Chapter 44: The Scheduler's Plan

Akihiro Ichiyama

NAKATAYO  SIYA NGAYON  sa isang napakalaking mansyon na kung saan alam niyang ito na lamang ang makakatulong sa kanya sa ngayon.

Pinindot niya ang doorbell. Ilang sandali lamang ay may nagsalitang tao sa isang maliit na voice speaker na katabi lamang halos ng door bell.

"Ichiyama Residence, sino sila?"

He clenched his fist and he don't know why. Sinubukan niyang magsalita ngunit naumid siya nang maalala ang nangyari sa kanyang ama.

He is the only son of Leandros Buenavides. A business tycoon in Europe. Half-Japanese, and half-Filipino. Her mother is a japanese and so his dad.

In just a snap of a hand, lahat ng mayroon siya ay nawala ng isang iglap lang kanina. Lahat ng masasayang alaala niya kasama ang pamilya ay napalitan ng masamang kapalaran.

Gusto niyang maghiganti. Gusto niyang ipaghiganti ang nangyari sa pamilya niya. Sa pamilyang sinira lang ng mga armadong lalaking iyon. Nang dahil lang sa mag-asawang iyon.

Napakurap siya nang biglang tumunog ang alarm system ng gate na kinatatayuan niyang iyon.

"Leave this place, intruder."

Napaatras siya nang walang anu-ano'y mahigit sa dalawampung laser ang dumapo sa kanyang katawan. Mga handa nang barilin siya anumang oras. Hindi pa rin siya makapagsalita. Tila nawalan siya ng kakayahang sabihin ang gusto niyang sabihin. Para siyang na-trauma. Sa lahat ng nangyari ngayong gabi.

"Itigil niyo 'yan," takot na takot siyang napatingin sa lalaking nakatayo sa loob ng gate habang nakataas ang kaliwang braso nito sa gilid.

"Ikaw ba 'yan... Akihiro?"

Hindi na niya nasagot pa ang tanong ng lalaking iyon nang maramdaman na lamang niyang hinimatay siya sa kanyang kinatatayuan...

Nagising siya sa matinding sikat ng araw na nagmumula sa bintanang malapit sa kanya. Sinapo niya ang kanyang noo sa epekto pa rin ng antok sa kanyang sistema.

"Young Master, hinihintay na po kayo ni Master Ichiyama sa hapagkainan." Napatingin siya sa isang katulong nakayuko sa kanya.

Tumayo siya at mabilis na nagtungo sa kanyang palikuran. Matapos makapaghilamos ay napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin at pinagmasdang mabuti ang kanyang pagbabago sa kanyang sarili.

Mula sa batang ulila noong gabing iyon... ay isa na siyang heredero ngayon. Binata na siya ngayon at may angking kagwapuhang taglay na maipagmamalaki. Bukod sa singkit niyang mata na nakuha sa ina ay halos kabuuan ng kanyang mukha ay kapareho sa hugis at anyo ng kanyang ama.

Dinaluhan niya ngayon ang tinuring niyang ama-amahan. Ang kapatid ng kanyang ina... si Ryu Ichiyama. Ibinigay sa kanya ng mag-asawang Ichiyama ang apelyido nila— ang apelyido ng kanyang ina sa kanya. At tinuring na parang tunay nilang anak.

"Ama, magandang umaga." Umupo siya sa kanyang silya at nagsimulang kumuha ng pagkain sa hapag.

"How is she?" tanong ng kanyang ama sa kanya na s'yang nagpatigil sa kanya.

"She's going home soon, Dad."

"Talagang desidido ka nang protektahan siya, hindi ba?"

Nailapag niya ang hawak na kubyertos at hinarap ang kanyang ama. "Kailangan ko siyang protektahan laban sa mga pumatay sa mga tunay kong magulang. Hindi ko nga inaakalang makikita ko pa ang sanggol na hawak ni Daddy noon and now... grown up like a beautiful lady."

He gripped his fist nang maalala niya kung paano niyang nalaman kung sino ang may pakana ng ambush sa kanilang tahanan noon.

Ginawa niya noon ang lahat upang maging malakas. Bago sinumulan ang pagsisiyasat sa tunay na nangyari sa kanyang mga magulang. Nagising na lamang siya bigla na dapat hindi muna niya binibintang ang lahat sa isang tao lamang. He's a matured man now, at dapat matured na rin siyang mag-isip. Hanggang sa isang araw ay nalaman na lamang niya ang tungkol kay Frontier. Kung paano ito nakilala ng kanyang amang si Leandros at kung paano sangkot ang dalawa sa isang nagngangalang, Emmanuel Sy.

"Afterall, I made a promise to her... na ako mismo ang magiging tagabantay ng kanyang anak. Nung time bago sila bawian noon ng buhay. Kung paano nila ako nagawang iligtas."

His father smiled at him...

Tama, he made a promise kaya gagawin niya ang nararapat. Alam niyang makakatulong ang babaeng iyon upang makapaghiganti siya kay Emmanuel at sisiguraduhin niyang mamamatay ang gagong lalaking iyon.

"I'll do everything just to protect her... the daughter of Frontier— Xyrene."

