Kabanata 10

Kabanata 10

Birthday


Syempre kasama ko si Ate Soling sa opisina. Sa pag-alis agad ni Ate Peppa at Kuya Ramon ang unang araw ko sa azucarera.

"This is nothing serious, alright? But I want you to take this opportunity to learn," bilin ni Kuya sa akin, kumakain kami ng hapunan.

Maaga siya bukas at ako naman ay hahayaan niya kung anong oras na papasok. Hinanda niya ang isang maliit na lamesa sa akin, hindi nakabukod sa ilang mga empleyado nang sa ganoon ay may mapagtanungan ako kung wala siya.

"Why can't Manolo just give this vacation to Sancha?" si Daddy.

Hindi ko alam na hindi pala sang-ayon si Daddy na ipagtrabaho ako sa azucarera. Si Mommy naman ang sumusuporta rito.

"Hayaan mo na, Dad. Kailangan pa rin namang matuto ni Sancha at sa ganitong edad din si Peppa dinala roon para magtrabaho."

"Opo, Dad. Ayos lang naman po sa akin."

"You should just enjoy the vacation."

"The two weeks of vacation was already enough. Masaya na rin po ako sa birthday ko no'n kaya tingin ko, ayos lang na matuto ako ngayon."

Daddy sighed and nodded.

Wala si Kuya nang dumating ako sa opisina. Abala raw sa pagdidiskarga sa warehouse kaya ang isa sa mga supervisor ang nagpakilala sa akin sa mga empleyado. Kilala naman talaga ako ng lahat pero kailangan lang malaman nila na pansamantala akong mag-aaral sa pagtatrabaho rito.

Mainit ang pagtanggap ng lahat sa akin. They were all friendly and grateful for me even when I don't think I lessen their work load.

Nasa inner office ako, malapit sa opisina ng Papa ni Alonzo. Dahil nakabukod iyon, simpleng bati lang kapag lumalabas siya. Nasa labas naman ang opisina ng Mama ni Alonzo kaya mas madalas na kami ang magkita.

"Ito ang bilin ni Sir Manolo na gagawin mo. I-eencode mo lang ito, Miss Alcazar."

I nodded at the supervisor. "Sige po."

While encoding on my computer, nagulat ako nang lumapit ang Mama ni Alonzo sa lamesa ko. Bahagya kong narinig ang kaunting komosyon sa outer office. Nang lingunin ko kanina, may tindera ng turon at iyon ang pinagkakaguluhan ng lahat.

"Kumakain ka ba nito? Ano nga ulit ang allergy mo, hija?" tanong niya.

Umayos ako sa pagkakaupo bago tumango.

"Kumakain po ako niyan. Uh... nuts po ang allergy ko."

She glanced at the small brown bag and then she smiled.

"Ayos lang 'to."

"Salamat po!"

"Walang anuman. Magtanong ka lang kung may problema ka sa ginagawa mo, ah?"

"Opo!"

Tinalikuran niya ako at dumiretso na sa kanyang lamesa. Tiningnan ko ang outer office at natantong dapat din pala bumili ako at nilibre ko silang mga nandito. Nakakahiya na ako pa ang binibigyan!

I sighed and looked at Mrs. Salvaterra. Hindi malayo ang tangkad niya kay Mr. Salvaterra. Maiksi ang buhok at siguro ilang taon lang ang agwat niya kay Mommy. Her glasses made her look older but when I saw her on my Ate Peppa's wedding party, she looked nice and timeless in her beige long dress and with her hair in a bun.

Nag-iisang anak si Alonzo. Hindi ko alam iyon noon pero kalaunan nakita ko namang walang ibang Salvaterra sa kanila kundi silang tatlo lang.

Tama si Kuya Manolo. Madali nga lang ang hinanda niyang trabaho. Hindi pa natatapos ang oras sa umaga, patapos na ako sa ginagawa ko. I reserved the next things later and ate the turon instead. Dalawang piraso iyon pero isa lang ang nakain ko. Ni hindi ko naubos dahil agad nabusog.

