Chapter 16
“Ang ganda…” bulaslas ko nang makarating kami ni gwyn sa sinabi niyang bagong bulas na beach resort.
Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid habang bahagyang naka awang ang aking labi. Napaka presko ng hangin at ang linis ng paligid. Ang mga cottages ay ang ganda ng disenyo at kulay. May disenyo ang bawat bubong ng cottage na coral paintings and fishes at ang realistic tingnan. Kada disenyo ay may iba't ibang kulay gaya ng asul, lila at berde.
“hey, punta tayo roon.” Turo ni gwyn sa isang cottage na sa tansya ko ay iyon ang pinaka malaki at maganda. Para sa ʼkin lang ha.
“Bakit parang walang tao? I thought bagong bukas to na resort? Impossible naman na di nila magugustuhan ang resort na ito dahil una sa lahat ay napaka ganda at linis ng resort ʼto kaya bakit tayo lang ang nandito? Bakit walang mga tao?” kunot-noong at nalilitong tanong ko dahil habang naglalakad kami papunta sa tinurong cottage ni gwyn ay wala akong ni isa na nakikitang tao.
“Actually…” He thrilled. “Bukas pa talaga ang opening nitong resort kaya walang mga tao. Ang araw na ito ay nakalaan para sa nag mamay-ari nitong resort.”
“What?!” gulat na tanong ko at tumigil sa paglakad saka siya hinarap. “For owner? Edi dapat wala tayo rito kasi diba sinabi mo na itong araw na ito ay naka-laan para sa nag mamay-ari? Uwi nalang tayo baka mapagalitan tayo nito eh at worst pa ay baka makasuhan tayo ng trespassing!” natatarantang wika ko at hinila siya ngunit natigilan ako nang marinig ang mahina niyang tawa.
What's wrong with him? Hindi ba siya nag alala na baka makasuhan kami?
“Silly girl, paano ako magiging trespassing sa beach resort na pag mamay-ari ko?” aniya at humalakhak habang ako ay naka-awang ang mga labi sa gulat dahil sa nalaman.
He what?
“W-wait did you say? This is your property? Impossible.” di makapaniwalang wika ko at pahina nang pahina ang aking boses habang sinabi ang katagang iyon.
Inabot niya ang kamay ko at mahina iyong pinisil-pisil. “Amore mio, nothing is impossible. Pinagawa ko ang beach resort na ito para sayo. Naalala mo noong bata pa tayo na inaasar kita tapos ng mapansin kong muntik kanang umiyak ay agad akong tumigil at nag isip ng paraan pano ka patahanin? Alam mong ayaw na ayaw kong umiyak ka kaya nag promise ako sayo na gagawan kita ng beach resort para lang di ka umiyak? At pangalan ko ang ipapangalan ko sa beach resort na iyon? And this is it.”
“Isusumbong kita sa mama ko!” malakas na sigaw ko sa mataba na batang lalaki dahil sinasabihan at inaasar niya ako na pangit raw ako.
“Ay? May mama ka pala? Kala ko wala eh. Wala naman kasing paki-alam ‘yon sayo.” aniya at sinabayan pa ng nakaka asar na tawa. Natigilan ako dahil dahil doon at napatahimik.
Napansin niya ang naging reaksyon ko kaya napatigil ito sa pag tawa.
“Joke lang oy! Iiyak kaba?” inosenteng tanong niya at sinusuri ang mukha ko. “Joke lang naman eh. Lab ka naman ni mama mo.” naka ngusong dagdag niya ngunit inirapan ko lang siya at itinago ang mukha ko sa dalawang maliliit na kamay ko.
Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niyang walang paki-alam ang mama ko sa ‘kin pero ayaw kong makita niya akong umiyak dahil baka mas lalo lamang niya ako asarin kaya mas minabuti kong itago ang mukha ko gamit ang kamay ko upang pigilan ang pag-iyak.
“Hey… sorry na, don't cry please…” aniya gamit ang kinakabahang boses at tinusok-tusok ang may katabaang pisngi ko na di natabunan ng maliit kong kamay. “Ganito nalang! Gusto mo gagawan kita ng magandang beach resort pag-laki ko at ang ipapangalan ko sa resort na ‘yon ay pangalan mo?” dahil sa sinabi niya ay dahan-dahan kong tinangal ang kamay ko na nakatabon sa mukha ko at nangningning ang matang nakatingin sa kanya.
“Talaga? Totoo?” masaya at excited na paninigurado ko. Tumango siya’t ngumiti lang. “Promise yan ha?”
“I promise…”
“What the…” tanging naiusal ko nang maalala ang pangyayari na yon. “Tinupad mo ang promise mo?! Oh my?! Di mo nakalimutan?!” dahil sa sayang nararamdaman ko ay diko namalayang napayakap na pala ako sa kanya kung di pa siya tumikhim. Nang marealize mo ang ginawa ko ay nahihiyang bumitaw ako sa pagka yakap sa kanya.
“Nangako ako sayo.”
“You know what gwyn, hindi mo naman kailangan gawin to eh. Mga bata pa tayo noon.”
