Chapter 6: The Plan of Meeting Them [Black Death Assassins & Warlords Platoon]

Xyrene Coltrane

"ANO NANG GAGAWIN mo kay Xavier Villareal, huh, Xy?" tanong sa kanya ni Eliza nang maibigay na sa kanila ang in-order naming Frappe dito sa Starbucks dito sa may SM North Edsa.

Pinapunta niya ang dalaga pagkatapos nilang mag-enroll at ibinilin na magdahilan lamang ito sa dalawa kung bakit aalis ng maaga.

"Wala," tugon niya rito.

"As simple as that? Walang pagpapahirap man lang?" tanong nito muli.

"Oo. As simple as that. Is there any problem about that?" muli niyang tugon at tanong.

"Hindi mo siya isasama sa paghihiganti sa tatay niya?" napatingin siya rito sandali at ininom na muli ang iniinom niyang frappe.

"And why should I? As far as I remember, walang ginawa sa akin si Xavier para madamay."

"Pero alam mo kung ano tayo, Xyrene. Sa ganito nating trabaho ay wala dapat tayong sinasanto. At dapat alam mo iyan." Pag papaalala nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng malamig. "Eliza, alam ko ang ibig mong sabihin pero kailan ba ako sumunod sa gan'yang uri ng panuntunan? Sabihin mo nga sa akin, kailan pa?"

"Okay sige, consider na hindi ka sumusunod sa mga gan'yang paniniwala pero sana alalahanin mo na pagpatay ang trabaho natin at hindi pagpapahirap sa Howie na iyon." Pagpapaalala nitong muli.

"Anong pinapalabas mo? Na para akong isang gangster kumilos?" pataray na tanong niya sa dalaga.

"Hindi sa ganoon Xyrene..." bago pa nito sabihin ang sasabihin ay pinutol na niya ito. "You know what? Hindi kita pinapunta mag-isa rito para sermunan mo ako o paalalahanan sa mga ganyang bagay."

Napabuntung-hininga ito. "Okay fine. I'm just worried as your BFF." Sabi pa ng dalaga.

"But not this time Eliza. Now, do you have any information about our new school?" tanong niya rito.

"Bakit? May problema ba sa new school natin? Masyado bang classy?" tanong nito sa kanya habang nakatingin sa isang waiter.

"Wala naman. Medyo nahihiwagaan lang ako." Tugon niya rito.

"Bakit? Anong kutob 'yan?" she knows her a lot. Once na nagduda kasi siya sa isang bagay ay alam nitong 60% noon ay totoo. Kung minsan ay palya naman.

Kinuha niya ang kanyang inumin sabay sabing. "Look, hindi lang si Xavier ang nakita ko na anak ni Howie. Naroon din yung kapatid ni Xavier Villareal na si Selena. At siya ang nagsabi sa akin tungkol sa pagiging tagong leader at gangster nitong si Xavier."

"Really? Andoon kanina si Ms. Selena? Ang sikat na model ngg Vogue?! Oh my!"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Yes, siya nga."

"Pero teka? Siya ang nagsabi sa'yo? 'Di ba alam niya dapat yung bagay na iyon kasi kapatid niya yun di'ba?" tanong nito sa kanya.

But that's not the point!

"Oo given na 'yon. Sinabi niya pa sa akin na ako lang daw ang nakakaalam sa school na 'to about sa kanya." Dugtong pa niya.

"O-kay... Ano naman? Iyon naman pala eh. She told you kasi nga pwede mo 'yun magamit laban kay Xavier once na binully ka niya." hinuha nito na para sa kanya'y napakadaling intindihin.

"Kaya nga... Pero basta! There's something wrong about that school." Iritado niyang untag.

"Okay fine. Para 'di ka na masyadong mairita d'yan heto na ilalabas ko na iyong laptop ko at aalamin ang mga bagay bagay about sa CrimsonUniversity. Chill lang. Buti nalang at may Wifi dito." Anito.

Nilabas niya na ang laptop niya and connect it to the System ng buong establishment. After a while ay nakaaccess na siya sa mainframe ng source nito.

"Okay. Let's start our business. Finding: CrimsonUniversity Files." Then Eliza hits enter.

* * *

Xavier Villareal

"PARE! Tapos ka na bang mag-enroll?" tanong sa kanya ni William habang nanunuod s'ya ng telebisyon sa bandang sala ng kanilang Headquarters.

"Oo, 'di ba halata?" sagot niya na may halong sarkasmo.

"Grabe, nagtanong lang brad," turan ng binata sa kanya.

"H'wag mo'kong simulan ngayon, William." Pagbabanta niya sa kaibigan.

"Ang ano na naman 'tol?!"