Eleven thirty nang may nagpaalam na sa akin sa opisina. Natigilan ako sa ginagawa at tiningnan silang lahat na isa-isang umalis.

"Lunch break na, Sancha," sabi ng isang matandang malapit sa lamesa ko. "May baon ka ba?"

Nakita kong kinuha ng matanda ang isang malaking lalagyanan ng pagkain. Ngumisi siya.

"Ang iba'y umuuwi pero ako, dito na. Ang sarap kasi ng aircon sa ganitong tanghaling tapat. Halika! Kain ka!"

"May pagkain yatang hinahanda si Soling sa opisina ni Paloma," sambit noong isa. "Ako uuwi dahil may mga pamangkin din akong papakainin sa bahay!"

Ngumiti ako at tumango. "Sige po. Ingat po..."

I glanced at Mrs. Salvaterra. Palabas sa opisina ng asawa at nakita kong nilapag niya ang malaking bag sa kanyang lamesa. Uuwi rin sila.

"Tapos na?" she asked, diretso ang tingin sa outer office.

My eyes darted there and saw Alonzo going inside. Naka t-shirt-uniform ng azucarera at bahagyang sumulyap sa akin bago tumango sa ina.

Hindi ko alam saan titingin. Sa computer screen ba, sa mga dingding, sa ibang tao, o ano. Hindi ko nga lang nakayanang hindi tumingin nang lumapit na si Alonzo sa kanyang ina.

"Manananghalian muna kami, Sancha. Mananghalian ka na rin. Nasa opisina yata ng Ate Peppa mo."

"Opo, Tita."

Sumulyap si Alonzo sa akin. Nakita kong kinuha niya ang bag ng ina.

"Alis na kami, Sancha..." he said.

His mother chuckled a bit. "Mauuna siya, magmomotor. Magsasabay kami ng Tito mo."

I nodded and smiled.

Sinundan ko ng tingin si Alonzo na ngayon ay palabas na ng opisina. Bago ko pa makita na umalis na rin ang mag-asawa, dumating na si Ate Soling at inaya na ako sa opisina ni Ate Peppa.

"Ang galing pala rito sa opisina ni Ate Paloma mo, Sancha. Kumpleto sa mga pagkain sa ref. Pagawa ka rin ng opisina mo! Lagyan mo ng kuwarto para matutulog ako kapag nagtatrabaho ka!"

Umiling ako kay Ate Soling. Mukhang ang nakikita niyang future niya ay ang pagsusunod lang talaga sa akin, ah.

"Hindi ako magagalit kung gigisingin mo ako kapag may utos ka."

"Ate!" sumimangot ako.

She laughed and continued eating.

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ni Ate Soling, mahaba pa nga ang oras. Nagawa niya pang matulog sa sofa ng opisina ni Ate Peppa samantalang dilat na dilat ako sa swivel chair.

Ala una nang bumalik ako sa opisina. Naroon na ang Mama ni Alonzo at medyo abala na sa kung anong ginagawa sa computer. Ilang sandali pa lang akong nakaupo sa lamesa ko, naubos ko na ang ginagawa ko. Talaga bang ito lang ang ipapagawa ni Kuya?

Nag log in ako sa social media site at nakita na online si Kuya Manolo roon kaya ch-in-at ko siya.

Ako: Kuya, tapos na ako. Ayos na ba 'to?

Manolo Alcazar: Oo. Bukas na naman.

Nagtaas ako ng kilay.

Ako: Nasaan ka ba?

Manolo Alcazar: Nasa warehouse, busy pa ako.

Suminghap ako at nakitang may isang matandang empleyado na nahirapan sa piniprint na dokumento. Nakahanap na ngayon ng ibang mapag-aabalahan, pinatay ko ang social media account at dumiretso na roon para tumulong.

However, an hour and some errands later, I have nothing to do again. Nasa ibang lamesa na ako pagkatapos mag troubleshoot ng computer at nakatunganga na dahil wala nang ginagawa. Tumayo ako at unti-unting naglakad patungo sa pintuan ng opisina.

