Chapter 8: The Succession Plan (Part 1)
Chapter 8: The Succession Plan
(Xyrene)
Peste! Pinapainit talaga kahit kelan ng White Larynx ang ulo ko. Kahit kelan napaka-unprofessional nilang Assassin.
White Larynx was also know as a Larynx Killers. Lahat ng mga target nilang patayin ay most of the time ay sa leeg o sa larynx nila puntirya. They kill their prey in just a snap of their hands.
Sila ang isa sa mga sikat na Assassins ng America na pinapaburan ng American Government. I dunno why did that government do that but one thing is for sure. Security parin ang pinapahalagahan.
Pero naiinis ako sa attitude nila kapag walang pinapagawa sa kanila ang Boss nila. Bakit? Dahil mas pinipili nilang manira ng gamit ng iba. They love to make other things be ruin by their own hands.
In short, pinapasabog o sinisira nila ang mga establishment na natitipuhan nilang pasabugin. They don't even care kung may masasaktan o mamamatay sa ginagawa nila. At iyon ang ayaw ko.
"Anong na bang gagawin natin White Larynx na iyon?" Tanong sa akin ni Andrei pagkauwe namin sa Well-Furnished Apartment slash Assassin Organization Area.
Tch... Walang pakialaman kung ganyan ang tawag namin sa bahay na iyon. Trip ni Eliza eh.
"Wala." Cold kong sagot sa kanya.
"Sabagay... Pakialam ba natin sa mga iyon." Nasabi nalang ni Andrei.
"But Xyrene, ang pinagtatakahan ko. Bakit ngayon lang uli sila lumabas? It's almost 6 months ng huli silang manggulo diba? Ang tahimik nga nila nung 6 months na yun eh. I wonder why." Sabi ni Eliza.
Napaisip ako sa sinabi niya. Napansin ko ngang nitong nakalipas na anim na buwan ay wala akong napapabalitaang sumabog o nasunog na establishment sa kahit saan mang panig ng mundo.
At isa pa. Kung may mission sila na pinapagawa ng Boss nila, I wonder why kung bakit tatagal iyon ng anim na buwan.
Nawala ang mga iniisip ko ng biglang magsalita si Akihiro. "The Warlords are watching us on our fight a while ago." Tinignan namin siya.
"Really? Diba dapat lumabas na sila noon ng bar dahil nasusunog na?" Tanong ni Eliza.
"Eliza, be optimistic... They're gangsters for goodness sake! Natural lang sa kanila ang macurious na manuod ng isang laban." Andrei said to Eliza.
Binatukan siya ni Eliza. "Syempre alam ko yun sira!!!" Bulyaw nito kay Andrei.
"We need to shut them up." I said na kinalingon nila.
"ARE WE GOING TO KILL THEM?" Sigaw nila bigla sa akin.
Sila kaya unahin ko. "Sapak gusto niyo? At sinong nagsabi?" Tanong ko sa kanila.
"Ikaw~" sabay-sabay nilang turan.
Binato ko nga ng isang platito, plato, at mangkok ang mga ito. Nasa sala kasi eh. Nakakalat, di pa kami nakakapaglinis kaya andito sa sala. "At saang part ng sentence ko sinabe na papatayin ko sila aber?" Tanong ko muli sa kanila.
Nagsiilagan naman sila at sumagot. "Sabi mo we need to shut them up." Sagot ni Andrei.
Binato ko nga uli ng kutsara! Asar ah. Mga slow! "Well, unfortunately... Ang ibig kong sabihin doon ay patahimikin sila sa mga nakita nila. Lalo pa't nakita nila tayo kahit pa nakamaskara tayo kanina. Mga SLOW!!!" Paliwanag ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sila sa isa't isa.
Mga slow talaga!
"Aaaah. Akala ko naman..." Sabi nila.
Hay nakoooo...
"Sa papaanong paraan naman?" Tanong ni Eliza.
Tumingin ako sa kanila at ngumiti na tila isang evil monster. "Edi in a Black Death Assassins Style way..." I said then strike my beautiful smirk.
