053

Pagkatapos ng klase , medyo nagprepare prepare na ako kase sabi ni Daehwi ililibre nya ako ngayon. Basta libre hehe. Buti nga pumasok sya ngayon eh. Pero pansin parang hindi sila gaano in good terms ng kapatid nya. Y? Just Y?! Lol.

Hindi sila nagpapansinan layk hey, magkapatid kayo. Wala manlang fist bump ganun? Feeling ko nga iniirapan ng baklang Dewi si Donghyun sa likod eh. Lol.

"Ano Jira? Tara na" bago pa mandin ako magreact hinila na niya ako.

"Saglet Daehwi ah, sandali. Nagmamadali? May meeting?" Pagbitaw ko sa hila nya.

"Panget kaseng may umaaligid na mangaagaw satin" hanudaw?

"San ba tayo kakain?" Tanong ko.

"Saan mo ba gusto?" Tanong nya pabalik. Magtanungan nalang kaya kami.

"Sa ano nalang, ahm? Greenwich?" Suggest ko.

"Tara na, may malapit na Greenwich dito eh, alam ko" sabi nya sabay hawak ng kamay ko.

"Hokage to oh, bawal HHWW" hila ko ng kamay ko.

"Hahawakan lang yung kamay, damot mo naman" simangot nya.

Dumating na kami sa Greenwich, naghanap muna kami ng upuan, dahil walang pandalawahan lang. Napilitan kaming umupo sa pang apatang table. Tapos umorder na si Daehwi.

Mga ilang minuto na nakaupo ako ng tahimik na nagcecellphone biglang may kamay na nagtakip sa mata ko. Sa mga ganito ako naiinis eh.

"Sino to?!" Inis kong tanong

"Aba syimpri huhulaan mo" sabi niya sa matinis na boses. Dahil hindi naman ako manghuhula kinurot ko yung kamay nya, pero matibay bes, di parin tinatanggal ang kapit, ano ka mighty bond?

Siniko ko sya sa tyan pero wala parin, kaya kinapa ko yung mukha nya gamit dalawa kong kamay tapos parang yung sa mga kissing scene lol, yung hahawakan nung babae yung mukha nung lalake. Kahit hindi ko pa matukoy kung sino to nandidiri na ako..

Tapos tinggal na nya yung naka mighty bond nyang kamay, tapos diba nakahawak ako sa jawline nya, sinampal ko na para naman kwits na kami.

"Aray Jira ah" sabi ni Donghyun habang hinihimas yung namumula nyang pisngi.

"Ginusto mo yan eh, bat ka nandito?" Masungit kong tanong.

Tapos binackhug niya ako tapos parang inaamoy nya yung leeg ko. Nasa Greenwich tayo bes, mahiya ka naman sa mga single na kumakain dito.

"Masama bang namimiss ko yung amoy mo" sabi niya,

"Get your filthy hands off her" sabi ni Daehwi, sumulpot bigla,wao ingrishi? You cant even ingrish, hanudaw lol.

Tapos bumitaw na si Donghyun,

"Dapat inaya mo din ako kung kakain kayo" sabi niya sakin ng hindi pinapansin si Daehwi.

"Magdedate kami tapos aayain ka niya? Gago meganon?" Pagirap pa ni Daehwi.

"Ahehehe, Daehwi ano.... Donghyun kase... ah... ehhmm" nauurat kong sabi di ko nga alam sasabihin ko eh. Hindi ko alam ihandle ang ganitong situation.

"Date? Kala ko ba keylangan ka pa ni Dad sa office?" Pag smirk ni Donghyun.

"Tapos na ako sa pagdedeal ng business namin ni dad, ikaw ? Bat di ka muna umuwi sa mama mo sa ibang bansa? You dont belong here" sagot ni Daehwi. Jusq. Feeling ko nagbabatuhan ng laser eyes yung titig nila sa isat isa.

"Weyt weyt weyt. Diba half brothers kayo? Bakit ganyan trato nyo sa isat isa? Diba dapat masaya kayo kapag magkasama? Ano bang nangyayari sainyong dalawa?!" Naguguluhan kong tanong.

"Its none of your business"

Sabay nilang sagot. So ganun? Papabayaan nilang wala akong alam ganun? GG. So nandito lang ako poreber maguguluhan?

"Eh tangina, kung none of my business yan, wag kayo magaway sa harap ko. Bwiset. Manliligaw kayo sakin pero wala man kayong inoopen sa inyong dalawa? Ano yun, dito nalang ako walang alam? Bwiset. Dyan na kayo. Mga Gago! Wag nyo na din akong guluhin o kung ano man ha, Mind your own business!" Sigaw ko sa kanila. Sakto sa labas nakita ko si Guanlin at si Seonho, nasa labas lang tapos parang may sinisilip sa loob.

Lumabas naman ako diretso tapos pinuntahan ko sila.

"Ginagawa nyo dyan?" Tanong ko na may suspicious faceuu. Tinapik naman ni Guanlin si Seonho tapos humarap silang dalawa.

"Ah? Kami ba?" Turo niya sa sarili niya.

"Ano kasi, pauwi na kami napadaan lang" sabi ni Guanlin sabay kamot ng batok niya.

"Aahh, san kayo dumadaan pauwi?" Tanong ko, syempre gusto ko ng matino tino ding company.

"Dedretso ako dito" sabi ni Guanlin.

"Ako liliko ako sa kanto" sagot ni Seonho.

"Pareho pala tayo ng dadaanan Guanlin eh, sabay na tayong tatlo." Sabi ko. Syempre hindi ko maiwasang mailang sa kanya kase knowing na may crush siya sakin, nagconfess siya tapos kung ano anong sinasabi niya sa text. Pero medyo nagiging comfortable na akong kasama siya. Tsaka hindi din maiiwasan si Guanlin kase kaklase ko din yan at madalas yang pumupunta sa bahay kase kaibigan yan ni kuya.

"Uy may kwek kwek! Bili tayo!" Sigaw ni Seonho sabay takbo dun sa nagtitinda ng kwek kwek.

Dahil nagugutom din ako, at paborito ko yun, sumunod ako kay Seonho.

"Kuya kwek kwek nga po" sabi ko tapos binigay ko na yung bayad. Nung inaabot ko na yung bayad may pumigil na kamay sakin.

"Ako na" pangiti ni Guanlin na nakalitaw yung gums, qtt.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top