Chapter 7 : The Secret

Crystal POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Grabe di ako maka get over kaganina. Nakakahiya pa bigla akong nautal nung nginitian niya ko. Di ko alam na ang gwapo niya ngumiti kahit masungit siya may ganung side nman pala kala ko seryoso siya lagi. Iniisip nyo siguro na crush ko siya no pero tama nman kayo crush ko siya pero hanggang dun lang yun dahil ayoko mag expect na magkakagusto siya sa isang tulad ko eh iritang irita siya saken dahil sa kaingayan ko , nakasanayan na kase haha. Wag kayong maingay ah.

Bago yun nga pala sasali ako sa B.O.S next week kaso wala pakong kasama. Duo kase ang labanan dun base sa mga nalaman ko at na search ko ang Battle of Spiriter ay labanan ng mga estudyante para sa kanilang eskwelahan. May Walong Academy na kasali sa B.O.S at kasama na doon ang Zestiria Academy na school namen ngayon. Oo nga pala ang mananalo sa B.O.S ay makakatanggap ng reward at Trophy . Sabi nila na sa mga nag daang B.O.S may isang eskwelahan daw ang hindi pa natatalo at yun ay ang National Spirit Academy ito ang pinaka kinikilalang pinaka malaking academy sa lahat at maraming malalakas na Spiriter ang mag aaral dito.

Gusto ko sana si Aizer ang makasama ko sa B.O.S kaso nahihiya akong magtanong at baka masungitan lang ako nun. Tsaka mas gugustuhin pa ata nun mag solo katulad na lang nung unang duel namen kila Frex.

Hayss.... . Yan na lang ang nasabi ko

Sa totoo lang may rason ako kung bakit gusto kong sumali sa B.O.S . Dahil gusto kong maging kagaya ng Ate ko. Oo nga pala di ko nasabi sainyo na may kapatid ako ang name niya Diane Priamez na sobrang galing makipaglaban pero one time nawalan kame ng balita sa kanya ng sumali siya sa B.O.S . Kaya gusto kong sumali ay para mahanap din ang Ate ko bukod sa pagiging magaling at malakas.

Sana makita na kita Ate.......

End of POV

Aizer POV

Nandito ako sa kwarto ngayon at nais kong makausap ang aking spirit na si Ryubii gusto kong malaman bakit nililihim niya ang totoong pangalan niya.

Ryubii!! . Sabi ko at may biglang lumabas nman sa espada ko na isang puting aura.

Anong maitutulong ko Aizer??. Tanong ni Ryubii.

Wala nman Ryubii gusto ko lang malaman kung bakit mo nililihim ang totoong pangalan mo sa iba. Sabi ko.

Gusto mo ba talagang malaman ??. Tanong niya ng may seryosong tingin.

Oo gusto ko. Walang alinlangan kong sagot.

Sige sasabihin ko sayo ng malaman mo na ang dahilan kaya makinig kang maigi sa mga sasabihin ko. Paliwanag ni Ryubii.

Tumango ako bilang pag sang ayon sa kanya at nagsimula nman siyang magsalita.

May dalawa akong dahilan kaya ko nililihim ang totoong ngalan ko , ang una ay para hindi ka pagkaguluhan sa school nyo dahil karamihan sa kanila ay alam at kilala ang mga Apat na Sugo ng Elemento at ang Celestial Spirit walang iba kundi ako . Ryubii napaisip nman ako sa sinabi niyang Celestial Spirit.

Syempre pag nalaman nila na ikaw ang nagmamay-ari saken pwede ka nilang saktan at patayin makuha lang ang pinaka malakas na spirit sayo at Pangalawa kung bakit kailangan nating ilihim ang ngalan ko dahil kapag nalaman ito ng mga kalaban o mas kilala sa tawag na dark spiriter na masasama ay pwede ka nilang patayin , katulad ng ginawa nila sa pamilya mo noon maaari nilang saktan ang mga mahahalagang tao sa buhay mo ngayon . Mahabang saad ni Ryubii dahil doon ay nalinawan na ko.

Maraming salamat Ryubii ngayon alam ko na ang dahilan kaya simula ngayon ikaw muna si Zen. Masayang ani ko sa kanya

Maraming salamat din Master . Sagot ni Ryubii.