Nagsmirk rin sila at nagkatinginan.
"Akong bahala sa pinsan kong ugok!" Boluntaryong sabi ni Andrei.
"Akin si Harold." Sabi naman ni Eliza with her playful seductive smile.
Napatingin naman sa kanya ng masama si Andrei na agad na napansin ni Eliza. "Oh? Tingin tingin mo jan ng masama?" Tanong nito kay Andrei.
Napapailing naman si Andrei. "Kawawang Harold... Tsk tsk tsk!!! Paniguradong wala ng panglalagakan ng punla paggising kinakabukasan." Mapanglarong asar na ngiti naman ni Andrei na siyang kinapula ni Eliza.
"Hoy!!!... G-grabe k-ka n-naman.. H-Hin--" hindi na natapos ang sasabihin nito dahil sumingit si Andrei. "Bakit? Ano bang iniisip mo jan?" Mapang-asar na tanong nito kay Eliza.
"Ah... W-wala n-naman noh!" Tanging sagot ni Eliza.
"Pwede ba!!! Ayokong makakita ngayon ng mga taong naglalandian!" Sigaw ko sa kanila na siyang kinatahimik nilang dalawa.
"Kung gusto niyong maglandian at mang-asaran doon kayo sa labas at huwag dito letse!" Bulyaw ko muli sabay alis at pumasok na sa kwarto ko. Eh sa pagod ako eh. At isa pa... 2am na at may pasok pa kami mamaya! Aaargh! Hate schooling.
(Xavier)
*Alarm clock ringing* Asar!!! Bakit ba ang ingay? *still ringing* Aarrrrgggh!!! *hampas sa alarm clock*...
Bumangon na ako since itong bwisit na alarm clock ko eh tumunog. Letse! May pasok nga pala.
Pumasok na ako sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin. Anong oras na nga ba ako nakauwe? Aaah... Mga 1:30 nga pala.
Asar na sunog... Teka???
Wait. Oo nga pala. Naalala ko. Yung apat na nakamaskara. At iyong mga nakaputing damit.
Naalala ko lang dahil iyon ang topic namin kaninang madaling-araw habang pauwe eh.
"Oy pare, kita niyo ba yung kanina? Iyong ginawa ng babae? Anak ng!!! Ang cool!" Di makapaniwalang bulalas ni William sa kotse.
"Oo na pare! Magaling na siya! Pero pwede ba! Shut that fvcking mouth?" Inis na sabi ni Charles habang inaayos ang mga wine na nakuha sa bar.
"Ulol mo pre! Baka isumbong kita sa may-ari ng bar dahil ninakawan mo sila ng wines." Pambabanta ni William.
Binatukan tuloy siya. "Araaaay! G*go ka ah." Inis na bulyaw ni William. "Sira-ulo! Lahat ng wines doon kami ang nag-iinvest kaya amin iyon. Makabanta 'to. Ano ka bata?" Sabi naman ni Charles.
Letse! Ang iingay! "PWEDE BA!!! MANAHIMIK KAYONG DALAWA? ANG INGAY ALAM NIYO BA IYON?" Sigaw ko sa kanilang dalawa na siyang ikinatahimik nila.
"Pero brad Xavier... Do you have any Idea kung sino iyong mga iyon?" Tanong sa akin ni Harold na nagdadrive ngayon.
Tinignan ko muna siya saglit at sinagot. "I don't know! And I don't give a fvck care!" Wala sa mood kong sagot.
"Okay fine! Masyadong hot eh!" Natatawang sagot nito sa sagot ko.
Napatingin ako kay Marco. Masyadong malalim ang iniisip. Hulaan ko. Iyong tungkol sa mga naglaban kanina ang iniisip nito.
"Marco, natext mo na ba iyong pinsan mo na si Andrei ba iyon kung nakauwe silang ligtas?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako sa salamin sa harap, since katabi niya si Harold sa harap. "Yeah. Nakauwe daw silang ligtas. Naaligaga at natakot daw kasi yung dalawang kasama nilang babae kaya agad na inuwe." Sagot niya.
