Epilogue

IT'S BEEN A year nung nawala siya. Isang taong pasakit para kay Xavier habang nakatayo sa isang puntod at hawak hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Hindi niya lubos maisip na sa ganito hahantong ang lahat. Ang mawala ang isa sa pinakaimportanteng tao para sa kanya.

She sacrificed herself para lang mailigtas silang lahat sa islang iyon. And he didn't thought na ganito pala talaga kasakit ang mawalan ng tuluyan ng minamahal.

"I know it's still hurt, Xavier," napakurap siya ng mata nang maramdamang ipinatong ni Frontier ang kamay nito sa balikat niya. "B-But w-we need to accept that she's gone... for real."

Ang bigat ng kanyang nararamdaman nang muling gumuhit sa dibdib nito ang emosyonal na sakit na akala niya'y matagal nang nawala. He tried his best not to cry, but his tears fooling him too much.

Tiningnan niya si Frontier na ngayo'y patuloy ang agos ng luha mula sa mata nito pababa sa pisngi. Blangko ang mukha at tila hindi pinapakita sa kanila na talagang nasasaktan ang ginang. Maging ang asawa nito, kahit hindi umiiyak ay kitang kita kung paano nanlulumo ang ekspresyon at sobrang lungkot.

Biglang bumuhos ang ulan...

Maaraw pa at kitang kita ang sikat ng araw ngunit malakas at malalaki ang tipak ang bumabagsak sa kanila.

Isang pakiramdam ang biglang nabuksan sa kanyang puso— Guilt. Lalo na nung muling nagbalik sa kanyang alaala ang nangyari sa isla noon.

"LEAVE THIS PLACE, now." Narinig nilang utas ni Emmanuel at may pinindot sa gauntlet nito.

"Shit!" they heard Xyrene cussed.

"Oh shit! It's a self destruct bomb!" narinig nilang utas ni Andrei habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Leave this place, Xyrene at iligtas mo si Selena!" sigaw ni Emmanuel nang hindi kumikilos si Xyrene kahit na alam niyang pasasabugin ni Sy ang sarili nito. "Sasabog ang buong isla sa loob ng limang minuto!"

Doon na halos nanlaki ang kanilang mga mata.

"Halika na, Xavier! Tumakas na tayo!" rinig niyang sigaw ni Blare habang akay akay ito ni Charles.

Doon lamang siya napalingon sa mga ito. Nag-umpisa na silang tumatakbo papunta sa isang speed boat sa dalampasigan ng East Coast. Ngunit nanatili sina Frontier at Eliza habang pinipigilan silang makalapit kina Xyrene nina Thomas at Andrei.

Muli siyang napatingin kina Xyrene at Selena. Mataman pa rin ang tingin ni Xyrene kay Emmanuel habang kakagising lamang ng kapatid niya.

"Xyrene/Anak!" Sigaw nina Frontier at Eliza.

Nagtagis na ang kanyang bagang. Bakit hindi pa siya umaalis roon? What are you waiting for, Sweetie?!

Lumapit na siya roon at natigilan siya nang tiningnan siya ni Xyrene. Tumayo ito at inalalayan si Selena papunta sa kanya.

"Take Selena away from here."

"What? Bakit? Sasama ka! C'mon!"

"No."

Natigilan siya nang tumanggi ito. What does she mean about that?

"I'll help, Emmanuel. Tatanggalin ko ang bomba sa braso niya."

"No!"

"I need to do it, Xavier."

"No! Hindi ko na muling hahayaang mawala ka pa, Xyrene. Kahit na ano pang sabihin mo, hindi mo 'ko mapapaalis rito nang hindi ka kasama—"

Natigilan siya nang bigla siyang hinalikan ni Xyrene sa labi. Matamis at may halong pakiramdam na ayaw niya.

"I love you." Mahinang usal nito sa kanya.

Patuloy siyang umiling iling. "No, ako ang lalaki rito kaya ako ang tutulong sa kanya."