Si Kuya Manolo... nasa warehouse. Aling warehouse kaya?

Hindi ko alam. I opened the door and went out. Medyo mainit lalo na't galing ako sa aircon na opisina pero bearable naman. Iniisip ko si Ate Soling na nasa tabi ng upuan ko sa loob, natutulog. Buti na rin na hindi ko na siya isasama para makapagpahinga naman siya.

Naglakad-lakad ako. Tinahak ko ang daanang pang empleyado para may silungan.

Malawak ang aming azucarera at ilang warehouse ang mayroon. Ang malapit sa opisina ay ang unang warehouse at ang makinarya. Natatanaw ko ang patuloy na pagdidiskarga ng naglalakihang truck na may dalang mga tubo. Nagkalat ang mga trabahante sa mainit na field, nag-aantay sa mga tubo. May ilang galing sa makinarya, dinadala ang tapon sa tubo at ipinapasok sa truck para maihatid sa ibang warehouse.

Nahagip ng mata ko ang nahulog na sako. Ipapatong na dapat sa truck pero nahulog iyon ng kung sino. I stopped when I realized who it was.

"Alonzo! Ayusin mo, 'tol!" sabay tawa ng lalaking nasa taas ng truck.

Mabilis na napulot ni Alonzo ang dala sabay tingin sa akin bago walang kahirap-hirap na inangat sa truck. May tumawa at sumipol.

"Ah! Alam ko na!"

Alonzo glanced at the men and they immediately stayed quiet. Dahan-dahang bumalik si Alonzo sa makinarya. Nilingon ko ang kabilang warehouse, iniisip kung pupunta pa ba roon o baka mapalayo ako.

Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas na si Alonzo at may dala ulit na sako. My lips pursed and I realized how hard his work is. Naaalikabukan at mukhang puro pa mabibigat ang dinadala. Iniwas ko ang tingin nang inangat niya ang sako sa truck. May isa pang nakahulog ng isa pang sako at nakita kong umambang tutulong si Alonzo. Muntik na rin akong lumapit para tumulong kahit na wala naman yata akong bilang.

He glanced at me. Nakalabas na sa silungan dahil sa planong lalapit at tutulong sa kanila. Tumikhim ako at kinakabahang umatras.

Unti-unti siyang lumapit, nagpupunas ng kaunting pawis sa noo. He had a chance to come nearer but he didn't take the opportunity. Tumigil siya, ilang metro pa ang layo sa akin, nabibilad pa sa araw.

"Si Kuya Manolo mo?" he asked.

I'm not even sure if I want to go to Kuya Manolo.

"Uh, sana. Wala na kasi akong ginagawa sa opisina."

Tumango siya at ngumiti. "Tapos na ang trabaho mo?"

"Kaunti lang kasi ang ibinigay ni Kuya at... madali lang."

"Mainit at maalikabok pa naman..." sabay tingin niya sa paligid. "Sigurado kang gusto mong pumunta sa Kuya mo?"

"Uh... mamamasyal lang dito. Titingin lang kung... ano ano ang mga ginagawa."

Pinanood naming dalawa ang pag-alis ng truck. Doon ko narealize na may trabaho nga pala siya. Baka mamaya naka istorbo pa ako rito!

"Uh... ayos lang ba? Ang trabaho mo?"

"Ah. Ayos na 'yon. Break naman namin pagkatapos noon."

Break! Break niya ngayon! Napabaling ako sa opisina at naalala ang nagbibenta ng turon. Hindi ko napansin kanina pero baka may kakaning benta rin o baka mayroon sa canteen dito.

"Hindi ka ba mag s-snack?" sabay baling kay Alonzo.

He was already watching me intently. "Mamaya na sa hapunan. Para isahang kain na lang."

Kumunot ang noo ko. Hindi masyadong gusto ang narinig. He should eat at least and drink some water.

"Anong ginagawa mo kung break mo, kung ganoon?"

"Dito lang. Nagpapahinga."

Umatras ako, para bang alam ko kung gaano kalayo dapat ang agwat namin kapag nakatayo rito.

