073
Nakasakay kami ngayon sa bus, nakakasuka yung aircon tbh.
"Ok lang? Ang putla mo" tanong ni Daehwi sa tabi ko.
"Ok lang, ano.. may candy ka ba dyan?" Ok lang naman talaga ako eh, konti nalang iluluwa ko na lahat ng kinain ko.
"Oh" abot niya sakin ng maxx. Kahit papano nakondisyon na din yung tyan ko.
Pero nagaalala talaga ako kay lola, sino nagsugod sa kanya sa ospital?
Kinabit ko yung headset ko para makapagsountrip manlang kahit papano.
"Pashare naman," sabi niya kaya binigay ko yung isa. Tapos nagplay yung "Confession" ng astro.
Maya maya habang nakatingin lang ako sa bintana ng bus may naramdaman akong nakapatong sa balikat ko. Nakatulog si Daehwi.
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko pero tinignan ko lang yung mukha niya. Ang cute niya pag tulog, ang bait niya tignan kapag tulog lol. Hinde, seryoso. Kaya hugulin isang buong araw ko habang tinititigan lang siya. Hindi ko nga din alam eh, nung umpisa hindi ko yan masyadong pinapansin tapos natawa pa nga ako sa fact na dati tinatawag ko siyang bakla.
Pero legit na lalaki siya, kung sa ugali nga ang paguusapan mas maganda ugali niya kesa sa ibang lalaki diyan. Mas caring siya, mas masaya siya kasama, at kapag magpapatirintas ka ng buhok ititirintas niya. Hindi ko nga din inexpect na papayag yang samahan ako umuwi ng probinsya eh.
Hindi ko lang alam ah pero naguumpisa na akong magustuhan siya bilang isang tunay na lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top