Chapter 9 : Zestiria's B.O.S

Aizer POV

Kasalukuyan akong este kaming nasa puno ngayon ni crystal kung saan ako dati tumambay nung nag checheck ako ng BGB.

Attention to all contestant of Battle of Spiriter. Magsisimula na tayo in 5 minutes kaya pumunta na kayo sa Battle Ground. Isang boses na nanggaling sa Speaker.

Ohh tara na Aizer baka malate pa tayo niyan. Sabi ni Crystal na nasa kabilang part ng puno.

Tumayo naman siya kaya tumayo na din ako.

Tara. Mahinahon kong sabi at nagsimula na kaming maglakad.

Galingan natin sa laban ahh alam kong malaki ang maitutulong mo sa paghahanap sa Ate ko. Saad naman ni Crystal.

Oo at para tayo na din ang maging representative ng school. Tugon ko.

Oo nga pala hindi ko nasabi sainyo na magpartner na kami ni crystal sa B.O.S . Tinanong niya kasi ako kahapon kung pwede daw akong maging kasama niya. Hindi sana ako papayag pero ng malaman ko ang rason niya doon ko napagtanto na mahirap mawalan ng pamilya kaya pumayag ako.

{ Flashback }

Nandito ako sa labas ng building namen at nakatambay sa isang bench na nasa lilim habang nagbabasa ng libro. Ganto kasi ako minsan kapag wala akong ginagawa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may nagsalita sa harapan ko.

Ahm Hi Aizer. Rinig kong sabi niya na nakilala ko agad dahil sa boses nito

Upo ka. Umupo naman siya sa tabi ko. Anung sadya mo bat naparito ka Crystal?. Tanong ko.

Itatanong ko lang sana kung may kapartner kana sa B.O.S . Meron ka na ba?? . Tanong niya saken.

Wala pa atsaka balak ko sana magsolo tutal 7 naman tayong sumali sa room. Sagot ko habang nakatingin parin sa libro.

Gusto ko sana na ikaw na lang maging partner ko sa B.O.S okay lang ba?? . Crystal.

Bakit ako?? Pwede naman si Tol ( Rex ) o kaya yung classmate naten. Ani ko.

Tingin ko kasi mas makakatulong ka sa misyon ko. Atsaka mas magaling ka lumaban kesa sa ibang kaklase natin. Puring sabi niya.

Nacurious ako bigla sa sinabi niyang misyon kaya di ko naiwasang itanong.

Anu bang misyon mo??. Nabigla naman siya sa sinabi ko pero huminga siya ng malalim na parang handa itong sagutin.

Ang hanapin ang Ate ko na dating kalahok sa Battle of Spiriter. Napasara ako bigla ng libro. At higit sa lahat para na din malaman kung bakit siya nawala ng ilang taon saamin. Seryosong sabi niya.

Doon naunawaan ko ang nais at nararamdaman niya dahil pareho kami ng naranasan ng nawalay ako sa aking mga kapatid. Hinarap ko naman siya at doon ko napansin ang kaniyang mukha na nagnanais makamtan ang gusto niyang mangyari.

Payag nako maging kapartner mo. Sagot ko na ikinatuwa niya bigla.

Talaga?!. Hindi makapaniwalang tanong ni Crystal.

Oo nga kulit. Sabi ko at doon bigla niya kong niyakap.

Salamat talaga Aizer!!. Tuwang turan niya.

Maya maya pa ay narealize niya ang ginawa niyang pagyakap sakin kaya't napabitaw ito at umiwas ng tingin.

Ah-eh s-sorry nabigla lang ako hehe. Sabi niya. Natawa lang ako ng mahina dahil sa pamumula ng mukha niya.

Wala yun saken, tara na balik na tayu sa room kanina kapa namumula ehh. Pang aasar ko. Saka ako tumayo at naglakad.

