Chapter 22

NOT EDITED!

“I-ts p-positive stell.” kinabahang wika ko.

Niyakap ko siya at pinatahan. “Everything will be okay. Mamayang gabi ay sasabihin natin sa kanila ito. Okay?” Tumango lang siya sa sinabi ko habang umiiyak parin.

Oh God! I need your help. Please bigyan mo kami ng lakas ng loob upang masabi namin ito sa magulang ni stellena. I hope everything is going to be okay.

Gaya ng napag usapan, pagsapit ng gabi ay sabay-sabay kaming kumain lahat.

“Stellena, mukha kang matamlay. Anong problema mo?” malambing na tanong ni tito leo kay stellena ng mapansin niyang matamlay . Imbis na sumagot ay biglang humagolhol ng iyak si stellena kaya dali-daling tumayo si tito leo at nilapitan si stellena’t niyakap.

“D-addy, s-orry.”

“What’s wrong honey? Why are you saying sorry?”

“D-ad… I-I'm… P-pregnant…” Pagka sabi ni stellena sa huling salita ay awyomatikong napabitaw si tito leo mula sa pagyakap sa kanya at tiningnan siya ng may galit at puno ng pagka disgusto.

Magsalita sana si tito leo ngunit inunahan siya ni tita stella. “Leo! Wag na wag kang mag bitaw ng salita. Kumalma ka muna at mag isip ng maayos.” May pagbabantang wika ni tita stella.

Nakinig naman si tito at padabog na umupo pabalik sa kanyang upuan.

Nabigla ako nang may biglang humila sakin at dinala ako sa labas ng bahay kaya’t hindi ko na narinig ang ibang pinag-usapan nila sa loob.

Natulala ako sandali nang makilala kung sino ang humila sakin.
Mom…

“Nakita mo yun? Ayaw kong maging ganon ka kaya ako naging strikto sayo. Ayaw kong ma spoiled ka. Natatakot lang ako na baka matulad ka sa kanila na mabuntis ng maaga kaya hindi kita sini-spoiled. Nasa dugo natin ang maagang nabubuntis at ayaw kong matulad ka sa kanila. All I want is what the best for you Reina.”

“Ma, hindi ako sila. Iba ako sa kanila ma, hindi mo naman kailangan gawin yun sa akin lahat eh. Ang sisigawan, bungangahan araw-araw. Pwede mo naman akong pagsabihan lang ma. Hindi mo naman kailangang iparamdam sa’kin na failure ako bilang anak mo, na nakaka disappoint ako. Ang gusto ko lang ay tangapin mo ako, tratuhin mo ako ng maayos. Hindi nila ako anak ma, anak mo ako at magmamana ako sayo, hindi sa kanila. I'm different ma, and I won't do anything that makes you disappoint dahil yun ang pinaka ayaw ko. Ang ma disappoint ka.” Puno ng hinanakit na saad ko at isa-isang nagsituluan ang luha ko. Mas lalo lamang akong naiyak nang maramdaman ko na pinunasan ni mama ang mukha ko gamit ang hinlalaki niya. Simpleng galaw lang iyon ni mama pero parang ang saya na ng puso ko.

“I'm sorry anak, I'm sorry for being hard to you. Pasensya kana kung tuwing umaga o gabi ay mapag buntungan kita ng galit. I'm sorry kung lagi nalang kitang pinapagalitan. I failed as your mother. Imbis na turuan kita sa magandang paraan ay pinag lupitan kita. Patawad.” umiiyak ring sambit ni mama at niyakap ako.

“Pasensya na kung hindi ko naiparandam sayo ang pagmamahal ko—kung hindi ko naipakita sayo, pero alam kong anak kita at mahal na mahal kita.” malakas akong napahagulhol sa sinabi niya at mas niyakap pa siya ng mahigpit.

‘pero alam kong anak kita’

Para akong lumutang sa mga ulap ng marinig ang salitang iyon. Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko at ang gaan sa pakiramdam. It's my first time na narinig ko iyon kay mama.

“Nawala lahat ng duda ko dahil sa sinabi mo ma.” Natatawang sabi ko at bumitaw mula sa pagyakap sa kanya.

“Duda? Bakit ka nag do-duha?”

Napakamot ako sa noo at napanguso. “Kasi ma akala ko hindi mo ako anak dahil palagi kang galit sakin eh.”

“Anak, don't think about that again, okay? You're my daughter. My one and only daughter and I love you.”

“Ma, diba sabi mo nasa dugo na natin ang maagang nabubuntis o nasa angkan na natin.” pag iba ko ng usapan. Tumango naman si mama sa sinabi ko kaya nag patuloy akong sa pagsasalita. “Edi… Baguhin natin yun. Sisiguraduhin ko na mula sa henerasyon ko ay hindi matutulad sa unang mga henerasyon niyo. Ang mabuntis ng maaga. Kung magka anak man ako—soon, didisiplinahin ko sila hangat sa makakaya ko. Didisiplinahin ko sila sa magandang paraan. I will make a beautiful and admirable generation.” Puno mg determination na hayag ko.

I will keep my words. Tama ang sinabi ni mama, kadalasan sa henerasyon nila ay maaagang nabubuntis. That's why I will change it.

Ngumiti lamang si mama at niyakap ako. Hindi ako sanay na niyayakap niya ako at nginitian ngunit isa lamang ang alam ko… Masaya ako.

Nagpaalam na si mama na papasok siya sa loob kaya’t ako nalang isa ang naiwan sa labas.

Maliwanag ang buwan. Malamig at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.

‘Whenever you feel sad, hurt, mad or frustrated, just look in the sky. It will make you calm by just gazing its beauty. Gazing upon the beauty of sky is healing. And also the prayer is.’

Thanks God. I'm so happy right now. I wanna thank you dahil nagka ayos na kami ni mama. Thank you.

Nang maalala ko si stellena ay dali-dali akong naglakad pabalik sa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nag yakapan si stellena, tita stell at tito leo.

“Wala na akong magagawa diyan stella. Pero siguraduhin mong pananagutan ka ng lalaking naka buntis sayo.” ma awatoridad na wika ni tito leo. Nakangiting tumango si stellena sa kanyang ama bago ibinaling ang paningin sa’kin.

Lumapit siya sa akin at sinabing. “Thank you.”

“Thank you too for trusting me.” Tugon ko at niyakap siya.

Napansin kong wala sila kuya kaya tinanong ko sila daddy at napag alaman kong nag over night pala sila sa bahay ng isa nilang kaibigan. Ang mga yon talaga.

Sana nandito sila para makita nila na close na kami ni mama. Pero dibale na may bukas pa naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top