Pagkatapos nun ay nawala na ang aura sa aking ispada . Nagpahinga nako dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz..........................................

* Fast Forward *

Pagkagising ko ay agad nakong kumilos para pumasok. Ginawa ko na ang mga karaniwang ginagawa ko sa pagpasok pagkatapos nun nagbihis nako at kinuha ang aking bag at ispada at lumabas na ng aking kwarto.

Bumaba nako at dumiretso sa kusina at kumain . Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa aking lola at umalis na din at pagkalabas mg nahay ay nagsimula nakong maglakad.

-----------------------------------------------------

Habang naglalakad ay may napansin nman akong babae na bumibili sa tindahan at parang pamilyar siya saken. Nung medyo lumapit ako ay namukhaan ko na ito . Si Joy pala yung babae pero di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko .

Nang malapit nako sa kanya ay napatingin ito saken at nag greet.

Morning Aizer . Masayang bati ni Joy saaken ayy Crystal na nga lang hays baka mang asar nanaman yung mga loko lokong yun samin.

Morning din. Tugon ko sa kanyang pagbati.

Pagkatapos ng greetings ay tinuloy ko na ang aking paglalakad. Ngunit may biglang humawak sa likod ng bag ko ksya napatingin ako dun. Si Crystal lang pala yung humawak ng bag ko. Tinanong ko ito kung bakit niya yun ginawa.

Bakit ?? May problema ba ??. Tanong ko.

Wala nman sabay na tayo magkaklase nman tayu eh . Crystal napa buntong hininga na lang ako at tumango na lang ako bilang sagot.

At yun sabay kaming pumasok at pagkarating sa school ay usap usapan sa room ang pagpasok namin ng sabay. At kasalukuyan kaming nakaupo ngayong dalawa at iniintriga ni Rex.

Tol , balita nman dyan kayo na ba ?? Bakit sabay kayu pumasok ?? Nanliligaw ba siya sayo crystal ?? May pag asa ba ?? . Sunod sunod na tanong ni Rex.

Di nman siya reporter or host sa isang showbiz interview pero kung magtanong wagas dinaig pa Media. Habang tuloy padin sa kakatanong si Rex ay nag bell nmam bigla.

* Kkkkrrrriiiinnnnnngggggggg *

Kaya yun nag ayusan na lahat ng kaklase ko dahil magsisimula na ang klase. Pumasok nman si Sir Cleric sa aming room at bago mag discuss ay nag announce muna ito.

Okay class sino ang mga sasali sa B.O.S ???. Tanong ni Sir.

Iilan lang ang nag taas at sa tantya ko ay 7 kasama na si Rex at Crystal.

Wala na bang iba ??. Tanong ulit ni sir di ko alam kung sasali ako , bigla nmang nagsalita si Rex

Sir !! Si Aizer sasali din po. Sabi ni rex pagkatapos ay tumingin ito saaken at ngumiti. Pahamak talaga..

Ohh Aizer sasali ka ba ??. Sir Cleric napatingin nman yung mga kaklase ko saaken hayst wala nakong choice .

Sige sir sasali din po ako. Sagot ko

Wohoooo nice . Classmate 1

May magaling din na kasali. Classmate 2

Very good by the way i have a goodnews para sa mga kasali. Sir Cleric nakangiti pa ito .

Anu yun sir ??. Tanong ng kaklase ko na kasali sa B.O.S tulad namin

Dahil nire schedule ito at ang masaya dito ay
...
...
..
..
.
..
..
..
..
..
..
..
.
..
..
..
Bukas na gaganapin ang B.O.S sa School . Sir Cleric.

ANNNOOOO ?!?!?. Sila except saaken.

Napabuntong hininga na lang ako at nag kibit balikat na lang .

Hayss buhay nga nman ....

[ Itutuloy... ]

###########################################################

Hahaha pasensya na ngayon lang UD hehe Focus kasi ako sa CFO ko dahil matatapos na ito pasensya na kung matagal sana maintindihan nyu. ..

Sana nagustuhan nyu ang UD ko at kapag natapos na ang CFO ay itutuloy ko na ito yun lang at maraming salamat.

|> TripletsX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top