{ End of Flashback }

Malapit na din kaming makarating sa Battle Ground ng school. Kung ididetalye ko ang itsura. Makikita mo agad sa labas ang pa pentagon nitong hugis, para siyang stadium ng sinaunang panahon pero ang pinagkaiba pure technology na ang ginamit sa paligid nito. Sa bawat side ng pentagon ay may malaking holographic screen kung saan pwede mapanood ng mga nasa labas ang labanan sa loob ng Battle Ground.

Habang papalapit ay marami nakong nakikitang mga estudyante na nagbubulungan at pinag uusapan tungkol sa B.O.S at kung sino ang magiging representative ng school. Ito yung mga narinig ko sa kanila.

Uyy nabalitaan nyu na ba na hindi na sasali si Uno at Dos natin sa B.O.S ??. Student 2

Okay na yun nakakasawa na din kasi silang maging representative ng school. Student 1

Tama, lagi na lang nagiging talunan yung school naten dahil sa kanila atsaka pinatalsik na sila ng school dahil sa kayabangan nila. Student 3

Napaisip naman ako kung sino yung tinutukoy nilang Uno at Dos. Kaya tinanong ko si Crystal kung kilala niya yung mga yun.

Crystal sino yung sinasabi nilang Uno at Dos??. Tanong ko habang naglalakad.

Ahh yun ba, magkambal na lalaki sina Uno at Dos, sila ang dating representative ng Zestiria kaso laging talunan dahil sa kayabangan nila , ang sabi nga pinatalsik na daw ng Head Mistress yung dalawang yun. Paliwanag niya. Head Mistress?? Sino kaya yun.

Ehh sino naman yung sinasabi mong Head Mistress??. Nagulat naman sya sa sinabi ko. May mali ba?.

Pati si Head Mistress di mo kilala?! Napahawak naman siya sa ulo niya na parang nananakit.

Magtatanong bako kung kilala ko?? . Napacross arms naman siya sa sinabi ko.

Si Head Mistress Haeya ang humahalili ngayon sa buong Zestiria, sa madaling salita siya ang Principal natin ngayon. Saad niya kaya nalinawan nako.

Ahhh okay salamat sa info. Sabi ko na lang.

Nakarating naman kami sa Battle Ground kaya tinungo nanamin ang loob nito. Naglalakad kami ngayon sa hallway at kasalukuyang hinahanap ang lugar para sa mga kasali.

Pero sa paglalakad namin ay may paparating sa aming harapan at tumatakbo ito palapit samin. Kumaway ito bigla at sumigaw.

Tol!! Crystal!!. Doon ko napagtanto na si Rex yun.

Nakalapit naman ito saamin ng hingal na hingal pero hindi nito pinansin ang pagod at nagsalita.

Sumama kayo saken bilis! Magsisimula na yung B.O.S !! Tara na. Bulalas niyang sabi kaya tumakbo agad kaming tatlo.

Sinusundan lang namin si Rex kung saan kami tutungo hanggang sa mapansin kong pababa ang pinupuntahan namin. Hanggang marating namin ang ibaba at doon tumambad saamin ang mga tao na abala sa kani kanilang gawain. May nakita naman kaming nga contestant na nakatungtong sa isang bilog , bigla na lang kaming hinila ni Crystal at ipinuwesto sa katulad na bilog ng ibang kalahok. At doon bigla itong umangat kaya muntik na kaming ma out balance ni Crystal. Habang paangat ay may pahabol pang sinabi si Rex.

Goodluck sainyo tol!!. Rinig kong sabi niya.

Patuloy padin ang pag angat namin hanggang sa malapit nanaming marating ang itaas. Nadidinig ko naman ang sigawan ng mga tao at malakas na music. Sunod nun ay narating nanamin ang itaas at ng iginala ko ang paningin ko puro sigawan at hiyawan ang naririnig ko sa kanila. Tinuon ko ang atensyon ko sa kinalalagyan namin at tingin ko nasa gitna kami ng Battle Ground.

Handa na ba kayo ZESTIRIAN'S?!?!. Sabi nung Announcer. Tanging sigaw at hiyaw lang ang tinugon ng mga tao. OWWKAAYYY!!

Huwag na nating patagalin pa!!! Ang Battle of Spiriter ay magsisimula na!!!. Dugtong ng Announcer.