"HINDI pa rin talaga ako makapaniwalang ikaw ang batang iyon, 'tol." Usal ni Andrei sa kanya matapos ikwento ang nangyari sa kanya matapos ang insidenteng iyon.

Napatingin siya kay Xyrene. "How did you know that, Xy? Isa iyon sa mga lihim na iniingatan kong mabunyag. Lalo na sa'yo."

Nginisian siya ng dalaga. Like she usually doing, "I'm Dark Scheduler, Dark Raven. Do you still have a doubt how did I do that?"

Napangiti na lamang siya rito. Oo nga naman, bakit nga ba niya tinatanong pa kung lahat ng bagay ay alam na nito kahit 'di mo sabihin sa kanya?

"Anong ginagawa naman niyan rito at bakit tila para siyang pulubi, Xyrene?" tanong ni Eliza nang mapatingin ito sa dating driver ng kanilang pamilya.

Imbes na si Xyrene ang sumagot ay ang babaeng hindi nila inaasahang kasama ng kanilang lider— si Cindy.

"Siya si Rogelio Santos ang dating driver ng mga Buenavides."

"Hindi ko tinatanong kung sino siya. Bobo din." Utas ni Eliza kay Cindy sabay irap. Inirapan rin siya ng dalaga. "At saka bakit mo naman siya kasama rito, Xy?! Karibal mo kaya 'yan kay Xavier!"

"Kailangan bang 'yan ang pag-usapan ngayon?" 'di makapaniwalang tanong ni Andrei kay Eliza.

"But of course! I hate her to death!"

"The feeling is mutual, bitch."

"What the—"

"Enough!" si Xyrene na mismo ang nagpatigil sa kanila. "She's with me because Cindy wants her dad, dead."

Kumunot ang mga noo nila sa binigay na dahilan ni Xyrene kanila.

Want her dad, dead? 'Di ba nito alam kung paano kahirap na mawalan ng ama. His idea made him fist clenched.

"You don't know how it feels like of not having a dad, Cindy." Panenermon niya rito na nagpatagis ng panga ng dalaga.

"And you don't know anything about what he did to my mom so shut the hell up! Hindi ako narito just to help your group sa kung anong plano mayroon kayo. The most important thing to me now is to get even with my dad. He killed my mom so I'll do the same... I'll kill him."

"But it doesn't mean na dapat mong maghiganti at patayin siya." Tugon ni Eliza.

"Afterall he's your dad." Dugtong ni Andrei.

Kitang kita niya ang pagpipigil ng dalaga na mag-outburst ng galit sa harapan. And Cindy managed it perfectly. But she stared at them blankly and said...

"H'wag niyo 'kong turuan sa salitang paghihiganti kung iyan din naman mismo ang pakay ninyo rito. Ang maghiganti sa kanya at mapatay hindi ba?"

Doon na sila natigilan at tila natamaan sa sinabi nito. Yeah, she's right. Hindi dapat siyang turuan sa isang mali kung ang nagtuturo rin mismo ay ginagawa rin iyon.

Naagaw ang atensyon nila nang pumalakpak ng tatlong beses si Xyrene. Senyales na sila'y makinig.

"Enough with these dramas. Whether what kind of reason does a person needs to get even, all of you will never change the fact that you're now helping other people to stop his nonsense game. To stop people get involve in his nonsensical activities that makes them stupid of believing on his alluring beneficial promises."

Napabuntunghininga siya sa naging turan ni Xyrene sa kanila. Tama ito na kahit saang anggulo mong tingnan ang ginagawa nilang paghihiganti... hindi mo maikakatwang gusto rin nilang matigil ito at wala nang madamay na inosente sa susunod.

"Rogelio Santos," napatingin muli sila kay Xyrene nang tawagin nito ang bihag na hawak ni Cindy.

"Sagutin mo 'ko ng oo o hindi lang, Mr. Santos." Tumango ang ginoo dahilan upang ipagpatuloy ni Xyrene ang pagsasalita. "Nawalan nga ba kayo sa sarili niyong katinuan gaya ng kinuwento ni Emmanuel?"

"Hindi," sagot ni Rogelio.

"Then bakit niya pinalabas na nabaliw kayo sa nangyari sa pamilya ni Akihiro noon?"

Nagitla siya nang bumaling ang tingin ng ginoo sa kanya at may kinuha sa sira-sirang pantalon.

"Hindi ko rin alam ang sagot, kung sino ka mang nagtatanong sa akin ngayon. Magkagayunpaman, nagpapasalamat ako at iniligtas niyo 'ko sa kulungang kong iyon."

Natigilan siya nang binuksan ni Rogelio ang kamay nito at pinakita sa kanila ang dinukot nito sa pantalon.

Iyon ang kwintas ng kanyang ama. Ito 'yung nakita niya noong kinuha ng lalaki sa leeg ng kanyang ama bago ito tumakas sa kanilang tahanan.

"Kay Dad 'yan," mahina niyang usal.

Tumayo ang matanda na inakay naman ni Cindy. Naglakad ito palapit sa kanya saka inabot ang hawak hawak nitong kwintas.

