+ O34. lia's
[ LIA ]
" so, hindi na tuloy laban nyo next month? " paglilinaw ko kay soobin habang naglalakad kami at may dalang ice cream.
" hindi na. " maikling sagot nya saka dinilaan ang ice cream nya.
napatigil tuloy ako sa paglalakad saka nagsalita, " dilaan mo rin ako, crush. "
napatigil naman sya ng sabihin ko iyon at umiling nalang. ang sweet nga nya kasi kahit matangkad sya ay binabagalan nya parin ang lakad nya para lang masabayan ako.
akala ko kapag nagkita kami ngayon ay tatanungin nya ako kung pwede manligaw pero wala ni isa samin ang nagsalita tungkol sa chinat nya sakin kanina.
buti naman, kasi wala naman talaga akong balak jowain si soobin.
hanggang sa maubos ang ice cream namin, napagdesisyunan namin na umupo nalang muna sa malapit na bench. mali nga yata ang desisyon naman kasi mas naging awkward pa.
" so, kelan mo ako liligawan? " pagbibiro ko kaya napatingin sya sakin.
" gusto mong ligawan kita? " paglilinaw ni soobin kaya natawa ako agad, halata kasing hindi nya alam kung paano malaman kung ano ang biro at hindi.
" joke lang. " sabi ko sakanya nang tumigil sa pagtawa.
may binulong pa sya pero hindi ko naman narinig kaya hindi ko tinanong, baka suntukin ako bigla e.
" kuya, pwede daw po pa-picture sabi ng kaibigan ko? hehe. " napakunot ang noo ko nang may tatlong babae ang lumapit samin habang tinutulak-tulak pa yung kaibigan nila na halatang nahihiya.
napaawang ang labi ko nang tumayo bigla si soobin, " sure. " sabi nya kaya nagtilian naman ang mga babae.
habang nagaayos si soobin ay biglang lumapit sakanya ang isang babae, napatayo ako nang bigla nyang yakapin si soobin. wala namang magawa ang puta kasi pinipicturan na sila.
sarkastiko akong natawa. nakakainit ng ulo kasi para akong hangin lang dito, nagpicture pa sa harap ko.
nang matapos silang mag-picture nang hindi ko mabilang kung ilang beses, hindi pa nakuntento ang mga balakubak. nanghingi pa sila ng number ni soobin habang humahagikgik.
" oy teka nga lang! diba sabi nyo picture lang, bakit pati number hihingin nyo? " inis na tanong ko kaya napasimangot sila at tinignan ako ulo hanggang paa.
punyemas.
" bakit? kaano-ano mo po ba sya, kuya? " tanong nila kay soobin kaya napairap nalang ako.
importante pa ba kung kaano-ano ako ni soobin? argh! bodyguard nya ako, mga bruha kayo!
tumingin naman sakin si soobin kaya tinaasan ko sya ng kilay, " well, she's... "
" she's my friend. "
umiwas ako ng tingin nang makita na pinagbubulungan ako ng magkakaibigan, inirapan ko lang sila kasi wala naman akong pakialam sa sinabi ni soobin e.
wala naman dapat akong pakialam, diba?
fuck! friend daw ako!
wala akong pakialam. wala akong pakialam. meron pala, shit.
sa huli, binigay nga ni soobin ang number nya. napabuntong hininga nalang ako, ang tagal pa kasi nilang nagusap nung mga babae.
tinanong pa yung pangalan nya, siguro nga pati address, birthday at favorite color ni soobin naitanong na nila e.
at sa wakas, nang maglakad na paalis ang mga babae ay para akong tangang naghihintay lang sakanya habang sya ay wagas kung makangiti. sampalin ko kaya sya, tignan natin kung makangiti pa sya.
nang papalapit na sya sakin ay tumalikod ako at nauna na maglakad sakanya, hindi ko naman alam kung saan ako papunta pero basta lakad nalang. sya naman 'tong parang aso na hinahabol ako.
" galit ka ba? " tanong nya pero hindi ako sumagot kasi kanina para akong invisible para sakanya e, gaganti lang ako!
" nagseselos ka ba? " doon na ako napatigil sa paglalakad at tumingin sakanya ng seryoso.
tumawa ako at inirapan sya, " nagagalit ako pero hindi ako nagseselos! " depensa ko kasi bakit naman ako magseselos, e friend nya lang naman ako.
friend daw.
" bakit ka nga nagagalit? " mas nainis ako kasi tanong sya ng tanong. grabe, hindi ba sya makaramdam? galit ako tapos dadagdagan nya pa?
" e kasi... " tangina, hindi ko rin alam kung bakit ako galit.
" ikaw ba naman paghintayin! tangina! ang tagal mo makipaglandian. " reklamo ko.
kapag kasi makikipaglandian, dapat saglit lang. kiss mo na dapat agad, hindi yung magtatanong pa ng pangalan. hindi ka naman hahalikan ng pangalan nya.
" kay beomgyu yung number na binigay ko. " sabi nya, napakunot ang noo ko.
bakit sya nage-explain?!
" sabi ko din beomgyu ang pangalan ko, binigay ko rin address ni beomgyu. " tuloy-tuloy nyang sabi kahit wala naman akong tinatanong sakanya.
share nya lang.
" wag ka na magalit, first date natin to oh. sorry na, " pagpapa-cute nya pa habang nagso-sorry.
mas lalo akong natigilan. first date daw.
pero kaibigan.
gago ba sya?
" sige papatawarin kita, sa isang kondisyon. " nakangisi ako habang sinabi yon.
" ano? " halatang curious sya.
" pakistan. " napakunot sya.
" without tan. " pagbibiro ko.
bakit nga naman ako hahalikan ng isang to? e kalat na kalat naman na bakla sya?
tapos friend nya lang daw ako.
pero nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin, hindi na ako nakagalaw nang bigla nyang idikit ang labi nya sa labi ko.
hindi gumalaw yung labi namin pero ramdam ko na parang may kung ano sa tyan ko.
bulate lang naman yata to.
pero shit, hindi naman ako ganito dati e. ang dami ko nang napaasa na lalaki pero hindi ako naging ganito.
ako yung unang lumandi pero ako yung unang natalo. tangina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top