+ O49. lia's

[ LIA ]

nilamig kami nang umahon na kami mula sa pool, nandito na kami sa resort at hindi naman kami nagtagal sa pool dahil sa lamig ng tubig.

nakasuot ako ng pink high neck halter bra at leggings na kulay puti, nakatali rin ang buhok ko at may manipis na headband. mukhang ayos naman na ito lalo na't nahihiya akong magsuot ng bikini dahil kasama rin namin sila soobin dito.

" ang lamig! " reklamo ni yeji. " parang si yeonjun lang. "

natawa nalang kami sa sinabi nito lalo na nung sinamaan sya ng tingin ni yeonjun. ang suot naman ni yeji ay leggings din pero kulay asul habang fitted naman ang sando na suot nya.

" kain muna kayo, " biglang pagaaya ni soobin habang nakatingin sakin kaya nginitian ko nalang sya at ganun rin naman ang ginawa nya.

" kainin mo na rin daw si lia, " nanlaki ang mata ko nang walangyang sinabi yun ni ryujin kaya natawa nalang ang iba.

" bunganga mo, ryujin! " saway sakanya ni beomgyu pero hindi naman sya pinansin ni ryujin, may away siguro 'tong dalawang 'to-- kailan ba nawalan?

mayamaya ay pinagdesisyunan na naming magbanlaw muna bago kumain, mamaya naman daw gabi ay maglalaro kami ng game, ewan ko kung ano pero go with the flow nalang ako. ayoko naman maging KJ sa paningin nila, 'no.

nagulat ako nang biglang iabot sakin ni soobin ang isang plato na may laman na pakwan at isa baso na may juice.

nginitian nya lang ako at bumalik sa pag-kain nya, napansin ko rin na napalingon samin ang mga kaibigan namin pero wala syang pakialam at nagpatuloy lang sa pag-kain nang walang sinasabing kahit ano.

" ay, may ganon? favoritism, bakit ako walang pakwan? " pagpaparinig ni yuna kaya binigyan sya bigla ni huening kai ng pakwan.

" ayan, isungalngal mo sa bibig mo. ingay. " reklamo ni heuning kai.

psh. akala mo talaga sobrang sungit pero sobrang obvious naman ng mga galawan nya para kay yuna. mapagpanggap na nilalang. nako!

pagkatapos kumain ay nagpahinga muna kami bago gumala-gala at maghanap ng mga background para sa pictures. sayang naman kasi kung hindi namin kukuhanan ng litrato 'tong lugar na 'to, e ang ganda tapos first time namin na mag-swimming na magkakasama.

habang naglilibot-libot kami para makahanap ng background, nakita ko na naglalakad si soobin papunta samin pero natigilan nung may mga babaeng lumapit sakanya-- para magpa-picture na naman?

bakit lagi nalang?

todo-ngiti naman si soobin at nag-wacky pa sa camera na hawak nung babae. nang matapos i-click, nagtilian sila tapos nag-request na isa pa. wow naman.

" uy lia! " napalingon ako bigla kay chaeryoung nang tawagin nya ako, kanina pa pala sila nakatingin sakin.

" nagseselos ka no? kapag ikaw nagsinungaling sakin, lulunurin kita. " pagbabanta nya pa at mukhang seryoso pa.

" e ano naman kung nagseselos ako? wala naman akong karapatan kasi hindi naman ako girlfriend ni soobin-- " pinutol nya yung pagdedepensa ko.

" tanga ka pala, e! edi sagutin mo na sya para may karapatan ka na magselos, tsk. " inis na sabi nya saka nagpunta sa kabilang side para mag-selfie.

doon ko na na-realize na tama nga si chaeryoung, hindi mapapabuti kung magseselos lang ako habang walang ginagawa. oo, tama! gusto ko naman si soobin at gusto nya rin ako, bakit ko pa papatagalin 'yung panliligaw nya sakin?

lalapit na sana ako kay soobin pero hindi ko na naituloy nang biglang halikan ng isang babae ang pisngi ni soobin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top