"Shut your mouth, and be quiet." Utos niya rito ngunit hindi na niyang aasahan pang susunod ito lalo pa't kitang kita niya sa ngipin nito na kumakain na naman ito ng tsokolate. Isang bagay nagbibigay hyperness sa lalaking ito. At kapag naging hyper ito ay mangungulit nang mangungulit ito sa kanila na akala mo'y lasing.

"I didn't eat my chocolates," he mentally rolled his eyes manly sa saad nito. Yeah, para namang maniniwala siya.

"Ngumiti ka sa salamin," utas niya na sinunod naman ng uto-utong ito.

"Wala naman ah!"

"Don't need to shout, William." Utas ni Charles na mukhang nagsisimula na ring uminit ng ulo sa kaibigan nila.

"Pakialam mo ba, 'tol! Vocalizing ito!"

Napahawak sa tainga si Charlea nang gawing kanta ang dulo ng salitang inutas ni William. "Oh, shit! Lower down your voice, man!"

"I said I'm not—" hindi na hinayaang makapagsalita ito at binato na niya ng joystick na nakalagay lang sa tabi niya.

Tumayo siya at mas piniling sa kwarto na lamang siya magpapahinga. Naglalakad siya nang mapansing nasa upuan pala nito sa harap ng computer si Harold. Doon siya natigilan at tinawag ang binata.

"Harold, nakuha mo ba ang lahat ng listahan ng mga bagong salta sa CrimsonUniversity?"

"Yup, lahat. Bakit mo pinapakuha?" tnong nito sa kanya.

Ngunit imbes na sagutin ito. "Just send to my e-mail." Utos niya at siya'y pumasok na sa kanyang kwarto.

He was sipping his coffee nang makuha ang listahang pinapakuha. He scanned all the names with pictures and one name got his attention.

Xyrene Gustave

Siya'y napangisi nang tumumpak nga ang kanyang alaala na ito ang dalagang sumagot sagot sa kanya kanina. Kung titingnan mo nga naman, her name doesn't suit her face. Pang-mayaman ang pangalan nito ngunit ang mukha naman nito'y tila dinaanan lang ng delubyo.

At some point in his gut, he found her interesting. Nakakasigurado siyang palaban ito, at patunay nito ang nangyari sa kanilang dalawa kanina.

Sumandal siya sa kanyang inuupuan at malalim na nag-isip. Sumasagi sa kanyang utak na paglaruan ang dalaga at tingnan kung hanggang saan ang tapang nito.

* * *

Harold Climente

NAGTATAKA s'ya sa naging utos sa kanya ng kanilang pinuno na kunin niya ang listahan ng mga bagong salta sa University. At some point, na-wirduhan siya at hindi niya mawari kung bakit nga kaya. Unless, kung may natipuhan itong dalaga kanina at nakursunadahan ng binata, but on the latter part, napakaimposible no'n. Head over heels si Xavier sa sinasabi nitong one great love. Although, hindi ginusto ng tadhana na magkasama ang dalawa nang matagalan ay nananatili pa 'rin ang loyalty nito sa dalaga.

"Harold, kailangan mong makita ito." Napatingin siya kay Marco na nakatingin sa iPad nito. Nilapitan niya ito at sinilip ang tinutukoy ng binata.

His eyes went big when he read the headline news of CrimsonUniversity's Entertainment Section site.

Ms. Little Dirty Flirty Nerd vs. the CU Emperor

Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit pinakuha ng binata ang listahan. At ang unang posibleng hinuha niya'y sobrang kabaligtaran mula sa kanyang inaasahan.

"Grabe! Mukhang may bagong laruan na naman si Pinuno." Untag ni William.

Napatingin siya sa mukha ng dalagang nakabanggaan ni Xavier. Bakit parang may kutob s'yang hindi pangkaraniwang babae ito? Bakit pakiramdam niya'y habang nakatingin sa mata ng dalaga'y may umuusig sa kanyang h'wag na h'wag rin ito babanggain? Bakit ganoon ang kanyang pakiramdam? Unusual and different.

"I think this girl... will be the toughest enemy of our Leader."

"Paano mo naman nasabi, 'tol?" tanong sa kanya ni Charles.

Bakit nga ba?

"I don't know, pero miski hindi niya kilala si Xavier Villareal— ang tagapagmana ng Villareal Realities and considered as one of the toughest heir, she's brave enough para sigawan ito." Tugon niya sa mga ito.

"You think so? 'Yung babae? 'Di kilala si Xavier? That's unbelievable," untag ni William.

"Yes it's possible. Base sa kasuotan ng damit niya at ugali, malamang sa malamang hindi siya mahilig manuod ng TV o makinig sa balita." Tugon pa niya muli.

"Really? Well, goodluck to her." Sabi niya.

