Chapter 18
3rd person's POV
The ceremony went well. May iilan sa team ni Reina at Xiandel ang hindi natamaan ang gold target ng archery board pero matagumpay parin ang seremonya.
Ngunit imbis na maging masaya si Reina dahil matagumpay ang kanilang ginawa ay nakasimangot itong nag tungo sa rooftop ng kanilang skwelahan upang magpahangin.
Naiinis ito dahil mula kaninang umaga hangang sa matapos ang seremonya ay hindi niya nakita ang binata ni anino man lang nito.
Saan ba kasi ang lalaking yun?
Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa niya at tinawagan ang binatang si gwyn.
Ilang ring pa bago may sumagot sa kabilang linya.
Magsalita sana siya upang mag tanong sa binata nang maunahan siya sa kabilang linya at imbis na boses ng lalaki ang bubungad sa kanya ay babae iyon.
“Hello?” Nang marinig niya ang napaka lambing at mala anghel na boses ng babae sa kabilang linya ay parang na naiinsecure siya. Pano ba yan? Wala siya non. Wala siyang malambing at mala anghel na boses. I didn't know na mahilig siya sa ganitong babae. But it doesn't matter.
Hindi niya sinagot ang babae at agad pinatay ang tawag. Parang may kumurot sa puso niya dahil sa isiping baka iyon ang sinabi ni gwyn na crush nito. Dapat masaya siya dahil mukhang may pag-asa ang kanyang kaibigan sa babaeng iyon ngunit kabaliktaran ang kanyang nararamdaman. She seems sad and feel hurt inside. Parang piniga ang puso niya.
May gusto ba talaga siya para sa lalaki?
Maybe, Yes?
Ngunit kahit siguro aminin niya sa sarili niya na may gusto na siya sa binata ay mukhang wala parin siyang pag-asa rito. May gusto itong iba. Just like Gulliver, hindi parin siya magugustuhan ni gwyn. Ang kaibahan lang sa dalawa ay hindi siya pinapansin ni Gulliver. While gwyn, pinapansin nga siya ngunit ang nararamdaman niya para sa binata ay mukhang hindi nito pinapansin. I short wala siyang pag-asa.
Did she admit that she has a crush on him? Well, Yeah.
Ang saklap talaga ng mundo! Nagka crush nga siya ulit pero hindi rin naman siya gusto at sa boy bestfriend niya pa!
Bakit kaya walang nagkaka gusto sa kanya? May kulang paba sa kanya? Bakit kaya lagi nalang siyang hindi pinipili? Ang unfair ng mundo! Kung saan pa siya nagkaka gusto ay doon pa siya walang pag-asa.
Gusto niyang umiyak upang nawala ang mabigat na nararamdaman niya ngunit parang ayaw ng luha niya na tumulo.
Pero siguro matatangap rin niya ito. Not now, but soon. Just like her feelings for Gulliver. She hope so.
Napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog iyon.
May tuwa siyang nararamdaman nang makita ang pangalan ni gwyn sa caller ngunit agad ring napawi ang tuwang nararamdaman niya nang maalala ang babae kanina.
“Hello?” Bungad ng boses ng lalaki sa kabilang linya. This time, it's gwyn. “Hey rein? You called?”
“Yeah.” Malamya at malamig niyang tugon. Nawalan siya ng gana at lakas. Para siyang nanghihina. Nakaka panghihina.
“How are you? Bakit ka napatawag? Do you need anything?”
yes, I need you. Gusto niyang sabihin iyon ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya.
“Fine and forget about that.” Maikling tugon niya.
“Are you okay?” May pag alalang tanong ng binata nang mapansin ang boses niya.
“Yeah, bye.” Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone at doon isa isang nagsi-bagsakan ang luha niya.
Why is she being like this? Is she jealous? Now way!
Bakit ba ito nasasaktan? Crush lang naman niya si gwyn eh. Hindi naman siya ganito kay Gulliver dati eh. Ganito ba kalakas ang epekto ni gwyn sa kanya?
Dapat hindi siya nasasaktan dahil alam niya na hindi lang naman siya ang maging babae sa buhay ni gwyn at isa pa, girl bestfriend lang siya nito. Pero… Bakit ang sakit?
Napatigil siya sa pag-iyak nang tumunog ulit ang cellphone niya.
Walang gana niyang sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni gwyn sa caller.
“Where are you right now?” Seryosong boses ni gwyn ang bumati sa kanya. This is her first time hearing gwyn’s serious voice.
“Why?”
“I wanted to see you. Don't you miss me?” Napairap siya dahil sa biglang pagbago ng boses nito. From serious to cheerful.
