049
050
Pagkatapos kumain nagthank you na si Donghyun kila mama tapos nagpaalam na sya na aalis. Syempre ihahatid ko sya palabas kahit sa gate lang.
"Pasensya ka na kila mama ha? Napaka ano ng mga yun eh" sabi ko sabay tawa.
"Haha,ok lang. Masaya din naman sila kausap. Pero.." sagot nya
"Pero?" Tanong ko
"Pwede na akong manligaw, kase magulang mo na mismo boto sakin diba? May blessing na agad ako" sabi niya sabay ngiti, inosenteng ngiti. Kuwari inosente.
"Ano ka ba! Kakakilala lang natin!" Sabi ko sabay hinto sa paglakad.
Huminto din siya.
"Kakakilala mo lang sakin," sabi niya
"Pero matagal na kitang kilala" dagdag pa nito.
"Ha?" Syempre my puso is litong lito.
"Hindi mo ko namumukhaan? Isa ako sa mga kaibigan ng kuya mo dati. Nung parang middle school pa tayo. Matagal na kaya kitang crush" sabi nya. Lol. Hanuedaw. Amajjing. Tapos medyo nagbublush pa to.
"Ok haha" nakakahiya. Ayun lang nasagot ko.
"So 'ok' na manliligaw ako? Sure" sabi niya sabay kindat. Tapos deretso lakad pa sya.
"Ha?! Hindi ah!" Angal ko, pero pwede na din hehe. Tignan natin kung hanggang saan sya tatagal.
Sinundan ko sya sa gate,
"Alam mo na ba pauwi?" Tanong ko, nakatalikod sya. Tapos humarap sya sakin tapos tapos... hinalikan nya ako sa noo.
Parang tumigil ang mundo ko, shiet. Naka first kiss ang noo ko.
"Ehem, pwede bang makadaan?" Shiet. Koya naman. Panira ng moment bwesit.
Nahihiya namang tumingin si Donghyun kay kuya Jihoon.
"Sige hyung alis na ako hehe" sabi nya sabay akward laugh tapos naglakad na sya paalis.
"Jira? Magpapaliwanag ka" sabi ni kuya. Shiet.
"Luh kuya, bakit nanaman" painosente kong tanong.
"Ewan ko sayo, pasok na sa loob." Utos nya. Hmmp. Feeling boss. Kunyari overprotective tapos ibebenta lang number mo sa halagang isang libo.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko sila mama na may hawak na camera.
"Nagdadalaga na ang anak ko~!" Asar ni papa sabay pakita ng pic ng, PUTAARARRARAKENGENUHAHAHW!,PINICTURAN NILA KAMI!
"PAPA NAMAN EH!!" Sigaw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top