[ Season 1 : Battle of Spiriter ]
[ Prologue ]
Sa lugar ng Kaliwanagan. Namumuhay ng masaya, mapayapa at maayos ang mga mamamayang naroon. Dahil iyon sa pamamahala ng hari na si Odysseus o Odin at ng reyna na si Freyja.
Lahat ng mamamayan na naroon ay may kaniya kaniyang mahika na ginagamit nila sa pang araw araw na buhay tulad ng sa pagtatrabaho, pagluluto, paglilinis at iba pa. Hindi naman ito ipinagbawal ng Hari bagkus hinayaan niya lang ito basta wag lang daw itong gagamitin sa masama.
Ang Hari ang may pinaka malakas na kapangyarihan. Ang elemento ng liwanag ang siyang naghirang sa kaniya upang maging pinuno. Pero sa kabila ng lahat ng iyon may katuwang din siya sa pagpapalaganap ng kaayusan ng buong Kaharian. At yun ay ang apat na alagad ng Hari na mas kilala sa tawag na Apat na Sugo ng Elemento. Dahil sa taglay nilang kontrolin ang Apat na elemento. Si Aerix ang kayang kumontrol ng Hangin, si Fisz naman ay Tubig, si Terra naman sa Lupa at ang huli ay si Lieon na kayang kumontrol ng Apoy.
Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng anak si Odin sa kaniyang asawa na si Freyja. At nang isilang ito ay pinangalanan nila itong Ryubii. Nang simula ng lumaki ang anak ng hari ay natuklasan nila ang kakaibang abilidad nito. Kaya nitong gumamit ng dalawang elemento na hindi kayang gawin ng hari. Ang dalawang elementong iyon ay ang Liwanag at Hangin na kapangyarihan ng kaniyang Inang reyna. Kaya't humingi ng tulong ang Hari sa isang matandang guro upang malaman ang dahilan ng pinagmulan ng kapangyarihan ng kaniyang anak na si Ryubii. At doon sinabi ng matanda na naaayon daw ito sa propesiya na nabasa niya sa Sagradong Libro na kasalukuyang nawawala noon. Sinabi din ng matanda na hindi lang Hangin ang kayang kontrolin ng kaniyang Anak kundi ang Apat mismo at kabilang doon ang Tubig, Lupa at Apoy.
Nang malaman ng Hari ang buong impormasyon na iyon ay binigyan niya na ng seguridad ang kaniyang Anak. Sinarili niya lang ang impormasyong iyon at inilihim niya din sa kaniyang asawa. Ngunit ng nagkaisip na ang anak ng hari ay tinuruan niya ito kung paano gamitin ang kapangyarihan na taglay niya. Sa panahon ding iyon ang Hangin at Liwanag lang ang tanging alam ni Ryubii na kaya niyang gamitin.
Sa paglipas ng panahon nalaman ng napakasamang hari sa mundo ng mahika ang napakahalagang impormasyon ni Odin. Kaya sa kaharian ng Kadiliman na siyang pinamumunuan ni Hellsiryus o Hell. Nagsagawa ito ng plano sa paglusob sa kaharian ng Kaliwanagan at dakpin ang anak ng Hari para mapasakamay nito ang napakalakas na kapangyarihan at para din pagharian ang buong Mundo ng Mahika.
Nalaman naman ni Odin ang balak ni Hell kaya nagsagawa ito ng pagpupulong at paghahanda sa pagsalakay ng Kadiliman. Humingi din siya ng tulong sa Apat na Sugo upang pigilan ang nais ni Hell na kunin ang kaniyang anak.
Matapos ang paghahanda ay ipinamalita ng Hari sa buong kaharian ang pagsalakay ng Kadiliman at planong pagkuha sa kaniyang anak. Dahil doon marami ang nagnais na tumulong sa Hari sa pagprotekta sa kanilang kaharian at sa anak ng hari.
Sa panahon na iyon nagbibinata pa lang ang anak ng hari at marunong din naman siyang lumaban dahil sa pagtuturo sa kaniya ng kaniyang Ama. At lumipas ang ilang araw dumating na ang kanilang inaasahan...
Ang paglusob ng Kadiliman sa kanilang kaharian.
----------------------------------------------------------------
[ Digmaan - Mundo ng Mahika ]
Lahat ng mamamayan sa Kaliwanagan ay abala sa ginagawang paglusob ng Kadiliman. May isang kawal naman na nasa tore ang tumitingin sa paligid. At doon nakita niya ang milyong milyong miyembro ng kadiliman na papunta sa kanila. Kaya doon biglang sumigaw ang Kawal sa isang kasamahan nito na may kapangyarihang Apoy.
Sumenyas ka na!. Utos ng Kawal at sinunod agad ito ng kaniyang kasama.
Kumuha ito ng palaso at ginamitan niya ito ng Apoy saka inilagay sa kaniyang Pana. Inasinta nito ang langit at doon niya iyon pinapunta. Sa dako naman ng Hari ay nakasilip lang ito sa teris ng kanilang palasyo. Nakita niya naman ang palasong apoy sa langit na naging dahilan upang makaramdam siya ng pangamba.
Narito na sila. Mahinang sambit ng Hari.
Habang nakatingin sa di kalayuan may biglang pumasok naman sa kanilang silid. At doon tumambad ang Apat na Sugo ng Elemento. Sabay sabay itong iniluhod ang isang paa bilang paggalang sa Hari. Nagsalita naman ang isa sa apat na sugo.