“I know, but you deserve this. A strong and brilliant woman like you deserve more that this. You deserve everything. Seeing you this far and strong? I'm sure the younger self if yours is so proud of you right now. Malayo pa, yes. Malayo pa pero malayo kana. Marami pang darating na pagsubok sa buhay mo pero yung mga pagsubok nayon ay mas pagtibayin ka at palakasin.” Hindi ko maiwasang maging emotional sa sinabi niya.
He's so true to his words.
His right, I'm sure that my young self is very proud at me. The trong me. Tama si gwyn, marami pa akong pagdadaanan, alam ko yun. Pero mas titibay at lalakas ako lalo sa darating na pagsubok. Mahirap pero kakayanin ko.
“I'm also sure too that your ten years younger self is very proud of you this time. Imagine, nangako ka sa edad na ten years old at hangang ngayon ay di mo parin nakakalimutan.”
Nag tawanan lang kaming dalawa at tumuloy sa paglakad papunta sa cottage. Ngayon ko kang na realized na ang tagal naming nakatayo roon habang nag uusap.
“May ideya kaba kung gaano mo ako pinasayo ngayon? You make me happy gwyn, thank you so much.” I can't express my feelings on how happy I am right now.
“Your smile and eyes says it all.” he said and smile while looking straight into my eyes. I think anytime soon I can have a heart attack because of that smile.
Nang makarating kami sa cottage ay agad akong pumasok sa loob. Kung maganda sa labas ay double ang loob. Simple lamang ang mga kagamitan na naroon ngunit mas naging elegante tingnan ang paligid.
“Ang ganda rito sa loob…” Komento ko.
“Just like you. Maganda na nga sa labas ngunit double ang ganda ng kalooban.”
“Tigilan moko sa mga mabubulak mong mga salita gwyn. Kailan kapa natuto ng mabulaklak na mga salita?”
“Simula noong nagka gusto ako sa isang tao.” seryoso niyang tugon. Napakunot ang noo ko nang may dumaang masakit na emosyon sa mata niya ngunit agad ding nawala.
“Woah! Nagka gusto kana? Bakit dimo sinabi sa ‘kin? Kailan pa?” naka nguso kong sabi at nag kunyaring nag tatampo.
“Manhid siya. At isa pa, mukhang di pa siya full move on sa pangit niyang crush.”
“Eh?” tanging naisambit ko.
I felt something in my chest but I didn't mind it.
“Mag libot-libot kaya tayo? Diko nakita name ko sa entrance kanina eh.” Pag iba ko sa usapan.
“Sure, let's go!” Naging masigla ulit ang boses niya.
HINDI mabura-bura sa labi ko ang matamis na ngiti habang nakatingin sa pangalan ko na nakapaskil sa entrance ng resort at sa mga hindi kalakihang karatola sa bawat dinadaanan namin.
MITSUYO REINA’S BEACH RESORT
“I think I started to love my name even more.”
Patuloy lang kami sa Pag libot at paglakad-lakad sa tabing dagat.
“I'm sure napaka laki ng nagastos mo sa resort nato.”
“Hmm? Kung I-estimate ko, mga nasa 6 to 7 Billion lang naman.” kabit balikat at tamad niyang tugon na para bang wala lang sa kanya ang perang iyon at parang pinulot lang niyang ang pera kung saan-saan.
“Wow, LANG? As in? Kahiya naman sayo Mr. Nathan geyn azdemir! Napaka yaman mo no?” Puno ng sarkasmo ang boses ko at di makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Ni-lang niya lang iyon? LANG? I can't believe this man.
“Yeah, what's wrong with that?” Kunot-noong aniya na parang clueless parin sa gusto kong iparating.
“Napakalaking halaga ng perang iyon gwyn! Oh my! Bahala ka sa buhay mo gwyn. Nai-tress na bangs ko sayo.” wika ko at nag lakad pabalik sa cottage na tinuluyan namin.
“Meron kabang bangs?” Tinawanan niya lang ako’t hinabol. “I get it! Don't think about that, okay? It's still worthy rei.”
Tumigil ako at hinarap siya. “Hindi mo naman talaga kailangan gawin to eh.” usal ko at bumugtong hininga. “Pero nandito nato that's why, thank you. Thank you so much.” I sincerely said while looking straight into his deep coffee brown eyes
“Mi amore, anytime.” aniya at kinabig ako payakap. Naistatwa ako sa kinatayuan ko ngunit nang makabawi ako ay niyakap ko siya pabalik.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago napag pasyahang pumasok sa loob ng cottage at kumain.
Matapos kaming kumain ay ginugol namin ang natirang oras namin sa pagtingin-tingin sa paligid at dinama ang malamig at preskong simoy ng hangin.
Nanood rin kami ng sunset at pagka tapos noon ay napag pasiyahan naming umuwi.
“Thank you so much for today gwyn, for making me happy.” Sabi ko nang makababa ako sa motor niya.
“No problem, mi amore,” tanging tugon niya. Nakatingin na lamang siya sa ‘kin at di nagsalita kaya ngumiti muna ako bago tumalikod at naglakad papasok sa gate ng bahay namin. Nang makapasok ako ay may narinig akong tatlong beses na busina ng motor bago ito umalis na alam kong siya iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top