+ O5O. lia's
[ LIA ]
" picture na! " sigaw ni taehyun at mukhang excited, e magpi-picture lang naman.
" oh? bakit mukha kang wala sa mood? " tanong ni yeji sakin pero umiling lang ako sakanya kaya ngumiti nalang sya at tumabi sa bebe nya na si yeonjun.
napairap nalang ako sa kawalan, badtrip! bakit kasi kailangan pang mag-picture, mamamatay din naman?!
bigla namang tinulak ni taehyun si soobin palapit sakin, " gago ka, wag ka ngang mahiyain dyan! tabihan mo! " panenermon nya kay soobin.
bigla naman silang nagtawanan. nagtabi sila huening kai at yuna kasi pinipilit sila nung mas matatanda, si beomgyu at ryujin naman nagbati na kanina kaya magkatabi na sila ngayon tapos si chaeryoung at taehyun naman nagtabi na rin para hindi mapagiwanan.
ako naman 'tong awkward na nakangiti sa tabi ni soobin. naramdaman nya rin siguro na lumalayo ako ng konti sakanya kaya hindi na sya nag-abalang lumapit.
nung gabi naman, magsisimula na raw ang game pero wala ako sa mood kaya nga sana ay hindi sumali si soobin.
" sali ako! " pinilit ko ang sarili kong ganahan at kalimutan ang inis pero naaalala ko parin yung babae kanina na humalik sa pisngi ni soobin.
ang gago lang, nakilala nya lang kanina pero nagawa nya nang i-kiss si soobin sa pisngi habang ako, matagal nang naghahabol sakanya pero hindi iyon nagawa? feeling ko tuloy, talunan ako!
bigla namang umupo si soobin sa may tabi ko at sinabi na sasali rin daw sya kaya napabuntong hininga nalang ako, " hindi na pala ako sasali. " sabi ko.
" luh, bakit naman? " tanong ni ryujin.
" wala, pahangin lang ako dun. " nakangiti kong sagot saka naglakad papunta sa isang bench.
wala naman kasi akong mapuntahan, nandun sila sa cottage namin tapos natatakot naman akong pumunta sa kwarto na pina-reserve namin kasi mag-isa lang ako kung ganun.
" galit ka ba sakin? " halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang sumulpot si soobin, umupo sya bigla sa tabi ko kaya umiwas ako ng tingin.
" galit ka nga. " hindi ko parin sya pinansin. hindi naman ako galit sakanya e, pero basta!
tumayo na ako at maglalakad na sana palayo nang bigla nyang hinawakan ang braso ko dahilan para ma-out of balance ako, nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa.
nakaupo parin sya sa bench habang ako naman ay nakaupo na sa hita nya.
napansin ko rin ang pagkagulat nya kaya hindi rin agad sya nakagalaw tulad ko, nang naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko ay agad na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa hita ni soobin.
nakatingin parin ako doon... doon sa ano ni soobin at nang ma-realize yun ay agad din akong nag-iwas ng tingin.
" sorry. " nahihiyang sabi ko, hindi ko naman kasi inaasahan na magiging ganun ang mangyayari, balak ko lang naman kasi mag-walk out e.
" o-okay lang. " ramdam ko ang pagkailang nya, biglaan ba naman akong naupo sa hita nya, syempre maiilang talaga sya.
tumayo sya bigla at humarap sakin, " kung ano man ang ginawa ko para mainis ka, sorry. " nagulat ako dahil doon.
hindi nya naman kasi talaga kasalanan, ewan ko ba kung totoo nga na nagseselos ako. nakakainis lang kasi, ang haharot nung mga babae kanina! may pahalik pa sa pisngi, akala mo naman jowa nila!
" sinasagot na kita! " iyon lang ang tanging paraan para hindi na ako makaramdam ng inis.
kung pangungunahan ko lang kasi ang inis ko ay baka mas lumala pa ang sitwasyon naming dalawa. wala namang hadlang samin, kami lang 'tong gumagawa ng sarili naming problema.
" tama ba narinig ko? nabingi ba ako? ano nga ulit yun? " sunod-sunod na tanong ni soobin kaya natawa ako.
" ang sabi ko sinasagot na kita! " mas nilakasan ko pa para marinig nya lalo, nakita ko ang pagngiti nya kaya ngumiti rin ako sakanya.
" talaga? " hindi makapaniwalang sabi nya saka ako tumango.
pagkatapos nun ay bigla nya akong hinalikan sa labi dahilan para matulala ako.
" sorry. " umiwas ng tingin si soobin pero kita ko parin ang ngiti nya kaya hindi ko nalang pinansin yung ginawa nya.
kahit ako ay hindi rin inaakala na boyfriend ko na si soobin at girlfriend nya na ako. ang plano ko kasi talaga noong una ay asarin lang sya na gay at harutin, hindi ko naman inaasahan na papatulan nya ang mga harot ko naging dahilan kung bakit kami na ngayon.
hindi ko mapigilan ang pagngiti habang naglalakad kami ni soobin habang magkahawak-kamay.
napalingon ako sakanya nang bigla syang tumigil sa paglalakad at tumingin sakin bago magsalita.
" thank you for making me feel things I thought I could never feel. "
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top