Chapter 8
NANG magising akung ay nasa kama na ako. Pinalibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at huminto iyon sa couch kung nasaan si Gulliver natutulog. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kama dahil sa pagkaka alam ko ay nasa sopa ako kagabi at naka-unan pa sa hita ko si Gulliver.
Hindi ko nalang inisip iyon at tumayo bago ayusin ang nalukot na bedsheets ng kama at pumasok sa banyo upang maligo.
Buti nalang at may dala akong damit kaya nang matapos akong maligo ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo upang kunin ang damit ko. Pinalibot ko ang paningin ko ngunit wala na roon si Gulliver kaya kinuha ko nalang ang bag kung nasaan ang damit ko.
"Bakit kasi di mo nalang dinala papasok sa bayo ang damit mo kanina rein! Yan kasi!" Mahinang kastigo ko sa sarili ko nang makapasok ulit sa loob ng banyo at nag bihis.
Paglabas ko ay sakto ring pag bukas ng pinto at iniluwa si Gulliver na bagong ligo pa dahil sa basa pa nitong buhok.
"Ang ano..."
"It's done. All you need to do is to read that and understand." Putol niya sa sasabihin ko.
"Hehe, salamat!"
"Hmm.." napanguso ako sa naging tugon niya. Lagi nalang ganyan ang sagot niya pero okay na rin atleast sumagot.
"Pwede ako sasabay sayo papunta sa academy?" hinging permiso ko.
"Hmm..." Aniya at tumango-tango habang naka-sandal sa pintuan at nakatitig sakin.
"Pero dadaan muna ako sa bahay kasi may pinsan kasi akong mag transfer sa academy, okay lang ba?"
"hmm..."
"Tamad mong mag salita no?" Pilit na nakangiting tanong ko at mahihimigan ang Sarkasmo sa boses ko.
"Boisterous," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Anong boystress ako? Hindi ako lalaki oy!" inis na sambit ko at hinabol siya dahil nag simula na itong mag lakad paalis. Anong stress ako? Nakaka stress ba ako?
Nasubsob ako sa dibdib niya nang bigla siyang huminto at humarap sakin.
"Silly girl," aniya at bahagyang naka-angat gilid ng kanyang labi.
"Hindi ako boystress!" nasapo ko ang noo ko nang pitikin niya iyon.
"It's Boisterous, means your so noisy. Don't you know that miss tanzania?" Nakangising tanong niya kaya umiling ako.
"Dapat mababaw lang na words ang ginamit mo don't gamit a malalim na mga words." Conyo kong tugon. Apekto ata ng pag pitik niya sa noo ko kaya nagiging conyo ako. "By the way, gwapo mo kapag nakangisi."
Nawala ang ngisi niya at bumalik ang mukha niya sa pagka poker face at inirapan ako bago nag patuloy sa paglakad nang marinig ang sinabi ko. "Hoy! Joke lang! Para ka naman talagang manyakis kapag nakangisi."
"What?!" malakas na sigaw niya at di makapaniwalang binalingan ako ng tingin. "Wag kang sasakay sa sasakyan ko."
"Hoy! Joke lang! Oo na, gwapo kana! Ang gwapo mo magsalita ng tagalog!" Sigaw ko at hinabol siya pababa.
"Oh? Bakit kayo nag hahabulan at nag sigawan?" sita ng mommy ni Gulliver sa amin. Hindi kami nag hahabulan tita, at ako lang ang sumigaw.
"G-good morning tita, hindi naman po kami nag habulan." nahihiya kong wika. Shit! Bakit ba kasi ako sumigaw?! Di ko pa naman to pamamahay! Oh my! Nakakahiya ka rein!
"Magandang umaga din rein, kumain muna kayo bago umalis."
"Ahm... Tita? Okay lang ba if tangihan muna kita?" kagat labi kong ani at kinakabahan sa maging tugon niya.
"Bakit naman? Ayaw mo ba sa luto ko?" nataranta ako nang umiba ang timpla ng mukha nito at may bahid na pagtatampo ang kanyang boses.
"Naku po! Hindi po tita! Actually po ang sarap ng luto niyo. Ang akin lang po is gusto ko sana makasama si papa sa umagahan ngayon dahil umuwi kasi siya."
Umaliwalas ang mukha ni tita at ngumiti kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ganon ba? Oo naman. Basta balik ka sa susunod ha?" Malambing niyang sabi at niyakap ako.
Yumakap ako pabalik sa kanya at nag paalam na't aalis na kami.
