Chapter 45: The Final Battle

Eliza Altamirano

IBA'T IBANG EMOSYON ang lumulukob sa kanya ngayon and she can't identify it all in just a snap. Hinanda nilang lahat ang kanilang sarili sa magaganap na madugong labanan sa pagitan nila at kay Emmanuel. Kung kinakailangang doblehin ang pagiging alerto ay ginawa nila upang hindi magulantang sa susunod na atake ng kalaban sa kanila.

Tahimik ang buong battle arena at nananatiling tahimik iyon kanina pa noong tumilamsik sila rito. Lahat sila ay binigyan ng utos nina Xyrene at Frontier na maghiwa-hiwalay upang makita kaagad si Emmanuel sa paligid.

Imagining the whole place in a giant map, halos doble ang lawak ng Battle Arena na ito sa sukat ng lapad ng lupa ng Gangster and Assassin's quarters nila.

Giant containers, mga nakalawit na mga metal ropes o kadena sa taas, mga sirang nasusunog na gulong, at mga kalansing ng mga kinakalawang na bakal ang naging pangkahalataang disenyo ng buong Arena. Kung hindi mo alam na Arena ito ay mas iisipin mong isa lamang itong abandonadong gusali na may mga tipikal na laman sa loob gaya ng mga nabanggit.

Kasama niya ngayon si Andrei sa mga oras na ito. They decided to walk along the north area of the Arena. Sina Xyrene, Frontier, Xenon at ang asawang si Thomas ang nasa pinakagitna ng Arena. Nasa West side corners naman ang dalawa sa mga Warlords at nasa East side naman sina Akihiro kasama ang natitirang Warlords. Sina Selena at Blare naman ang nakatoka sa South part.

"Stay alert," usal ni Xyrene sa pamamagitan ng earpiece na siya nilang sinagot ng... "Copy."

Ilang minuto pa ang nagdaan nang makarinig sila ng putukan ng baril sa may West and East side. Maya-maya pa'y sa South side naman nila narinig ang ilan sa mga pumuputok na baril.

"Sa likod mo!" she was shocked when Andrei screamed. Mabilis siyang nakapagtago sa isang malaking cargo vessel sa malapit at hindi natamaan o nagalusan man lang.

"Fuck! Eliza! Sinabi nang maging alerto 'di ba?!" bulyaw sa kanya ni Andrei habang ito ang nakikipagpalitan ng putok ng baril.

"Sorry okay? Sorry!" she shouted back.

Nakipagsabayan na rin siya ng barilan sa mga tumatambang sa kanilang alagad ni Emmanuel.

"Andrei, counter-attack!" turan niya sa binata. Kumunot ang noo nito. Pinakita niya ang wala nang basyo ng bala ang baril niya. "Cover me,"

"But Eliza—"

Hindi na niya hinayaang matapos ang litanya nito nang matapos mabunot sa kanyang binti ang nakatagong swiss knife at lumabas siya sa pinagtataguan. Tumakbo siya sa mga armadong kalaban.

"Eliza!" rinig niyang sigaw ni Andrei. Doon nanlaki ang mata niya na mukhang nakalimutan siya nitong i-cover up sa mga kalaban. Kung kaya't natamaan siya sa braso at binti.

"Fuck!" she hissed when she falls on the ground. Pero kakabagsak palang niya nang maramdamang may babaril na muli sa kanya. Kaya inunahan niya ito at binato sa isang kalaban ang hawak na kutsilyo at pilit na tumakbo palapit rito. Nang tumarak ang swiss knife sa dibdib nito ay sakto namang sinipa pa niya lalo ang dibdib at mataas na nagback-tied.

Bumagsak siya sa mismong tabi ni Andrei. "Fuckin' shit! You're bleeding! Fuckers! I'll gonna kill those fuckin' asshole for doing this to you!"

"Huminahon ka nga!" bulyaw niya sa binata. "I told you to cover me pero hindi mo ginawa! Ayan tuloy ang resulta!"

"Tangina, Eliza! Nagulat ako sa biglaan mong plano! Dapat ako ang gagawa no'n—"

"Ako pa ang may kasalanan?! Hoy! Ano bang akala mo hindi ko kaya? Akala mo hindi ko kaya ang ginagawa mo—“

“Just fuckin' shut up!" Nagulat siya sa biglaang outburst nito. Natutop ang kanyang labi habang tinitingnan ang binata.

Nanginginig ang mga kamay nito, pati ang panga nito gano'n rin ngunit mas nanaig roon ang mariing pagtatagis ng bagang. Galit na galit ang mukha nito at tila bigla itong nawala sa kontrol. But her eyes stopped when she saw a liter of tears continously flowing to his cheeks. Doon niya rin napansin ang pamumula ng mata nito habang pinapasadahan ng binata ang mga tama niya sa balikat at binti.

