Case 1: Isang Litrato, Isang Tao
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-Corexalee-
Sinclair's POV
"Can you find him? The other pictures are inside the brown envelope," tanong ng aking kliyente sabay pakita ng mga litratong hubo't hubad na katawan ng dalawang lalaking magkayakap habang nakahiga. Ang kuha ng litrato ay nasa bintana ng kwarto sa hotel, baka kinuhanan ito mula sa katapat na building. Ito nanaman tayo.
"Oh sure," tanging sagot ko nalang sa kaniya.
In this line of work, sanayan nalang talaga. Normal na sa'kin ang ganitong trabaho, naging parte na siya ng buhay ko. It's like, it's been a part of me.
"Oh I know that you can, that's why I came here in your office personally. You did a great job last time," sabi sa'kin nitong kliyente ko sabay kindat sa akin.
"He's not coming home these days so I'm quite worried. Last time he said that he's going on a business trip for 2 weeks outside the country. So, I hired someone to tail him and sent me these pictures, those are quite intriguing aren't they?" dagdag niya namang sabi habang natatawa.
"Why did you reached out to me then?" nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.
"The man I hired suddenly lost contact with them, I don't know kung anong gagawin ko kaya'y lumapit ako sa'yo. I know that you'll do a better job than that person," sabi niya naman sa akin.
"Oh I see, is it the same as usual then?" tanong ko sa kaniya.
"Yes," sabay dukot ng isang puting sobre sa kaniyang bagahe" So here's the 50%, I will give you the other half of it when you find whoever that was," sabay abot sa akin nito. Sinilip ko naman ang laman ng sobre, It's full of blue bills.
"It's a deal then," sabi ko sa kaniya sabay nakipagkamayan sa kaniya.
Matapos ay tumayo na siya't nagpaalam na aalis. Nang makalabas na sila sa aking opisina ay tumayo na rin ako para umpisahan ang aking trabaho. Pinindot ko naman ang pager para tawagin si Calli.
"Calli? pwedeng pa-run ng FI (Facial Identification) sa taong 'to?" bigla namang nagbukas ang pinto.
"Puro nalang nagpapahanap ng mga tao lumalapit lately, wala man lang tayong nahahawakang magandang kaso or kaya naman pumunta sa CS(crime scene). Hays," sabay buntong hininga.
"Mas masaya ka pa na humawak ng mga kaso instead of finding people? Is that what you're implying?" nagtatakang tanong ko naman sa sianbi niya. "As far as I'm aware of eh hindi ka naman makaharap sa mga clients natin? Takot ka rin makipag-usap sa mga pulis," dagdag ko namang sabi.
"Correction Kuya Sin! Mga lalaking clients at mga pulis," nagmamaktol niyang sabi.
"If you say so," pagbabalewala kong sabi.
Hindi Kuya Sin, joke lang eto naman hindi mabiro. Nakakapagod iyon, ano ulit 'yong inutos mo?"dagdag tanong niya't napakamot sa ulo.
"Pa run ng FI," sabi ko sabay abot sa kaniya ng envelope na binigay sa akin ni Ms. Ibanag kanina.
"Sige Kuya Sin. Sa database na ba mismo para hindi na ako manghingi ng by-pass? Ay oo pala, yung kliyente mo ba kanina eh yung nakausap mo nung nakaraang buwan? Si Mrs. Ibanag?" tanong niya sa akin habang nakadungaw sa pintuan.
"Oo, at oo," tanging utas ko sa tanong niya.
"Ito namang si Kuya napaka-, context please?" dagdag niyang tanong.
"Yung asawa niya," sagot ko sa tanong niya.
"Anong meron sa asawa niya Kuya?" tanong niyang muli sa sagot ko.
"May lalaki," kasyuwal kong sagot.
"You mean like, lalaki na lalaki?" tanong niya habang nag-aala espadahan ang kaniyang mga hintuturo. Tumango na lamang ako sa itinanong niya.
"Oemji, Teaaaaa!" laking gulat niya nang makita niya ang nasa larawan. "Pero bakit kailangan pa niyang pumunta rito?" nagtatakang tanong niya naman sa akin. Nagtaas balikat nalang ako sa tanong niya.
"Last time naman na may pinagawa siya sa'yo eh yung mga tauhan niya lang naman iyong mga naka-usap natin?" dagdag niya.