"Kinuha ko muli 'yan kay Emmanuel matapos niyang makuha iyan sa'kin. Kinuha ko iyan sa ama mo dahil sinabi niya sa akin noon na importante raw iyon sa kanya at ipapamana sa'yo. And I think this is the right time to return it to it's rightful owner."

Nanginginig ang kanyang kamay habang inaabot niya ang kwintas na iyon. Nang maiabot ay mabilis niyang binuksan iyon. Hugis dragon kasi iyon at may bukasan. Nang mabuksan ay doon niya nakita ang litrato ng kanyang ama at ina. Sa loob ring iyon ay may maliit na plastic at nakalagay roon ang tatlong hibla ng buhok.

"Kwento sakin noon ng ama mo na buhok ninyong tatlo raw ng iyong Ina 'yan. May nagkuwento raw kasi sa kanya na kapag pinagsama ang hibla ng mga mahal mo sa buhay ay habangbuhay raw kayo magkakasama," there's a lump on his throat na hindi niya mawari kung maiiyak o hindi. "Naniniwala ang ama mo sa eternity, Sir. Mahirap mang paniwalaan iyan ngayon pero 'yan ang totoo. He really loves your family."

"Teka... 'di ba 'yan yung hibla ng buhok na sinasabi nina Emmanuel na hibla raw ng buhok ng anak ni Frontier?" bulalas ni Andrei na kinatingin nila rito.

"Emmanuel deceived us. Alam niyang hindi tayo basta basta maniniwala na kilala nila ang anak ni Frontier kaya kinuha iyan ni Emmanuel sa'yo, Rogelio. In order for him to execute his plan perfectly, kailangan niya ng mga patunay. Kaya kahit hindi totoo ay ginamit pa rin niya iyan para maniwala tayo." Tugon ni Xyrene sa naging tanong ni Andrei kanina.

"So, kung hindi sa atin sinabi ni Mr. Santos ang totoo ay aakalain nating 'yan ang hibla ng buhok ni Xavier?" pagbibigay linaw ni Andrei.

Nginisian ni Xyrene si Andrei at maging siya, habang kita naman sa mukha ni Cindy ang pagkalito.

"Teka, sa'n niyo naman nakuha ang balitang si Xenon ang anak ni Frontier?" tanong nito at tumingin kay Xyrene. "Hindi mo sinabing ikaw ang tunay na anak?"

Nalaglag ang panga nina Eliza at Andrei habang nakatingin kay Xyrene.

"I-Ikaw?! P-Pero... p-paanong...?"

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nalaman.

"P-Paanong naging ikaw...?"

Muli siyang tiningnan ni Xyrene, na siyang kinatingin rin sa kanya ng dalawa pa.

Nginisian niya sina Eliza at Andrei hanggang sa makuha nito ang gustong niyang iparating.

"Pati ikaw?! Alam mo?!" bulalas ni Eliza sa kanya ngunit nagkibit balikat lamang siya.

Kaya nga niya pinoprotektahan si Xyrene hindi ba? Dahil nangako siya kay Frontier na gagawin niya ang pagbabantay sa anak nito. But of course, alam na niyang ito ang anak ni Frontier.

"I need to act as if I don't know the whole truth, Eliza and Andrei. From the very start, mula nang makilala ko si Xyrene ng personal at makilala namin kayong dalawa ay alam ko nang anak siya ni Frontier."

"Bakit hindi niyo man lang sinabi sa amin?" tanong ni Andrei na may himig ng pagtatampo at tila naloko.

"Andrei," utas ni Xyrene. "You don't know how much I want to tell it to the both of you about my real identity. Gustong gusto ko nang sabihin dahil isa kayo sa mga lubos kong pinagkakatiwalaan. But there were things that I need to considered. Masyadong delikado para sa inyong dalawa once na malaman niyo ang katotohanan. I am not underestimating your capabilities to defend but I just need to protect the both you. At magagawa ko kayong protektahan kung wala kayong alam tungkol sa katotohanan. I'm really really sorry."

Kapwa nabalot sa katahimikan ang kanilang paligid matapos magsalita ni Xyrene. Ngunit si Eliza na rin mismo ang bumasag sa katahimikang iyon.

"I understand, Xy. I really do. Pero hindi ito ang oras para magdramahan tayo right?"

"Yeah, naintindihan namin. Sincere ako." dugtong ni Andrei.

"Thank you." Xyrene mouthed.

"But as I've said, mamaya na dramahan." Tiningnan siya ni Eliza at tiningnan niya rin si Xyrene.

"What is the Scheduler's Plan?"

* * *

Xyrene Coltrane

"ALAM KO 'YANG iniisip mo," napalingon siya kay Akihiro sa tinuran nito sa kanya. Nakatulala lang kasi siya habang busy sina Cindy, Andrei at Eliza sa pakikipaglaban sa mga alagad ni Emmanuel. Patungo na kasi sila ngayon sa laboratoryo kung saan kailangan nilang makuhang muli si Xavier.

"Paano mo nasabi?" tanong niya rito.

"Masyado ka kasing tulala," naputol ang sasabihin nito dahil kinasa ng binata ang hawak na baril at ipinutok sa isang kalabang babarilin siya. "Alam kong nag-aalala ka na sa kanya."