"S-Sa susunod... h'wag ka nang gagawa ng hakbang kung hindi ako sang-ayon." Hindi nakawala sa pansin niya ang nahihirapan nitong paglunok. Gusto niyang takpan ang bunganga niya dahil hindi talaga siya makapaniwalang tumutulo ang luha ni Andrei ngayon habang tinatalian ang kanyang sugat gamit ang tela na pinunit sa damit nito.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay nagulat na lamang siya nang bigla siyang yinakap ng sobrang higpit ng binata. Yakap na puno ng pag-aalala at pagkalinga. She felt that her world stopped because of his hug. Andrei never done this before dahil mula palang nang magkita sila'y asaran na sa isa't isa ang naging pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

"Don't get yourself killed. Please, I'm begging you, Eliza. Don't make me cry like this again. It fuckin' hurts for me to imagine that you'll die like this."

There's a lump on her throat that beginning to grow and it's really hard to swallow. Damn this guy for making her feel this unusual emotion again towards him. And it's really painful for her too to see him crying like this, begging at her to keep herself alive.

Habang nakayakap sa kanya ang binata ay naramdaman na niya ang mga kalaban papalapit sa kanya. Inagaw niya ang baril ni Andrei sa kamay nito at pinaputukan ang limang lalaking dumungaw na sa kanilang pinagtataguan.

"Fine. Hindi ako mamamatay rito." She whispered at him.

Kumalas sa kanya ang binata. Nang gawin iyon ni Andrei ay kinuha niyang muli ang natitirang swiss knife sa isa pa niyang binti at ibinigay iyon sa binata.

"Counter-Attack, Black Initiator. I'll do you a cover."

Tumango ang binata, nang papaalis na ito at susugod ay hinawakan niya ang laylayan ng damit nito at hinila muli palapit sa mukha niya.

Maybe this time... they're hearts understand each other now. And without informing themselves, she thinks that after this, siya naman ang mag-iinitiate.

"If we survived on this battle," she licked his earlobe and said... "Let's give it a try."

She saw how his face blushed nang dahil sa kondisyong sinabi niya.

That's a motivational support para ganahan ang binatang makipaglaban. Now that she knew his feelings for her, well, though Andrei doesn't confirm it yet. At least, sa yakap palang nito alam niyang matagal na rin siyang mahal ng binata.

"Kahit kailan talaga you're a living tease. But I like the idea. After this, prepare your sexy lingerie, Honey. Dun natin simulan ang sinasabi mong let's give it a try."

Oh, she can't wait any longer! Die Emmanuel! As in now!

* * *

Selena Villareal

"HINDI KAYO MAUBOS-ubos, huh?! Eto sa inyo!" napangisi na lamang siya nang makitang sobrang agresibo ng kasama niya ngayong kalabanin ang mga umaatake sa kanilang mga alagad ni Emmanuel.

Natigilan siya nang mapansing wala nang lumalabas na bala mula sa kanyang baril. Kinapa niya ang bulsa upang i-reload muli iyon nang mapagtantong iyon na ang huli sa dinala niya.

Nakita iyon ng kalaban niya na tila namomroblema siya sa hawak na baril. Nang makompirma nitong wala na siyang bala ay ngumisi ito. Hindi siya natuwa sa ngisi nito kung kaya't binato niya ang hawak na baril at sumapol iyon sa mukhang nung tarantado.

Ngingisian mo pa siya ah.

Mabilis siyang nakapagtago sa isa sa mga cargo vessels at containers nang paulanan siya ng bala ng kalaban. Nakita niya rin sa kanyang gilid na tila naubusan na rin ng bala su Blare at gaya niya at nagtatago.

Nilibot niya ang paligid, at doon niya naaalalang may mga metal ropes o kadena nga pala sa kanilang itaas.

Sumipol siya sa binata at agad na tinuro ang metal ropes. Mukhang nakuha naman nito ang planong pumapasok sa utak niya dahil sa ngiting ginawad sa kanya ng binata.

Nang tumigil na ang mga kalaban sa kakabaril ay ginamit nila ang maikling oras na magkakarga pa ang mga ito at mabilis na inabot ang nakalawit na metal ropes.

Hinila ni Blare ang hawak nito at nakuha nga nito ang metal ropes na kailangan. Walang pagdadalawang isip na ibinato ang hawak na ropes at lumanding iyon sa isang leeg ng kalaban. Malakas na hinila ni Blare ang rope at saktong nasakal ang biktima.

Nagulantang ang kasamahan ng nahuli ni Blare kung kaya't mas binilisan pa nila ang pagkarga ng mga baril. Ngunit hindi niya iyon hinayaan ng gano'n gano'n lang, hinila niya ang dalawang metal ropes na kanina pa niyang hawak at ibinato iyon sa kanila. Mabilis ang naging transition ng kanyang atake sa bawat kamay ng kalaban at upang mabitawan ang mga hawak na baril.

