Chapter 12

"Bakit lahat kayo ay naka upo lang?" malamig na tanong ko at tiningnan sila isa-isa. Labing anim sila.

Agad silang nagsitayuan at namumutlang nakatingin sakin. Hindi ko alam kong bakit sila takot sa'kin tuwing ako ang mag-turo. Seryoso lang naman ang mukha ko kapag ganito pero palangiti naman ako sa Labas eh.

"Let me see the example of your dance music and its action," wika ko. Dali-dali namang binigay sakin ng isang babae na parang leader nila ang laptop at pinakita saʼkin ang action.

"H-hindi po lahat ng action dyan ay ginaya namin, kumuha lang po k-kami ng ideya."

"Hmm," napatango-tango ako habang pinanood ang video. It's a traditional dance. "Gusto ko makita ang gawa nyo."

Pinatugtog ko ang musika nila at nag simula silang sumayaw. Tiningnan kong maigi ang actions and formations nila, not bad. "siguro pwede natin siya dagdagan ng galaw sa paa, puro lang kasi siya kamay. Mas maganda siya tingnan if gumagalaw rin ang paa nyo." but not really good.

Tinuro ko sa kanila ang naisip kong actions at agad naman nilang nakuha iyon. They're fast learner.

Ilang beses kong pinapaulit sa kanila ʼyon at nang ma-satisfied ako ay pinag pahinga ko sila at nag paalam na ako dahil alam kong naghihintay na ang mga archery trains ko sa training room.

"I practice nyo yan ha," bilin ko bago tuluyang umalis.

NANG makarating ako sa ATR ay nandoon na nga silang lahat.

"Good morning!" seryosong ani ko tumayo sa harapan nilang lahat. Sinamaan ko ng tingin ang mga grade-six train na tumatawa-tawa. "Pagdating dito sa loob ng training room hindi tayo magkakilala! I don't care if who you are! Understand?!"

"YES CAPTAIN!" pinigilan kong matawa sa hitsura nila. Para silang matatae na ewan. Buti naman at captain na ang tawag nila sakin at hindi na master. Ayaw ko sa master!

"An arrow can only be shot by pulling it backward. So when life is dragging you back with difficulties, it means that it's going to launch you into something great. So just focus, and keep aiming. Life is like an arrow, the farther back you're pulled, the farther forward you will end up."

"Credits?" pigil tawang sabi ni Xiandel.

"Credits to social media," napahalakhak silang lahat dahil sa sinabi ko. Yan lagi ang sinasabi ko sa kanila kaya alam na nila kong anong kasunod ng sasabihin ko.

"Sege na't mag simula na kayo! Puro kayo kalokohan!" agad silang nagsipuntahan sa mga pwesto nila.

Malaki ang training room at malawak. Marami rin ang mga gamit para sa archery kaya kahit 500 ka tao ang gagamit ng bow and arrow ay kakasya.

Si Xiandel ang nag train sa mga babae at ako sa lalaki. Weird? Crush kasi niya ang isa mga babae kaya si humawak. Madali lang MINSAN i train ang babae pero minsan lang. Ang mga lalaki naman ay ang mga kalokohan lang talaga nila ang nakaka stress pero madali naman sila turuan. Si Xiandel ang parang assistant trainor ko pagdating rito para mas masubay-bayan silang lahat pati si annika. Annika is an archery player too.

Mga newly trains ang tini-train ko dahil kahit paghawak sa arrow ay di nila alam and most of them ay mga elementary and grade-seven students.

Nag observe lang ako at minsan ay kino-correct sila kapag may mali sila o di nakuha. Maganda silang turuan dahil ready sila na i-admit ang mali nila at pursigidong matuto which is pinaka gusto ko.

Hindi pa umabot ng 20 feet since newly trains sila pero ang mga old trains ay umabot na ng 60 meters.

Nakita kong pumasok sila Gulliver at pati narin si Ariadne ngunit nagpangap ako na di sila nakita at pinanatiling seryoso ang mukha habang nakatingin sa mga trains. My hearts beat so darn fast! Gosh!

"Sawasdee," Bati ni Ariadne nang makalapit sakin gamit ang thai language. She's half thai kaya marunong siya magsalita non at makikita rin sa physical na anyo niya ang dugo niya na thai.

"Sawasdee," bati ko pabalik. Hello

"kunpenyangraibang?" tanong at sinuklay-suklay ang mahaba kong buhok gamit ang daliri ko. Did you eat?

"Nag improve ang accent mo sa thai ah, mas gumanda. And for your question, it's no, ilibre mo ako?" Nakangisi niyang tugon.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinila papunta sa cafeteria. Mas lalong lumawak ang ngisi niya dahil doon. Ang takaw talaga lalo na't pag libre!

"About your cousin and your crush,"

"Nah, wag kana mag open up niyan babae. Wala akong paki-alam kong ano sila!" inis kong sabi.

"Oh?" kunyaring gulat niyang sabi. "I don't like your cousin."

"Ang tanong, gusto kaba niya?" pamimilosopo ko.

"I'm serious Mitsuyo!" tinawanan ko lang siya at umupo sa isang bakanteng upuan sa loob ng cafeteria.

"Seryoso rin naman ako?" inosente kong patanong na sabi at kumagat ng burger na bunili ko bago umupo. "Ako lang ang hindi sineryoso."

"Wow? Hugot te? Meron bang kayo?" sarkasmong sabi niya at inirapan ako. Bestfriend nga talaga kami, mahilig umirap. Sa kanya ko natutunan ang umirap, ang ganda niya kasi umirap.

"Saan si annika?" tanong ko kalaunan dahil di ko ito nakita mula kanina.

"Ewan, may pinuntahan yata at bumili ng bow and arrow. Gusto niya siya mismo mamili ng bow and arrow at para siguradong magugustuhan niya." tugon niya.

"Sana all pinili at magugustuhan, ako kasi di pa nga pinili at di pa talaga nagugustuhan."

"Kaloka kayong mga inlove kayo! Bawat salita may hugot kayo!" maktol niya at nagkunyaring nasusuka.

"hoy babaita! Darating karin dyan!"

"I know, but not now," one thing I like about her, as my best friend is ang pagka open-minded niya sa lahat ng bagay at advance din siyang mag isip.

Nag usap at asaran muna kaming dalawa bago ko napag pasiyahang tumungo sa ATR at pinabalik ulit sa training ang mga trains.

Buong maghapon ay puro training lang kami at ini-inspect ko lang ang mga trains at pumunta din ako sa dance studio at kinamusta ang mga dancers.

Naging maayos naman ang lahat at nagustuhan ng guro na si ma'am genza kaya napanatag ako.

Wala na akong gagawin sa paaralan kaya napagpasiyahan kong umuwi. Bakit kaya boong magdamag ay di pumasok si Annika? Nako! Yung babaeng yun! Buti nalang at practice lang ngayon at singing contest lang ang sinasalihan niya. Maganda ang boses niya kaya kahit na di na siya mag audition ay tangap agad siya. At since hasa na naman siya sa archery kaya walang problema sakin.

Singing contest? Yes, meron ring singing contest ang paaralan na ito pero siguro habang magtagal nang magtagal ay mawawala ang ganitong klaseng programa. Hindi ko alam kong bakit ngunit iyon ang narinig ko eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top