Chapter 8 : Rex's Life ( GauntLet )

Rex POV

Yow guys kilala nyu naman siguro ako haha pero ipapakilala ko ulit ang sarili ko. Im Rex Dela Rosa at matalik na kaibigan ni Aizer , alam kong nakakapagtaka kung paano ako nagkaroon ng Spirit pero sa totoo lang aksidente lang yun at sobrang mahabang kwento yun kaya saka ko na sasabihin. Sa ngayon naghahanap ako ng makakapartner ko para sa B.O.S , gusto ko sana si Tol Aizer ang kasama ko kaso ayoko namang maghiwalay yung dalawang lovebirds kaya ako na mismo magpaparaya.

Hirap ng buhay single phew....

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway at wala pa din akong mahanap na makakasama ko. Mamaya na kasi gaganapin ang B.O.S sa school. Oo nga pala ang B.O.S dito sa school ay di pa mismong B.O.S na by school. Ang mangyayari lang kasi ngayon ay mamimili ang Head ng Zestiria kung sino ang magiging representative ng school kaya ang gagawin nila ay paglalaban labanin ang mga kalahok ngayon.

Nagulat ako ng may nabangga ako sa aking harapan at nalaglag lahat ng libro at papel na dala niya.

Tumingin ka kase sa dinadaanan mo bwiset!!!. Bulyaw sakin nung babae sabay pulot ng gamit sa lapag. Malalagut nako kay Sir nito. Pabulong niya pang sabi.

Pasensya na. Sabi ko saka ko siya tinulungang magpulot. Hindi ko sinasad--.

Leche!!!. Sigaw niya saken sabay tingin ng masama.

Doon ko narealize at nakilala kung sino ang nabangga ko. Hindi ako pwedeng magkamali alam kong siya yung naka duel ni Tol Aizer noong nakaraan.

Teka humingi naman ako ng pasensya ahh. Anu bang ikinagagalit mo??. Tanong ko.

Palibsaha di ikaw yung mapapagalitan!! Tssk. Akin na nga yan!!. Sabi niya sabay hablot ng librong hawak ko.

Edi ako ang magpapaliwanag sa Sir mo!! At para di kana tumalak dyan na parang manok!!.

Wag na!! Hmp!!. Sabi niya sabay talikod at naglakad paalis.

Bigla namang nag komento ang spirit ko.

Ansungit naman nun master - Lieon

Pabayaan mo na Lieon ....

Ehh paano yan master wala ka pang kasama sa pagsali mo sa B.O.S - Lieon

Sus darating din naman agad yan tulad ng pagdating mo...

May punto ka Master Rex - Lieon

Bago yun gusto ko munang malaman nyo kung paano kami nagkakilala ni Lieon at ang pagiging spiriter ko. Bale ganto kasi yun.

{ Flashback }

[ Last Year - 2055 ]

Sa araw araw na pagpasok ko sa school ay panay din ang nararanasan kong pambubully. Bakit?? Dahil lang naman sa pagiging ordinaryo kong tao. Porket may spirit sila ay nagagawa nila ang gusto nila saken. Kung tutuusin ay kaya ko silang labanan gamit ang dalawang kamao ko pero dahil sa kapangyarihang taglay nila ay wala akong magawa.

Nagsimula ang pambubully na ito ng mawala si Aizer sa tabi ko. Simula ng malipat siya ng school ay binubuhos nila ang paghihiganti saken.

Pauwi nako ngayon sa amin at kasalukuyan akong naglalakad sa daan ng may biglang humila saken. At doon napalibutan ako ng Limang lalaki na may mga sandata tulad ng Knuckles , Scimitar , Dagger, Short Sword at Samurai. Nakangiti lang silang lahat saken habang pinagmamasdan ako.

Kamusta na Bata?? Mukhang may nakalimutan kang dapat gawin ah. Ngising saad ng Leader nila na naka Samurai.