Nang mabitawan ng lahat ng kalaban nila ang mga baril ay inilabas naman ng mga ito ang mga katanang nababalutan ng awra ng Apollo.

Damn! This is dangerous.

Kapwa silang nakipasagupa sa mga kalaban. Ngunit kapag pumupulupot na ang mga metal ropes nila sa patalim ng mga katana nila ay mabilis iyong napuputol na parang karne lang ang hiniwa.

This is not fuckin' good.

Nang tuluyang maubos ang metal ropes na hawak ay wala silang nagawang dalawa kungdi ang lumaban ng manu-manuhan.

Sa bawat ilag nila sa mga katana ng kalaban ay umaagaw sila ng isa upang magamit laban sa kanila. Ngunit hindi nila matagalan ang sobrang lamig ng hawakan ng sandata.

Ito 'ata ang sandatang ginamit ng Constellate nung unang laban ng Pandora's Battle.

Pulos na silang sugatan ni Blare at na-cornered na nang dumating sina Frontier at ang asawa nitong si Thomas.

They both holding an armalite na may maliit na patalim sa unahang bahagi. Doon niya napansing namumula ang patalim na parang sobrang init. Pinagbababaril ng dalawa ang mga kalaban nila ng gano'ng kadali.

"Selena," tawag sa kanya ni Frontier. Tinakbo niya ang kanyang master at mahigpit na yinakap.

"I really thought that you're dead." Naiiyak niyang usal habang nakayakap pa rin kay Frontier.

"Ssshhh! I know," kumalas sa yakap si Frontier. "But this is not the time for reunion. Take this."

Inabot nilang dalawa ni Blare ang dalawang belt na binigay sa kanila ni Frontier.

"Aanhin namin ang belt?" takang tanong ni Blare. And she second the motion.

"Weapon, tuklasin niyo kung paano gamitin 'yan."

Matapos sabihin iyon ni Frontier sa kanila ay bumalik na ang mag-asawa sa pamamaril ng kalaban. Maganda ang naging taktika ng mag-asawa sa pagpatay. Binabaril nila ang braso at binti ng kalaban at saka nila sinasaksak at nilalaslas ang leeg ng mga ito.

"Marumi pa rin sila kung pumatay," mahina niyang usal sa sarili.

"Hey, Selena, check this out."

Napatingin siya kay Blare at laking gulat niya nang ang hawak na belt nito ay naging isang mahabang espada. Napapalibutan rin ng pulang kumikinang na bagay ang patalim.

Sinubukan niyang gawin ang ginawa ni Blare. Winasiwas niya ang hawak na belt pababa at ang dating malambot na haba nito ay napalitan ng matalim na sandata.

Another invention for a gadget like this. But she's wondering on the red lights surrounding their blades.

When she was about to touch it nang bigla siyang pigilan ni Blare.

"Stop, mapuputol ang daliri mo."

"Bakit?"

Imbes na sagutin ay ipinakita ng binata ang dahilan. Tumakbo ito sa isang kalabang biglang lumapit sa kanila at nilaslas ang tiyan. Napanganga na lamang siya na ang hiwang nagawa ng blade ni Blare ay nagdulot upang mahati ang katawan ng lalaki. Sumisirit pa ang dugo noon at nadampian pa ang kanyang balat.

"Blare. It's fucking gross."

Nginisian lamang siya ng binata at kapagkuwa'y nagsalita.

"Gawa sa melted lava ang blade na ginamit rito. Isa sa mga element na nakakasiguro akong nagrerepel sa ability ng Apollo."

"You mean..."

"If I'm not mistaken, maaaring 'yan na mismo ang kaisa-isang element ng earth na hindi mahihigop ng Apollo. At maaaring, 'yan ang kasama sa Lunar ni Xyrene."

"Magaling. Mahusay..." napatingin sila kay Emmanuel na nasa kanilang harapan. Bitbit nito si Akihiro na ikinagulat nilang dalawa.

Hinanda nila ang kanilang sarili sa kung ano man ang mangyayari.

"Put him down, Emmanuel." Utos niya rito.

"At bakit naman? Masama bang tulungan ko na si Blare sa hustisyang hanap niya para kay Claire?"

Natigilan silang dalawa sa sinabi nito. Awtomatikong napatingin siya kay Blare. Nagtatagis ang panga nito ngunit halata sa mukha ang pagtataka.

"Anong pinagsasasabi mo, Emmanuel?"

"Simple lang, nasa harapan mo na ang taong pumatay sa kapatid mo."

Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Ibinato ni Emmanuel ang nanghihinang katawan ni Akihiro malapit sa kanila. Seryoso ba 'tong si Akihiro mismo ang pumatay kay Claire?

