Chapter 7

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makapasok ang sasakyan ni Gulliver sa loob ng gate nila. This is my first na makapunta sa bahay nila at makilala ang mommy niya kahit pa na magkakaibigan sila nila kuya at di ko parin nakikilala ang mga ito.

At kahit nga crush ko si Gulliver sa mahabang panahon ay di ko parin nakilala ng personal ang pamilya niya. Di naman porque crush ay kailngan ko malaman lahat. Pwede rin.

Kahit na sabihin ni Gulliver na mabait ang mama niya ay di parin ako mapakali.

"Let's go, hindi nangangagat si mommy so you don't have to be nervous." palihim ko lang na iniripan si Gulliver at sumunod sa kanya papasok.

"Mom!" sigaw ni Gulliver.

"Immanuel Gulliver Lovereign!" napa atras ako nang makita ang mama ni Gulliver na inis na nag lakad papunta sa kinaroroonan namin. "Diba sinabi ko sayo na umuwi ka nang umaga para sunduin ang kapatid mo dahil di ko siya masundo?!" Piningot nito ang tenga ni Gulliver.

Hindi ko alam kong matatawa o mabahala ako sa nasaksihan.

"Mom! Stop! May bisita tay—Ouch!" namimilipit na sigaw ni Gulliver.

Tumigil naman ang mama nito at dumapo ang mata sakin. "Oh my! Hi!" Nabigla ako nang yakapin ako nito kaya di ko agad natugunan ang mainit nitong yakap.

Nang bumitaw ito sakin ay kinurot niya ang pisngi ko. "Mom! Stop that!  Baka masasaktan siya." saway ni Gulliver sa mama.

"Magandang gabi po," Nahihiyang bati ko.

"Talagang maganda ang gabi kasi ang ganda ng kasama ng anak ko." saad niya at bumungisngis. "come here! May ipapatikim ako sayo!"

"Dalya! Baby! May bisita tayong maganda!"

May narinig akong mga na mula sa itaas ng bahay nila. Ngayon ko lang napansin ang paligid, malaki at malinis. Mas malaki ito kumpara sa bahay namin. May mataas ma hagdanan papunta sa itaas.

"Hey! Mag ingat ka at baka mapano ka!" suway ng ina ni Gulliver sa anak niya bagay ni di ginagawa ni mama sakin mula bata. Wala siyang paki-alam kong mapano ako. Ang pagsilbihan at ang iparandam na siya ang ina ko ay di nga ginawa.

"Hi! Ang ganda mo nga pero mas maganda parin ako, pangalawa ka nalang ha?" bahagya akong natawa dahil sa sinabi ng batang babae na tansya ko ay sampung taong gulang pa lamang. Masungit ang pananalita niya pero ramdam ko na mabait siya.

"Hello," nakangiti kong bati. Titig na titig siya sakin kaya medyo nailang ako. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman. Napaisip lang ako..." pabitin niyang sabi at bahagyang tinagilid ang ulo habang nakatingin parin sakin. "Sege na nga! Ikaw nalang ang number 1 ako ang pangalawa. Ang ganda mo kasi!" Maktol niyang sabi at nag lakad paalis.

Natawa ako ng mahina at ganoon din mama nila. Palagi akong nakarinig ng compliment kay daddy at sa kaibigan ko pero iba talaga ang feelings kapag bata ang nag sasabi sayo.

"Tawagin mo nalang ako tita ha?" wika ng mama ni Gulliver sakin kaya tumango ako. Napaka gaan ang presensya nila.

Hinila niya ako papunta sa kusina nila at pinatikim sakin ang luto niyang cookies. "Ang sarap," di ko maiwasang komento.

Humagikgik si tita. "Salamat!"

Pinatawag niya ang kanyang asawa at pinakilala sakin. Isa lang ang masasabi ko, ang babait ng pamilya ni Gulliver.

