06 - Under Air

Dedicated to: Kichona_Shinko

Trigger Warning: Suicide

I always saw this girl behind the tall tree alone inside our campus.

Gusto ko siyang lapitan, but I’m always hesitant to approach. Feeling ko kasi, gusto niya talagang mapag-isa.

Minsan nga ay nakikita ko siyang palihim na umiiyak.

“Shin, halika na! Ma-li-late na tayo sa class!”

Napalingon ako sa tawag ng kaibigan ko. I nodded and immediately follow her.

Nang makarating kami sa classroom ay hinintay ko talaga ang babaeng makapasok. I’m really curious about her. At the same time, concerned.

Her figures show how stressful she is. Her eyes are both covered by black circles. Her lips are extremely pale. Everything you can see about her are all weak & unlively.

She’s also always wearing hoodies.

“Hays present na naman ‘yang walking dead na ‘yan.”

“For real, nakakatakot.”

“Nakakasira kamo ng araw.”

Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Nanggaling ‘yon sa boses ng classmate namin na nasa harapan ko.

I always hear them talking shits about that girl and it’s annoying.

“Pwede ba, ang aga-aga puro panlalait ‘yang mga nasa bibig n’yo! Ang pi-perfect!” I almost shouted.

Napalingon ang dalawa sa akin at inismiran lang nila ako.

“Mind your own business gurl!”

And I laughed with that stupid response.

“Kayo pa talaga may ganang magsabi n’yan ha? Sino ba rito unang nangialam?”

My friend beside me stop me from creating some chaos. The girls in front of me just rolled their eyes.

I groaned inwardly and finally looked at the girl.

Nakaupo na siya ngayon sa may gilid ng bintana. She’s just looking at the table, walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Maybe she just wants some peace of mind.

When last period comes. Naglakas-loob na talaga akong lapitan siya.

“Pwede makisabay?” I asked gently.

She didn’t respond. Nanatili lang siyang nakayuko habang hawak ang kaniyang bag.

“Silence means yes,” konklusiyon ko at tuluyan ng sumabay sa kanya sa paglalakad.

Minutes passed at hindi pa rin siya nagsasalita kaya tumikhim na ako.

“You’re Erika, right? Classmate tayo pero ngayon lang ako naglakas-loob makipag-usap sa ‘yo. Gusto kong makipag-kaibigan. Ayos lang ba?”

This time, she finally turned her head towards me. And I clearly see now her tired and depressing eyes.

“Why? Why are you acting concerned?”

I’m taken a back with her sudden question. Hindi agad ako nakatugon at naunahan niya akong magsalita.

“If you’re just curious about me. Just, leave me alone.”

“No!” agaran kong sinabi nang maramdaman kong iiwan na niya ako.

“Erika, kailangan mo rin sa buhay mo ng taong malalabasan mo ng problema, masasandalan sa tuwing nahihirapan ka. You really need a friend.”

After I said it, she just blankly stared at me. And I feel uncomfortable about it.

“I don’t... need... a friend,” madiin at dahan-dahan niyang pagkakasabi.
Pagkatapos no’n ay mabilis na siyang naglakad at iniwan ako.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. I’m eagerly want to help her. Yes, I’m actually curious about her but I’m not acting concerned. Concern talaga ako.

At naiinis ako bakit hindi ko siya magawang tulungan.

She really need help. She’s in danger.

When tomorrow comes, hindi siya pumasok. Nag-o-overthink ako na baka dahil ‘yon sa pangingialam ko kahapon sa kanya.

Nawala lang sa isip ko ang mga ‘yon nang maraming pinapagawang activity sa amin ngayon.

And I feel a little bit gladness nang malaman kong magka-grupo kami sa assignment at may rason na ako kung pupuntahan ko sila sa kanila.

I wanna know her life inside their house. Gusto kong malaman kung doon ba nanggagaling ang depression niya o mismong dito sa campus.

When the night comes. Ni-ready ko ang sarili at inalam ang address nila. Nagpaalam na ako kina Mama at pumayag naman agad sila.

My heart is pounding so loudly when I slowly approaching their house. Medyo malayo sa baryo ang bahay nila at maglalakad ka pa ng ilang kilometro para makaabot.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makarating. Magulo at tila may nagsisigawan sa loob.

Nagdadalawang-isip akong tumuloy pero mas nilakasan ko nalang ulit ang loob ko at kumatok.

Nawala ang sigawan. I also heard the footsteps coming.

A man in his 50’s opened the door for me. May hawig sila ni Erika kaya feeling ko ito na ang Papa niya.

“Sino sila?”

“Ahh kaklase po ni Erika, may group assignment kasi kami kaya nandito ako.”

“Wala si Erika, hindi namin alam kung nasa’n.”

Parang huminto ang paligid ko sa narinig.

“Kanina lang po nawala?”

“Kaninang umaga lang, baka nga naglayas. Kaya kung ako sa ‘yo ‘wag—"

“Sorry to interrupt pero bakit po kalma lang kayo? Maaaring may nangyari sa kanya!”

My intrusive thoughts win this time.

Tangina nawawala na ang anak nila! I really have a bad feeling about it. Erika is prone to suicide.

“Ija, kanina pa nga kami rito nag-aalala pero ano bang magagawa namin kung naglayas na talaga ang batang ‘yon.”

“Maghihintay nalang po ako rito,” pagpilit ko. “Sorry po ulit, pero pwede po ba? Sa kwarto niya po ako maghihintay.”

That was my half-meant reason. It was a long-waited response and I’m thankful they let me in.

“Hanggang alas-nuwebe ka lang dito ija ha? Tapos umuwi ka na.”

Agad naman akong napatango at iniwan na niya ako rito sa kwarto.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya. Her room is really mirroring her feelings. Medyo magulo at medyo matagal ng hindi nalilinisan.

At dahil walang magawa ay sinubukan kong linisin ang kanyang study table at small bed. While arranging her things at the table. May nakita akong misteryosong papel na nakadikit sa ilalim ng mesa.

‘Under Air’

Under air’s weight, a soul descends,
Silent screams, where darkness ends.
In final breath, I find release,
Under air’s grasp, seeking peace.

Parang namanhid ang tuhod ko at automatikong nanginig ang dalawang kamay na nakahawak sa papel.

This can’t be.

Under air, under air.

Saan ang posibleng lugar na pupuntahan niya sa tulang ito?

Under air.

I immediately search for some images and information’s about under air and suddenly my heart skipped after I finally know where she can be.

She’s probably drowning herself in the water where no air will made her breath.

Oh my god, Erika. Bakit?

Please please sana maabutan pa kita!

Agad akong lumabas ng kwarto at dali-daling nilapitan ang mga magulang niya ngunit gumuho lang ang mundo ko nang makita ko silang umiiyak habang pinapanood ang balita.

Breaking News:
Babae, natagpuang wala ng buhay nang lunurin nito ang kanyang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top