19
Gene's POV
"Bakit? Bakit mo nga nagawa 'yon?!" napahinto ako sa paglalakad ko ng makarinig ako ng boses ng babae na umiiyak kaya nagtago ako sa sulok at nakita ang isang babae na nakatayo sa harapan ng lalaki sa park.
I don't know pero mukhang naeexcite ako sa mga nakikita ko. Hindi ko kilala ang babae pero ang lalaki ay oo. Si Axe na syota ngayon ni Jenna. Two timer pala 'to, haha.
"Please Precious, stop crying because you're making it hard for me to do this. It was just a one mistake and hindi ko naman alam na aabot sa bagay na 'to." sabi ni Axe at hinawakan ang kamay nung babae. Teka, Precious daw? Siya pala yung Precious?
"Hindi rin naman natin ginusto 'to. Maybe we are not destined for each other. By the way, I have to go. Ayoko ng patagalin pa ang usapan natin and sapat naman na siguro ang usapan na 'to para sa closure na gusto mo. Thank you, Axe." sabi nito at pinunasan ang luha niya sa mata sabay alis sa harapan ng lakaki. Kaya naman pala galit na galit siya sa akin dahil minsan na rin siyang naloko.
Pero bakit parang naawa ako ng makita ko siya na umiiyak ng ganon? Siya pala yung Precious. Hindi ko pa siya nakikita dati dahil wala naman talaga akong pake sa kanila. Mas maganda nga siya kay Racien.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top