si Alonzo noong una pero nang naramdaman ako sa tabi niya, mabilis siyang bumaling. I saw how shocked he was when he saw me.
"Ako na, Sancha!" agap niya sabay lipat ng kamay sa parteng tinutulak ko.
Nilingon niya ang mga kasama at saktong natapos ang ginagawa nila.
"Excuse me, Ma'am," sabi ng isang trabahante nang unti-unting isasarado na ang likod ng truck.
Bumaling ako at inisip pa ang gagawin.
"Okay na. Bitiwan mo na," he said as he stared at my hand, slightly unable to move it with his.
"Oh!"
Umatras ako at hinayaan na sila sa ginagawa. Narinig ko ang sigaw ng isa na break daw muna nila. Tamang oras nga ang paglabas ko dahil lagi'y sa ganitong oras naman sila nagpapahinga sa trabaho.
Umalis ang truck. Nagsialisan din ang mga kasamahan ni Alonzo. He tried to put his hand over my head, as if it's enough to shield me from the sun. BUt it's gloomy, I don't need it.
"Silong ka muna," aniya at nagpatiuna na pabalik sa pathway.
Sumunod ako sa kanya. Nang bumaling sa akin at nakita ang distansiya, bahagya siyang gumilad na para bang ang laki ng espasyong dapat para sa akin.
"Uh..." He chuckled. "Pasensiya na. Ganoon talaga madalas kapag pagod na kami. Nahihirapan nang ibalanse ang mga sako."
Tumango ako. "Kaya dapat nagpapahinga rin kayo."
He nodded, too. "Tapos ka na sa trabaho mo?"
"Oo. Tapos na ako. Ang ingay ng hilik ni Ate Soling sa tabi ko kaya umalis muna ako."
He laughed. I smiled.
"Enrolment na, ah? Nakapag enrol ka na?"
Bahagya akong nalungkot. When the rain starts, the school years starts, all of this will end.
"Kahapon. Inutos lang ni Mommy sa secretary niya. Ikaw?"
"Uh, pagkatapos siguro ng kontrata ko rito. Lagi naman akong late enrolee kaya sanay na ako."
"B-Bakit?"
"Tatapusin ko muna ang trabaho rito, Sancha. Bago ko aasikasuhin ang enrolment. Puwede pa naman 'yon."
"Hindi ba maaapektuhan ang schedule mo? Sa school?"
"Hindi naman."
I sighed and nodded again. He stared at me for a while before he asked another question.
"May naisip ka nang kurso pag college mo?"
Nagkibit ako ng balikat. "Siguro gaya lang din ni Ate Peppa at Kuya Manolo. Anything related to business... para makatulong ako sa trabaho sa azucarera."
"Mas mabuti iyon lalo na dahil ngayon pa lang may experience ka na sa pagtatrabaho rito."
I was staring at him as he talked about it. He noticed it and looked away.
"Magiging busy ka lalo sa taong 'to?"
"Oo. Medyo. Mas marami kasing subjects."
I felt a hollow space on my chest. Ba't ganoon? Alam kong lagi kong iniisip na pantay pantay ang estado ng lahat pero bakit... pakiramdam ko... hindi kami pareho? It feels like he's always ahead. He must be because he's older than me... but why does it feel like it isn't really about our age difference... or our social status?
"Dati mo na ba talagang gusto ang kurso mo?"
I saw the slight shock on his smile before he sighed and nodded.
"Dati pa. Bukod sa malaki ang sahod, gusto ko rin na nakakatulog sa ibang tao."
"Malaki ang sahod? You... want to go abroad and practice there?"
"If there's an opportunity, Sancha. At sa ngayon, may iba rin sana akong tinitingnan para sa career ko."
Wow. He has it all planned out.
Meanwhile, I even thought I could do his course. Ni hindi ko inisip ang sahod o ang responsibilidad na mayroon kapag nasa trabaho nila. Sure, I can do it but if it isn't my passion, I don't think I would survive.
In my case, I don't really think I have anything I feel strongly about. Everything seems okay... I could do things but I'm not sure if I could do anything, with passion and greatness. Kaya rin siguro hindi pa talaga ako sigurado kung ano talaga ang gusto ko hanggang ngayon.
"I know some of our relatives abroad practicing that. Maayos ang buhay nila roon pero... doon na sila lagi. Hindi na umuuwi rito. Minsan na lang."
"Oo dahil nandoon ang trabaho. Hindi puwedeng iwan."
Mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.