Bumalik ako sa sarili nang may kumatok sa may kwarto ko.
Nagtapis ako ng twalya at agad na tinungo ang pintuan. Pagbukas ko si William lang pala.
"Oh ano na dre? Tapis nalang ang suot sa school? Baka naman di ka pa nakakapasok ng gate eh wala na iyan." Asar na sabi ni William.
"Ulol! Malamang magbibihis na ako kung hindi ka lang kumatok at nang-istorbo." Sagot ko sa kanya.
"Oo na. Sungit naman nito. Di ka na nagbago ah! Ang sungit mo parin mula noon hanggang ngayon." Natatawang sabi niya.
Tinulak ko na siya palabas. "Oo na. Daldal mo letse!" Sabi ko sa kanya.
Pagkasara ng pinto ay agad narin akong nagbihis. Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang tumunog ang CP ko.
Kinuha ko iyon at agad na binuksan na isang MMS pala.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Saan galing 'to?
(Xyrene)
Nasa harap na ako ng gate ng pagkalaki-laking Crimson University. Letse! Bakit kelangang nagkukuminang na gold ito?. Tch...
"Are you ready Xy?" Tanong ni Eliza na sumulpot sa likod ko.
Tumingin ako sa kanya. Napansin ko ring pinagkakaguluhan pa yung dalawang asungot na mga lalaking iyon ng mga babae. Tss.. Mga gwapo nga naman.
"Sa tingin ko oo. Kung wala akong nakikitang ganyang nagkakagulo." Naiiling-iling na sagot ko kay Eliza.
"Hahahaha... Di ka na nasanay? Ikaw kasi... Bakit kapa--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin nito. "Walang pakialaman ng style Eliza. Mas gusto ko 'to okay?"
Nakamang manang style kasi ako. Yung old fashion style na blouse na kulay blue green na floral ang design tas isang straight na palda hanggang dulo ng binti ang haba ang pang-ibaba ko. Ganoon din ang kulay at design.
Tas sinamahan pa ng braid kong buhok at isang malaking salamin sa mata.
A total geek. Yeah! That's me!
"Pero kasi..." Nag-aalangan niyang tanong pero tinignan ko lang siya ng masama.
"Eh bakit ikaw? At nakasalamin ka rin?" Tanong ko nalang sa kanya habang naglalakad kami sa isa sa mga pasilyo rito ng Colleg of Arts. Sinasamahan ko kasi siya sa room niya since hindi ko siya kaklase.
"Wala ding pakialaman ng style Xy..." Sabi niya sa akin na para bang bumawi sa mga pabalang kong sagot sa kanya.
Kasi naman. Mas lalo lang siyang gumanda kasi. Imbes na salamin sa mata na ordinary lang, ayun at design hello kitty pa yung kanya at kulay pink pa! Letseng babae! Mas lalo lang lumutang ang ganda niya eh.
Napapailing nalang ako. "Bahala ka." Nasabi ko nalang. "Ayan eto na pala room ko. See'ya sa canteen Xy!" Nagulat nalang ako ng nakipagbeso siya sa akin. Andito na pala kami agad.
Bago siya pumasok. "I've already to him the photo Xy *wink*" sabi niya at pumasok na.
So... Hahaha... Nagstart na pala. We need to shut their mouth up. Wala dapat na makaalam na may Dark Scheduler na nag-eexist. Dahil kung may makaalam na isang inosente at hindi Assassin. I need to kill him/her. Iyon ang prinsipyo ko sa pagiging Assassin.
Pumunta na ako sa mismong building ko. Sa College of Business. Business Management at tinake ko since sabi ni Tita eh na ako ang mamamahala ng kompanya namin. Kaya no choice. Wala rin naman akong prefered course kaya.
Napatigil ako saglit nang magring ang phone ko. Kinuha ko agad ito at agad na tinignan ang message.
Isang e-mail?