Bumuntung-hininga siya ng malalim. Tama ang sinabi nito sa kanya. Iniisip niya ngayon si Xavier. Nag-aalala siya sa nangyayari sa binata.

"H'wag mo siyang alalahanin, Xyrene. He's the God of Death at hindi 'yon basta basta mamamatay. So get a grip, and take a shot."

Marahil tama ito. Alam niyang kakayanin ni Xavier ang lahat. Nginisian niya si Akihiro at kapagkuwa'y kinasa na rin ang hawak na baril at nakipagsabayan sa tatlo.

Nasa bukana na halos silang lahat nang bigla nilang mapansing dumami ang kalaban.

"Xyrene! Mauna ka nang pumasok! Kami nang bahala rito!" sigaw sa kanya ni Andrei.

Tiningnan niya sina Akihiro, Eliza at Cindy. Tumango ang dalawa samantalang isang warning naman ang ginawad sa kanya ni Cindy.

"Just fuckin' remember that I will kill him and not you, bitch!"

Hindi na nito nakita ang kanyang pagngisi bilang sagot sa sinabi ni Cindy. Mabilis na siyang kumilos at nagpunta sa lugar na kailangan niyang puntahan.

Hinarangan siya ng dalawang naglalakihang guard ng mismong laboratoryo. Ngunit hindi siya nagpatinag sa mga ito. Akmang susugurin na siya ng isa sa dalawa nang makipagsabayan siya ng atake rito.

Sumuntok ito na inilagan niya pakaliwa. Mabilis niyang sinipa ang mukha nito nang maisip na mabagal pala ito kumilos kaysa sa kanya. Pagkasipa ay sinundan naman niya ito ng isa pang sipa sa baba dahilan upang tuluyan na itong mawalan ng malay.

Nginisian naman niya ang ikalawang gwardya. Akmang may kakausapin na ito sa hawak na walkie-talkie nang ibato niya ang hawak na baril patungo sa mukha nito. Sapul ito at nagdugo ang ilong at bunganga.

Tumakbo siya rito at nang malapit na ay tumalon siya nang sobrang taas. Habang nasa ere ay mabilis naman niyang kinuha ang isang swiss knife na nakakabit sa may hita niya at itinarak iyon sa mismong mukha ng gwardya.

Nagkalat sa damit niya at maging sa kamay ang dugong natamo niya rito.

Walang anu-ano'y kinuha niyang muli ang baril na ibinato at binuksan ang tarangkahan na magdadala sa kanya sa mismong laboratoryo.

Pagkabukas ng pintuan ay narinig niya ang demonyong tawa ni Emmanuel. Napangisi siya nang mapagtantong kinukwento na pala ang buong istorya nito tungkol sa kwento ng anak ni Frontier. Which is apparently her.

Hinintay niyang matapos ito bago nagsalita.

"Masyado ka 'atang masaya ngayon, Emmanuel? Care to have a party?"

Halos lahat ng pares ng mata na nasa loob  ng higanting laboratoryo ay nasa kanya na ngayon.

They all seemed so shocked when they saw her. She smirked when a realization popped out. Who would have thought nga naman na muli siyang nasa harapan nila... humihinga, nakatayo, may hawak na baril at... buhay na buhay?

"I think it is not too late for me to say... surprise guys! I'm alive! Isn't it amazing?"

Hindi na muling nawala sa kanyang labi ang ngisi lalo na nang makita niya si Emmanuel na nakanganga at tila hindi makapaniwalang nandirito siya ngayon... buhay na buhay.

"P-Paano kang n-nabuhay?" utal na tanong ni Sy sa kanya.

Napahikab siya bago sinagot ang tanong nito. "Hay nako, 'yung isa kasi d'yan hindi man lang sumagi sa utak niya na ang ginamit sa'kin para mapatay ay galing mismo sa Apollo. Ako lang ba o sadyang tanga lang ang taong iyon para makalimutang nasa akin mismo ang Lunar Tattoo? Ang bobo naman. Tanga na nga, bobo pa. Nakakaawa."

She saw Emmanuel gritting his teeth with rage.

That's it, Emmanuel. Show us what you've got!

"Hindi kita mapapatawad, Scheduler. Mula sa umpisa ng laro ko, ay ginagago mo na ang lahat ng plano ko!"

This is her cue.

"Na-uh-uh... hindi lang sa laro mo ako nagsimula, Emmanuel. From the very beginning, ako ang nagsimula ng laro. So, mas magandang sabihing... you're just a piece of pawn in my chess game. And your a pawn since two years ago."

Bakas na bakas sa mukha nito ang pagtataka nang sambitin niya ang mga iyon.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinaasan niya lamang ito ng kilay habang nakangiting aso sa kanya. Muli tuloy nagbalik ang usapan nila kanina ng Black Death sa kanyang isipan... at bilang sa katanungan nito.

"What is the Scheduler's Plan, Xyrene?" tanong sa kanya ni Eliza. Napabuntung-hininga na lamang siya at napatingin kay Akihiro. Tinanguhan lamang siya ng binata na nagsasabing sabihin na sa kanila ang mismo at konkretong plano na binuo niya bago pa siya muling bumalik ng Pilipinas noon.

