Prologue

“ALAM mo Reina. Napapatanong talaga ako sa sarili ko kung saan ka nag mana eh. Hindi naman kami ganyan ng tatay mo. Bakit di ka kaya tumulad sa pinsan mo? Mga hindi palpak, di tulad mo.” nandito nanaman kami. Bakit di ako tutulad sa mga pinsan ko.

“Alam mo din ma. Napapatanong din ako kung anak mo ba talaga ako eh. Kasi kung Oo, pagod na po ang anak mo ma. Alam mo yung feeling ma, na parang gusto ko nalang mag pahinga habang buhay. Pagod na akong makinig sa mga masasakit na salita mo. Nakaka pagod ka maging ina!” puno ng hinanakit na wika ko at isa isang nag si tuluan ang mga luha ko. Masakit na. Tama na. Puro nalang sila. Puro nalang ako ang mali. Puro nalang ako failure.

Umamo ang mukha ni mama habang nakatingin sa ‘kin. “Anak... Gusto ko lang naman pangaralan ka. Gusto ko lang naman makinig ka sakin, makikinig rin naman si mama sayo eh. Ina mo ako at ang gusto ko lang ay ang ika-bubuti mo”

“"Ma... Lagi naman akong nakikinig sayo. Ikaw ang hindi nakikinig sakin! Oo ina kita pero sa iba ka nag paka ina! Oo nga at binigay mo sakin ang mga pangangailangan at lahat ng gusto ko. Pero ma! Kailangan ko rin kayo. Kailngan ko rin ng attention nyo. Pero sa iba ka nag paka ina! Puro nalang sila!" di ko mapigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses. It's hurts! Its fucking hurts! Kailangan ko rin ng ina! Bakit ba lagi nalang yung hindi niya anak ang inuuna niya imbis na ang sarili niyang anak.

“Wag mo akong pagtaasan ng boses Reina!” kung diko pa nararamdamang tumagilid ang ulo ko ay diko namalayang sinampal na niya pala ako. Nice!

“Oh my! I'm sorry anak…” Sinubukan niya akong hawakan ngunit lumayo ako sa kanya at pagak na natawa.

“Grabe ma!” Ani ko at sarkasmong tumawa at sinabayan ko pa ng pag palakpak. “Di ko alam na aabot tayo sa ganito. Yung pag buhatan mo ako ng kamay.”

Napalingon ako sa hagdanan nang makita si kuya sam na bumaba. “Anong nangyari dito?" Naka kunot noong tanong ni kuya sam nang maabutan niya kami sa ganoong eksena at palipat-lipata ng tingin sa akin at kay mama. "Anong nangyari sa pisngi mo rein?" dagdag niya nang mapansin ang pisngi ko at bahagyang inangat ang baba ko upang matingnan iyong mabuti.

“Ask OUR mother kuya.” Matigas kong sabi at umalis roon. Narinig ko pa na tinawag ako ni kuya ngunit di ko na sila pinansin at nag tungo ako sa kwarto ko. 

God knows how much I love my mother. Pero masakit na eh. Mahal ko parin si mama kahit ganito siya kasi ina ko siya pero di ko na talaga mapigilan na hindi siya sumbatan.

Pero panunumbat ba iyon? Sinabi ko lang naman ang saloobin ko diba? Masama na ba akong anak kong ganoon?

Sa loob ng labing pitong taon ay inintindi ko siya at lagi akong sumusunod sa mga sinasabi niya pero balewala parin lahat ng ʼyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top