DS/BDA,
I want you kill Leon Lazatin. I'll give you 10 million for doing that.
I do have a contract to your organization so it's valid. I want you to kill him at the Masquerade Party of the Villareal's. He's the special guest for that evening.
Here's the other info of him.
Name: Leon Lazatin
Properties: Lazatin Corporation
Age: 50 yrs. old
Location: Makati
Agenda: Kill him ASAP...
Others: Leon Lazatin was well-known for being the founder of Lazatin Perfume that dominates not only Asia but also the other continents of the world. He also have a hidden organization that makes him more powerful. He has a record for being an ex-convinct for being the transporter of drugs in and out of the country for about 10 yrs ago. And there's a report that he still continuing doing that kind of illegal business.
Hope you can kill him right away.
From: Anonymous
Note: I've already signed the Assassins contract for whatever rules you have. I'll pay you double if you can bring to me his head. Here's my contact #.. (092********)
Anak naman ng pitongpu't puting tupa oo.
Bakit ngayon lang nagbigay ng Mission. Kung kelan namang my klase ako. Arrrrghhh !!!
I dialled Black Swan, Dark Raven and Black Initiator's numbers in a conversation mode.
"We do have an assignment. Need it ASAP, text me your schedule for today and I'm going to make an excuse later evening. Got that?" I ended the call. They knew already kung ano ang tawag na iyon. Minsan lang akong tumawag. Tumatawag lang ako kapag may mission.
Sa inis ko. Kinalabog ko ang room ko. Buset! Nakasara kasi. Bakit ayaw nalang nilang ibukas nalang nang di na nahihirapan ang mga estudyante na buksan.
Arrrrghhh !!!
Nagulat ata sila sa kalabog ng pinto.
All eyes ay nasa akin. Yung iba nanlalaki ang mata maging ang professor na ito.
Tas iyong iba nang makabawe sa pagkagulat ay biglang tumingin sa akin ng masama.
See? Hate those kids. NapakaOA. Kinalabog ko lang eh. Ang aarte.
"I supposed that you are Ms. Gustave am I right?" Mataray na tanong sa akin ng professor.
Tinignan ko siya with a cold stare. Kapag inis at iritado ako. Wala akong galang sa kahit sino. "Yes, you are definitely right. And I supposed that you are Mr. Lim am I right? Professor in logic class?" Tanong ko rin sa kanya with the mataray tone.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes you are right Ms. Gustave... And since you already know me and you are LATE! I supposed that I can ask you a question about our today's topic. And since you are already late of 15 minutes, we've discussed a lot." Sabi niya.
Aba! Parang nagbasa lang ako ng e-mail naka15 minutes na agad ako? Anak ng yawa naman oh! Unfair rin ito eh.
"Sir, maybe she's scared and nervous enough to say yes to you sir." Sabi ng isang lalaki na kinatingin ko. At kung mamalasin ka nga naman... Si Xavier Villareal pala. At talagang nakasmirk sa akin huh.
Ano bang tingin nitong sira ulong 'to aatrsan ko ang teacher na ito? He's getting on my nerves already... Sa lahat ng ayaw ko sa lalaki ay sinusubukan ang pasensya ko.
Tumingin uli ako sa professor kong nakangiting nakakaloko rin. I compose myself again and said. "Yes sir. You can ask me anything. Anything about your subject but not my personal matter sir." Sabi ko with full of confidence and an evil smile too.
Halata sa mukha niya ang mejo nagulat. "Okay, before you can seat. Can you enumerate to us what are the different types of Fallacy of Ambiguity?" The professor ask and glare at me.
Mejo napatigil ako. Andun na agad sila? Ambilis naman ata? Diba dapat nasa logic differerntiation palang dapat? Wow huh.
"Sir, I think she doesn't know anything about logic." A girl 1 said.
"Yeah sir, and I think she doesn't even know anything. As in anything in this world." A girl 2 said. Then the class was crowded with laugh.