"Hindi, Xavier. Ako—"

"Enough, sweetie," inilapat nito ang kanyang hintuturo sa labi ng dalaga. "You sacrificed a lot, Sweetie. This time... ako naman."

He saw a ton of tears flowing to her cheeks. He wiped it and kissed her once more.

"I love you..." mahina niya ring usal bago siya naglakad papunta kay Emmanuel.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang may humawak sa braso niya. Pagkahawak sa kanya ay saka pinilipit iyon sa likod at binatukan siya.

"Ate." Nakita niyang ito ang gumawa sa kanya. Tinulak naman siya ng dalaga sa lugar ni Xyrene na kasalukuyang namimilipit sa sakit. Mukhang sinaktan rin ito ni Selena.

"Take her with you, Vier."

Napatingin siya sa kanyang kapatid. "A-Anong ibig m-mong–"

Imbes na matapos ang sasabihin niya rito ay natigilan na lamang siya nang sumilay ang ngiti sa labi ng kanyang kapatid. Isang paliwanag na agad niyang naintindihan.

"I'm sorry, Vier. At pakisabi rin yan kina Mom and Dad. I love, Emmanuel. Kahit na nakagawa ito ng mga bagay na masama sa inyo. I loved him kahit na mas matanda siya sa akin ng sobra. Pero ngayong napagtanto ko ang lahat pagkagising ko... na he is willing to sacrifice himself for me? Masasabi kong andoon pa rin pala ang taong minahal ko noon. The old Emmanuel na ngayon niyo lang nakita."

Hindi na niya napigilan ang umiyak. Sa tanang buhay niya... ngayon niya lamang nakita ang masayang mukha ng kapatid. Isang tunay na ngiti na nagsasabing masaya siya ngayon hindi dahil sa napipilitan lang. Ito ang isang bagay na hindi pa niya nakikita.

"Umalis na kayo, bilis! Konti na lamang ang oras! Buhatin mo na si Xyrene, Vier! And Xyrene... take care of my brother. Love him as much as how I love him too. Kahit hindi ko yan kapatid na buo... I love him that much para isakripisyo ang buhay niya."

Naramdaman niyang tumango lamang si Xyrene sa kapatid habang akay akay niya ito sa kanyang bisig. At tumutulo rin ang luha nito gaya niya.

"Now. Go!"

Tinanguhan niya ang kapatid bago patakbong pumunta sa dalampasigan. Nakasakay na ang lahat sa mahabang speedboat at sila na lamang ang hinihintay.

Muli nilang tiningnan ang isla habang papalayo sa isla. Nakita pa nilang magkayakap sina Emmanuel at Selena bago sumabog ang buong isla...

"KAHIT KAILAN TALAGA napaka-crybaby mo, Sweetie." Napadilat siya mula sa pagkakapikit nang marinig na dumating na ang kanyang asawa. Nakatapat ang mukha nito sa mukhang niyang nakabaliktad.

Nakalambitin kasi siya sa puno at doon niya kanina pinagpatuloy ang pag-reminisce sa kanyang namayapang kapatid.

"Kahit pala nakalambitin ka dyan patiwarik eh gwapo ka pa rin."

Nginisian niya ang dalaga at hinuli ang mukha nito habang nakabaliktad siya sa puno. Matamis niya itong hinalikan na tinugon naman ng dalaga.

"You know what, gustong gusto ko ang ginawa mo rito sa tuktok ng Villareal-Coltrane Building. Akalain mong napalagyanan mo ng malaking puno at ginawang garden ang paligid? Such a genius idea, mahal kong asawa."

Inalalayan niya ang kanyang asawa na makaupo sa duyang nakakabit sa punong pinaglambitan niya kanina. Yes, they've already married. Six months ago after Selena's burial. Kahit na alam niyang nagluluksa pa rin sila ng mga panahong iyon ay hindi na niya pinaglagpas ang pagkakataong makapagpropose noon kay Xyrene.

"Mabuti naman at nagustuhan mo. I thought you wouldn't like it."

"Well, at first, I don't like it at all."