"Yes, it is true na ako ang anak ni Frontier. When I was a child in America. My mother— Ariesa Gustave told me something about Frontier. That time I never knew na tunay ko palang magulang sina Leonna and Thomas noon. O mas magandang sabihing... sina Genevieve at Howard Coltrane na ngayon..."

Hilatsa sa mukha nina Andrei at Eliza ang gulat nang sinabi niya iyon.

"R-Really? Sina T-Tita at T-Tito sina..." nauutal na turan ni Eliza.

"Frontier at Thomas noon?" pagbibigay karugtong ni Andrei.

Tinanguhan niya ang mga ito bago muling nagpatuloy. "Yes, they're my real parents. At sinabi sa'kin lahat ng iyon ng mga kinilala kong magulang bago sila aksidenteng napatay— No, it is not an accident. Pinatay mismo sila ni Emmanuel Sy. Nang nasa puder na 'ko ng mga tunay kong magulang, pinaliwanag nila sa akin lahat ng katotohanan. Mula sa Apollo, na siyang naging punut-dulo hanggang sa pagkakapunta ko sa mga Gustave. Lahat ng iyon ipinaliwanag when I was still seven years old."

"Well, no doubt about it, Xyrene. You're like a genius kaya hindi nakakapagtakang isa kang prodigy ng bata." Singit ni Andrei sa kanila.

Nginitian niya ito for appreciation.

"Itinuro nila lahat lahat sa'kin ang kailangan kong malaman magmula no'n. They told me that I need to prepare myself for a big battle. Which is good dahil gusto ko rin noon na ako na mismo ang maghiganti para sa mga Gustave. Nang magdalaga ako, nakilala ko sa isang social site si Xavier Villareal. Nakilala ko siya because my mom— Frontier told me something about the biological son of Ariesa Gustave. Anak sa labas ng kinilala kong ina kay Howie Villareal..."

"What?! Anak sa labas si Xavier? At anak ni Ariesa Gustave kay Villareal?" gulantang na bulalas ni Eliza.

"Inulit mo lang yung sinabi niya, Eliza." Ani ni Andrei.

"At that time, nakaramdam ako no'n ng galit towards Howie. Dahil kung hindi dahil sa ginawa niya sa kinilala kong ina ay hindi magiging bastardo ang anak ni Mommy Ariesa. Dinala ko ang galit na 'yon para may mapanghugutan ako ng lakas para ipagpatuloy ang plano namin nina Mommy Leonna. Kaya naman, nag-decide akong kausapin si Xavier sa website na iyon. Nung una ang plano 'ko, gamitin lang siya upang mapalabas ko sa lungga niya si Emmanuel ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na nahuhulog na pala ako sa lalaking iyon..."

"So siya pala yung boyfriend mo na ayaw mong ipakilala sa amin noon?" pagbibigay linaw ni Eliza na s'ya niyang tinanguhan.

"Pero isang araw, napag-alamanan ni Mommy o ni Tita Genevieve na minamatyagan pala ako mismo ni Emmanuel sa mga tauhan nito. Kung kaya't hindi ko na raw kailangang makipag-usap pa kay Xavier. But I insist because a plan popped out on my mind. Sabi ko sa kanya, uuwi ako ng Pilipinas at ako mismo ang haharap kay Emmanuel. She declined my plan. Pero hindi ako sumuko noon. I told her na kapag umuwi ako, mas mapapalapit kami kay Emmanuel dahil nakakasiguro akong magpaplano na iyong patayin ako sa oras na makatapak ako ng Pilipinas..."

"Then, what happened? Pinayagan ka?"

Tumango siya at ngumisi. "Oo naman. Pinayagan niya 'ko lalo na nung sinabi kong magkakaroon ng celebration sa Mansyon ng mga Villareal. I told her na kapag sa oras na pumunta ako roon ay nakakasiguro akong pupunta ang alagad ni Emmanuel at papatayin ako... pero mahihirapan siya..."

"Mahihirapan? Paano?" tanong ni Eliza.

"Dahil kasama ko sa oras na 'yon si Xavier. Papatayin ba 'ko ni Emmanuel kung hindi niya alam na Lunar Tattoo na ang nasa akin at na kay Xavier ang kailangan niyang Solar?"

"I get it," Usal ni Cindy sa isang tabi. "Ginamit mong pananggalang si Xavier para hindi ka mapatay ni Emmanuel, gano'n ba? Because that time, Xavier is his key to success."

"Exactly," pangungumpirma niya. "Ngunit sa kabila no'n ay sadyang hindi pa rin ako nakaligtas at muntikan nang mamatay. Kung kaya't umuwi na sina Tita Genevieve rito sa Pilipinas. At nong ng mga oras ring iyon ay nasa ospital ako at nagpagagaling."

"Oo, 'yun 'yung time na paggising mo iba ka na. Ibang iba. Dahil naging cold ka at lumakas. At mas naging popular simula nung si Dark Scheduler ka at nagka-amnesia." Turan ni Eliza.

Nginisian niya si Eliza at napatingin kay Akihiro.

"Eliza, hindi talaga ako nagka-amnesia noon."

Gulat na gulat si Eliza nang isambulat niya ang mismong katotohanang bukod pa na siya ang anak ni Frontier.

"What?!"

"Oo, hindi kailanman nawala ang alaala ko."

"Ibig mong sabihing... umaarte ka lang noon?"

Tumango siya at nagsalita. "That's the Scheduler's Plan, Eliza. The whole plan is to act like a pro-actress from the start until to the very end."

"Naguguluhan pa rin ako." Reklamo nina Andrei at Eliza.

"Para mas madali niyong maintindihan," utas ni Akihiro sa kanila. "Still remember the names of our target before the GVA Battle 2012 had started?"

Tumango ang dalawa at inisa isa ni Eliza. "Oo, sina John Acosta; Gilbert Villareal; Leon Lazatin; and Jason Heralde."

"Silang lahat, iisa lang ang nag-utos na sila'y patayin. And no other than, Emmanuel." Utas ni Akihiro. Dinugtungan na agad niya ito.

"Nung malaman ni Emmanuel na buhay pa 'ko pinabantayan pa rin niya ako sa mga tauhan niya. Lahat ng pinatay natin bago nagsimula ang GVA ay mismong mga taong kinakausap ni Tita Genevieve bilang alyansa natin. Ngunit dahil madaling makaramdam si Sy ay pinapapatay niya agad ang mga traydor sa organisasyon nila."

"So, you mean, may purpose pa rin siya till now?"

"Yes, nung time na hindi pa niya 'ko napatay ay sinunggab niya kaagad ang ideyang buhayin muli ang GVA Battle. At iyon mismo ang hinihintay namin ni Tita Genevieve— I mean ni Mom."

"Ang muli niyang buhayin ang GVA?"

"Oo, because the rest of the plan ay dito na magaganap. Sa mismong isla na 'to. Sa lugar kung saan hindi niya hahayaang mapatay si Xavier. Sa lugar kung saan mapapadali ang pagsira ko sa Apollo nang tuluyan."

Sandaling nanahimik sila matapos niyang magsalita. Tila inaabsorb pa ng kanilang utak ang pagsisiwalat niya sa buong plano na ginawa nila ni Frontier upang mapalapit sa Apollo.

"Teka, Xyrene. Kung sinasabi mong hindi ka talaga nagka-amnesia... bakit mo sinabi noon na nagbalik na ang alaala mo at inamin mong ikaw si Lady Apocalypse?" tanong ni Xyrene.

"Dahil nga kailangan kong umarte ng mga panahong iyon. Kailangan mapanatili ko ang pag-arte ko na nagka-amnesia ako para hindi makahalata si Emmanuel sa plano ko sa bato."

Muli silang nanahimik. Ngunit nagsalita na agad siya as the finality.

"Kung naproseso na ng husto ng utak niyo lahat ng siniwalat ko then I think we need to move."

NAKIKITA niyang nagtatagis ang bagang ni Emmanuel nang sabihin niya ang katotohanan rito.

"Hindi ko hahayaang masira mo ang pinagkakaingat-ingatan ko."

Nang mga oras na iyon ay katabi na niya sina Eliza, Andrei at Akihiro. Napansin niyang hindi kasama sa tabi niya si Cindy ngunit napaisip siya na baka may plano ito.

"Talaga? Kaya mo?" napatingin silang lahat sa ikalawang palapag ng isang balkonahe nang magsalita ang inaasahan niyang magdudugtong sa kanyang litanya.

"Frontier..." mahinang usal ni Emmanuel.

Nginisian ni Frontier si Emmanuel. Nakatukod ang isang paa nito sa harap habang ginagawa nitong saklay ang katana na hawak. Doon nilang napagtantong patay na ang lahat ng tao na nasa lugar nina Frontier. Pinatay na ng mag-asawa na ngayo'y parehas nang nakatingin kay Emmanuel.

"Hindi ko inaakalang buhay ka pa rin hanggang ngayon..." utas ni Emmanuel na s'yang kinangisi ng kanyang ina.

"Well what do you expect?" tanong nito habang inaalis ng mag-asawa ang suot na disguise jelly mask na matagal nang suot ng dalawa. Ito ang dahilan kung bakit ibang iba ang itsura ng mga ito kanina at talagang hindi makikilala ng ninuman. "Alam mo namang para akong pusa, maraming buhay 'di ba?"

Nilingon siya ni Emmanuel at kapagkuwa'y kay Frontier naman. Ramdam niyang naglalalangitngit na ang galit nito para sa kanila.

"Pinagkaisahan niyo 'ko..."

"At sa iisang dahilan lang kung bakit ka namin pinagkaisahan, Emmanuel." Tiningnan s'ya ni Sy nang mag-utas siya. Nagawi ang kanyang tingin sa Apollo at muling ngumiti nang pagkatamis-tamis kay Emmanuel. "Ang tuluyan nang sirain ang batong pinakainaasam-asam mo."

Nakita niyang napayuko ito. Napakunot noo siya sa inasal nito. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito ngayon. Ngunit hinanda niya kaagad ang sarili sa kung anumang atake ang gagawin ng kalaban.

Ngunit nagitla s'ya nang dahan-dahang umaalog ang balikat nito. Tila para itong tumatawa. Mas nakompirma niyang tumatawa ito nang mas lalong lumakas iyon at nagiging tawa ng isang demonyo.

