Chapter 2
"REINA! crush mo oh!" Sigaw ni Anika kahit na napaka lapit lang namin nang makita sila Gulliver na papasok sa cafeteria. Break time kasi namin ngayon kaya napag pasyahan namin na dito tatambay sa Cafeteria.
"Anika!"Matigas kong sabi at tiningnan siya ng masama. Di siya natinag sa klase ng tingin na ibinigay ko at humagikgik pa talaga ang gaga nang mahina at kumagat sa burger na binili niya.
"Ang manhid ng crush mo no? Mag hanap ka nalang kaya ng bago?" Malakas niyang sabi na parang may pinaparingan. Binigyan niya ako ng 'Sabayan mo ako' look kaya tumikhim ako at nag salita.
"Oo nga eh. Sa ABM yata. Baka i crushback pa ako no?" Tanong ko sa kanya at nag kunyari pang nag iisip.
"Anong sa ABM ka mag hanap Reina? Anong hanapin mo doon?" Natigilan ako nang may marinig na seryosong boses mula sa likod ko.
"K-kuya... Hehe. Wala naman po. Doon ako mag hanap ng libro. Baka kasi naiwan ko doon.", Palusot ko at tumawa ng peke.
"Talaga ba?" Panigurado niya kaya tinaguan ko lang siya.
"Ang gwapo ng kuya mo no? At ang bait pa.", Tumango-tango lang ako sa kanyang sinabi. Mabait sila kuya pero kapag sinapian ng kakulitan mapadasal ka ng wala sa oras na sana kuhanin na sila ni lord. Pero syempre, di ko yon ginawa. "Kaya di ako mag taka kung bakit crush na crush siya ng isa nating preny."
"Yeah. Absent na naman si Ariadne."
"Hayaan mo. Kahit yata mag absent yon ng isang buwan kaya niya parin i perfect ang lessons natin. Grabe ang braincells no'n." Sabagay, Ariadne is smart. Totoo na kahit mag absent siya ng ilang araw ay kayang kaya niya parin i perfect ang Quizzes or di ba kaya ay oral recitation. Pareho kaming tatlo ng schedule na kina papasalamat namin ni Anika. Oo kami lang ni Anika dahil si Ariadne hindi siya masaya kasi ang aga-aga daw. Pero noong nalaman niya na umaga din sched ni kuya ay parang natangap niya kaunti na umaga sched niya.
Ewan ko ba. Ang talino nila. Samantalang ako? Half maganda half may alam lang. Di ko talaga masasabi na matalino ako. Mahina ang kumpyansa ko sa sarili ko. Siguro dahil sabi ni mama? Failure daw kasi ako. Alam kong dapat di ko iyon pinapansin pero tumatak yun sa utak ko eh. Mula pagka bata ko yon lagi ang naririnig ko sa kanya.
Napabugtong hininga ako nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang break time.
Pagka rating namin sa room ay saktong pumasok rin ang guro namin sa Oral communication.
"Mr. Lovereign."Tawag nito kay Gulliver. Itong prof namin na ito ay mahilig magpa oral recitation kaya kawawa ka kung wala kang advance studies tungkol sa subject niya. "What is the meaning of oral communication subject?"
Confident na tumayo si Gulliver na para bang di man lang kinabahan., "Oral communication is the process of verbally transmitting information and ideas from one individual or group to another. Oral communication can be either formal or informal."
Dire-diretso na sagot niya at hindi man lang nagka utal-utal. Sabagay, he's always confident at matalino naman siya kahit na parang badboy at basketball player din pero nagawa niya paring pagsabayin ang acads at sports kaya nakakabilib talaga siya.
Isa isa kami na tiningnan ng prof namin. Siya si Mr. Panot. Yan ang bansag namin sa kanya dahil wala siya buhok eh.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya nang tumingin ito sa direksiyon ko. Ganito talaga kapag studyante tayo at mag papa-oral recitation ang teachers, tudo iwas ng tingin para di matawag pero parang hindi nakisama si swerte sakin ngayon.