May masamang balita po Mahal na Hari. Fisz
Dumating na po ang ating mga kaaway. Dugtong naman ni Lieon.
Hinarap naman ng hari ang apat na sugo saka nagsalita.
Gawin nyo ang lahat ng magagawa nyo upang pigilan sila maliwanag?. Tugon ng Hari.
Masusunod Po!!. Sagot naman ng Apat saka umalis ng silid.
Pagkatapos nun ay nagtungo naman ang Hari sa silid ng kaniyang anak. Wala ang Reyna dahil kasama din ito sa pakikipaglaban. Nang makarating sa silid ay nakita ng hari ang kaniyang anak na nasa higaan at nakaupo habang nilalaro ang bolang hangin sa kaniyang kamay.
Agad namang napansin ni Ryubii ang kaniyang Ama kaya't itinigil nito ang paglalaro ng kapangyarihan. Tumabi naman ang hari sa kaniya.
Anak may sasabihin sana ako sayo. Panimula ng Hari.
Anu po iyon Ama??. Tanong ni Ryubii.
*Booogggsssshhhhhhh*
Nakarinig naman sila ng pagsabog at doon napayuko ang Hari.
Mukhang malabo ka naming maprotektahan anak..... Malalakas ang pwersa nila at hindi namen iyon kayang tapatan. Napakuyom na lang ang Hari sa kaniyang sinabi.
Bakit hindi kayo lumaban?? Malakas po kayo Ama. Tugon naman ng Anak.
Napailing na lang ang Hari sa sinabi ng anak. Dahil kung tutuusin hindi niya kakayaning kalabanin ang napakaraming alagad ni Hell. At higit sa lahat hindi niya na din kaya pang lumaban dahil sa katandaan.
Hindi ko kaya Anak, mahina na ang kapangyarihan ko. Sabi ng Hari.
Dahil doon tumayo bigla ang anak ng hari at kinuha ang espada na nasa tabi nito.
Kung hindi niyo po kaya Ama, lalaban po ako basta't bigyan niyo ako ng pahintulot. Buong tapang na sabi ni Ryubii.
Namangha naman doon ang Hari sa ipinakita ng kaniyang anak.
Ako na iyong Amang Hari ay binibigyan ka ng pahintulot na lumaban sa digmaang ito. Basbas ng Hari sa Anak.
Maraming salamat po Ama. Sagot ng Anak ng matapos ang basbas.
Sumunod nun ay umalis na ito ng palasyo at agad na nagtungo sa labanan. Kaya ang hari naman ay bumalik sa Teris at pinanuod sa malayo ang digmaang nagaganap.
Samantala si Ryubii ay nakarating naman sa Digmaan. Sumugod ito sa mga kalaban kasabay ng mga Alagad ng Kaliwanagan.
*Ting*
*Tsing*
*Crrrkkkk*
*Tsing*
*BOOOOGGSSSHHHH*
*Tsing*
*Sword Flashes*
Argh!!
AHHHHHH!!!!
*Zing*
*Crrkkkk*
Sa dako naman ng Hari ay patuloy parin ito sa pagtanaw sa mga naglalabanan. Minsan ay kapag may nakikita siyang namatay na miyembro ng Kaliwanagan ay parang nanghihina ito. Nakokonsensya ito dahil wala siyang magawa upang matulungan ang kaniyang mamamayan.
Huminga ng malalim ang Hari at nakaisip ng isang paraan. Kung paano matitigil ang digmaang nagaganap ngayon. At yun ay ang paggamit na ipinagbabawal na mahika sa kanilang angkan.
Iyon lang ang natatangi kong paraan upang magwakas ito...
Ang mahikang iyon ay "Katuparan sa kahit anumang kahilingan kapalit ng iyong Kamatayan" . Agad namang nagtungo ang Hari sa Tore ng kanilang palasyo. Pumunta ito sa mismong tuktok saka nito itinaas ang dalawang kamay at ipinikit ang dalawa nitong mata.
Styr zaeh liue vied firrah esir khur inxa suz biretto el askri ven.. ------ bigkas ng hari
At doon nagkaroon ng malakas na liwanag sa tuktok ng palasyo. Kaya lahat ng nakikipagdigma ay nabaling ang atensyon sa liwanag na iyon maging si Ryubii. Kasabay nang malakas na liwanag ay lahat ng kasali sa digmaan ay nagliwanag ang buong katawan maging Kaliwanagan at Kadiliman.
Anong nangyayari?!?!
Bat ako nagliliwanag?!?!
Ano to?!?!
Halos lahat ay naguguluhan sa nangyayari at wala ni isa sa kanila ang kayang ipaliwanag iyon. Hanggang sa lahat sila ay naglaho na parang bula at napunta sa kabilang mundo.
Sa di maipaliwanag na pangyayari lahat ng mga tao sa mundo ng mahika ay napunta sa Mundo ng mga Tao o Mortal at naging mahiwagang espirito na lamang.
Ang pangyayaring iyon ay dahil sa kahilingan ng hari na wakasan na ang digmaan at magkaroon na ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagiging mahiwagang espirito sa mundo ng mga.........
MORTAL........
[ Itutuloy... ]
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Yoow guys ayos ba yung Prologue??? Yan pa lang ang nasisimulan ko sa pag rerevised kaya pasensya na hehehehe. Sorry kung may mga nabago pero sana naintindhan nyo yung rason ko.
Pero sana suportahan niyo itong story ko at promise gagandahan ko paggawa nito. So hanggang dito na lang muna see you on the next chapter......
[ TripletsX ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top