"Hindi ka ba hinahanap ng lola mo William?" Tanong niya rito upang mailihis ang topic.

"Hinahanap pero ayaw kong umuwi dahil paniguradong may irereto na naman siya sa akin na kung sinu-sino," anito.

"Eh diba playboy ka naman? Why don't you try to hurt that girl's heart?" suhestyon niya sa binata.

"P're, ako? Ako na si William Wilford? Apo ng isa sa mga founder ng Wilford International? Si Voice Box ng Warlords Platoon? Mananakit ng babae? P're wala naman ganyanan. Alam mo namang pare-parehas tayong mga babaero rito pero 'di ko kayang manakit ng feelings ng mga chicks."

"Mukha mo. E'di ikaw na! Ulol nito!" utas niya.

"Ikaw? Wala ka bang flavor of the week ngayon?" tiningnan niya ito ng masama. Na-hotseat siya ng wala sa oras.

"Wala pa. Bakit a-apply ka?" asar niya sa binata.

"Gago! Ulol ka ba? Who do you think you are?"

"I'm Harold Climente, anak ng isang haciendero sa southern part ng Pilipinas. Si Soul Hacker ng Warlords Platoon. Isang Cassanova. May nakalimutan pa ba akong sabihin tungkol sa sarili ko?"

"Oo. Nakalimutan mong isa kang ulol!" tugon nito sa tanong niya.

"Same to you!" natatawa niyang turan.

* * *

Marco Villafuerte

LUMABAS siya sa kanyang kwarto sa kanilang tambayan upang puntahan si Charles at may kukunin sa binata. He was about to open the door when he heard him talking over the phone. At dahil mukhang patapos na rin lang ay walang katok siyang pumasok sa kwarto nito.

"Pare..." pagbati niya rito ngunit halatang nagulat ang binata sa kanya.

"Hoy! 'Di kaba marunong kumatok?"

"Hindi. Bakit pa?" tanong niya rito.

"Anak ng! Ano ba kasi kailangan mo? Pera?!"

"Marami ako niyan, loko! Saka bakit ba ang taas ng dugo mo? Mayro'n ka ba ngayon?"

"Ulol! Ano ako babae? Ano ba kasi iyon?"

"Pahiram naman ng motor mo. May bibilhin lang ako sa labas."

"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong nito sa kanya.

"Hiniram ng kung sinong poncho-pilato kaninang umaga."

"Bwisit na! Istorbo ka kamo." Sabay bato sa kanya ng susi nito.

"Salamat p're! Sige na, tuloy mo na 'yang dapat na gagawin mo. Mukha pawis na pawis ka na nga eh." Mapang-asar niyang turan sa binata.

"Ulol! Pinagsasabi mo d'yan? Kita ng nag-aayos dito. Layas na!" Pagtataboy nito sa kanya.

"Oo na! Kunwari linis, 'yun pala milagro na ang ginagawa."

Lumabas na siya ng kwarto ng binata at inihanda ang motor ni Charles.

Aalis na sana siya nang biglang tumunog ang cellular phone niya.

"Hello." Tugon niya sa tumawag.

"Oy pare!"

"Sino 'to?"

"Si Andrei 'tol"

"Andrei?!"

"Hindi pare, baka si Dora 'to. Dora puro gala."

"Ulol! 'Di nga? Ikaw 'yan?"

"Hindi nga. Si Madam Auring 'to, ikaw na ang sunod na lovelife ko."

"Oy pare! Ayos ng sagot din ano."

"Ikaw kaya itong magulong kausap. Sinabi nang si Andrei 'to, Ayaw pang maniwala."

"Kasi hindi ka mukhang kapani-paniwala."

"Ulol mo!" at humalakhak ang kausap.

"So, kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?"

"Kahapon lang. Ngayon ko lang na-tripa-ng tumawag sa nakakabwisit kong pinsan."

"Ulol mo. Gan'yan ka naman lagi p're, huwag mo nang palabasin na kawawa ka."

"Oo na. Tara bar tayo sa may Rockwell, namiss kong mang-chicks."

"Sa Australia ba, wala kang nahanap na kalandian mo p're?"

"Wala. Masyadong naging busy sa ilang bagay."

"Loko! Sige tara sa Saturday, sama ko mga tropa ko para makilala mo."

"Sinong mga tropa?"

"Basta mga kababata ko na hindi mo nakita kasi umalis ka ng Pilipinas noon."

"Oo na. Sige. Call. Mga 8pm."

"Oh sige, magdamagan p're ah."

"Oo naman, ako pa hinamon mo sa gan'yang bagay."

"Oh sige. Nga pala 'di ba dito ka na uli mag-aaral? Saan mo planong mag-college?"

"Sa may Crimson University, alam kong d'yan ka rin, o'diba? May gagong mambubulahaw na sa'yo?"