Sinimangutan niya ito. Ngunit napalis iyon sa sunod nitong sinabi. "But since I really love you, I might say, I love it as much as I love who did all of this." And she kissed him.

He kissed her back while grinning. Somehow, hindi niya alam kung anong mayroon ngayon sa asawa niya at ganitong ka-sweet.

At mas nagulat siya when he felt her kiss deepened. Pero kahit nagulat siya ay natuwa siya na may ganito pala itong side.

Kung minsan kasi simula nang maging mag-asawa sila'y katulad naman ito ng dati... blangko lagi ang mukha kapag kausap niya, sadista, at kung minsan pa'y nagiging under na siya dahil siya ginagawa nitong ensayuhan ng pakikipaglaban. Pero ang kaisa-isang bagay na nagustuhan niya nang ipagbuklod sila?

Napahagikgik siya ng bahagya.

Ito kasi ang nag-iinitiate ng alam niyo na... sexy time. At hinding hindi kailanman siya naka-zero. Aba! Syempre, tuwang tuwa siya. Sexy time na 'yan p're! Hindi ka dapat nagkukumipot pa lalo na kung pinakamagandang babae na ang kumakalabit tsong!

Naputol ang kanilang halikan ng may bigla siyang naalala.

"What's the matter with you? Why are you so sweet tonight?"

Ito ang pinakanakakalokong bagay na hindi niya inaasahan sa tanang buhay niya. At ito ang isa sa pinakaimposibleng gawin nito sa harap niya— ang maging sweet through words. She'd never done this before. Never, dude!

"May kailangan ka sa'kin ano?" tanong niya pagkabitaw sa kanilang halikan.

Masamang tingin naman ang iginawad ng kanyang asawa sa kanya.

"You know what? You're always ruining my moment when it comes of being sweet."

He was about to say something but Xyrene had already stood and walked away from him.

"Hey— sweetie, hindi naman sa gano'n—" natigilan siyang muli nang lumingon muli si Xyrene sa kanya.

"Oo, may kailangan ako ngayon."

"Sabi na nga ba—"

"You," napakurap siya ng mata at natulala. Ngunit si Xyrene? Nakangising aso lamang ito sa kanya. "Ilang linggo ka nga uli natengga sa sexy time?"

He gulped. It has been two weeks already. Umalis kasi itong si Xyrene at nagpunta ng America upang kitain lahat ng kanyang nasasakupan sa Coltrane Mafia at pag-usapan ang magiging hatian ng shares na galing White Pegasus Corporation. She needs to facilitate the meeting as their Heiress. At upang maging maayos ang maging hatian ngayong wala nang hahawak sa nasabing korporasyon lalo pa't namayapa na sina Emmanuel at Cindy.

"Gusto mo ba? Mukhang ayaw mo naman e."

Bigla niya itong nilapitan at hinapit ang baywang sa kanya. He grinned when she saw how her wife blushed. He laughed mentally when he realized na madali nga pala itong mamula dahil sa kanya.

"Syempre gusto ko, alam mo bang si Maria lang ang naging karamay ko nang wala ka— Aray! What was that for?!" bintukan kasi siya ng malakas.

"At sino 'yang Maria na 'yan huh?!" Napatawa siya nang hindi pala nito na-gets ang sinabi niya. "Aba't tinawanan pa 'ko. Hoy, Xavier John Ford Villareal! Mapapatay kita sa oras na mambabae kang gago ka!"

Nakupo galit na si Kumander.

"Hindi mo ba na-gets 'yon? Kahit pala ang isang genius na tulad mo e, slow rin pala minsan— Masakit! Nakakailang ka na ah!"

"Nanlait ka pa! Sino ba kasi 'yon?!"

Nginisian niya muna ito bago pinakita ang palad niya. "Ayan si Maria, Mariang—"

"Okay! Enough with the info!"

Natawa siya nang makitang mas namula pa ang mukha nito. "Na-gets mo na?"

Tumango ito. Kung kaya naman, mas hinapit niya ang baywang nito. "So, tara na, halika na. Uwi na tayo?"

