036
037
Halos mag iisang linggo na nung umalis si Kenta. Medyo umo ok naman ako, natatanggap ko naman. Tsaka hindi habang buhay dapat akong ganito. Tsaka may napapansin ako kay Daehwi.
Parang nag iba sya?
"Huy Jira, sabay na tayo" Speaking of Daehwi.
"Sige haha" sagot ko. Ang tahimik naming naglalakad papunta sa school. Hindi taga dito si Daehwi eh, parang sadyang sinalubong nya lang ako. Para magsabay ulit kami. Pero ok lang sakin na kasama ko sya. Hindi ako na aakwardan, dahil sa fact na sinabi nya na liligawan nya ako,minsan nagaasaran lang kami. Pero masasabi kong masaya sya kasama, minsan nga kung ano anong pick up line yung pinagsasabi nyan eh.
"Gusto mong ice cream?" Tanong nya.
"Ha? Ice cream? Sigee" sagot ko.
"Edi bumili ka" ediwow. Magtatanong kung gusto mo tapos ikaw lang din pala bibilhin.
"tALAGA!" Sigaw ko. Sabay kuha ng wallet ko. Tapos lapit ko dun sa Ice cream vendor.
"KUYA PABILI NGA PO NANG PINAKA MALAKI NYONG SIZE NG ICE CREAM! ISA!" Nilakasan ko yung boses ko para marinig ni Daehwi.
"Kuya idalawa nyo na po" dagdag ni Daehwi. Ha,
Pagkatapos pagkabigay nung ice cream iaabot ko na dapat yung bayad tapos inunahan ako ni Daehwi. Tangina? Baliw lang?
"You're welcome" sabi pa ng gago.
"Bibili nga ako ng ice cream ko eh!" Pagtanggi ko,
"Eh bakit ba, nililigawan kita kaya malamang ibibili kita nang ice cream" sabi nya.
"Eeh? Bat mo pa sinabing bumili ako! Ewan ko sayo! Gulo mo! Bakla!" Pangaasar ko.
"Sinong bakla?" Tanong nya.
"Sino pa ba? Edi ikaw!" Dagdag ko.
"Sure ka? Eh pag kiniss kita dyan? Tatawagin mo parin ba akong bakla?" Tanong nya.
"Kikiss mo ko? Eh parang mas gusto mo pa ngang ikiss si Jinyoung o kaya Samuel eh HAHA" sagot ko.
"Bahala ka, basta babawiin mo yang mga sinasabi mo balang araw"
"Balang araw" pagtawa ko.
Pagdating namin sa room umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Hindi nga kanya kanya eh, kase nagpalipat si Daehwi sa tabi ko. So hindi parin magiging mapayapa ang pananahimik ko.
Wala pa teacher namin kaya as usual may mga kaklase akong nagdadaldalan, merong naghaharutan, baka nga nanood pa ng bold yung mga tropa ni Samuel sa likod eh, tapos nilapit ni Daehwi sakin yung upuan nya.
Pinatong nya yung ulo nya sa desk ko, tapos tinititigan nya ako.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Eto tinitignan yung crush ko" sabi nya. Enebe,kinikilig ako.
"Luh, nandun yung crush mo sa likod nanood ng bold" sabi ko.
"Anong nasa likod? Kausap ko kaya yung crush ko ngayon" dagdag pa nya. Hindi ako namumula arggg.
Tapos pumunta sya sa likod ko tapos parang ginagalaw nya yung buhok ko. Ewan ko dyan sa bakla na yan daming alam.
Naramdaman ko nalang na may nakapatong na mabigat sa ulo ko. Ulo pala ni Daehwi.
"Huuuy, mabigat!" Reklamo ko.
"Weyt lang, bango kasi nang buhok mo eh. Amoy strawberry sarap kainin" sabi nya. Ahehe mahilig ako sa strawberry scented shampoo.
"Baka kainin mo talaga yan ah!" Sabi ko.
"Hindi naman, pero ikaw pwede din." Sabi nya sabay ngiti. Ngina?
"DAEH--"
"Amoy strawberry ka din kase, " bago ko matapos yung sasabihin ko dumagdag pa sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top