Inimbita nila akong kumain na agad ko namang tinagunan, since wala pa akong kain. Magka tabi kami ni Gulliver at kaharap ko ang mommy at kapatid niya habang si tito naman ay nasa unahan ng lamesa.

"Ang sarap nyo maging mama." napatakip ako sa bibig ko nang di namalayan na naiusal ko na pala ang salitang iyon imbis na sa utak ko lang.

Humalakhak si tita at tita kaya nilukob ako ng hiya. "Dapat ang anak ko ang pakasalan mo para maging mama mo rin ako." Napaubo ako dahil sa narinig mula kay tita. Agad naman akong binigyan ni Gulliver ng tubig at agad ko iyong ininom.

"Are you okay?" hindi ko alam kong guni-guni ko lang  ʼyon ngunit may nakita akong bahid ng pag-alala sa boses at mata ni Gulliver.

Syempre mag alala talaga yan dahil nasa pamamahay ka niya reina!

"Salamat," aniya ko. "Pasensya na po."

"Ano kaba ayos lang, sege na't magpatuloy na tayo sa pagkain." Wika ni tito.

Gaya ng sabi ni tito ay nagpa tuloy kami sa pagkain habang nag uusap. Si Gulliver naman ay tahimik lang na kumakain.

MATAPOS kaming kumain ay dinala ako ni Gulliver sa kwarto niya para doon raw doon isagawa ang task pero bago yun ay nagpasalamat muna ako kina tita at tito.

Hindi ko inasahan na pagpasok ko sa kwarto niya ay para iyong living room at ang laki't linis. May mga couch na nakapalibot sa circle table at may king size bed sa gitna.

May chandelier na nakasabit sa sentro ng kwarto. Ang mga kurtina ay naka bukas pa kaya kitang-kita ang mga ilaw ng street lights sa labas.

"Ang ganda rito," Mangha kong sabi.

"Ganda nga," Tugon niya habang nasaʼkin nakatingin. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nararamdaman ko na naman ang puso ko na malakas tumalon-talon.

"Mag simula na tayo sa task?" Pag iba ko ng usapan. Tumitig pa siya sandali sakin at umupo sa medyo mataas na couch.

"Come here." Utos niya habang tinatapik ang tabi niya.

Agad ko namang sinunod at umupo sa tabi niya. Nagulat ako at di maka galaw sa kinauopuan ko nang bigla siyang humiga at ginawang unan ang hita ko.

"Hey?! Akala ko ba gagawin na natin ang task na binigay satin?"

"Hmm? Patulugin mo muna ako. Ako na bahala doon, okay?" saad niya sa pagud na boses bago tumagilid ng higa at isinubsob ang mukha sa tyan ko. Para akong nakuryente nang iyakap niya sa bewang ko ang mga braso niya.

Oh my heart! I can't believe this man!

"Saan ako matutulog?"

"Sa higaan."

"Gulliver!"

"Sa kama ka."

"Okay."

Huminga ako ng malalim at hinayaan nalang siya. Bahala siyang gumawa sa task namin!

Napaisip ako tungkol sa ugali ng ina ni Gulliver. Alam mo yung pakiramdam na nakaka ingit kasi may ina silang maalaga, mapag mahal at maaksikaso. Sa ugali ni tita ay makikita mo sa kanya ang pagiging mabuting ina. She's not maybe perfect? But she's a good mother to her child's. Her children is so lucky to have a mother like her.

I wish i had one.

But atleast, i have a father and brother. Mabait at mapag mahal na ama't kapatid.

Kapag ako siguro ang magka anak? Hindi ko ipadama ang pakiramdam na parang wala siyang ina. Pupunuin ko siya ng pagmamahal, hindi suguro ako perpektong ina ngunit magiging mabuti ako tulad ng mama ni Gulliver.

"Kung pwede lang isigaw ang nararamdaman kong sakit, handang-handa ako mawalan ng boses." bulong ko sa kawalan habang hinahaplos ang buhok ni Gulliver.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top