"Saan ka ba mag-aaral pagcollege mo? Sa Silliman?"
"Hindi rin ako sigurado, e."
"Right... You still have senior high ahead of you. May oras ka pang magdesisyon. Ayos lang 'yan."
I stared at him. He looked at the horizon with eyes so sure of his goals
"So... aalis ka ng Altagracia? I mean... eventually?"
He looked at me and gave me a warm smile.
"Oo, Sancha."
My lips parted. I want to say more but I couldn't. He licked his lips.
"Pero babalik naman ako."
I nodded and smiled a bit.
"Dito ko sana gustong manirahan. Lalo na... nandito ang bahay namin."
I chuckled. "Oo nga. Medyo malaki pa naman ang bahay n'yo. Sayang... kung iiwan mo."
"Uh-huh. Hindi ko iiwan."
Sa likod niya, natanaw ko si Kuya Manolo kasama ang iilang empleyado. Bumaling si Alonzo roon at bumati nang nakalapit si Kuya.
The little chitchats during his breaks kind of lift up my everyday mood. Lagi'y nagsisisi ako pagkatapos dahil hindi siya nabibigyan ng snack o kahit inumin man lang.
I just think it is too much if I give him that every break. Bakit ko nga ba gagawin? Hindi ba nakakahiya naman at may espesyal akong treatment sa isang empleyado.
School started and I'm excited for Soren's try out. Sa mga games nila ni Julius, nakikita kong nag improve nga siya.
"Kapag nakuha ako, mag ssponsor ako ng shoes sa mga ka teammates ko!" ayon kay Soren.
Tumango ako.
"For sure they'll love it! I'll get the limited edition basketball shoes!"
Nasa Kiosk kami ngayon, nag-uusap-usap. Hindi pa ganoon ka higpit ang schedule dahil kasisimula lang ng pasukan. I was about to say something when a classmate came up to us.
"Uh, Sancha..."
Napabaling ako sa bago kong seatmate. For our grade 10 classes, we were paired by twos. Babae at Lalaki kada column. Hindi na tuloy kami katabi ni Margaux pero nasa likod ko naman siya kaya ayos lang.
"Oh, Mark..."
Napatingin ako sa mga hand outs sa kamay niya. May kukunin nga pala kami na hand-outs para sa mga requirements ng Physics. Nagulat ako dahil kinuha niya na. His hand was shaking and his eye glass falling off his nose.
Nagtatawanan sina Julius sa tabi nina Soren. Napasulyap ako at nakitang may iba naman silang topic pero pakiramdam ko, akala ni Mark na siya ang tinatawanan nila.
"D-Dala ko 'yong sa'yo. Ibibigay ko sana o sa classroom na lang?"
"Naku, nag-abala ka pa. Kunin ko na lang. Salamat! Next time, babawi ako."
"Walang problema, Sancha!" aniya.
"Thank you!" sabay kuha ko.
"Walang anuman!" he said very nervously.
"Nerd!" I heard someone from our group said.
Paglingon ko kina Julius, umalis na si Mark, nagmamadali.
"Huwag n'yo namang awayin. Bagong seat mate ko 'yon."
"May gusto 'yon sa'yo!" si Soren sabay mayabang na ngisi.
"Wala, Soren. Mabait lang talaga-"
"Tss. Sancha, ako pa ba ang niloloko mo? Alam ko ang mga galawan niyan, lalo na mga nerd. For sure kung magpapagawa ka ng assignment, gagawin no'n."
"Soren! Hindi naman ako magpapagawa ng assignment at lalong huwag mo siyang tawaging nerd."
Hinawakan niya ako sa baywang at pinaupo. Bahagya kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Kilala ko 'yon, Sancha. May gusto 'yon sa'yo. 'Tsaka hindi ba taga azucarera n'yo nagtatrabaho ang mga magulang no'n?" si Julius.
"Naku! Hindi lang pala nerd! Mahirap pa!" si Soren.
"Soren, huwag ka namang ganyan!"
"I'm not saying that as an insult, Sancha. Sinasabi ko lang dahil alam naman natin gaano kalayo ang agwat mo sa mga empleyado ng azucarera n'yo. Milya milya."
"Ano ngayon? It doesn't justify your insults."
"I'm not insulting anyone. I'm just being real."
"If being real means being rude, then I'd rather shut up, Soren!"
"Uy, LQ 'yan, ah?" puna ni Margaux. "Dahil lang kay Mark? Ba't 'di ka na lang umamin, Soren? Na nagseselos ka?"