"I-Ikaw?!" hindi na niya napigilan pa si Blare nang daluhan ang binata at kinuwelyuhan. "Sa lahat ng tao, ikaw ang huling maiisip kong gagawa no'n sa kanya. Because I know that my sister loves you and so you are! But fuckin' shit! Sagutin mo 'ko! Ikaw ba talaga ang pumatay sa kanya?!"

Halata sa panghihina ng binata na may ginawa sa kanya si Sy at gano'n na lamang ang kawalan ng lakas ni Akihiro ngayon.

"O-Oo..." mahinang usal ng binata ngunit sapat na upang marinig nila iyon ni Blare.

"Hayup ka!" isang malakas na suntok ang ginawad niya sa pisngi ni Akihiro. "She trusted you! She trusted you damn much! Tapos papatayin mo lang siya ng gano'ng kadali?!"

Habang pinapaulanan ng suntok ni Blare ang binata ay hindi niya napansing nasa tabi na niya si Emmanuel. Ngunit huli na upang makaalis sa tabi nito. Pinihit nito ang batok niya at naramdaman na lamang niyang tila hinihigop ang kanyang lakas.

"Huli ka!" ang huling rinig niya bago mawalan ng malay at maramdaman ang sarili na buhat buhat ni Emmanuel palabas ng Arena.

* * *

Akihiro Ichiyama

HE IS FUCKIN' idiot para magpahuli ng ganoong kadali kay Emmanuel habang nakikipag-laban sila kanina nina Charles at Marco sa mga kampon nito. And now he looked helpless habang paulit ulit na sinusuntok sa mukha ni Blare.

Inamin na niya sa binata that he's the responsible of Claire's death. But he just did what he really needs to do. As he promised to Frontier a decade ago, babantayan at aalagaan niya ang kaligtasan ni Xyrene kahit na anong mangyari. May isang salita siya, once he promised something or he accepted a promise from anyone ay talagang gagawin niya iyon, no matter what happens.

"Papatayin kitang hayop ka!"

Biglang sumagi sa isip niya ang ginawa niya sa dalaga.

SINASAKAL niya ng lubid ang leeg ni Claire ilang minuto pagkatapos lumabas ni Xenon sa kwarto ng dalaga.

"H-Help!"

"Walang makakarinig sa'yo." Utas niya rito sa nakakatakot na tono.

"B-Bakit? W-why— are you d-doing this t-to m-me...?"

"Bakit? Akala mo ba hahayaan kong mapatay mo si Xyrene ng gano'n gano'n lang? Ang akala mo ba hindi ko malalamang tuta ka ni Emmanuel noon pa mang nakabalik ka ng Pilipinas?"

Hindi na nakasagot ang dating nobya sa kanyang litanya. At mas hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon itong magsalita nang pinihit na niya ang leeg nito ng malakas pakanan. Lumagutok ang leeg nito kasabay ng pagkamatay nito.

Hinila niya ang katawan ng dalaga at isinabit sa isang sabitan sa kisame ng Infirmary. Upang sa ganitong anggulo... mapagkakamalan itong nag-suicide.

Pero asa naman siyang may maniniwala sa ganyang klase ng drama. And like he'd expected, Xyrene, figured it out.

"HINDING-hindi kita mapapatawad!" sigaw ni Blare at mabilis nitong nakuha ang baril ng pinatay nilang kalaban at itinutok ang baril sa kanya.

Blare was about to pull the trigger nang may bumaril sa mismong baril na hawak ng binata. Nabitawan nito ang baril at nagtatagis na tumingin sa may gawa.

"Huminahon ka, Blare." Utas ni Xenon sa binata. "Sweetie, follow Emmanuel's track. I'll just deal with them both."

"Sumunod ka, Sweetie."

"I will!"

"And why did you shoot me?!" nalipat ang tingin ni Xenon kay Blare matapos nitong sundan ng tingin si Xy.

"Hindi tayo ang magkakaaway-away rito—"

"Pero itong tanginang 'to ang pumatay sa kapatid ko, Xenon!"

"And so?"

"Ano?! And so? H'wag mong bastusin ang kapatid ko rito gago ka!"

"Enough, Blare." Sabay tutok ng baril sa binata.

"What?! You'll shoot me? Go on fuckin' asshole! Kill me!"

Kitang kita niya ang pagtagis ng bagang ni Xenon but instead of doing what Blare had said, binaril lamang nito ang isang binti ng binata at isang braso nito.

"I told you, enough! So, shut the fuck up and stay where you are."

"Ugh! You'll pay for this, Xenon!" ngunit imbes na mainis ang binata ay nginisian lamang nito si Blare.

"Oh yeah, like what Blare always been doing... threatening me. Ohhh, I'm scared."

* * *

Xavier Villareal

MATAPOS NIYANG IWAN ang dalawang gago ay mabilis siyang sumunod sa kanyang, sweetie. Hindi niya syempre hahayaang lumaban ito ng mag-isa ng wala siya sa tabi nito. Lalo pa't he promised to her that whatever happens he'll stay beside her. At hinding hindi na niya ito hahayaang mawala sa kanyang paningin.