"Silong ka oh."

He smiled a bit and walked slowly towards the pathway. Nagpunas siya ng pawis at malayo ang tingin ngayon. Nakita ko ang mga kasamahan niyang nasa shed at gaya niya, nagpapahinga rin.

"Napagod ka noong party?" he asked out of nowhere.

"Hmm. Oo. Hindi pa nakabawi. Kadarating lang namin no'n galing Cebu."

Tumango siya. "Pansin ko nga. Umuwi na rin ako, noong umalis ka."

Unti-unti akong tumango, bahagyang nakaramdam ng kung anong kurot sa puso. Tumahimik din siya at tumingin sa malayo.

"Belated happy birthday nga pala."

My lips parted. My face heated and I realized how he remembers my birthday!

"T-Thank you."

Nagcelebrate kami sa Cebu. Kung nasa Altagracia kami, nakaugalian na magpaparty pero madalas ay out of the country kami dahil summer na iyon.

"Nagparty ba kayo?"

"Uh, sa Movenpick lang. Nag dinner kasama ang pamilya ni Kuya Ramon."

"Must be a nice place, huh?"

"Uhm... Oo. There's the beach, and swimming pool."

Nagkatinginan kami saglit. Tumango siya bago ibinaling sa malayo ang mga mata. After a while, he cleared his throat.

"May kaunting salo-salo sa amin sa bahay. Sa Biyernes. Baka lang... puwede kayo ng Kuya Manolo mo."

Nagtaas ako ng kilay. Anong mayroon?

"Salo-salo? Bakit?"

"Uh... birthday ko."

Napakurap-kurap ako bago dahan-dahang tumango. We have the same birthmonth and I don't even know.

"Tanghalian sana..."

Ngumuso ako at naalala na unang linggo ko ito sa trabaho. "Subukan ko. Sabihin ko kay Kuya... pero..." ngumiti ako. "Uh... aabsent ka?"

He chuckled a bit. "Baka... kailangan, e. Walang ibang maghahanda."

Kinagat ko ang labi ko. "Subukan ko lang. Unang linggo ko kasi sa trabaho at... ayaw kong lumiban."

Mabilis siyang tumango. "Naiintindihan ko. Walang problema."

Nakatingin na ulit siya sa malayo ngayon. I had the privilege to watch him as he stare on the horizon and I realized how different we both are. In almost everything.

"Sancha!" narinig ko ang sigaw ni Ate Soling.

Sabay naming nilingon ni Alonzo si Ate na tumatakbo patungo sa akin.

"Nalingat lang ako, wala ka na sa opisina!" she shouted and then when she noticed Alonzo, she smiled. "Ay Alonzo, ikaw pala!"

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon, din. Itong alaga ko talaga, saan saan nagsusuot. Ayaw pa naman ni Sir Manolo mainitan at maalikabukan."

"Ate!"

"Oo nga, e. Ang init at maalikabok dito. Mas mabuti sigurong bumalik na kayo sa opisina."

"Oo nga, tara Sancha!"

I sighed heavily. Medyo nakasimangot na tumingin kay Ate Soling pero umayos nang sumulyap kay Alonzo at nakitang pinagmamasdan niya ako.

"Balik na ako sa opisina. Uh... magpahinga ka na sa break mo."

"Nakapagpahinga na," aniya.

Ate Soling coughed fakely.

"May ganoon?!" she laughed.

"Ate..."

"Bye, Lonzo! Salamat sa pagbabantay sa alaga ko habang busy ako!"

"Busy? E, tulog ka lang naman doon," sabi ko.

She laughed. "Sarap ng aircon doon, e. Tulo laway tuloy ako sa tulog ko."

Hindi ko nga lang nakita ang pag-alis nila sa hapon kasi alas kuwatro nang bumalik si Kuya Manolo sa opisina. Inutusan niya agad si Ate Soling at ang driver na iuwi na ako. Bukas na raw ang karagdagan kong trabaho kaya hindi pa nakakaalis ang mga empleyado, pauwi na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx