+ O35. lia's
[ LIA ]
sumunod na araw, hindi ko na nagawang i-chat si soobin dahil na rin sa hiya. pagkatapos nya kasi akong halikan sa labi kahapon, hindi na kami parehas nakapagsalita, siguro nabigla nalang rin sya sa sarili nya.
in short, parehas kaming tanga.
" so, sinasabi mo samin na nag-kiss kayo pero wala naman kayong label? " tumango lang ako sa tinanong ni yeji tapos yung tatlo naman tawa ng tawa.
" gago! kayo ni soobin yung pinakamalandi sa magkakaibigan pero hinalikan nyo lang yung isa't isa, wala nang nangyari? " sabi naman ni ryujin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
hindi nya alam, yung beomgyu nya pinuntahan na sa bahay nila at tine-text na nung mga haliparot na nagpa-picture kay soobin kahapon.
" e, akala ko ba barbie? " paglilinaw naman ni chaeryoung.
akala ko rin!
" hala! baka barbie talaga sya tapos hinalikan nya si lia para ma-confirm sa sarili nya?! ganun mga napapanood ko e! " mukhang tangang sabi ni yuna
oo nga, siguro yun na yung dahilan. bakit pa ako aasa sa malabo?
--
kinabukasan naman bigla kong nakita si soobin nun sa isang bar, balak ko sanang mapag-isa at makalimutan yung paghalik nya sakin tapos putangina naman!
" uy, hi sis! " bati ko kay soobin, pinipilit itatak sa utak ko na bakla sya at hinalikan nya ako para lang para malaman nya.
kumunot naman ang noo nya nang makita ako, lumapit sya sakin at tinanong kung bakit ako nandito. alangan namang sabihin ko sakanya yung totoong dahilan kung bakit ako nandito diba?
" naghahanap ng boyfie, ikaw din? " nakangiting sabi ko.
ang goals naman kapag parehas kaming nandito para makahanap ng lalaki.
" naghahanap ka ng boyfie? " tumango ako sa tinanong nya at nagpaalam sakanya na pupunta muna ako sa cr saglit pero ang totoo ay balak ko lang iwasan sya.
tumingin ako sa salamin at inayos ang sarili ko, yun lang ang ginawa ko saka lumabas na ng cr.
napaawang ang labi ko nang makita si soobin... na may kasayawan na babae.
wow, speed lang!
syempre, hindi ako nagpatalo kaya naghanap agad ako ng lalaki na mabibingwit, tinanong ko muna kung single ba ang isang mukhang model na lalaki. nahalata nya siguro na may tama na ako dahil sa alak kaya inalalayan nya ako at hinawakan ang bewang ko.
naging mabilis ang pangyayari, hindi ko nga alam kung anong pangalan nya pero napagtanto ko nalang na malapit na ang mukha namin sa isa't isa at maghahalikan na sana nang biglang may putanginang umepal.
sayang, mukhang masarap pa naman.
nagpahila lang ako kay soobin nang makita na nasa parking lot na kami, walang halos tao dito kaya tahimik ang lugar kumpara kanina na nasa loob kami ng bar.
" ganda ng babae mo kanina ah! " lasing na sabi ko.
napatingin naman sya sakin pero seryoso lang sya.
" pero mas maganda ako syempre! " bawi ko at tumawa na parang baliw.
ilang minuto pa ay wala naman kaming pinaguusapan, nagpaparamdaman lang kami. tanga lang.
babalik na sana ako sa loob nang pigilan nya ako, sumama naman ang tingin ko sakanya at nagsalita, " wala ka namang sasabihin, babalik na ako sa loob! "
sayang yung landi ko dun kanina, gusto ko ituloy!
" lasing ka na. " malamig na sabi nya kaya inamoy ko sya dahilan para mapakunot ang noo nya.
tumawa ako, " lasing ka rin naman, pinigilan ba kita? "
pagkatapos ko yun sabihin, back to zero na naman kami. nakakabingi nga e, ang tahimik.
" wala ka naman sigurong sasabihin, bakit mo ako pinipigilan maglasing? " seryosong tanong ko.
" it's just... " hinintay ko ang paliwanag nya.
" i love talking to you even if i have nothing to say. "
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top