Nakita niyang paakyat na si Emmanuel bitbit ang kanyang ate-ng walang malay sa isang helicopter. Hinahabol ito ng kanyang nobya. Kung kaya't sinundan niya ito.

Hindi naiwasang may sumasalubong sa harapan nila na mga alipores nung hayop na 'yon at pilit silang hinaharangan.

Nakipagsagupa pa siya sa mga ito at nagpatambang  upang hindi nila masundan si Xyrene na kasalukuyan pa ring tumatakbo.

"Sweetie," napahawak siya sa kanyang earpiece and heard Xyrene's voice.

"Sweetie," sagot niya rito.

"Use your blood from the tattoo at ipahid mo 'yon sa isang espada."

Kahit na may halong pagtataka ay ginawa niya ang sinabi nito. Umagaw siya ng isang katana sa mga nakaharang sa kanya. Maingat naman niyang nilaslas ng bahagya ang leeg kung nasaan ang tattoo at kumapa ng dugo.

Nang makakuha na siya ay pinadausdos niya iyon sa kahabaan ng patalim.

Bahagyang nagliwanag ang hawak na sandata at pakiramdam niya'y may nagbago roon.

"You just transferred the Solar Effect from your tattoo to your sword." Untag muli sa kanya ng kanyang sweetie.

Nginisian niya ang mga nakapalibot sa kanya.

This will be fun for him. Let's see kung ano ang kayang gawin ng kanyang activated tattoo from the Apollo sa mga mokong na ito.

"Be careful, sweetie." huli niyang utas gamit ang earpiece.

* * *

Xyrene Coltane

PATULOY LAMANG SIYA sa pagtakbo palapit sa papaalis nang helicopter ni Emmanuel. She doubled her speed and jumped so high.

Nakakapit siya sa bakal ng Helicopter. Dahil sa kanyang ginawa ay nawala ang balanse ng sasakyan. Magkagayunpaman ay patuloy pa rin ang lipad nito. Nakita niyang sumilip si Emmanuel at itinutok sa kanya ang gauntlet. Nagpalabas ito ng atake na siya niya namang iniwasan sa pamamagitan ng pagdikit sa gilid ng helicopter. Matapos niyon ay mabilis niyang ibinato ang hawak na espada sa elisi ng sasakyan. And because of what she did, mas nagpagewang gewang ang sasakyan hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa East Coast ng GVA Island.

Tumayo siya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi. It was a deadly stunt para tumalon siya ng ganoong kataasan at bumulusok sa bubong ng isang stall at nagtuloy tuloy sa lupa.

Blangko ang kanyang tingin kay Emmanuel na ngayo'y akay akay sa balikat nito si Selena.

"Hindi mo ko masasaktan, Xyrene."

Tumaas ang kanyang kilay at napangiti. "Is it just because you have Selena in your possession? You must be kidding me."

Nagkasubukan sila ng tingin matapos niyon. Tiningnan niya ang gauntlet nito at doon niya natanaw ang Apollo. Nakakabit iyon sa gauntlet at mukhang nakokontrol ni Emmanuel ang kakayahan ng bato.

Nagtagumpay pala talaga si Emmanuel na mapasakanya ang Apollo. With the use of his highly advance invention— the Gauntlet, he made the impossible possible. And she doesn't like it. Kapag hinayaan niyang makatakas ito at matalo siya ay manganganib ng husto ang mundo. She's definitely sure that he will takeover the governance of every countries and he will be called as the king of the world. Pero sisiguraduhin niyang hindi mangyayari ang lahat ng iyon.

At sa pag-iisip niya sa gauntlet na suot nito doon na rin pumasok sa kanyang utak ang nakaligtaang bagay. Na sobrang makakatulong sa kanya.

She needs first to take Selena back from Emmanuel.

"Bakit hindi ka nalang umanib sa akin, Scheduler?" napatingin siya sa mukha nito.

"With the use of your abilities and the power of Apollo— we can rule the world. We can make them kneel on us. We can get all the things we're desire to have for. You and me, dominates the world."

Natigilan siya sa naging panghihikayat ni Emmanuel.

"Aminin mo rin sa sarili mo, Scheduler. Alam kong gusto mo rin iyon. You also begging to have a power. I can sense it, Xyrene, it's now the time for you to dominate. Hindi ka man lang ba nakaramdam ng galit kay Frontier— sa ina mo? Dahil simula ng bata ka pa lang ay inagaw niya ang normal mong buhay na dapat na tinatamasa mo ngayon? Na tinanggalan ka niya ng normal na pamumuhay at pinasok sa ganitong klaseng sitwasyon? Ang pumatay ng tao?"