NANG makarating ako sa bahay ay nakarinig ako ng ingay mula sa sala kaya agad akong pumasok at doon nakita ko sila papa, mama, si tito leo at tita Stell na nag tawanan.
Tumikhim ako at agad kong nakuha ang attention nila. Nakita ko kung paano nabura ang ngiti sa labi ni mama nang dumapo ang mata niya sakin. "Good morning everyone,"
"Good morning rein!" si tita stell at daddy.
Lumapit ako sa kanila at nag mano. Aksyon akong mag mano kay mama ngunit agad siyang tumayo at hindi man lang ako pinansin. "Mag agahan na tayo." aniya kila papa nang di man lang makatingin sakin.
Parang pinunit pira-piraso ang puso ko dahil sa inasta ni mama. Gustuhin ko mang umiyak ngunit ayaw kong ipakita kila papa ang nararamdaman ko. Alam kong alam nila na nasasaktan ako pero nginitian ko lang sila upang ipabatid na ayos lang ako.
"Pasensyahan mo na ang ina mo rein." malumanay na saad ni daddy.
"Ano kaba dad, ayos lang ako." nakangiti kong tugon upang itago ang tunay kong naramdaman.
"Sege na, kumain na muna tayo."
"Tapos na ako dad, nasaan si stellena? Aalis na po kami dahil baka ma late kami." pagsisinungaling ko dahil ayaw kong mawalan ng gana si mama kapag sasabay ako. Di ko siya maiintindihan kong ano ba talaga ang kasalanan ko. Why she's treating me like this? Ni kahit sa pagpa mano ay ayaw niya.
"Ganoon ba? Ipapatawag ko lang ang pinsan mo." tugon ni daddy at inutusan ang katulong namin na tawagin si stellena.
Nang makababa si stellena ay inaya ko na siyang umalis dahil ayaw naman daw niyang kumain.
"You know what bitch? You're such a liar." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Why?"
"Your pretending that your okay, even you're not. At isa pa, you said that you already eat but the fact is hindi pa."
Bumugtong hininga ako at pumasok sa passenger seat ng sasakyan ni Gulliver at si stellena naman ay sa likod. Walang salitang nag simulang mag drive si Gulliver.
"Wala akong gana,"
"Walang gana o ayaw mo lang sumabay sa kanila kasi inisip ko na baka mawalan ng gana ang ina mong mangkukulam?"
"Bitch! Don't talk to my mother like that! Oo na tama kana!" inis kong sabi. Hindi ko alam kong bakit uminit ang ulo ko dahil sa tinawag niya kay mama.
"What? Sorry not sorry pero totoo naman eh. I know you bitch! Simula bata pa tayo laging ganyan ang ina mong yan." yeah, she really know me. Siya ang pinaka close kong pinsan sa side ni papa kaya close na close kami. Kay mama ay wala akong masyadong close. Ewan ko ba, basta mas marami akong close na pinsan ko sa side ni papa pero kay mama ay halos wala.
"Whatever bitch, kilala mo nga ako." pagsuko ko at Bumugtong hininga na lamang. "Pero magagawa ko? Ha? Ina ko yan eh. Kaya kahit gaano siya kasama ri-respituhin ko parin siya."
"Rispeto? Talaga? You know what bitch, kahit mas matanda pa siya sayo, kailangan rin na respituhin ka niya bilang anak. Ni kahit pagpa-mano sayo ay ayaw niya."
"Nakita mo yun kanina?" inirapan niya lang ako at pinagsikop ang kanyang mga braso sa ilalim ng kanyang dibdib.
"Of course, isa pa yang pinsan mong si Cyza. Sarap ibalibag kahit isang gabi ko palang siya nakasama pinakulo na niya dugo ko." may bahid na inis ang kanyang boses habang sinasabi iyon. Hindi ko nalang siya tinugunan at tinuon ang attention sa daan at ilang minuto pa ay makarating na kami sa golden academy.
"Classmate tayo bitch!" tili niya habang nakatingin sa kanyang cellphone nang makalabas kami sa sasakyan ni Gulliver.
"So? Share mo lang?" pabalang kong sagot at binalingan ng tingin si Gulliver. "Salamat Gulliver."
Hindi niya ako tinugunan bagkos ay tinitigan lamang kaya nailang ako. "Una na kami sa room ha?"
Agad kong hinila si stellena upang makawala sa presensya ni Gulliver dahil feeling ko ay aatakihin na ako sa puso.
Ganito talaga kapag crush—crush lang nga ba? Sabi nila kapag more than years mo na siyang nagustuhan ay di lang iyon basta paghanga. Kaya maybe I am? Nevermind!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top