"Talaga? Ayos, may dagdag sa tropa."

"Naku! May tropa na ako Repa! Sama ko nga sa Saturday eh, ayos lang?"

"Naks, mukhang nagkaroon ng mga mapagkakatiwalaang tropa ah. Oh sure, sama mo pa buong barangay."

"Loko mo! Oh sige na, may gagawin lang ako saglit. Medyo 'di pa tapos mag-ayos ng gamit."

"Oh sige, welcome back to the Phillipines, Insan!"

"Salamat oy. Bye!"

"Bye," ibinaba niya ang kanyang phone.

Nandito na pala 'yung mokong iyon. Kasama kasi niya iyan dati sa mga gimik nung mga panahong may problema siya at hindi pa sa mga tropa niya sa Warlords Platoon nasabi.

He's Marco Villafuerte, after all. Silent Keeper ng Warlords Platoon. Anak ng mag-asawang Mr. & Mrs. James Villafuerte. Ang tagapagmana ng Villafuerte Food Company na siyang major exporter ng mga local food products na siya nilang ikinakalakal sa kanilang mga consumers sa iba't ibang bansa.

Hindi siya ganoong nakikipag-approach sa ibang tao. Kaya naman walang pakialaman kung tawagin man nila siyang snobber. He doesn't care at all.

Pinaharurot na niya ang hiniram na motor at pumunta sa destinasyon na dapat kanina pa niya pinuntahan.

Tss! Istorbong pinsan.

* * *

Andrei Gardner

"LOKO mo! Oh sige na, may gagawin lang ako saglit. Medyo 'di pa tapos mag-ayos ng gamit." Sabi niya kanyang pinsan na si Marco.

"Kumagat na ba sa pain, Andrei?" tanong sa kanya ni Xyrene pagkababa niya sa telepono.

"Yes. Tuloy na ang pagkikita ng buong Warlords Platoon at ng Black Death Assassins" untag niya sa dalaga.

Muling sumilay ang kinatatakutan nilang ngisi ng dalaga. "Really?"utas nito, tumayo at pumunta sa kusina.

Pagkaalis ng pinuno nila'y 'agad niyang tinanong si Eliza.

"Eliza, anong mayroon at bakit naging interesado si Scheduler sa Warlords Platoon?" ang kanyang naging tanong.

Tinignan lamang siya ng dalaga at nagwika...

"May mga bagay na dapat hindi na sinasabi sa iba, Andrei. Kilala mo si Xyrene, dapat kung ano man ang gagawin niya ay hintayin nalang natin. I think this gotta be exciting though."

Napailing iling na lamang siya sa nagyayari. Nakakasigurado siyang may pinag-usapan ang dalawang dalaga, without them— guys, know. At kung ano man 'yon at mukhang nadamay ang Warlords Platoon ay wala na muna siyang aalamin. He'll wait for Xyrene to spill her suspicious plan to them.

Nasa sala lamang kami ni Akihiro at nanunuod ng Spongebob. It's not his choice, a'right? But then, he wouldn't mind watching this cartoon. Nag-e-enjoy rin naman kasi siya.

Mga ilang minuto lang nang biglang bumaba sina Xyrene at Eliza mula sa kanilang kwarto. Babatiin niya na sana sila ng afternoon nang...

"Initiator, 'di ba pinsan mo ang isa sa mga Warlords Platoon?" Tanong nito sa kanya.

Nagulat siya nang malamang pinsan niya ang isa sa mga Warlords. Actually, wala siyang pinagsasabihan ng kung sino ang mga kamag-anak niya. They pushed him away so why bother to mention their names?

"Sorry kung hindi 'ko sinabi sa'yo. You know how much I hated my clan—" hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin nang magsalita ito.

"Call him again at i-confirm mo 'kung makakapunta silang lahat. And just like what you have done, act cool. Upang hindi sila makahalata. Once na may isang 'di makakapunta, persuade him na pilitan niya. Clear?"

"Clear." He answered back. Umakyat na ang dalaga sa kwarto matapos ang kanilang pag-uusap.

He decided to go back on his chair and talked to Akihiro. "'Tol, sabihin mo nga sa'kin... anong gusto niyang mangyari ngayon?"

Tiningnan siya ng binata at muling ibinalik ang tingin sa TV bago muling sumagot. "Based on her facial expressions? I know she's just curious about the Warlords gang group. You know Xyrene and her curiosity. She will do anything just to see her prey."

"You mean,"

"Well, I'm not sure though. But that's my assumption."

Muli siyang napatingin sa pinapanuod. But this time, his mind was travelling a thousand miles because of Xyrene's actions. He's still wondering what is she up to.

Ano nga ba angtumatakbo sa utak mo, Scheduler?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action