Lumambot bigla ang ekspresyon ng kanyang mukha sa mga tinuran ni Emmanuel.

"Alam kong noong una, ginusto mo rin at hiniling na sana hindi ganitong klase ng gulo ang pinasok mo. Na dapat ngayon, ay nasa bahay ka lang kasama ng sana na asawa mo at anak mo as a plain lovable housewife. Sa ganyang klase ba ng rason, hindi ka man lang nagalit, huh?! Hindi ka man lang nakaramdam ng panibugho?"

Napakuyom na siya ng kamao. This time, she's now affected of what he has said. Lahat ng sinabi nito, lahat ng ninanais niya noon ay lahat 'yon tama. Lahat ng laman ng kanyang puso at gusto, lahat yun tama. Ninais niya 'yung mga 'yon. Ang isang payak at normal na buhay.

"Makianib ka lang sa'kin, Xyrene. At lahat ng gusto mo ay mapapasayo. Lahat ng ninanais mo, siyang matutupad lalo na kapag ako ang kakampihan mo."

But all those things must be waiting for her in a right time. If... she will accept his offer.

"Kaya kong tumupad ng usapan, Xyrene. Just be on my side, and everything's gonna be alright."

Maybe he's right.

Ibinaba niya lahat ng armas na dala sa sahig na ikinangisi naman ni Emmanuel. Maybe he already knew her answer. Bumuntunghininga siya at nilapitan si Emmanuel.

Nakangisi pa rin si Sy ngunit halata na nag-iingat. Nang makatapat na niya ito ng malapitan ay saka siya nagwika.

"Fine, I'll be on your side."

"Good choice—"

"But in one condition,"

"Ano 'yon?"

"Let Selena go."

This time nakita niyang kumislot ang ilalim ng mata nito sa kanyang naging desisyon.

She's willing to be on his side as long as he will let Selena go.

Tiningnan niya si Selena saglit bago muling bumaling kay Emmanuel.

"Ikaw naman ngayon ang mamili, Emmanuel. Ako? Na makakatulong sa'yo? O si Selena na one great love mo?"

Doon na naumid ang dila ni Emmanuel habang tinitingnan nito sa peripheral vision si Selena.

Ngunit ngumisi si Sy na tila alam na nito ang sagot sa kanyang tanong.

"I can take you both."

This time, siya na ngayon ang may karapatang ngumisi at nagwika ng sobrang lalim... "Wrong choice."

At sa iglap nahawakan niya ng mabilis sa leeg si Emmanuel. Hinawakan ng kanyang kamay si Selena bago sinipa ng malakas ang kalaban.

Tumilamsik si Emmanuel ng mahigit isang kilometro at bumangga sa karamihang stalls ng East Coast.

Kita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang gulantang sa mukha ni Emmanuel sa naging galaw niya. Nagulat dahil nagawa niyang sipain ng ganoong kalakas ang isang tao na hindi pangkaraniwan para sa isang normal na tao.

But all those questions and amusement had vanished when she raised her arm and let him see the reason why and how did she do that.

Permission code... granted.

"The Gauntlet," he said while gritting his teeth.

She hovered her hand on top of the green light option and a voice message played...

Lux Cresent Spear... is now online. Grab your weapon and fight!

Napatingin silang dalawa sa isang tunog na tila pabulusok sa kanila. At sa isang iglap. Isang mahabang sibat na korte cresent moon ang blade sa dulo at napapalibutan ng kadena ang buong hawakan. Manghang mangha siya sa sandatang napunta sa kanya. She knew by this time nakuha na rin ng ibang black death ang Spear na ito ngayon. Kung ano ang sandata ng isang member, sandata na ito ng buong grupo.

She seize up the Lux Cresent Spear from the ground and the power of Apollo is overpowering her. But she knows better. Lunar Tattoo will be activated, at gaya ng inaasahan. Lahat ng kakaibang mayroon sa spear ay biglang nawala nang sirain iyon ng awra ng Lunar Tattoo.

"Hindi ko talaga inaasahan na maiisip mo pang gamitin ang identifier mo at i-activate ang gauntlet interface nito. You really amazed me, I really do."

She was about to answer nang muli itong magsalita. "But what will you do? Dahil sa Lunar mo, nawala ang special capability ng Spear na hawak mo? Ordinaryong sibat na nalang yan na kaya kong sirain ng sandalian. Shall I cancel the 5 minute rule battle? Pagbibigyan kitang makalaban mo ko ng matagalan—"

"There's no need, Emmanuel. Nakakatawa lang na talaga palang you're underestimating me."

She saw rage on his eyes. "Mukhang kinalimutan mo kung sino ang nasa harapan mo ngayon."

And with that, she cut a bit of her nape wherein Lunar Tattoo chip lies. Slowy putting her blood on the Lux Cresent Spear and wait for a moment.