"Ayaw mo ditong gawin?"

Nanlaki ang mata niya sa tinuran nito. Seryoso ba 'to? Mukha ngang seryoso, blangko na naman ang mukha nito e. Aba matinde!

"Seryoso ka?"

Nginitian siya ng asawa na may halong pang-aakit. Damn, talagang hindi na niya ito mabasa. Talaga palang tunay ang sinabi ni Eliza sa kanya...

"Nako, dahil asawa mo na 'yan? Ikaw na ngayon ang magpapensya sa ka-bipolar-an niyang babaeng 'yan."

She's indeed a bipolar, bro!

But nevertheless, he still loves her. No matter what kind of attitude she has? Tatanggapin niya 'yon. Iba talaga tama niya sa asawa niya oo.

He was about to kiss her again nang may isang bagay ang papalit sa kanila. Mukhang naging instinct nilang dalawa ang itulak ang isa't isa upang hindi matamaan.

Pagkatulak sa isa't isa'y sa mismong pagitan nila dumaan ang bagay na iyon at tumama naman sa puno.

Nagkatinginan silang dalawa habang inaalalayan niyang makatayo si Xyrene at kapwa napatingin sa bagay na naging udlot sa gagawin nilang dalawa.

Badtrip!

Nilapitan nila iyong dalawa. Hinugot niya ang bagay na iyon na naging dahilan upang mapasinghap silang dalawa.

Token of Death...?

Kinuha iyon sa kanya ni Xyrene at pinanuod nila ang nilalaman ng Token.

Warning: Virus Detected!

"What does it mean? Saka... Virus?" he asked at her.

Napatawa ng pagak si Xyrene na mas nagpalito sa kanya.

"Hindi lang pala ako ang naging target nila."

"Huh? Ipaliwanag mo, Sweetie."

Tiningnan muna siya ng seryoso ni Xyrene bago muling sumagot.

"Xavier," she uttered. "Alam kong nakita mo 'yung babaeng humampas sa akin noon sa mansyon ninyo."

Natigilan siya roon. Oo naalala nga niya iyon. Iyon yung babaeng akala niya'y pumatay noon sa nobya— na si Xyrene naman talaga ang nobyang iyon.

"Kinontrata ko siyang pumunta roon at gawin ang paghampas sa ulo ko. At 'yung sugat na nagawa mo sa tagiliran niya na mayroon rin ako? We had it already since when we're young. You just let her scar bleed again that time."

"Kung gano'n, sino siya?"

Matagal itong umimik. Naglakad pa ito papunta sa edge ng building at nakatingin sa mailaw na tanawin ng Metro Manila.

"Her codename's Virus."

"Anong kinalaman niya sa sinasabi mong hindi lang pala ikaw ang puntirya nila? At sinong nila?"

"Xavier, bago pa man din tayo nagkita... at bago pa man din naging issue ang Apollo sa pagkikita natin, may mga organisasyon na ang gusto kaming patayin."

"Kayong Black Death?" umiling si Xyrene bilang sagot na siyang kinanuot ng kanyang noo.

"The Royalties of Death— a group of prodigies na naging isang malaking balakid ng Underground Society."

He never heard that before. Mukhang nabasa ng asawa niya ang kanyang iniisip.

"Just like Dark Scheduler's existence... talagang hindi iyon magiging pamilyar sa'yo. Bilang lang at tanging mga nakakataas lang ang may alam no'n at kasama ro'n si Emmanuel."

"So, you're one of the Royalties?"

"Yes,"

"At inuna ka nilang pagplanuhang patayin sa pamamagitan ni Emmanuel gano'n ba?"

"Yes,"

"At isusunod na yung Virus? Teka ilan ba kayong prodigies?"

"Tatlo. At may kanya-kanya kaming mga Royal Titles aside from our codenames. Me as the Goddess of Death... Virus as the Empress of Death. At yung huli ay bilang Queen of Death."

Napatingin na rin siya sa tanawin na nasa kanilang harap. "Ang ibig sabihin... nasa panganib ka pa rin?"

