Chapter 1
"REINA!! Bumangon kana riyan! Hindi ka prinsesa na tanghali ng babangon. Bakit ba di ka gumaya sa pinsan mo na maagang gumising?!" Maaga palang pero iyon agad ang bumungad sakin paggising ko.
Well, sanay na ako. Ganyan naman lagi si Mama. Bakit hindi ako gumaya kay ano, ganito, ganon.
Lagi nalang ganon tʼwing umaga kaya sinong di masanay diba? Pero di ko parin maiwasan na makarandam ng kirot sa puso ko.
"Ang aga gumising ng pinsan mong si Cyzarine tapos ikaw ang tagal! Bakit di ka kasi gumaya sa kanila? Mas mabuti pa siya keysa sayo. Failure ka talaga kahit kailan!" Halos umalingaw-ngaw sa buong mansion ang boses ni mama dahil sa lakas.
Hindi ko na pinansin si mama at umupo nalang sa harap ng upuan ng pinsan kong si Cyzarine. Si Cyzarine ay dito na tumira at sobrang close sila ni mama. May mommy at daddy si Cy at masasabi kong mapag mahal sila at mas gugustuhin mo nalang na sila ang maging magulang mo. Nasa kay Cyzarine na siguro ang lahat eh. Pati nga ina ko nakuha niya. Hindi ko siya masisi, its not her fault kung mas nagustuhan siya nila mommy.
"Pasensya kana ha? Pinagalitan kana naman. Ayos ka lang ba?"
"Ano kaba. Ayos lang, sanay na ako." Pag sisnungaling ko at nginitian siya ng pilit. Sino nga ba ang magiging maayos kung Pinagalitan at kinokompara ka araw araw sa'yong pinsan ng sarili mong ina diba?
Kung nandito lang sana si daddy may kakampi siguro ako ngayon. Kaso wala siya eh. Matagal tagal pa bago siya makauwi rito sa pilipinas dahil may business siyang inatupag sa ibang bansa.
"Ano nanaman 'to ma? Ang aga-aga pina pagalitan mo nanaman si Reina." Sita ni kuya kay mama. Buti nalang at may dalawa akong kuya na caring at protective na si kuya sam at milian or known as jed pero minsan ay mga bossy at masungit.
"Tanungin mo yang kapatid mo! Ano yan? Pinssesa?"
"Yes, Our princess. Kaya nga Reina ang pinangalan sa kanya diba? She's not just a princess. She's a Queen. Our one and only Queen." Malamig at matigas na sabi ni kuya at sinalubong ang masamang tingin ni mama.
Napakagat labi ko dahil sa kaba. Ayaw na ayaw ko talaga ng ganito. Yung ipag tangol ako nila kuya dahil mas lalo lang magalit sa ʼkin si mama eh.
"Kuya..." Tawag ko kay kuya at bahayang hinawakan ang kanyang kamay.
Tumingin lang siya sakin at hinila ako palabas. Lumingon ako kay mama na sana ay diko nalang ginagawa dahil paglingon ko ay sumalubong sa ʼkin ang matalim at masamang tingin niya bago kami tuluyang nakalabas.
"Kuya, dapat di mo na pinatulan si mama. Alam mo naman na yon, baka mas lalo lang magalit yon sakin eh." Wika ko nang makarating kami sa parking lot.
Nang makapasok kami sa kotse niya ay saka lang niya ako sinagot. "Baby, sumobra na kasi si mama eh. Kapagud siya." I agree with that. Nakaka pagud sa part na palagi nalang bunga-nga niya ang bubungad samin at palagi nalang niya akong pinagalitan. Normal lang naman na mapagalitan kami pero kailangan may valid reason siya kung bakit niya kami papagalitan. Pero hindi eh, palagi siya naghahanap ng issue o rason para lang mabunga-ngahan kami-no! Ako lang! Makikinig lang naman ako sa boses niya araw araw eh. Pero alam mo yung feeling na pagod kana makinig sa kanya? Everytime na maririnig mo boses niya at kakasimula niya palang magsalita, nakaka rindi na! Pero kahit nakaka pagod yan si mama. Mahal na mahal ko siya. Ina ko yan eh kaya kahit gaano yan kasama at bungangera re-respituhin ko parin siya.
Hindi nalang ako umimik at timingin lang sa labas ng bintana at napa-bugtong hininga.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa labas ng Golden Academy kung nasaan kami nag-aaral nila kuya. Ang Golden Academy ay may Junior and senior high school at pati na rin college kaya ito tinawag na academy.
"Saan si kuya milian kuya?" Tanong ko kay kuya dahil di ko kasi nakita ang isa kong kuya mula kaninang umaga.
Hindi niya ako sinagot pero may tiningnan siyang direksiyon habang nakangisi kaya sinundan ko ang kanyang tingin at doon nakita ko ang hinanap kong tao na nakangising nakatingin sa kotse namin kasama ang mga kaibigan nila.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya paglabas ko ng kotse at tumakbo patungo sa direksiyon niya. "Bakit mo kami iniwan. Di mo man lang kami hinintay," Nakanguso kong ani nang makalapit ako sa kinaroroonan niya.