"Tatawagin ba 'kong Legendary Assassin ng gano'n gano'n lang, huh, Emmanuel? Do you really think I'm the weakest person has ever lived?"

Habang sinasabi niya ang mga iyon ay unti unting nagkaroon ng kakaiba sa spear. Kung kanina blue aura ang nakikita as a sign of Apollo's power... ngayon ay napapalibutan na ang patalim nito ng pulang awra.

This is what she made Xavier do a while ago. The formula chips have already mixed their blood, sa tagal na rin ng panahong nakatanim iyon sa kanila. At nadiskubre lamang niya iyon nung time kung saan pinagplanuhan nila ni Xavier ang pagkakasaksak sa kanya sa kwarto ni Leandros. Maybe totoong umaarte sila ng mga panahon iyon pero totoo ang pagkakapatay sa kanya ni Xavier. Noong una ay hindi pumayag ang binata noon ngunit sinigurado niyang mabubuhay pa siya after no'n, though wala talagang assurance na eepekto ang nadiskubre niyang iyon.

Inikot ikot niya ang sibat bago muling tumingin kay Emmanuel at nagwikang... "Tapusin na natin ito, Emmanuel. But let's play a role. You're the Gangster and I'm the Assassin. And we're our now on... the Final Battle."

"Papatayin kita!" sigaw ni Emmanuel and he also hovered his hand on the gree light at isang mahabang baril naman ang naging armas nito na may patalim rin sa dulo.

Nag-umpisa na ang limang minuto...

Sabay silang umatake sa isa't isa. Patakbo siyang lumalapit sa kalaban habang winawasiwas ang hawak na sibat dahil sa pinapaulanan siya ng bala ni Sy.

Pinagpatuloy niya ang pagsanggi sa lahat ng balang iyon hanggang sa isang metro na ang layo sa kalaban, ay tumalon siya paikot at inatake si Emmanuel ng patalim ng kanyang sibat.

Nasanggi iyon ni Sy sa pamamagitan ng hawak nitong baril na lubhang matibay.

Tinulak siya nito ng malakas at napatinuhod siya sa lupa. Mabilis siyang tumayo at umiwas nang parang armalite nitong ginamit ang sandata sa kanya.

Hanggang sa natamaan siya sa kanyang binti. She screamed in pain. Kahit na nahihirapan ay mabilis pa rin siyang umilag kay Emmanuel.

Damn it! This is getting beyond her limit. She needs to finish this instantly.

She positioned her spear and get a gripped on it. She concentrated her one last attacked and feel the presence of Lunar chip on her nape. Dumilat siya at mataman niyang tiningnan ang gauntlet kung saan nakakakabit kay Emmanuel. Umatake siyang muli rito and this time, puno ng lakas at doble ang bawat bira na itinatapon niya sa kalaban. And Emmanuel doesn't like the fact of losing. She can see it in his eyes.

May pinaplano siyang gawin nito at mukhang umayon iyon sa kanyang plano...

Tumalon siya ng mataas at malakas na inihampas kay Emmanuel ang hawak na sibat. Isinalag ng kalaban ang dalawang mahabang baril nito at mukhang natigilan saglit. Dahil naramdaman 'ata ni Sy ang lakas ng tirang binigay niya. But she used that little amount of time para ilihis ang spear blade papunta mismo sa Apollo. At nagawa nga niyang matanggal iyon sa gauntlet.

Umatras siya at kinuha ang bato kasama niya. Tiningnan ni Emmanuel ang gauntlet nito at matamang siyang tinignan. "Take my Apollo back!" bulyaw nito sa kanya.

"Ito ba?" sabay bato sa ere ng bato.

Nang ibato iyon ay ginamit niya ang Spear upang mawasak ito sa ere.

"Hindi!!!"

A sudden explosion happened after of what she did. Tumilamsik silang dalawa ni Emmanuel sa malayo sa lakas ng pagsabog ng Apollo.

Gumuhit sa kalangitan ang puting liwanag ng bato. Idinilat niya ang kanyang mata at doon nakita kung paano naglaho sa hangin ang Apollo. Walang iniwan na bakas miski isa.

Tumayo siya at mabilis na nilapitan si Emmanuel na nahihirapang tumayo.

"You've been greedy," una niyang utas na kinatingin sa kanya ni Emmanuel. Nakaluhod na ito sa lupa at hindi na talagang kayang tumayo.

"Naging gahaman ka sa mithiin mo at nakalimutang may isang tao ang nagmamahal sa'yo."

"Anong pinagsasasabi mo? Hindi ka pa ba masaya at nasira mo na ang Apollo?!"

"H'wag mo nang ipaintindi sa kanya ang bagay na kailanman hindi niya maiintindihan, Xyrene."

Kapwa sila napalingon nang biglang lumitaw si Cindy sa isang puno. May hawak na baril at galit na galit ang matang nakatingin sa amain.