Peste! Ipahiya ako kung ganoon? Kapal lang. Mas pinapainit lang nila ulo ko. Tinignan ko muna sila. Or should I say I glared to them first na nakapagtahimik sa kanila then humarap ako sa professor. "The fallacy under the fallacy of ambuguity are composed of Amphiboly, Equivocation, Accent, Composition, and Division. Did I mention all of it sir?" I answered and ask. Napakadali lang ng tanong tas di ko masasagot? Letse lang.
"Then can you explain to us what's the meaning of those fallacies?" Sabi nung isang babaeng kulay blue ang buhok. Anak ng! May clown party ba?
Pagkasabi nung babae ay siyang hiyawan naman ng iba na 'oo nga! Explain! Di namin gets'... Eh kung palunukin ko kaya sila ng baygon?
"I supposed you need to answer that Ms. Gustave." Professor said. Nagulat ako sa sinabi niya. Pati ba naman 'to? Aaaargggghhh!!!
Relax Xyrene!
Tinignan ko uli yung professor.
Tinignan ko lang siya ng masama na siyang kinagulat niya. Then I striked my favorite smirk and said. "Sir, as far as I know ang sabi niyo kanina sa akin you will ask a question to me. Pero sa tingin ko di niyo nagets ang grammar niyo." Panimula ko sa kanya. Siya naman nagtaka.
"And what's wrong about my grammar?" He said habang nakataas ang kilay.
I take a glance to him and said. "Sir, sa grammar wala. Pero sa pagkakaintindi sa grammar meron. Ang sabi question, which means isa lang. Walang pangalawa, walang pangatlo and even follow up question din ay wala. Now, ang tanong ko. Bakit ako ang dapat mag-explain nun. Ako ba ang PROF? Ako ba ang sumusweldo? Diba kayo? Now, if you excuse me. I want to seat now." Sabi ko sa kanya na kinatulala niya. Bakit? Tama naman ako nuh. Aba! Siya ang guro tas ako mag-eexplain ng topic niya? Pang-asar sa buhay.
Nang makaupo na ako sa upuan ko sa bandang likuran sa kaliwang bahagi ay napansin kong nakatingin parin sila sa kin.
And what the heck is their problem?
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Agad naman silang umirap at tumingin na sa pisara.
"Ang yabang niya nuh." Sabi ng isang bumubulong.
"Oo nga, kala mo kung sino. Pati prof binabastos." Sabi ng katabi niya.
Nyeta! Nagbulungan pa sila. Tinignan ko nga. At ayun nakatingin rin pala sa akin. Tinaasan ko lang ng kilay at ganun din, tumaas lang ang kilay nila at humarap narin sa pisara.
After a Gazillion years...
Buti naman at natapos na.
Shemay! Ang tagal lang naman.
Anutoooo? Sermon?
Tas panay pa irap sa akin nung prof na yun.
Tss. If I know, lahing eba rin siya.
Makairap daig pa ako eh.
Sapakin ko siya eh.
Tas isa pa'tong Villareal na'to!
Tama bang sa akin lang nakatingin?
Hindi ako assumera. Sadyang malakas lang
Ang peculiar vision ko. Malinaw pa sa
Kalabaw.
Nag-aayos na ako ng gamit ko nang may napansin ako sa kanan ko. Pagkatingin ko...
I think di ko nalang dapat tiningnan. Nyemas! Get a room!!!
Tama bang dito na halos magmake out itong Xavier na ito pati ang linta niyang babae? Aaarggggh!!! Kadiri! Their sluts!
Pero itong malaberde ko ring mata di rin mapigilang tumingin. Argh! Bakit ba ako sinasaniban ng INGGIT?
Wait? Did I just say INGGIT?
No!!! WTF! Scratch that!
"You know what, kung gusto mo rin pwede ka naman makishare eh." Sabi ni Xavier na nagawa pa niyang magsalita habang yung babae nakaupo na sa lap niya at hinahalikan ang leeg nito.
Wow ah! Kapal lang nito. Mas gusto kong solo! Ano ba Xyreneeeee!!! Get back to your senses okay? Bakit yan ang sinasabi mo ng utak mo?
Tumingin ako sa kanya with a disgust look and said. "Well then, no thanks nalang. Mas maraming lalaki sa labas na pwedeng isolo. At bakit ako makikishare sa isang slut?" Sabi ko sabay irap.
Mukhang narinig ata ng babae kaya napalingon siya sa akin tas mukhang galit ang mukha.
Mukha siyang clown.
"Ano sabi mo?" Tanong niya sa akin.
Bingi lang? "Do I need to say that again?" Tanong ko sa kanya.
Halata namang mas nainis siya at bigla akong sinugod. Nyemas! Susugod siya tas ganito outfit ko? Not fair!
"How dare you!" Sigaw niya sabay bato sa akin ng isang upuan na malapit sa kanya.
Argh! Unfair sa outfit talaga. No choice.
Nang binato niya yung upuan sa akin ay sinalo ko na lamang ito. At infairness, mabigat huh. Pero keri lang.
Ibinaba ko na yung upuan ng maayos. Ayaw kong makasira ng kagamitan ng school for goodness sake.
Halatang nagulat naman siya kaya bigla siyang sumugod sa akin. Susuntukin na sana niya ako pero belat niya. Umilag ako pakaliwa tas hinablot ko ang braso niya sabay palo ng kaliwa kong kamay tyan nito.
Napangiwi ito sa sakit. Hello! Malakas ang tira kong iyon kahit mukhang hindi.
Mapanlinlang ang mga tira ko. Kung manunuod ka sa malayo ay masasabi mong parang walang lakas lang ang ginawa ko. Pero a big no! Dahil katumbas ng isang kamaong bakal ang lakas ang bawat tira ko.
Napaupo yung babae at halos magduwal ito ng dugo. Tss. Weak.
Halata naman sa mukha ni Xavier ang gulat sa ginawa ko. Ano naman ang nakakagulat? Self-defense ang tawag dun for their info.
Tumingin ako sa buraot na haliparot na lalaking ito. "Dalhin mo na siya sa clinic hoy lalake! Masyadong nabugbog ang bandang atay niya kaya kung di mo dadalian ay baka mamatay iyang slut na iyan." Sabi ko sabay kuha ng gamit then lumabas na ako ng room.
(Xavier)
Sa buong oras ng klase ay nakatingin lang ako kay Ms. Gustave o Coltrane pa iyan. She's cool. Kaya niyang barahin ang isang educated na prof sa harap ng klase. She's something. She's interesting though.
After ng class ay biglang lumapit sa akin ang flavor of the week ko. Last day na niya ngayon kaya panigurado na susulitin niya. Tch... Playboy ako eh. Paki niyo.
Pagkalapit sa akin ng babae na ang pangalan ata ay Cathy ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi.
Lalaki lang ako, madaling madarang kaya agad akong tumugon. Pero napansin kong nakatingin sa amin itong si Ms. Gustave.
Kaya naman. "You know what, kung gusto mo rin pwede ka naman makishare eh." Sabi ko sa kanya na kinagulat naman niya. Pero agad siyang sumeryoso. See? She's very cool. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganyan.
"Well then, no thanks nalang. Mas maraming lalaki sa labas na pwedeng isolo. At bakit ako makikishare sa isang slut?" Iyang sagot niya na kinatigil ng babaeng humahalik sa akin. Nagulat ata.
Ay nakoooo. War freak ata 'tong Xyrene ba?... Hindi ba niya alam na kasama sa isang gang itong babaeng ito. Muse sya roon kaya naman ginagalang.
Pero nabigla nalang ako sa mga nangyare. As in nakanganga lang ako.
Paanong hindi, halos lumabas na sa bibig ng babae lahat ng dugo niya sa tira na binigay ni Xyrene.
Wow! As in wow! How did she do that? Iilang tao nalang ang nakakagawa ng ganyang kalakas na tira.
"Dalhin mo na siya sa clinic hoy lalake! Masyadong nabugbog ang bandang atay niya kaya kung di mo dadalian ay baka mamatay iyang slut na iyan." Bigla niyang sabe na agad kong nakabalik sa senses ko.