Itinutok niya naman ang dulo ng samurai sa leeg ko pero di ako nasindak. Sadyang nasanay nako sa mga taong ito kaya wala nakong nararamdamang ganung bagay.

Ang tinutukoy ng leader nila ay ang pagbibigay ko ng pera sa kanila. Kaya't dahan dahan akong dumukot sa bulsa ko upang kuhain ang wallet ko. Habang ginagawa ko yun ay mapapansin mo sa mukha nila ang pagkasabik sa pera. Lalo na ang leader nila pero sawa nako sa ganitong bagay kaya ng maramdaman ko na hindi na nakadikit ang samurai ay agad kong hinawakan ang kamay niya sabay ikot para mapilipit ito tapos ay pumunta ako sa likod. Doon nabitawan niya naman ang samurai kaya sinalo ko iyon gamit ang kaliwa ko sabay tutok sa leader nila.

Sige subukan nyong sumugod para matanggalan agad ng ulo ang leader nyo!. Pagbabanta ko ng mag akma sila na susugod.

Wag!!. Pigil ng leader sa mga kasamahan niya.

Padaanin nyo ko kung ayaw nyong tuluyan ko ito!!. Doon nag bigay naman sila ng daan.

Sunod nun ay itinulak ko yung leader nila at tumakbo ng mabilis.

Habulin nyo siya!!. Rinig kong sigaw nung leader.

Pumunta ako sa isang sikot sikot na lugar o eskinita. Kanan, Kaliwa tapos diretso at kanan ulit. Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil sa pagkataranta ko. Hanggang sa makarating ako sa Dead End. Wala ng daan dahil mga nakasarang pinto at bintana na lang ang nasa harapan ko at tingin ko wala pang nakatira dahil sa sobrang luma ng itsura.

Hindi pa yan nakakalayo!! Nandyan lang yan sa paligid!!. Nanginig ako ng marinig ko ang boses na yun at napatingin ako sa likod.

Halos atakehin naman ako sa gulat ng may nangalabit sa likuran ko kaya napaharap ako bigla. Doon tumambad sakin ang isang matandang lalaki.

Anung nangyari sayu iho?? Okay ka lang ba??. Tanong niya saken.

M-may humahabol po sakin, tulungan nyu po ako manong!. Pagmamakaawa ko. Mas lalo akong nataranta ng makarinig ako ng mga yapak.

Hanapin nyo!!! Nandyan lang yan!!

Manong tulungan nyu na po ako!! May mga spirit sila at balak po nila akong patayin. Manong!!. Taranta kong sabi.

Hindi naman umimik si Manong at may kinuha ito sa dala niyang bag. Doon ko nakita ang isang Gauntlet na may disenyong apoy at may diamond ito sa gitnang ibabaw. Bigla niya naman itong ibinigay saken sa di ko malamang dahilan.

Gamitin mo iyan iho, masyado nakong matanda at mahina para kayanin ang kapangyarihan niyan. Naguluhan naman ako sinabi niya. Kapangyarihan??

Anu pong ibig niyong sabihin manong??. Taka kong tanong.

Simpleng salita lang, Spirit. Halos manlaki ang mata ko sa gulat ng magets ko ang sinabi niya.

Tapos ibibigay nyu po saaken?!?. Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi siya sumagot at ngiti lang ang tanging nakita ko sa kaniya.

Lieon......yun ang pangalan niya at ngayon ipinapasa ko na saiyo ang pagiging spiriter ko sa kaniya. Suotin mo na yan Bata. Ginawa ko nama agad iyon.

At doon bigla nag iba ang pakiramdam ko. Pero ang mas ikinabigla ko ng makita kong naging pula ang mata ni manong at nag aapoy pa ito. Itinutok niya ang kaniyang palad saakin at bumigkas ng hindi ko maintindihan.

Matapos iyon ay nakaramdam ako ng matinding init sa aking dibdib at napasigaw ako sa sakit.

AAAHHHHH!!!.