"Cindy."

"Wow, is it true? You called me by my name. Matutuwa na ba ako, huh? Dad?!"

"I'm your, Dad, Cindy."

Umiling si Cindy. "No. Kailanman hindi ka naging ama sa'kin. Because if you really are, bakit mo kailangang patayin si Mommy?! Why do you need to kill the most important person to me aside from you?!"

Tila nagulat ang pagkatao ni Emmanuel sa sinabi ng kanyang anak.

"Bakit mo kinakailangang ibaon sa utak ko ang isang sisi na ang totoo ay ikaw naman ang gumawa? Bakit?!"

"I just did that because your, Mom, betrayed me. Mas pinili niyang kalabanin ako."

"Mas importante sa'yo yun kesa sa buhay niya? Mahal ka ni Mom and—"

"But I didn't loved her back! I'd never been inlove with her. Parausan ko lamang siya noon hanggang sa nabuo ka."

Kitang kita niya ang hinanakit at galit sa mukha ni Cindy. At maging siya nanggigigil sa sinabi nitong gagong 'to.

"Wala kang puso!" utas ni Cindy bago tinutok ang hawak nitong baril sa ulo ni Emmanuel ngunit mabilis lamang na nahablot iyon ni Emmanuel at binaril ang sarili nitong anak.

Nanlaki ang kanyang mata sa ginawa nito sa sariling anak. Paano niya nagawa iyon sa sarili nitong kadugo? Sa sarili nitong anak?!

"I'll succumb you to death," mahina ngunit may halong galit na saad niya sa walang pusong ito.

"Really? You don't have guns at malayo sayo ang Spear mo. Paano mo magagawa iyon?"

Gigil na gigil na siya nang tinutok sa kanyang mukhang ang hawak nitong baril. Magsisisi ka, Emmanuel, tandaan mo 'to.

Time is up...

Saad ng gauntlet nila. Siya'y napangisi dahil roon.

"Hindi mo 'ko mapapatay." Mahina niyang saad na naging dahilan upang kalabitin ni Emmanuel ang gatilyo.

Ngunit imbes na tamaan siya ay biglang tumalsik palayo si Emmanuel sa kanya.

"Mukhang nakalimutan mong may force field barrier ang gauntlet. Kapag natapos ang five minute rule na walang napapatay ay hindi pupwedeng patayin ng isa't isa sa loob ng 24hrs. How sad..."

Kinuha niya ang baril sa tabi ni Emmanuel.

"What will you do? Hindi mo nga ko mapapatay diba?"

"Hindi nga, but I will let you kill yourself."

Itinutok niya ang baril sa mukha nito at nagwika... "This is endpoint, your Life's last station."

"Nababaliw ka na. Hindi mo nga 'ko mapapatay gaya ng sabi mo kanina—"

"Life's last station. I'm not pertaining to your own life, Emmanuel."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nilapitan niya ang wala pa ring malay na si Selena. Hinawakan niya ang ulo nito at itinapat ang dulo ng baril sa sentido nito. Gulat na gulat naman ang mukha ni Emmanuel sa ginawa niya.

"Xyrene!" hindi na niya inabala pa ang sariling tingnan ang mga kasamahan niyang nakaligtas.

"What are you planning to do with my sister, Sweetie?" tarantang tanong ni Xavier sa kanya habang hawak si Selena.

Hindi niya iyon sinagot bagkus ay mataman pa rin siyang tumingin kay Emmanuel.

"Mamili ka, Emmanuel, ang buhay ng babaeng minahal mo noon na hanggang ngayon ay mahal mo? O ang tatapusin mo ang sarili mong buhay sa harapan namin ngayon?"

"Hindi mo siya mapapatay, Xyrene."

"Talaga?" she put the gun inside Selena's mouth. "Try me, Emmanuel. Try me."

Ramdam niya ang pagkalito sa isipan ngayon ni Emmanuel. Sige nga, Emmanuel. Ipakita mo sa kanila kung hanggang saan ang pagmamahal mo kay Selena. Sa ex-wife mo.

Gumalaw si Emmanuel at may pinindot sa Gauntlet. Nakatingin ito sa mukha ni Selena bago siya nitong tingnan sa mata.

"That's enough. I'll do it."

Tinanggal niya ang baril sa bunganga ni Selena at matamang tiningnan si Emmanuel. He's serious. Sa mga oras na ito, biglang naglaho ang masamang Sy sa harapan nila at parang maamong pusa na lang kung tumingin kay Selena.

"Leave this place, now." Utos nito sa kanila bago pinakita ang self-destruct sequence ng suot nitong gauntlet.

.

.

.
Damn it, pasasabugin ni Emmanuel ang sarili kasama ang buong isla!

* * *

Last Note: Kaya basahin!

I'll post the Epilogue tomorrow or in Saturday. Basta alin man sa dalawang iyan. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action