"Pinapatawa niyo 'ko alam niyo ba 'yun?" utas nito habang ang lapad ng ngiti.

Blangko lamang ang kanyang mukha habang tinitiningnan si Emmanuel at nakikinig sa susunod nitong sasabihin. Mukhang may counter-attack ito sa gagawin niya sa bato. Mukhang may Plan B ito matapos nilang sirain ang una nitong plano.

"Mukhang nakakalimutan niyong purely activated na ang bato gawa ni Xavier Villareal. Kaya paano mo masisira ang batong gayong hindi na gagana ang Lunar mo?"

Napatingin siya kay Xavier habang akay akay ito ni Selena. Hinang hina ito habang patuloy pa ring nagliliwanag ang Solar Tattoo na nasa leeg nito.

She gritted her teeth when she finally realized na inuubos na ng Apollo ang lakas ni Xavier. At kapag hindi pa niya napatigil iyon ay maaaring ikamatay pa iyon ng binata.

Naalarma siya nang biglang may kinuhang kung ano mang bracelet sa kanyang suot na formal suit si Emmanuel. Nakangisi itong nakatingin sa kanya. Doon niya napagtantong Enemy Identifier ito.

Sinuot ni Emmanuel ang Identifier at gaya ng inaasahan ay nag-activate ng kusa ang Transformation Sequence nito. Binalot ng Identifier ang buong braso ni Sy at naging isang makapal na Gauntlet.

He hovered his hand over the green light of gauntlet at sa isang iglap isang malakas na force field ang nagpatalsik sa kanilang lahat.

Dahan dahan siyang tumayo at pinagmasdan ang nangyayari kay Emmanuel. Nababalutan ng kakaibang awra ang suot nitong gauntlet at tila kinokontrol no'n ang kapangyarihan ng Apollo.

Itinapat sa kanya ni Emmanuel ang kamay nito at ngumiti. "Farewell, Scheduler."

Nagtagis na ng husto ang kanyang bagang sa gagawin ni Emmanuel sa kanya. Siya ang puntirya nito ngayon. Mabilis siyang umilag nang nagpakawala na ng atake si Emmanuel. Ngunit hindi pa rin niya naiwasan ang sobrang lakas nito kung kaya't tumilamsik siya ng sobrang layo at lumapat ang kanyang likod sa isang pader.

Nanuot ang dugo sa kanyang bibig. Tanda ng lakas ng kalaban. Tiningnan niyang muli si Emmanuel at nakitang ilang metro ang layo niya rito. Sobrang layo pala ng kanyang pagkakatilamsik.

Pinunasan niya ang kanyang dugo sa labi at kinuyom ang sariling kamao. Tumalon siya ng mataas nang muling umatake si Emmanuel. Nagpatuloy ang kanyang pag-iwas hanggang sa mapunta siya sa kinalulugaran nina Selena at Xavier.

Nginisian niya si Emmanuel nang mapansing hindi na muli ito umatake sa kanya. Gaya ng inaasahan, hindi nito hahayaang mapatay ang may hawak ng Solar Tattoo. Ngunit iyon ang kanyang naging akala.

Si Emmanuel naman ngayon ang ngumisi sa kanya. May pinindot muli ito sa Gauntlet at hinintay ang magiging epekto no'n.

"Xavier!" napalingon siya kay Selena nang sumigaw ito. Ngunit isang malakas na suntok sa kanyang panga ang inabutan niya sa kanyang paglingon.

Damn it! Ang sakit!

Napahawak siya sa kanyang panga habang tinitingnan kung anong mayroon kay Xavier at sinapak siya ng ganoon.

Only to find out na mukhang wala ito sa sarili ngayon. Sobrang dilim ng mata at tila wala sa sariling katinuan. Muli siyang napatingin kay Emmanuel na kasalukuyan pa ring nakangisi at doon niya nakompirmang ito ang kumukontrol ngayon sa binata.

"What's the problem? Dapat inasahan mo nang makokontrol ko siya sa pamamagitan ng Gauntlet, Xyrene. May DNA niya ang Solar Tattoo nang hinihigop iyon ng Apollo. Kaya sa malamang niyan, sa paggamit ko ng kapangyarihan ng Apollo ay madali ko rin siyang makokontrol." Saad nito at muling umatake sa kanyang ina. Ngunit mukhang pati si Frontier ay walang magawa sa armas na gamit ni Sy.

Muli niyang tiningnan si Xavier. Rinig niya ang ginagawang pagkausap ni Selena sa kapatid ngunit parang wala itong naririnig.

Tumayo siya habang sapo ang kanyang mukha. Nang makatayo'y itinaas niya ang kanyang kanang kamay and she snap at once.

"Tama na ang drama, Sweetie."

Tiningnan niya si Emmanuel na tila gulat na gulat sa ginawa niya. Bigla kasing bumalik sa katinuan si Xavier at para lang walang nangyari.

"Paanong nangyari—"

"Still remember the Scheduler's Plan, Emmanuel? 'Di ba ang sabi ko, we need to act like a pro-actress or actor or whatsoever?"