"Ms. Tanzania!" Malakas na tawag nito sakin kaya napatayo ako ng wala sa oras. Kinabahang napatingin ako sa kanya ngunit agad ring nag iwas ng tingin.
Sana naman di mahirap ang tanong niya.
"What is oral communication?", Luh?
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "O-oral communication is the exchange of information and ideas through spoken word. It can be directly in person in a face-to-face interaction or through an electronic device such as a phone, video platform or radio. The most effective way for businesses to transmit information verbally is through oral communication, such as a staff meeting, webinar and workshop."
Thank you lord at hindi ako nautal!! Ay nautal pala pero sa una lang. Parang boys, sa una lang magaling. Charot.
"Very good ms. Tanzania and Mr. Lovereign." Enebe ser? Wag kang ganyan kinilig ako. Pero hindi sayo ha! Sa crush ko!
Umupo na ako at nag simula na siyang mag dicuss. Sus, buti nalang at nakapag advance study ako pero hindi ganon ka rami ang napag aralan ko kasi nag rant na naman si mama kagabi kaya mahirap makapag focus.
Lagi namang ganyan si mama. Di makumpleto araw niya kapag di ako napagalitan.
Natapos ang klase namin na puro discuss hangang mag hapon.
As usual, busy nanaman sila kuya ngayon kasi practice nila sa basketball at isa pa, malapit na rin ang intramurals or sports fest namin kaya tudo practice talaga. They want me to join volleyball pero humindi ako. I'm not good in playing volleyball but I love that sport.
"Sabay ka daw sakin sabi ng asungot." Biglang sabi ni Gulliver nang lalabas na sana ako. Nagulat ako dahil ito ang first time na pasasabayin ako nila kuya sa ibang lalaki. Kahit sa mga friends lang nila unless kung nandyan sila ay okay lang.
"Sege." Maikling tugon ko at sumunod sa kanya pag lakad. Kinilig ate nyo mga baby! Kasabay ko siya crush!
"Anong gusto mong course?" Tanong ko sa kanyan nang makapasok sa kami sa loob ng sasakyan.
"Non of your business." Napanguso ako sa kasungitan niya. Hmmp! Kung di lang kita crush. Pero ang tanga ko rin mag tanong no? Kaya nga Gas kinuha niya kasi di pa siya decided sa maging course niya. Naku!
"Hindi ka ba sumali sa practice nyo?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya napatikom nalang ako ng bibig. Hindi ko nalang siya kinibo dahil baka mas lalong ma bad trip dahil sakin. Mukha pa naman siyang bad trip. Dahil siguro inutusan siya nila kuya na ihatid ako? Mamaya ka lang kuya! Mag thank you ako sayo dahil nakasabay ko si crush ngayon. Hehe
"Salamat." Ani ko nang makarating kami sa bahay.
Tinitigan niya lang ako kaya napalunok akong umiwas ng tingin. Gwapo niya talaga! Ang taas ng pilik mata niya at ang tangos ng ilong niya. Mapupula ang kanyang mga labi at meron perpektong jawline. Oh my!
Nang tumingin ulit ako sa kanya at nagka salubong ang mata namin ay inirapan niya ako at pinaharot paalis ang sasakyan. What the? Did he just roll his eyes at me? Langya! Bakla ba siya?!
Inis akong pumasok sa luob at dumiretso sa kwarto ko. Ayaw kong makasalubong si mama ngayon dahil alam ko kung saan na naman kami tutungo lalo na't nandito ang favorite niya. Ang pinsan kong si Cyzarine.
Hindi ko hate si Cy ha. Baka sabihin nyong hate ko siya ha. Hindi ko siya hate, it's not her fault. I love her, them. I love them very much. Kung alam lang nila.
Nag bihis ako ng pambahay na damit at pumasok sa guess room at nilinisan iyon. Kada simana ay nililinisan ko ang mga guess room kahit na wala naman kaming bisita. Incase lang na meron.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top