"Pwedeng oo, pwedeng hindi na. Kaya ko nga nasabing iniisa isa kaming tatlo. Ngayong talagang hindi nila ako kaya, susubukan naman nila ngayon si Virus. And I hope na makaligtas rin siya, Sweetie."

Nilapitan niya ang kanyang asawa at yinakap mula sa likod. "Well, if that's the case sweetie... kasama mo na 'ko lalaban ngayon kung sakaling balikan ka muli nila. Hindi kita hahayaang lumaban ng hindi ako kasama."

Ramdam niyang napangiti ang kanyang asawa.

"I like the idea, Sweetie. But since hindi na ako ang reyna ng chess game ngayon sa laro ng kamatayan... we will let Virus play the game. At kung sino man ang kalaban niya sa larong iyon? I know she can handle him perfectly. Hindi siya hihiranging Empress of Death nang gano'n gano'n lang. At base sa pagkakakilala ko sa kanya, hinding hindi 'yon aatras sa isang sugal na pinapasok niya. Buong tapang niyang tatapusin yun until the end."

Muli na silang nanahimik at ine-enjoy ang simoy ng hangin.

Hindi pa pala talaga natatapos ang problema. After the Apollo and Emmanuel, ano naman kaya ang gagawin ng kalaban ng Royalties of Death this time?

Xyrene said, the Underground Society wants them dead. Sabagay, hindi naman kasi nila hawak sa leeg ang tatlong dalaga. Pawang mga independent ang mga ito at walang miski isa ang kinakampihan. Kaya mas nanaisin na lamang nila na patayin ang mga ito kesa maging hadlang sa mga pansarili nilang kapakanan.

Ang buong akala niya, tapos na ang laban simula nang mapatay nila si Emmanuel. Ngunit gaya nang sinasabi ng ilan...

.

.

.

The battle isn't over. It is like a cycle na paulit-ulit na matatapos... at paulit ulit din na magsisimula.

END ∞
(AUGUST 2012—MAY 2014)

* * *

Author's Note! Basahin na, huli na naman e! Hahaha!

First of all, gusto kong magpasalamat kay God at sa wakas! Nakatapos rin ako ng isa. Thanks to Him, for giving me such a great courage to continue and finish this story na mula talaga sa simula ay nahirapan ako. Maniwala man kasi kayo at sa hindi... simula Chapter 1-15+ wala pa 'kong maisip na plot niyan. Kungbaga, hindi pa buo. Kung kaya't tumagal ng dalawang taon. Halata naman po na two years na 'to guys, GVA Battle 2012 e oh! Hahaha!

Lubos din akong nagpapasalamat sa inyo. Kasi kahit soooobrang tagal kong mag-update noon, ay andyan pa rin kayo at naghihintay talaga. Doon palang na-appreciate ko na kayo ng sobra. It is also a self-fulfilling for me kasi kahit matagal akong mag-update ay nasasafisfy ko kayo base sa mga comments niyo. I labyu sagad! :***

And lastly, h'wag po kayong mag-alala. Itutuloy ko ang pagrerevise ng story. Para na rin mabago ko yung mga chapters na may touch of DOA. Syempre gusto ko pa rin naman na may originality hindi ba?

At para sa mga nagtatanong at magtatanong pa...

.

.

.

MAY BOOK 2 Po! Entitled, Virus Detected. Kung nabasa niyo ng maigi ang Epilogue na miski last part na talaga ng story e may revelation pa, iba na ang magiging cast. NEW PLOT and NEW ACTION SCENES. May cameo pa rin naman sina Xavier at Xyrene 'wag kayong mag-aalala pero ilalagay ko lang sila kung san sila mas importante.

I hope na magustuhan niyo ang Book 2 na mas gusto kong itawag na Volume 2.

Iyon lamang, and again, combatants! Thank you :)

— XavierJohnFord

PS. Like the GVA page na nasa profile ko. Kasi doon mismo ako nagpopost ng pics, teasers, atbp. Para mas maging updated pa kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action