Chapter 14
APAT na araw na ang nakalipas simula noong nagsimula ako sa pagtrain ng nga archery players. Sa apat na araw ay nag improve sila at medyo hasa na ngunit kailangan parin ng mahigpit na ensayo upang mas mahasa nila ang paggamit ng pana.
Pinag pahinga ko muna sila at iniwan sa loob ng archery training room at napagpasiyahan kong pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad papunta sa cafeteria ay nahagip ng paningin ko si stellena na nakaupo sa bench at nakatingin ito mula sa di kalayuan. Sinundan ko ng tingin ang tiningnan niya at doon ay nakita ko si Gulliver kasama ang mga kaibigan niya na nag-uusap.
Mapait akong napangiti at naglakad papalapit sa kanya.
Nagulat siya nang makita ko ngunit kalaunan ay ngumiti na tinugunan ko rin naman. Tahimik na umupo ako sa tabi niya at pinakiramdaman siya. Nakatingin na naman siya sa kinaroroonan nila Gulliver.
"Gusto mo ba siya?" bahagya siyang natigilan sa naging tanong ko.
Ibinaling niya ang tingin sakin at parang kinabahang tumawa. "A-anong klaseng tanong yan rein?"
"Just answer my question stellena. Kilala mo ako, di naman ako magagalit basta magsabi ka lang ng totoo." malumanay kong sabi habang nakangiti na alam kong hindi umabot sa mata.
Natahimik siya't napayuko. Bumugtong hininga ako bago ulit nagsalita. "You don't need to answer it cous, be h-happy with him, okay?"
"H-how could I be happy if I know that I'd hurt y-you?" tugon niya't humagulhol ng iyak. Niyakap ko siya at inalo. Hearing her sobs makes me cry too, parang kinurot ang puso ko dahil sa iyak niya. Hindi ko alam kong saan ang mas masakit. Ang katotohanang wala akong pag-asa kay Gulliver o ang makita ang pinsan kong umiyak.
"Stop crying, I'll be fine. Hindi kona kailangang sabihin saʼyo na ingatan mo siya dahil alam kong iingatan mo naman talaga siya eh. J-just... Just be happy and make him happy, okay? Mahal na mahal ko yon kahit di niya kayang suklian ang pagmamahal ko at kahit na nonchalant yon." garagal na boses na sabi ko at tumawa ng pilit kahit na sa kaloob-looban ko ay napakabigat at sakit. It hurts but in order to make the two of them happy, I will choose to let go kahit walang kami.
Mahirap pero kakayanin! I'm not tanzania for nothing. Ilang tumahan na siya at ganoon rin ako mula sa pag-iyak.
"Sege na, ang drama natin," biro ko at bumitaw mula sa pagkayakap sa kanya. "Aalis na muna ako, hinintay pa ako ng mga trains ko sa training room." niyakap ko ulit siya. Hindu kona siya hinintay siyang sumagot at agad akong tumalikod at naglakad papalayo.
Ayaw kung Lumapit sa kanya, kay Gulliver. Nakatingin siya sa gawi namin kanina at nakakunot noo kaya alam kong lalapit siya kaya mas minabuti kong tumalikod at umalis.
Ayaw kong makita kong paano siya tumingin sa kanya. Napaka saklap dahil sa pinsan kopa! Bakit ba kasi laging nalang ang mga pinsan ko? Pwede bang ako nanaman? I belive that there's a right time for me pero hindi ko parin maiwasang mapatanong minsan. Bakit? Bakit lagi akong may karibal? Kaagaw? Pwedeng ako na naman? Yung malayang makuha ang gusto niya at walang kahati.
Sa mga nagdaang mga araw ay napansin kona close na close na sila at nalaman ko rin na may relasyon sila. Ang bilis hindi ba? Aaminin kong masakit at mabigat sa loob ko ngunit alam kong matatangap ko rin ito.
Sino ba ang hindi masaktan na ilang taon kang nandiyan para sa crush mong manhid pero yung mas bago niyang nakikilala't makita pa ang kanyang napansin at naging sila pa talaga.
I'll be fine.
Maybe this is will be just part of high-school memories and experience. And he will always remain in my high-school memories dahil alam kong hinding-hindi siya magiging akin.
Imbis na bumalik sa training room ay tumakbo ako palabas sa gate ng skwelahan.
Mukhang nakisama yata ang panahon saʼkin ngayon dahil biglang umulan ng malakas.
Umiyak lang ako ng umiyak sa gitna ng ulan sa tabi ng kalsada.
"Why life is so unfair?!" malakas na sigaw ko.
Napakunot ang noo ko nang hindi na dumaloy sa katawan ko ang tubig ng ulan at may naglagay ng jaket sa balikat ko?
"Maybe the right time for you is not yet to come?" aniya sa britonong boses. Kumalma ako sa boses niya at pakiramdam ko ay nawala lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.
"W-who are yo..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang mukha niya. Napa-awang ang labi ko at gulat na nakatingin sa kanya. "G-wyn?"
"A princess can also bow down her head but crying? A princess mustn't cry!" Kunot-noo niyang wika at hinila ako papasok sa loob ng sasakyan niya. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang sasakyan.
Dahil sa sinabi niya ay naalala ko ang sinabi niya ay naalala ko ang sinabi ni Gulliver.
"A princess shouldn't bow her head. Chin up Mitsuyo Reina Tanzania."
Tsk! I hate him na! Paasa ang puta! Wait?! Paasa? Eh baka nakalimutan mong ikaw ang umasa rein!
"Who gave you permission to cry? Noon bang binu-bully kita, pina-iyak ba kita? Hindi diba?" ma-awatoridad niyang sabi at pinunasan ang luha ko.
"You're here..." di makapaniwalang sabi ko. He's my childhood bully. Palagi niya akong binu-bully pero siya lang rin ang lalaking kakampi ko at kaibigan ko kahit lagi niya akong ina-away noon.
"Yeah, let's go to my condo," aniya at pina-andar ang sasakyan patungo sa... Condo?
"Kailan kapa nakarating rito? No! I mean, bakit ka may condo rito? Dito ka naba titira? Pano ang studies mo?" sunod-sunod na tanong ko. I can't believe na nandito siya sa harapan ko. Nag iba na rin ang hubog ng katawan niya at pati mukha niya. Halos di kona siya makilala.
"Hinay-hinay lang pangit. Tatlong araw na ako rito at sa academy na pinasukan mo na ako mag-aaral."
"Grabe! Ang gwapo mona! Di kana mataba!" nakanguso kong sabi.
"Why? What's wrong if I'm not fat anymore?
"Eh kasi naman! Wala na yung dating si taba na gwyn!" paborito kong paglaruan ang pisngi niya dati dahil sa taba.
Ang tagal narin simula noong huli kaming nagkita. Nagpasiya kasi ang ina niya nasa America sila titira kaya wala siyang magawa kundi ang pumayag. He's still young that time.
"Mas gumanda karin, wala na akong aasarin na pangit ngayon." nakangisi niyang sabi na nginisihan ko pabalik. I don't why but I felt a strange feeling. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa paraan ng pagingisi niya at ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko. I can't deny that he's really handsome. Mula sa V-shape niyang mukha ang jawline niya na bumagay sa kanya at ang long-pointed niyang ilong at pati narin ang mapupula niyang labi. Napaka puti at kinis rin ng balat niya na parang di nasikatan ng araw pero di naman siya maputla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top