62

Precious' POV

Tangina, kanina pa ba siya dyan? Bakit chinat pa ako eh pwede naman akong tawagin mula sa labas? Tapos nagtanong pa kung anong ginagawa ko. Aba sabi na eh, minsan masama rin maging sobrang matalino.

Lumabas ako mula sa room at nakita ko siyang nakatingin lang ng seryoso sa akin. Oh-kay? Ngayon ko lang ata siya nakitang nagsuot ng ganitong outfit. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong gusto siya ng mga babae.

"Anong ginagawa mo dyan?!" bungad ko.

"Wala namang mga damit na marurumi, batya, tubig, timba at sabon kaya malabong naglalaba ako. Wala rin namang pagkain na nakalagay dito para sabihin kong kumakain ako. Wala rin namang libro, upuan at mesa para magaral ako. Ano sa tingin mo ginagawa ko dito?"

"Ang dami mong sinabi. Magaling." walang expression kong sabi sa kanya.

"Huwag ka kasi magtanong ng obvious na ang sagot. Syempre hinihintay kita, tsk."

"Bakit kasi naghintay ka? Sinabi ko ba?"

"Ayaw mo nun? Hindi mo pa sinasabi pero ginawa ko na." Napairap ako dahil sa sinaad niya. Playboy nga naman.

"Mamaya pa ako maglulunch. Magrereview pa ako."

"Here we go again. Ngayon lang ako nakakita ng babae na namumula kapag binabanatan ko tapos biglang mag-iiba ng topic. Wala ka man lang bang sasabihin sa sinabi ko?"

"Wala edi wala." sabi ko at pumasok na ulit sa room at umupo. Gusto ko na talagang matapos 'to para bukas chill chill na lang ako. Nagulat ako ng sumunod siya at kinuha ang upuan sa harapan ko. Umupo siya dito paharap at tinitigan ako.

"Go, babatayan kitang magreview."

"Gene, can you please take away those eyes from me? Naiilang ako."

"Nah, they love staring at your face. Hindi ko sila pwedeng diktahan baka hindi na sila magfunction niyan."

"Aish, wala ka bang balak magreview? Hindi pa ata kita nakikitang humawak ng libro." sabi ko at nagpatuloy sa binabasa ko. Nagulat ako ng biglang may lumitaw na kamay sa binabasa ko at tinakpan ito kaya napatingin ako sa kanya ng masama. "Gene naman!"

"Ayan, humawak na ako ng libro. Ano masasabi mo? Masipag na ba ako mag-aral nito?" Gagooooo, pilosopo.

"Ewan ko sayo!" tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Bahala siya sa buhay niya. Kailangan hindi ako mapagalitan ni mama this quarter. Gusto kong bumawi.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker ko at laking gulat ko na lang ng may nagsara nito at dinukdok ako sa locker patalikod. "Gene!" inis kong sabi pero hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko at diniin pa rin ang pagkakasandal ko sa locker.

"Joke lang naman yun eh. Tsk, sorry na kung nabwisit kita. Gusto ko lang ng makakasama ngayong maglunch at about dun sa tanong mo, oo nagreview na ako. Madaling araw ko ginagawa yun."

"Oo na pero bitawan mo ako. Ayokong pag-usapan ng ibang tao." sabi ko at tinulak siya.

"Huwag kang matakot sa kanila. Hindi ka naman nila sasaktan hangga't kasama mo ko. No one can touch you. Tara na dahil gutom na ako." sabi nito at hinila ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top