[ Zestiria's Battle Of Spiriter ]

Meron po tayong Apat na Contestant mga kaibigan!! Nakakapagtaka dahil kumonti bigla ang mga sumali at ang iba naman ay nag back out pero syempre itutuloy natin ito para malaman kung sino ang magiging Representative ng Zestiria!!!. Magiliw na sabi ng Announcer.

Ito po ang mga kasali sa B.O.S !!. Nagkaroon naman bigla ng papentagon na holographic screen sa itaas at ito yung nakalagay.

Team 1 - Francis Hades / Franco Hades
Team 2 - Aizeron Cruzader / Crystal Joy Priamez
Team 3 - Kim Fauren / Jun Du Lac
Team 4 - Tyron Mezil / Lexus Cortez

Let's Start the shuffle!!. At doon may pinindut yung announcer na button at nag halo halo yung team na nakasulat. Pero ilang minuto lang ay narinig nanamin ang resulta.

Ang maglalaban laban po ayy?!?!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Team 1 laban sa Team 2 at Team 3 laban sa Team 4. !!!. Pumunta na kayo sa magkabilaang side ng Battle Ground. Sabi nung announcer, doon biglang nagkaroon ng harang sa pagitan namin ng Team 3 bale kasama namen ang Team 1.

Naglakad naman sila sa kabilang side ng pwesto namen saka kami hinarap.

Bago natin simulan ang laban maaari nyo bang itaas ang mga BGB nyo mga kalahok??. Announcer. Kaya itinaas ko ang kanang kamay ko samantala kay Crystal ay kaliwa.

Bigla namang nagliwanag ang mga BGB namen at may kung anu anong nangyayari dito. Kung ididetalye para itong nag iiba ng anyo. Pagkatapos ng pagpoproseso ng aming mga BGB ay isang boses ang lumabas dito.

New System Acquired : . Sabi nung BGB namen.

May New System na BGB nyo at ang makakagamit lang nun ay kung sino sainyo ang magiging sender ng Duel Invitation. Wag kayo mag alala dahil sa labanan na ito tanging HP To Zero Mode ang gagamitin ninyo. So napaliwanag ko na lahat kaya.....

SIMULAN NA ANG LABAN!!!

Hoy mga mahihina!! Kayo na mag send ng Duel Invitation. Napatingin kaming dalawa ni Crystal sa kanila.

Anong mah--. Magsasalita pa sana si Crystal pero pinigilan ko ito kaya tumingin siya saken. Umiling ako na sinasabing Wag kaya tumango siya bilang sagot.

Ikinonekta ko na ang BGB ko kay Crystal saka ko inayos yung Duel Invitation. Pinindut ko naman ito at sinend sa mga kalaban namin. Kakaiba nga dahil hindi nanamen kailangan magsalita pag makikipag duel. Sumunod nun ay may natanggap akong DUEL ACCEPTED at lumitaw na nga yung sinasabi sa Announcer.

[ Duel Invitation - Accepted ]

[ Aizeron Cruzader = 100%
Crystal Joy Priamez = 100% ]

Versus

[ Francis Hades = 100%
Franco Hades = 100% ]

Battle Mode System :
[ HP to Zero Mode ]
[ Time Limit Mode ]
[ First Strike Mode ] Not Required

Pinindut ko naman yung HP to Zero Mode at nagkaroon na ng countdown sa mga BGB namen.

10
.
9
.
8
.
7
.
6
.
5
.
4
.
3
.
2
.
1
.
BATTLE START!!. Mechanical Voice

[ Itutuloy... ]

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Yow guys pasensya na sa late UD naghanap pa kase ako ng mga pwedeng maging character sa story eh hehehe. Kung bitin man sorry hahaha sinadya ko talaga yan. Di ko papahabain dahil labanan na eh hahaha. Sana nagustuhan nyo yung UD :D

Dedicated ito sa gumawa ng Cover ng G.E.I.S.T :D SkySungit salamat idol r

See you on the next chapt!!

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top