"I'm not quite sure. Siguro ayaw ni Ms. Ibanag na malaman ito ng mga tauhan niya," sagot ko na lamang sa kaniya para matigil na siya kakatanong.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok siya sa aking opisina at nilapag ang hinihingi kong dokumento kanina. Napatingin naman ako sa monitor ng aming cctv at may tao sa labas ng firm na nakadungaw sa salamin na tila ba'y may hinahanap ito.
"Ah Calli, may tao sa labas," tawag ko naman sa kaniya.
"Wait Kuya Sin," nakita ko namang tumayo siya sa kaniyang puwesto at dumungaw sa bintana para tingnan kung sino iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Calli rito at may kasama siyang babae. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa at nagbabakasakaling kilala ko ito.
Observation: A black haired petite woman around 161cm height. Posture wise, around the age of 21. Nervous and fidgety. She's wearing an ID from a prestigious University around here. Acidic, as I saw the hint of corroding chains from is ID. I also smell a hint of Vanilla from her, possibly perfume. Dry and cracked lips. Swollen under eyes. Shifty eyes and doesn't have hyper fixation.
Sa kasamaang palad ay ngayon ko lang siya nakita rito. Napatingin naman ako kay Calli na pinanlalakihan ako ng mata at para bang sinasabi na ako ang hinahanap nito.
"Upo ka muna here Ate, kuha lang ako ng tsa-a," malumanay na sabi ni Calli at itinuro ang upuan sa aking harapan. Nagtataka naman ako nang iwan niya ito rito sa loob at sinara ang pintuan.
"May I help you Ms.?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
"O-Olivia," sagot niya. Hindi siya mapakali sa kaniyang kina-uupuan at kung saan-saan nababaling ang kaniyang atensyon na tila ba'y kinakabahan nang tanungin ko siya.
"Who told you about this place?" nagtatakang tanong ko naman sa kaniya. May kinuha siya sa kaniyang bag at may iniabot sa aking calling card. Kinuha ko naman ito para basahin.
"Exsco Publishing House, a black one," sambit ko habang nagtataka kung saan niya nakuha itong calling card. A black card means VVIP. Well, I'm not going to ask her where she got this.
I scanned the card and verified where it came from. It's from our past client, Ms. Cabalen. She was here last month. Her father was the CEO of Radi.e Tech Solutions which also happens to be my friend from college.
"You're friends with Ms. Crystal?" tumango naman siya sa tinanong ko.
"U-u-hmm, p-please help me," nauutal niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at takot. Nakayuko siya nung sinabi niya ang litanyang iyon.
"Please calm down Ms. Olivia, what can I do for you today?" tanong ko sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang may kinukuha sa kaniyang bag. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at may hinanap dito.
Makalipas ang ilang minuto ay nanginginig niyang iniabot ito sa akin habang may nagpplay na audio, nilakasan ko naman ang volume para marinig ang nangyayari.
*volumes up
"Nakuha mo?" sabi ng isang lalaki.
"Oo Hahaha, bobo niya naman at naniwala siya sa mga pinagsasabi ko habang nasa kama kami," rinig ko naman na sabi ng isang lalaki. "Laki rin ng binigay niya na pera. Grabe cash pa. Nilagay ko sa bangko mo lahat," dagdag niyang sabi.
"Naku ikaw En-en, balak mo pa yata akong ipagpalit sa matandang uhugin na 'yan ha?" pabirong sabi nito habang tumatawa.
"As if. Ay oo pala Love, ikaw ba, kailan mo balak patahimikin iyang babae mo? Ano nang pangalan niya ulit? Olive? Olivia?" napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko nang mabanggit ang pangalan niya. Yumuko naman siya nang nakatingin ako sa kaniya. Oh I know what's happening now.
"Baka next month, depende sa'yo kung nakahithit ka na jan sa Papa de Asukal mo," sabay tawa.
"Tell me Love, 'pag hindi mo kaya, ako na bahala sa kaniya. I know someone that can dispose her anytime," malumanay niyang sabi.
"Sige, sige. See you sooner En, Love You," sabi ng unang lalaking nagsalita. Base sa napakinggan kong pangalan ay En.
"Love y-"
I stopped listening to the audio and faced her. Ibinalik ko naman sa kaniya ang kaniyang cellphone. Tiningnan ko siya't hindi pa rin mapakali. There's a minute more in the recorded audio but, I got the gist of what I'm about to do.
"Do you know someone that's in that recorded call?"nagtatakang tanong ko naman sa kaniya. Binuksan niyang muli ang kaniyang cellphone at may hinanap dito. Iniabot niyang muli ito sa akin at pinakita ang picture nilang dalawa.