Agad ko ngang binuhat yung babae at lumabas ng room.
Wow! Ambilis niyang nawala huh.
She's... She's definitely awesome.
(Narrator)
Pagkalabas palang ng room aya agad na naramdaman si Xyrene na nakatingin sa kanya. Ramdam niya palang pag-ihip ng isang malakas na hangin.
Agad siyang tumakbo. Kahit mahirap dahil sa suot niya ay nagawa niya paring makarating sa parking lot kung nasana andun na yung apat.
"Oh Xy, bakit nananakbo ka? Anyare?" Tanong sa kanya ni Eliza.
"Someone's watching us." She said to them na agad na kinalingon ng tatlo.
"We need to kill him/her Xy..." Akihiro said.
Xyrene just nod and make a playful smile.
"Come on." Andrei said at agad silang sumakay ng Van na dala nila.
"DARK Raven, the stalker is about .05 km away from us." Sabi ni DarkScheduler na nakatingin sa likod.
"Kahit kailan talaga daig mo pa yung detector measurer natin dito DS." Natatawang sabi ni BlackSwan kay DS.
Nginitian lang siya ni DS ng tipid sabay tingin muli sa likod.
"Dark Raven, check our map if there's an intersection between San Jose St. and Santos St. Along 1km ahead from us." DS ordered na agad na ginawa ni DarkRaven.
"Yeah, there it is." Confirmation from DarkRaven.
"You know what to do." DS just said then gave an evil smirk to DarkRaven.
"So we do have our deadliest exhibition am I right?" Black Initiator said.
"... And apparently, this is the most embarassing and hateful thing that we need to do." Sabi ni BlackSwan na may halong takot.
DarkRaven just chuckled. "Okay girls, put your seatbelt and gear on" he said. Tinignan niya si Black Initiator. Their just both nodded and do what is the right thing to do.
Malapit na sila sa intersection na sinasabi sa kanila ni DS. And in just one snap of hands ay biglang nagred ang traffic light.
Napangiti ng labis si DarkRaven dahil ito naman ang gusto nilang mangyare.
Biglang kinambyo pakanan ni DarkRaven ang manibela na siyang kinagulat ng naghahabol sa kanila.
Dahil sa bilis ng pangyayari at mabilis parin ang pagpapatakbo niya ay wala siyang nagawa kungdi ikambyo rin pakanan.
Ngunit sa paggawa niyang iyon ay agad na may humarang sa kanyang mga traffic enforcer.
Shit! Bulong niya.
"Akin na lisensya mo!" Sabi ng enforcer.
Ngunit wala itong balak ibigay. Bagkus ay bigla niya itong tinutukan ng baril na siyang kinagulat ng enforcer.
"Better shut the hell up kung gusto mo pang mabuhay. Kaya kong ipapatay pamilya mo kapag sinumbong mo ako." Sabi ng estranghero.
Natakot naman ang enforcer at agad na umalis sa kotse.
Agad din namang pinaandar ng lalaki ang kotse nito. At sinundan ang binabagtas ng sinusundan niya.
Di na niya ito makita dahil halos sa yungib na ito. Itinigil nito ang sasakyan sa gilid at may kinontak sa cellphone.
"Sir, nawala ho sila sa paningin ko" sabi ng lalaki.
[Napakaestupido mo kahit kailan! Simple na nga lang pinapagawa ko hindi mo pa magawa gawa?]
"Pasensya na--" hindi na natapos pa ang sasabihin ng lalaki ng naramdaman nitong may nakatutok sa kanyang baril.
"Baba!" Sabi sa kanya ni Black Initiator.
Agad namang inend call ng lalaki ang phone nito ata agad na bumaba.
"Speak." Malamig na utos sa kanya ni DS.
"I will not." Sagot niya rito.
"Inaasahan ko ngang isasagot mo yan. At inaasahan kong mas pipiliin mong mamatay kesa sabihin sa amin kung bakit mo kami sinusundan." Sabi naman ni DS.