Napalibutan naman ako ng naglalagablab na apoy. At may biglang nagsalita naman sa aking isip.

Kamusta ka aking bagong Spiriter..

Sino ka?? .Tanong ko sa kaniya.

Ako si Lieon.... Ang spirit mo .- Lieon

At doon biglang nawala ang apoy sa paligid ko. Nakaramdam naman ako ng pagbabago sa aking katawan at parang may naglalagablab sa loob ko. Pero hindi ko muna iyon pinagtuunan ng pansin kundi si Manong. Bigla siyang nawala na parang bula.

Dito nanggaling yung Apoy!!!

Ayon siya!!!!

Natuon ang atensyon ko sa boses na iyon at doon ko nakita ang mga nambubully sakin.

Hayup ka!! Pinahirapan mo ko!!! SUGURIN SIYA!!. Sigaw nung leader. Kaya sumugod ang mga alagad nito.

Master gamitin mo ang kapangyarihan ko - Lieon.

Oo salamat Lieon....

Habang pasugod sila ay pumikit lang ako at nag concentrate. Nakaramdam ako ng init ng apoy sa suot kong gauntlet kaya mas nag concentrate pa ako.

Sandali!! Bakit nag aapoy ang mga kamay niya!?!?.

May Spirit din Siya!! Boss paano na ito??.

Mahina lang yan!!! Mga b*b* talaga kayo!! Sugurin nyo na!!. Rinig kong sabi nung leader.

Doon natapos nako sa aking ginawa at dumilat. Papalapit na sila saaken kaya pinorma ko ang kanang kamay ko na parang susuntok. Ibinuhos ko ang pwersa sa kanang kamay ko at doon nag apoy ito ng malakas.

Mga hayup kayo!!! Tanggapin niyo ito!!. Sigaw ko. Ito ang tinatawag kong...

FLAMING...CURSED!!! PUNCH!!!!.

Nagpakawala ako ng suntok sa kanang kamay ko papunta sa direksyon nila. Bigla namang nagkaroon ng malaking hugis kamaong apoy at umiikot na parang ipo ipo patungo sa kanila.

Atras!!!

Ilag!!

WAAAAHHHH!!!!. Rinig kong sigaw nung leader.

*Boogggggsssshhhhh*

Lumikha iyon ng malakas na pagsabog at lahat sila ay nakita kong nakahandusay sa lupa at puno ng galos ang mga katawan nila. Pero wala namang namatay sa kanila at mabuti na rin iyon dahil ayokong maging mamamatay tao.

Matapos ng pangyayari ay umalis nako sa lugar na iyon at umuwi na mg bahay. Hanggang sa lumipas din ang ilang araw wala ng nambubully saakin at nalaman ng school ko na may Spirit ako kaya't inilipat nila ako sa ibang school walang iba kundi ang Zestiria Academy.

{ End of Flashback }

Malaki ang pasasalamat ko sa matandang iyon kundi dahil sa kaniya patuloy pa din ang nararanasan kong pambubully. Sana lang talaga magkita ulit kami. Bigla namang may nagsalita sa speaker.

Mr.Rex Dela Rosa, Pumunta ka ngayun sa Principal's Office ngayon na. Yun ang sabi sa speaker.

Bakit kaya??....

Hindi mo malalaman kung hindi ka pupunta master. - Lieon.

Sabagay tama ka...

Kaya naglakad nako papuntang P.O.

[ Itutuloy... ]

#################################################

Sorry sa late late UD mga Pards At Tol hehehehe ngayon lang ako ginanahan magsulat eh. Pasensya na din kasi marami rin kasi akong school work o minsan may report or recitation kaya nag aaral ng mabuti si Author.

Ayoko ko kasing bumagsak sa PreCal HAHAHA Joke. Pero sana naging okay sainyo itong UD ko. Di bale malapit na po ang B.O.S ilang chapter na lang :D so hanggang dito na lang muna ba byeee.

|> TripletsX


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top