Chapter 9

"SINO yun? Gwapo ah," wika ni stellena nang medyo makalayo na kami mula sa kinaroroonan ni Gulliver.

"Crush ko, gwapo no?" sagot ko at bahagyang tumili ng mahina dahil sa kilig.

"Yeah, but guard your heart my bitch cousin. Ayaw kong umabot ka sa punto na matulad ko. It's not easy to find the love that you've been searching for. I've been held so many times by the arms of those who only engraved a scar in my heart. I've been traumatized and manipulated. I have been asking for love from the wrong people. It was a tough love after all. It has never been easy for me. I wish I was wise enough to choose the right love for me."

"Cous, dami mong sinabi! I appreciate your concern about me but hindi ako inlove no!" I know that my voice sounds defensive but I don't care. Basta hindi ako inlove!

Talaga lang ha? Argh! This mind is a traitor!

"Okay sabi mo eh," kabit balikat na aniya kaya napanguso ako, halatang di siya naniniwala sa sinabi ko.

"Cous, hindi nga kasi ako inlove! Crush lang!"

"What? Wala naman akong sinabi? You're too defensive Lady tanzania." nakangisi niyang sabi at sinipa ang pintuan ng classroom namin nang makarating kami sa tapat noon.

Napasinghap ang mga nandoon lalong lalo na si annika na napaka over-reacting dahil napatalon-talon pa ito habang hawak-hawak ang dibdib niya kung nasaan banda ang puso niya.

Hindi sila pinanansin ni stellena at diretso lang itong naglakad at umupo sa likod katabi ni Ariadne. Her bitchy mood is on.

"Pasensya na guys dahil sa ginawa ng pinsan ko,"nahihiyang paghingi ko ng paumanhin.

"Ayos lang! Basta maganda!" nagtawanan sila nang marinig ang sinigaw ng isang lalaki naming kaklse.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa upuan ko katabi ni annika.

"Yung ang sinabi mong pinsan mo? Ang ganda niya!" tumitiling sabi ni annika nang makaupo ako. "Bagay siya diyan umupo sa likod kasama si Ariadne. Puro mga bitches." humagikgik niyang dagdag.

"Oo nga no?" balik ko at napa hagikgik din dahil sa sinabi niya.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may pumasok. It's Gulliver. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglakad papunta sa upuan niya ngunit wala sakin ang tingin niya kundi nasa taong nasa pinakalikod. Kay stellena.

Sumikip ang puso ko dahil sa paraan ng pagtitig niya kay stellena. Wag naman sana aabot sa punto na maging karibal ko ang pinsan ko. Ngunit kung aabot man sa puntong iyon ay handa naman akong magparaya kasi ganyan naman kapag umibig ka diba?

Magparaya? Walang kayo rein! At anong umibig? Gosh!

Nawala lamang ang mata ko sa kanila nang dumating ang guro namin.

Imbis na sa lesson na tinuro ng guro namin ang utak ko at kung saan-saan lang iyon umabot. Now I understand kung bakit sinabi nila na nakaka bobo ang pag-ibig. Dahil kapag umibig ka o may crush ay laging nasa kanya ang utak mo. Palaging tumatakbo sa utak mo na parang walang kapaguran.

Unfair diba? Siya lagi mong inisip ngunit ang tanong, inisip ka ba niya? Hindi!

"Rein, may practice tayo bukas." bumalik ako sa katunuan nang mag salita si annika. Ngayon ko lang napagtanto na tapos na pala ang klase at lumabas na ang teacher namin.

"Sege, namiss ko rin mag laro at mag turo."

"Kailangan masimulan na agad bukas ang pagtrain dahil marami ang mga baguhan, baka mahirapan ka sa pag turo." Nginisihan ko lang siya at binaling ang paningin sa likuran ko na sana ay di ko nalang ginawa dahil pagtingin ko ay nakatingin naman si Gulliver sa pinsan kong si stellena.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at nag lakad palabas. Tinawag pa ako ni annika ngunit di ko na siya nilingon at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

Ang hirap kapag mag selos ka, lalo na't wala kang karapantan.

Bakit, ang may karapatan lang ba ang pwede mag selos?

Tumakbo ako patungo sa Archery training room kung nasaan nag ti-train ang mga archery player. In short, dito ko sila tini-train.

Wala akong plano bumalik sa room dahil alam kong kahit nandoon ako ay ang utak ko ay wala doon. Kung saan-saang planeta aabot.

Kumuha ako ng bow and arrow at inasinta ang may 70 meters or 230 feet and bullseye!

Inilabas ko ang bigat ng loob ko sa pamagitan ng pagpana ng Archery board. Sometimes this is my comfort zone.

Nang masawa ako ay tumigil na ako't umupo sa sahig.

"Hey master! Ang galing mo talaga! Walang kupas!" muntik na akong mapatili nang biglang may simigaw at pumalakpak hindi kalayuan sa likuran ko.

"Hey," bati ko nang makabawi sa gulat. "Anong ginawa nyo rito? Wala ba kayong klase?" tanong ko dahil class hour pa ngayon pero nandito na sila. They are my grade-six archery learners. They call me master. Ang academy kasi na ito ay halos completo. May elementary, high school and college kaya subrang lawak at laki ng paaralang ito.

"Napadaan lang po master," napatango-tango ako, napadaan?

"At saan naman kayo pupunta?" nakataas kilay na tanong ko, isa-isa silang nag bungis-ngisan kaya nagkaroon ako ng ideya kong saan sila pupunta.

"Kay kuya Xaindel master," Sabi ko na nga ba eh. Si Xiandel at ako ay palagi nilang shini-ship kasi daw bagay kami. Marunong mag volleyball, Archery at magaling daw sa acads. Tsk!

"Ano naman ang gagawin nyo doon?"

"Secret!" tugon nila at nagsitakbuhan palabas habang humahalakhak. Mga puro kalokohan.

Salamat sila at gwapo si Xiandel dahil sa mala adonis nitong ka-gwapohan. pero kahit na milyon-milyong lalaki pa ang sasabihan kong gwapo, sa isang tao lang naman ang type ko.

Ang corny ko na.

Lalabas na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at bumungad saʼkin si annika.

"Hey, anong nanyari saʼyo?"

"Wala naman, nagugutom na ako dahil wala pa akong kain kanina." nakangusong sagot ko.

"Gutom mo mukha mo. Selos ka no?"

"Selos? Anong selos? Wala nga akong karapatan tapos mag seselos pa ako? Nah, never ako mag seselos."

"Talaga? Sege. Sabi mo eh," Nakangisi niyang ani at hinila ako palabas sa Archery training room.

Nagpahila nalang ako hangang makarating kami sa cafeteria. "Nandoon ang pinsan mo kasama si Ariadne, Gulliver at Gabriel at mukhang badtrip na badtrip ang pinsan mo." Aniya at tinuro ang pinakadulo ng cafeteria.

"Bakit naman siya badtrip?"

"Kasi naman, si Gabriel na isip batang SSG natin shini-ship ang pinsan mo at G-gulliver." ramdam ko ang pagiingat sa pagsagot niya. Siguro dahil ayaw niyang masaktan ako? Tumawa ako upang ipaabot sa kanya na ayos lang ako.

Hindi paman kami tuluyang nakalapit sa kanila ay tumunog na ang bell kaya napanguso ako at napag pasiyahan nalang na mamaya nang tanghali ako kumain.

Ayaw pa sana ni annika na pumasok sa room dahil wala pa akong kanin pero hinila ko na siya kaya wala na siyang magawa.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top