Chapter 4
As we grow older, paunti unti nating naiintindihan kung bakit mas mabuti at magandang manahimik nalang keysa makipag sagutan kapa.
Napabugtong hininga ako at tumayo mula sa kina uupuan ko. Here we go again. Is it normal na araw-araw ay palaging pinapagalitan niya ako? Maybe, normal na para kay mama iyon.
Masyado pang maaga dahil sinadya ko talagang gumising ng maaga upang mag luto. Ayaw ko namang laging si manang dalya ang mag luluto dahil medyo matanda na siya. Pero ang malas ko lang dahil naabutan ko si mama sa kusina at may kausap sa cellphone niya. Noong una di niya ako napansin pero aksidenteng nabanga ng paa ko ang upuan at nag dulot iyon ng ingay at nagulat si mama, kaya ayon, bulyaw na naman.
Imbis na mag luto ako ay bumalik nalang ako sa kwarto ko na mabigat ang loob. Kay aga-aga tapos ganito agad bungad niya. I understand that it's my fault but need na talaga na bulyawan niya ako ng ilang minuto? Kung di pa ako aalis doon ay di siya titigil.
Ayaw kong bungangahan ako ni mama ngayon dahil may bisita kami. Kahiya naman sa bisita kong marinig niya ang boses ni mama na biubungangahan ang dalaga nitong anak, diba?
"Hey," Tawag pansin ni kuya jed sakin nang makalapit siya sakin. Di ko manlang nararamdaman na pumasok siya dahil sa lalim ng iniisip ko. "Are you okay? What's wrong? Bakit ang aga mong nagising?" Malambing niyang tanong at umupo sa kama ko.
"Wala naman kuya. Gusto ko sanang ako mag luto dahil alam mo na... Matanda na si manang Dalya kaya maaga akong nagising. Pero naabutan ko si mama sa ibaba may kausap sa cellphone niya. Nagalit siya sakin kasi nabanga ang paa ko sa upuan at nagulat siya dahil don." Mahabang salaysay ko.
"May kausap sa cellphone?" Kunot-noong tanong niya.
"Kuya naman eh, sa haba ng sinabi ko yan lang napansin mo?" Ungot ko.
"What do you mean, may kausap siya sa cellphone ng ganito ka aga?" Seryoso niyang tanong.
"O-oo may kausap sya. Baka about business yon, you know." Medyo kinakabahang wika ko. Ang seryoso kasi ng mukha ni kuya.
"Maybe?" Hindi siguradong aniya. "Sege na. Matulog ka ulit, mag luto ako. Ako ang gigising sayo mamaya. 3am palang kaya matulog ka ulit." Sabi niya at ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kwarto ko.
Kapag nararamdaman ni kuya na gising ako ay pupuntahan niya ako sa kwarto ko, minsan si kuya sam naman. Pero ang naka unfair lang ay ayaw na ayaw nila akong papasok sa kwarto nila dahil ayon pa sa kanila ay bawal ako papasok doon kasi babae ako. O diba? Ang unfair? Pwede sila papasok sa kwarto ko tapos ako bawal papasok sa kwarto nila.
Gaya ng sabi ni kuya ay natulog ako ulit dahil medyo ina-antok pa ako.
NAGISING ako dahil sa ingay na nag mula sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko at ganoon nalang ang panlaki ng mata ko nang makitang pasado alas sais na ng umaga. Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nag suot ako ng damit since pre-style namin ngayon.
The fudge! Sabi ni kuya gigisingin niya ako! Kainis!
Agad lumabas ng kwarto at bumaba. Pagkarating ko sa ibaba ay natigilan ako nang makita ang pinsan kong si stellena kasama ang mga magulang niya na sila tita stell at tito loe.
"Good morning po." bati ko nang makalapit sa kanila at nag mano.
"Rein, good morning iha. Ang gandang bata talaga." wika ni tita stell at yumakap sakin. Mabait si tita at tito, kabaliktaran ni stellena. Si stellena ay may pagka bitch at mataray pero alam kong mabait siya. Yun ngalang, wala siyang masyadong kaibigan, kahit mga pinsan namin dahil sa ugali niya at pamaraan niya sa pagsasalita. Straight to the point kasi siya at walang preno ang bibig. Wala siyang paki-alam kong masaktan ka. Kaya kami medyo close dahil sa ugali niya. She's not plastic eh.
Yumakap rin ako kay tito bago ibinaling ang paningin sa pinsan kong naka poker face. Inirapan niya ako at niyakap.
"Morning bitch." Aniya. Tumawa lang ako ng mahina at hinaplos ang buhok niyang may highlight na color violet. Pinakulayan niya ata.
Masasabi ko talaga na pwedeng-pwede mag model si Stellena. Maputi ang makinis ang kutis niya at mataas din ang hieght niya pero boyish kasi siya eh, lalo na kung manamit. Dinaig pa ang lalaki. Kulang nalang isipin kong babae rin gusto niya.
"Ano pala ang sadya nyo rito tito?" Tanong ko dahil himala yata at napadalaw sila.
"Si stella, ipa transfer namin sa paaralan kong saan ka nag-aaral dahil nakipag suntukan siya sa anak ng principal nila sa dati niyang paaralan." Tugon ni tito at medyo frustrated dahil napahilot pa ito sa kanyang ulo.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa narinig. Kung ganon? "Kung ganon tito, dito rin manatili si stell?"
"Ganon na nga." No way! Hindi pa naman sila magkaka sundo ni Cyzarine.
Ngumiti lang ako ng pilit kay tito at napatingin sa relong pambisig ko. "Oh my! Male-late na ako tito, tita. Mauna na po ako. Bukas kana mag enroll stell! Kita kits later pag-uwi ko!" Mabilis kong sabi at tumakbo palabas at doon nakita ko sila kuya at Gulliver.
"Kuya!" Tawag ko sa kanila at agad naman silang napalingon sakin. "Sabi mo gigisingin mo ako? Alis na tayo! Malapit ns akong ma late!" Natatarantang sabi ko.
"Easy princess, may fifteen minutes kapa." Saad ni kuya milian kaya pinalakihan ko ito ng mata. "Fine, let's go."
Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sa likod naman sumakay si kuya sam at Gulliver habang si kuya milian ang nag drive. Hindi yata dinala ni Gulliver ang sasakyan niya kaya dito sa sasakyan siya nila kuya sumakay.
Halos takbuhin kona ang hallway dahil sa pagmamadali nang makarating mami. Five minutes nalang at mag sisimula na ang klase kaya ganon nalang ang pagmamadali ko.
Pahamak kasi yung dalawa kong kuya. Sabi gigisingin ako tapos di naman pala. Bahala si gulliver sa buhay niya. Pano ba naman, parang model nag lakad at di man lang nangamba na baka ma late siya.
Hiningal na nakarating ako sa room at sakto dahil natanawan ko mula sa hindi kalayuan ang first subject lecture namin.
"Oh? Bakit hiningal ka?" Bungad na tanong sakin ni Anika nang maka upo ako sa tabi niya.
Sasagutin ko sana siya ngunit dumating na ang lecturer namin kasama ang SSG president ng school na si Gabriel kasunod nito ay si Gulliver. Palibhasa magkakaibigan silang dalawa kaya di takot na late. Nagtilian ang mga kaklase ko nang ngumiti si Gabriel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top