Mga gwapo ang kaibigan nila kuya lalong-lalo na yung isa. Si Gulliver. Sikat sila sa paaralang ito lalong lalo na ang dalawa kong kuya at si Gulliver dahil sa mga pormahan nila. May pagka bad boy kasi ang pormahan nila kuya na mas lalong naka dagdag appeal sa kanila.
Ang pinaka gwapo yata except sa mga kuya ko ay si Gulliver. He's my crush pero parang wala akong pag-asa eh. Kasi kahit tumingin man lang sa ʼkin ay di magawa.
"I'm sorry princess." Sabi lang niya't niyakap ako at hinalikan sa noo. "Let's go?"
Tumango lang ako at sumabay sa kanila paglakad. Nakapalibot sila sa akin na para bang pino-protektahan nila ako. Well, totoo naman na over protective sila eh kaya halos wala akong manliligaw. Wala nga ba? Or they just threaten my suitors?
Nag tilian ang mga kababaihan nang makita sila pero parang wala lang sa kanila at diretso lang ang tingin sa harap at patuloy na nag lalakad.
Everyone knows that these two handsome guy is my brother. Kaya di sila nag tangakang i-bully ako. Marami ang nakipag-kaibigan sakin upang mapalapit sa kanila. Pero diko sila pinag tuonan ng pansin. I hate plastics. Oo, plastic sila para sa ʼkin dahil di naman talaga pakikipag kaibigan ang intention nila kundi upang mapalapit lamang sa dalawa kong kapatid.
Naka yuko lang ako dahil sa hiya. Paano sila ganito ka kalma at confident sa harap ng maraming tao? Di man lang sila nahiya at sa halip, nakataas noo pa silang nag lakad na para bang pag mamay-ari nila ang daan.
"A princess Shouldn't bow her head. Chin up Mitsuyo Reina Tanzania." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang malaling boses na bumulong sa akin. I know that voice. My heart knows that voice.
Ngumiti lang ako kay Gulliver at namumulang umiwas ng tingin nang lumingon ako at nagkatagpo ang aming mga mata. Oh my! Parang gusto kong mag wala dahil sa kilig. Sino na naman ang hindi kiligin kung papansinin ka ng isang Immanuel Gulliver Lovereign diba?
Binuksan ko ang Twitter ko at nag post.
'New achievement today! Pinansin ako ni crush!'
Ilang sigundo palang pero marami nang likes at comments. Marami ang followers ko dahil nga kapatid ko ang dalawang sikat na asungot sa school na 'to. Oo asungot kasi palagi nalang nilang ginagamit ang Twitter account ko at doon mag po-post ng mukha nila.
"Bye kuyas." Paalam ko sa kanila nang madaanan namin ang room ko. Nandoon na si Anika. My bestfriend.
Tumango lang sila kuya at lumihis ng direksiyon. Tumingin muna ako sa pwesto ni Gulliver pero di ko na siya nakita roon. Bagsak balikat akong Lumapit kay Anika at matamlay na yumakap sa kanya.
"Anong mukha yan? Nanghihinayang kaba kasi di mo na siya nakita?" Nakangisi niyang tanong at bumitaw sa pagka-yakap sakin.
Pabiro ko siyang inirapan at nag lakad papasok sa room. "Okay lang, at least kinausap niya ako kanina! For almost Five years, finally kinausap na niya ako!" Malakas na tili ko at hinampas hampas ang balikat ni Anika.
"Grabe ka gurl? Kapag kiligin walang hampasan ha? Noong kinilig ako, di kita hinampas."
"Anong hindi mo ako hinampas? Kahiya naman no? Kulang nalang patayin mo ako sa lakas eh." Nakangiwi kong sabi at umayos ng upo.
Mag salita pa sana siya ngunit dumating na ang lecturer namin kaya agad siyang umayos sa upo at itinuon ang attention sa harapan.
Mag salita na sana ang teacher namin nang may biglang pumasok na tatlong studyante kasama na roon siya Gulliver. Wait? GAS siya? Oh my?!
Nawala ang attention ko sa kanila dahil sa pag hampas ni Anika sakin sa balikat. "Rein, Gas ang crush ko." Mahinang tili niya. Crush niya kasi ang isa sa kaibigan ni Gulliver.
Diretso lang na nag lakad ang tatlo sa kani-kanilang upuan at di inangkala ang tawag ng guro sa kanila.
"Sino satin ang malakas mang hampas? At di siya Gas, tao siya. TAO." Pamimilosopong sabi ko sa kanya gamit ang mahinang boses dahil baka marinig kami ng guro namin. Masungit pa naman ito.
Ngumuso lang siya at tumingin sa harapan kaya ganon din ang ginawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top