“And why would I miss you?” Kagat labing pagsusungit niyang wika upang itago ang ngiti na gustong kumawala sa kanyang labi.
“Rein naman! I miss you ne. Nandito ako sa skwelahan ngayon at hinanap kita pero hindi kita nakita.” Kumabog ng malakas ang kanyang puso nang marinig ang sinabi ng binata.
He's here?
“Rooftop.” Aniya at agad pinatay ang tawag bago nag talon-talon dahil sa saya at kilig.
He miss me!
She look like stupid right now but who cares? Sinabi lang naman ng bago niyang crush slash boy bestfriend na namiss siya nito.
Napangiti siya ng malaki nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng rooftop ngunit agad ring nabura ang malaki at matamis niyang ngiti nang hindi siya gwyn ang pumasok.
“Hey rein!” bati sa kanya ni Xiandel. Yes it's Xiandel. “Wait, you look disappoint when you see me. May hinihintay kaba?” dagdag ni Xiandel nang mapansin nito ang mukha ng dalaga.
Napakamot siya sa kanyang ulo at alanganing ngumiti kay Xiandel. “Hindi naman.”
Habang nag hihintay kay gwyn na dumating ay nag uusap at tawanan muna ang dalawa.
Napatigil na lamang sila nang may tumikhim mula sa kanilang likuran.
“Gwyn! You're finally here!” Masayang bati ni reina kay gwyn ngunit ang binata ay nakapamulsa lamang na nakatingin sa kanya—sa kanilang dalawa ni Xiandel.
“Reina,” Tawag pansin sa kanya ni Xiandel. “Una na ako, mukhang may kailangan ang BESTFRIEND mo.” Mapang-asa na wika ni Xiandel at pinagdiinan pa ang salitang bestfriend.
Tinagunan lang nito si Xiandel ngunit ang tingin ay nanatili lang kay gwyn.
“Gwyn…” Gwyn cut her off.
“So, ang ganda ng ngiti mo habang kausap siya ah.” Mapaglarong wika ni Gwyn at dahan dahang nag lakad papalapit sa kanya na ngayon ay tudo atras naman. “Hindi ko alam na archery player pala ang hanap mo ngayon.” Napalunok si reina nang nararamdaman niyang wala na siyang maaatrasan. Inilagay ng binata ang magkabilang braso nito sa gilid niya kaya hindi siya makagalaw ng maayos.
Halos maputulan siya ng hininga nang ilapit ni gwyn ang mukha nito sa mukha niya kaya napapikit siya nang wala sa oras. “I can play archery too reina, and I can say that I'm better that him.” Matigas at malamig na bulong ni gwyn sa kanya kaya napamulat siya. Para siyang nakikiliti dahil sa mainit at mabangong hininga ni gwyn na tumama sa tenga at leeg niya.
Ih! Akala ko ikikis niya ako! Kakainis!
Natahimik at nakatitig lamang si reina sa kaibigang si gwyn. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. What's he's talking about? Bakit siya umakto ng ganito?
Nang makabawi sa gulat ay tumikhim siya’t umayos ng tayo at kinunotan ng noo si gwyn. “Anong pinag sasabi mo? Why you're acting like this? Bakit? Nag enjoy karin ba kasama yung babaeng sumagot ng cellphone mo kanina?” Naka taas kilay na wika ni reina at matalim ang tingin ang ipinukol sa binata.
“Fuck!” Dinig niyang sambit ni gwyn at napahilamos ito sa kanyang mukha. “I don't know what you're talking about but that…”
“Yan! Ganyan yan eh! I don't know what your talking about ka jan!” Astang aalis si reina ngunit agad nahawakan ni gwyn ang siko niya kaya napatigil siya.
“Reina…” malumanay na tawag sa kanya ni gwyn. “That girl is my younger sister.”
What?!
Gulat at hiya ang tanging nararamdaman ni reina nang marinig ang sinabi ni gwyn ngunit mas umibabaw ang hiyang nararamdaman niya na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig kaya agad siyang tumakbo paalis roon. Narinig niya pang tinawag siya ni gwyn ngunit di niya ito nilingon at tuloy-tuloy lang sa pag takbo at napag pasyahang umuwi nalang.
Ano na ang mukhang ihaharap niya sa lalaki?
Hi Flares! How are you everyone? ❤️
Paalala: wag mag selos kung di alam kung sino ang pinag seselosan ha? HAHAHAHAHAH
At wag ring mag selos kung wala kang karapatan 😘
Mahal ko kayo❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top