Natigilan ako sa sinabi ni Margaux. Nag-iwas ng tingin si Soren sa akin. I know he's my crush and it means so much to me if he was jealous of someone but... I still can't let go of his words.
"Ang sinasabi ko lang naman, may gusto siya sa'yo. Halatang wala siyang pag-asa dahil ang layo n'yong dalawa. Kung magiging mabait ka roon, mapapaasa mo lang 'yon," si Soren.
"Wala naman siyang sinasabi na may gusto siya sa akin."
"Wala pa siyang sinasabi."
"Ano ba ang dapat kong gawin? Maging masama sa mga mabait sa akin dahil lang baka may gusto sila sa akin? I will be kind to people because I feel like it, Soren."
"And what will you do if that nerd will court you? Be kind again and say yes to him?"
"Of course, not! Kung hindi ko siya gusto, I will politely turn him down. No need to be rude about it!"
"Tss..." Umiling siya at tumayo.
"Soren," tawag ni Margaux sa kanya.
I looked at him, my heart pounding so hard. Galit at frustrated dahil hindi niya maintindihan ang gusto kong sabihin.
"I don't know what's with you this summer and today, Sancha, pero mas pinipili mo ang ibang tao kaysa akin. Those people you are fighting for? They're not the same as you and me. You should be yourself! Huwag kang maging masyadong mabait sa mga taong alam mong hindi mo kapareho! But you chose their side-"
"There is no side here, Soren!"
"Tss. Then go ahead and be nice to your poor seatmate! Paasahin mo..."
"What?"
Tinalikuran niya ako. My eyes watered when I realized he's walking away. Tahimik ang mga kaibigan ko at ang ibang lalaki'y sinundan siya.
"Soren, dude! Chill ka lang! Balik tayo."
Nakita kong umiling siya at dire-diretso ang lakad.
Nasa likod ko si Julius, naghihintay ng reaksiyon ko. Hindi alam ni Margaux paano ako hahawakan kaya tumakbo na lang siya at sumama a mga kumukumbinsi kay Soren.
Tears fell down my cheeks. Ella immediately hugged me. Kumuha si Julius ng pamaypay sa isang babaeng classmate at pinaypayan ako habang humahagulhol sa kiosk.
I felt so bad. No matter how I try to understand his point, I still don't agree with it.
The rumors immediately spread like wildfire. Sa ibang section, tinatanong pa ako kung bakit kami nag-away ni Soren. Hindi ko na sinasagot. Hindi rin sinasagot ng mga kaibigan ko.
"Paano ba 'yan? Ano? Punta pa ba tayo sa try out?" Margaux asked.
I nodded. Hindi ibig sabihin na nag-away kami, hindi na kami magkaibigan.
"Sigurado ka?"
"Huwag na lang kayong pumunta, Margaux. Kahit si Leandro ang magco-coach, alam naman naming papasok na talaga si Soren ngayon. Galing niya na, eh," si Julius.
"Oo nga, Sancha. Huwag na lang tayong pumunta."
Kumunot ang noo ko nang tiningnan si Margaux. She looked so convinced that we shouldn't go.
"Maybe his mood will lighten up if he goes in the varsity team. Baka magkaayos kami kaya pumunta na tayo."
Nagkatinginan si Julius at Margaux.
"Puwede naman. After... ano na lang kaya? After... try out?"
Umiling ako. "Punta tayo."
Julius sighed. Si Ella, nasa tabi niya, malungkot at may pag-aalinlangan sa mukha.
"I don't get why you all want me to ditch something that's important for him."
Nagkatinginan silang tatlo. Palipat-lipat na ang tingin ko ngayon.
"Siguro dapat nating sabihin. Para hindi siya magulat," si Ella.
"B-Bakit?"
"Sancha, may usap-usapang... nililigawan ni Soren si Chantal Castanier."
And it felt like my world crumbled.
"Hindi namin sinasabi sa'yo kasi alam naming medyo masama pa ang loob mo pero... pagkatapos ng away n'yo, iyon agad ang kumalat, e."
"Oh... really?"
"Yes, Sancha. And they're seen frequently, too. Hindi na masyadong sumasama si Soren sa atin pero ang kasama niya si Chantal na talaga."
"Seriously?"
Tumango si Ella. "Noong napadaan ako kina Leandro, nakita ko na hinatid niya si Chantal sa kanila. Kaya... oo, Sancha."
"I'm sorry," si Margaux.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top