"Buti alam mo." Sagot ng lalaki. "Pero..." Biglang sabi ni DS. "Kung talagang di mo sasabihin sa akin then ano ang gusto mong gawin ko sa pamilya mo?" Tanong ni DS na kinabigla ng lalaki.
"A-anong ibig mong s-sabihin?" Kinakabahang tanong nito kay DS.
Napangiti ng malademonyo si DS. "Do you think hindi kita agad makikilala sa plate number palang ng gamit mong kotse?" Paliwanag nito.
Agad naman na nagulat ang lalaki at napagtantong tama siya. Makikilala siya na makikilala kapag sa plate number palang.
"Now, it's your decision old hag. Speak or I'll kill your family. At para mas maganda, sa harap mo sila ko papatayin." Panapos na sabi ni DarkScheduler.
Halata sa mukha ng lalaki ang takot. Takot na baka totohanin nito ang kanyang banta. "GVA Battle 2012." Ang tanging mga salitang huling narinig ng Black Death Assassins bago nito hinablot ang baril mula kay Black Initiator at barilin ang sarili sa kanyang sentido.
Napapailing nalang sina Black Initiator at DarkRaven. Samantalang tinignan ni BlackSwan ang pulso ng lalaki. Umiling ito senyales na patay na ang lalaki.
"Bitbitin niyo yan at dalhin sa pamilya niya. Mauuna na kami ni BlackSwan sa party." Utos ni DS sa dalawang lalaki.
"Eh paano ang process of killing our target?" Tanong ni Black Initiator kay DS.
Tinignan siya nito. "Same as the old times. And I do hope that you still remember that." Makahulugang turan nito kay Black Initiator.
"Malapit lang dito yung pinaglalagyan ko ng Ducati ko kaya gamitin niyo yung van. BlackSwan, kunin mo na yung mga damit at gamit natin sa van. Move faster!" Utos muli nito na agad naman tumalima ang tatlo.
Agad silang natapos at handa nang umalis. Ngunit bago umalis sina DarkRaven. "DarkRaven..." Tawag ni DS sa kanya. "Yes?" Agad na sagot ni DarkRaven. "Make sure na hindi tayo sasabit kapag inuwe niyo yung katawan ng lalaking iyan sa kanila. And make sure na makikita ito ng pamilya niya bago kayo umalis." Paninigurado ni DS.
"Of course, ingat kayo sa party. And call us as if it is the cue okay?" Sabi naman nito kay DS.
DS just nodded. At lumarga na sila...
At the party...
The party has already been started pagkarating nila. Inabot ng dalawang dalaga ang imbitasyong hawak nila na binigay rin sa kanila ng nagpa-utos sa kanila.
Pagkaabot ng invitation card ay agad na pumasok ang dalawa. Nasa loob na sila nang may mapansin si DarkScheduler...
"There's a trouble here." Biglang usal ni DarkScheduler.
Napatingin naman sa kanya si BlackSwan. "Paano mo nasabi? Nasecure ko na iyong security system nito ah." Pagtatakang tanong ni BlackSwan.
Naiinis si DS sa kanyang sarili.
Hindi nito inaasahan ang ganitong ambiance.
Alam niyang may mali...
Alam niya iyon dahil kung hindi ay bakit
pa siya tatawaging Legendary Assassin kung
di niya alam...
But they've already started it.
Susugal siya...
Aalamin niya sa party ang sagot sa sinabe ng lalaking sumusunod sa kanila kanina.
GVA Battle 2012? Tanong niya sa sarili.
= = = = = = =
Part 1 lang muna...
Para bitin ... XD
Ito kasi ang magiging cue for the main battle na inaabangan.
Sa next chapter, pakaabangan ang mga Characters na natunghayan niyo sa mga story about Gangster and Assassin.
May participation kasi sila rito.
Thanks...
Note: Sorry uli sa mga typo at grammatical errors ko when it comes to english.
© XavierJohnFord
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top