"Y-Yes. Wallace Ansaquid. W-we've been together for 7 months," nauutal niya namang sagot sa tanong.
"So what do you want me to do Ms. Olivia?" sabay tingin sa kaniya. Nakayuko pa rin siya.
"P-please, please find whoever that was, I need answers," nanginginig niyang sagot sa tanong ko.
"Sure Ms. Olivia, Calli will fill you in with the details," I pushed the pager and called Calli.
"So where's the tea? Nasaan na? Nasaan na?" Nagtatakang tanong ko naman kay Calli mula sa pager. Sabi niya babalik siyang may dalang tsa-a, kanina ko pa siya inaantay.
Nagbukas naman ang pinto at iniluwa nito si Calli na may dalang tray.
"Eto namang si Kuya, sandali lang, kalma" Natatarantang sabi niya at inilapag ang dala niyang tray sa gilid ng aking lamesa.
"Would you like a cup of tea Ms. Olivia?" Tanong ko naman sa kaniya.
"I-I'm fine, Thank You," nauutal niya namang sagot.
"Well then, Calli," sabay tingin ko sa kaniya. "Pakifill-in yung details ni Ms. Olivia with her request and pakilapag nung form sa lamesa ko mamaya," utos ko naman sa kaniya. "Also leave the door half-open," dagdag kong utos sa kaniya.
"Yes Sir. Ma'am sa labas nalang po tayo, sunod po kayo sa akin," sabi niya at lumabas na silang dalawa sa office ko.
From the recorded call, there's so many questions in my head; Dispose? Where did she got the recorded audio from? Answers? Silence her? Why?
She knows something that she didn't mention. I'd rather not ask her because she's a VVIP client. We set those rules and standards, I can't pry on their business. I'm just doing what was asked and what I'm supposed to do.
All of these questions are running rampant around my head and I can't do anything besides what she requested.
Ang ingay ni Calli sa labas at hanggang dito sa loob ng office ko ay naririnig ko mga pinagsasabi niya. I heard Calli mentioned my name kaya sinara ko nalang ang pinto. Magkukwento nanaman siya tungkol sa buhay niya. I'm sorry Ms. Olivia, ikaw pa napagdiskitahan niyan.
"Well, I gotta find whoever that was," bulong ko sa hangin sabay kuha ng baso mula sa tray, I poured myself a cup of brewed green tea and sat in my chair.
Inumpisahan ko na nga itong pinapagawa sa akin ni Mrs. Ibanag kanina. binuksan ko naitong brown na envelope na kaniyang binigay rin kanina. Inilabas ko mula rito ang mga litrato na kung saan nasa loob sila ng restaurant. Meron ding nasa loob ng sasakyan maging yung litrato na nakita ko kanina.
"How fascinating," I mumbled.
Binasa ko na rin ang binigay na dokumentong iniabot sa akin ni Calli kanina. Kinuha ko ang aking salamin at inumpisahan ko itong basahin.
Confidential Investigative File: Enrico P. Gomez
Personal Details:
Date of Birth: March 15, 1997
Place of Birth: Quezon City General Hospital, Manila, Philippines
Nationality: Filipino
Gender: Male
Height: 5'10"
Build: Athletic
Eye Color: Brown
Hair Color: Black
Status: Single
Address: 130 Kalayaan B, Quezon City, Philippines
Background: A BS Communications graduate under UPPA. Currently working at Radi.e Tech Solutions holding a position of a Marketing Manager.
Distinctive Marks: A mole in his left eye.Tattoo of an unidentified symbol on his right arm, suggesting potential affiliation with a secretive group.
Note: This document is for fictional and entertainment purposes only. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
This document also includes his past check-ins, credit card history and other necessary details. Now, I need someone to tail them and pinpoint their exact location. I think I should do that job since I ordered Dennis to go to the prosecutors house for legal files.
Pinindot kong muli ang pager at tinawag si Calli.
"Calli, prepare for a short trip, you're coming with me in Switzerland," utos ko naman sa kaniya at kinuha ang passport ko sa ilalim ng desk.
"I also hope they're prepared for what's coming to them" I whispered while looking at their pictures.
~
Grabe! I had a hard time writing this one kasi medyo out siya ng aking comfort zone. Anyway, mag-iingat kayo parati! Please support my other story as well! Short chapter lang muna since mahaba yung susunod! Todaloo!
-Corexalee-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top