"Pati si Xenon?" Di makapaniwalang sambit nito.

Nginitian niya si Emmanuel at tumingin kay Xavier na kasalukuyang nagbubukas ng mata.

* * *

Xavier Villareal

"OO NAMAN, MUKHANG nakalimutan mong isang Hollywood Actor ang may hawak ng Solar Tattoo, Emmanuel. A professional actor." Iyon ang kasalukuyan niyang naririnig habang muling binubuksan ang kanyang mata.

Tiningnan niya si Emmanuel at ngumisi. "Surprised?"

Tiningnan niya si Xyrene habang nakangiti kay Sy.

Who would have thought, na makakaalala na siya bago pa man din nagsimula ang Pandora's Battle?

"H E Y - 53MTEI" iyan mismo ang huli niyang binulong bago iniwanan sa bench si Xyrene.

Alam niyang gising at nagtutulug-tulugan lamang ang dalaga nang tabihan niya ito kanina.

Tumigil siya sa kanyang paglalakad pabalik sa Unit nila nang muling sumagi sa kanyang isip ang code na binigay niya sa dalaga.

Masasagot kaya niya ang code na binigay niya sa dalaga?

Kinabukasan... bago siya nagsimula ng ensayo sa West Coast ay pinuntahan siya ni Xyrene. Dinala siya ng dalaga sa mismong Coast at doon siya kinompronta. Kahit na may ideya na siya sa sasabihin nito ay mas pinili pa rin niyang manahimik.

"Nakakaalala ka na ba, Xavier?"

Hindi siya nagulat sa tanong nito. Mas nagulat siya sa prangkahan nitong tanong.

Pinagpatuloy niya ang pag-arte na hindi pa rin siya nakakaalala. Tumalikod siya rito at nagsalita.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo?" tanong niya rito sa tonong ayaw niya itong kausap.

"H E Y - 53MTEIE, alam 'kong code 'yan Xavier. At napakadaling alamin ang ibig sabihin niyan."

Nilingon niya muli ito at kinunot ang noo.

"May sinabi ba akong code sa'yo?" tanong niya rito.

Kita sa mukha ng dalaga ang panggigigil sa kanya. At siya? Lihim na siyang natatawa sa itsura ng kanyang babaeng minamahal.

Oo, naaalala na nga niya ang lahat. Hindi niya alam kung kailan ngunit hindi na iyon importante sa kanya.

"Hindi ako nagsasayang ng oras sa'yo, Xavier Villareal. Just tell me kung nakakaalala ka na dahil marami akong bagay na dapat pagtuunan pa ng pansin. Hindi lang ikaw."

Tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi na niya napigilan pa ang kanyang ngiti at hinabol ang dalaga.

Bakit mas naiinlove ako sa'yo ngayong nagagalit ka? Damn! You're damn hot kapag galit ka, Sweetie!

Yinakap niya ito mula sa likod. Pinatong niya ang kanyang baba sa kanang balikat nito at inusal ang sagot ng binigay niyang code sa dalaga.

"Hey, sweetie."

That's exactly the answer behind HEY - 53MTEIE. He scrambled the sweetie word and used other form of language.

5 = S
3 = E
M = W
T = T
E = E
I = I
E = E

Kapag pinagsama sama mo ang equivalent ng 53MTEIE ay ibibigay nito ang sagot na... SWEETIE.

"I missed you damn much!"

NAGTATAGIS ang panga ni Emmanuel matapos niyang sabihin ang naging daan upang mapasali siya sa plano ni Xyrene.

"After that scene, she explained to me all the details of her plan even the Apollo, Lunar and Solar Tattoo that I have. Pati na ang impormasyong si Ariesa Gustave ang biological mother ko. Para hindi ako makasira sa plano, I need to act just like what she's doing from the very start. Mukha bang kapani-paniwala, Emmanuel?"

"Pati ang pagpatay mo sa kanya sa kwarto ni Leandro? Lahat 'yon arte lang?"

Nginisian niya ito. "Everything is a show that needs to cover the entire implementation of objective. And you know what it is? Ang mailabas mo ang Apollo na s'yang pinagsimulan ng lahat."

Kitang kita nilang lahat kung paano bumibilis ang paghinga ni Emmanuel gawa ng galit na nararamdaman nito.

And nagulat na lamang silang lahat nang bigla itong sumigaw ng malakas.

"Magbabayad kayong lahat!!!"

Sa pagsigaw ni Emmanuel, mas malakas ang inilabas nito na force field na nagmumula sa suot nitong gauntlet. Sa lakas niyon ay nasira ang pader na tanging harang papunta sa lugar ng paggaganapan ng kanilang Final Battle.

Lahat silang natangay ay unti unting tumayo at nilingon ang paligid.

"Where are we?" tanong ni Eliza nang tuluyan na silang lahat na makatayo.

"Xenon!" siya'y napalingon sa pamilyar na taong tumawag sa kanya. Napatingin silang lahat sa audience area at doon nakita nila ang iba pa niyang kaibigan... ang iba pang Warlords. Napabuntung-hininga siya at umusal.

.

.

.

"I guess, we are all now on the GVA Battle Arena. And this is the Final Battle."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action