GUIDE or IMPORTANT INFO.

Guys bago magsimula ang istorya ipapaliwanag ko lang muna ang mga mahahalagang detalye tungkol sa mga sandata o weapon na magagamit sa Season 1 ng GEIST. May iba't ibang klase po kasing sandata ang mababasa ninyo at syempre ng hindi rin kayo maguluhan.

[ Gear ]

Battle Gear Bracelet - isa itong high technology na bracelet na may pagkakahawig din sa bracer. May bilog ito sa gitna na kapag pinindut mo ay may lalabas na holographic screen at nakapaloob roon ang impormasyon sa may suot o may ari ng BGB. Ang gear o device na ito ay kakayahang magbigay sayo ng "Skill" na magagamit mo sa pakikipaglaban pero depende ito sa ma sesearch niya at nakadepende din ito sa katangian mo. At once na nakipag duel ka ay gumagawa ito ng isang puting barrier na babalot sa buong katawan mo para pag nagtamo ka ng mga sugat ay maghihilom ito pag tapos na ang laban at magkakaroon ka din naman ng HP Bar sa BGB na magsisilbing buhay mo sa laban. Pagdating sa laban ay pwede mong gawin ang kahit anong nais mo tulad ng pagtalon ng mataas, mag dash at iba pa. Kapag naubos naman ang HP mo ay hindi ka naman mamamatay bagkus manghihina ka lang dahil mararamdaman mo ang sakit na natamo mo sa laban.

[ Battle Mode System ]

HP to Zero Mode - ang mode na ito ay walang time limit. Ang kailangan lang ay magkaubusan kayo ng HP at kung sino sainyo ang naubusan ay siyang talo. ( Solo / Duo Type )

Time Limit Mode - ang mode naman na ito ay may limit at ito ay hanggang 5 minuto lang at kapag isa sainyo ay walang naubos na HP. Ibabase ito sa padamihan at kung sino ang mas marami pang natirang HP ang panalo. ( Solo / Duo Type )

First Strike Mode - ang mode naman na ito ay kailangan mong mabawasan ang kalaban mo ng 10% HP at kapag nagawa mo iyon ikaw ang mananalo. Pero sa laban na ito hindi ka pwedeng gumamit ng AOE Skills , ang mga skill lang na required is puro Direct Skills tulad ng Stab, Slash ( kahit anong klase basta hindi AOE tulad ng Wave Slash Etc. ).  ( Solo Type )

Paalala :
Kung sino man ang nag send ng duel invitation ay siya ding may kakayahang gumamit ng Battle Mode System. Pero pwede naman itong pag usapan ng mag duduelo kung anu ang gagamitin.

[ Weapon Type ]

Normal Type - ito yung mga ordinaryong sandata lang na gawa sa mga metal.

Luxes Type - ito yung mga sandata na pure technology at ang halimbawa nito ay mga TechnoBlade, beamsword, beam guns etc.

Hybrid Type A - ito naman yung mga sandata na pinaghalong normal at luxes. Ang kaibahan lang ay ang Type A ay beam ang talas nito pero metal padin sa kabuuang katawan nito at ang hawakan naman ay gawa sa mga bakal at matitibay na kahoy.

Hybrid Type B - ito naman yung kabaliktaran ng A dahil dito ang talas ng sandatang ito ay purong metal ngunit ang hawakan nito ay luxes type. Bale kung ikukumpara sa luxes tulad ng beam sword, kapag pinindut mo ito ay beam ang lalabas. Sa Hybrid Type B naman ay blade o metal imbis na beam.

[ Elements ]

Sa season 1 po 4 Elements po muna ang makikita o mababasa nyo. Pero kung isasama yung sa bida bale 5 po.

Fire

Earth

Water

Wind

Light

[ 8 Academy ]

Paalala lang po hindi po ito naka base sa rankings sadyang sinulat ko lang po lahat.

1. National Spirit Academy
2. Zestiria Academy
3. Ferix Academy
4. Gimoire Academy
5. Scheilder Academy
6. Drakia Academy
7. Hextitute Academy
8. Roanoke Academy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top