Chapter 41: Solar and Lunar

TAHIMIK NA NAKIKIRAMDAM si Selena sa dalawang lalaking may hawak sa kanya. Naglalakad sila ngayon sa isang mahabang pasilyo patungo sa kwartong kanyang pagkukulungan.

Nang tumigil sila sa isang kwartong may passlock sa gilid ay doon na niya sinimulang ihanda ang sarili sa gagawin mamaya.

Bumukas ang pinto. Tinulak siya nang dalawang lalaking ito nang malakas sa loob. Dahil nakatali ang parehas niyang mga kamay sa kanyang likod ay mabilis siyang napatinuhod sa sahig.

Naramdaman niyang isasara na ng dalawa ang pinto. She smirked when her eyes met a small chair and a knife placed near her target object.

Mula sa pagkakadapa ay mabilis niyang inikot ang buong katawan upang makaupo. Nang magawa iyon ay saka niya sinipa ng ubod ng lakas ang upuang iyon sa may siwang ng pintuan.

Nakuha niya ang atensyon ng dalawang lalaki. Muli nila iyong binuksan at tila susugurin siya. Itinukod niya ang binti at ang isa niyang paa upang makatayo ng bahagya. Nang magawa iyon ay sinipa niya ang dalawang kutsilyong nasa ibabaw ng mesang kinalalagyan kanina ng upuan. Lumipad pataas ang dalawang kutsilyo. Nang pababa na ito ay bumwelo muli siya at sumipa paikot.

Tumarak ang dalawang kutsilyo sa dibdib mismo ng dalawang lalaki. At unti unting bumagsak sa sahig.

Gumapang siya sa dalawang bangkay. Tumihaya siya at ginamit ang dalawang paa upang hugutin ang kutsilyo sa dibdib nang isa sa mga lalaki. Nang magawa ito ay muli siyang humiga sa sahig. Patagilid siyang nag-bending upang maabot ng kutsilyo ang pagkakatali ng kanyang mga kamay sa likod.

Lumabas siya ng kwartong iyon, matapos niyang matanggal ang pagkakagapos kanina. Pagkalabas ay sumambulat sa kanya ang apat na lalaking sapantaha niya'y mga alagad ni Emmanuel.

"Get her!" tugon ng lalaki sa dulo.

She clenched her fist and grip herself to fight.

Sumugod siya kasabay nung nasa harapan na binata. Sinuntok niya ito sa panga at ito'y bahagyang napaatras. Hindi na niya hinintay na makaatake muli ito. Tinarak niya ang kutsilyong gamit niya kanina sa kwarto sa dibdib ng kalaban at ito'y sinipa palayo sa kanya.

Bumwelo naman siya ng takbo at itinukod ang isang paa niya dingding ng pasilyo. Nang maitukod ay tumalon siya mula roon at lumanding ang kanyang kamao sa mukha ng ikalawang lalaki. Pagkabagsak niya'y mabilis siyang umikot sa likod nito at nilaslas ang leeg ng binata.

Muli siyang umikot mula sa pagkakatago niya sa likod ng ikalawang lalaki at mabilis namang binato ang hawak na patalim sa ikatlong lalaki. At dahil asintado siya kung tumira... sa leeg nito mismo tumama ang kutsilyong hawak niya.

Tumakbo siya sa ikatlong lalaki at mabilis na hinugot sa leeg ang patalim. Ginawa niyang pananggalang ang binata nang magpaulan ng bala ang huling lalaki. Nang matapos ay tinulak niya ang ginamit na pananggalang sa ikaapat na lalaki. Ngunit bago niya ito tinulak ay nakuha niya sa bulsa nito ang baril. Kung kaya't nang madaganan ang ikaapat ay pinaulanan niya ito ng bala sanhi upang matapos ang kanyang pakikibaka.

"Hayun!" she cursed when another bunch of enemies were coming.

Mabilis siyang tumakbo at tinungo ang laboratory kung nasaan si Xavier. Nakikipagpalitan pa siya ng putok ng baril sa bawat edges na nadadaraan niya sa buong pasilyo.

Malapit na siya sa may mismong laboratory nang may makabanggan siya sa likod. Kaagad niyang tinutukan ng baril ang taong iyon sa pag-aakalang kalaban ngunit nagkamali siya.

"Blare?" she uttered. Nakatutok rin sa kanya ang baril nito nang makitang nagulat ito nang siya pala ang nakabungguan.

"Anong ginagawa mo—" sabay nilang tanong ngunit naputol iyon nang makita ng dalawa na may mga kalaban sa magkabilang dulo ng pasilyong kanilang tinatayuan.

Hinawakan niya ang kaliwang balikat nito. Gano'n rin ang ginawa sa kanya ni Blare at kapwa nilang tinukod ang isa nilang tuhod sa sahig bago pinuntirya ang mga kalaban.

"Nice shot." Puri niya sa binata na tanging ngisi lamang ang iginawad sa kanya.

"Let's go." Anyaya sa kanya ni Blare. Tinanguhan niya ito and they both gripped their guns tighter saka sabay na umalis roon.

"Bakit gan'yan ang itsura mo?" tanong niya kay Blare habang abala siya sa pagbabaril ng kalabang humaharang sa kanila.

Nagtago muna sa isang dingding si Blare bago sumagot. "They kidnapped me," simpleng tugon nito sa tanong niya.

Her eyes arched in his suit. Well, mukhang nagsasabi naman ito ng totoo dahil punit punit ang pantalon nito at maraming galos ang mga braso. Dagdagan pa ng putok na mga labi at pasa sa mukha. So, yeah, mukha ngang na-kidnapped ito.

"I tried to escape from those motherfuckers but they didn't let me to do so."

"Buti nagawa mong kumawala sa mga asungot ni Emmanuel?" she asked and pulled her trigger again.

"Si Blare? Mapipigilan ng mga mahihina? That's a shit, Selena."

She grinned by his answer. No doubt that he's the second stronger than her brother.

"How about you? Why the hell you're pulling out your guns and shoot your allies?" muling tanong ni Blare sa kanya.

Tiningnan niya ito ng seryoso.

"I need to save my brother."

Pagtataka ang unang rumehistro sa mukha ni Blare. "Xenon can take care of himself. Kasama ko siya kaninang nadakip kaya baka ngayon ay nakawala na 'yon—"

"He is the last piece of Emmanuel's chess. The key to his success."

"Hindi kita maintindihan, Selena."

"Do you have any idea what is Apollo X49?" she asked on him as they moved forward.

"The chemical absorption meteorite that had fallen a centuries ago? Yeah. Isa ang papa ko sa mga kasali sa grupong tumuligsa noon kina Frontier dahil ninakaw raw ng mag-asawa diumano ang nasabing bato. At base naman sa pagkakaalala ko kung nasaan ito... nasa custody na ito ng America. Wait, why are we discussing that thing right now? Anong kinalaman niyan sa sinasabi mong last piece ni Emmanuel?"

Habang pinakikinggan niya si Blare ay muli niyang kinargahan ng bala ang hawak na baril at muling nagpaputok sa kalaban.

"All the story that you've known about the Apollo issue was the reversed version of the true story."

"Wait, does it mean..."

"Gumawa si Frontier noon ng reversed formula for the disfunction sequence of elements ng meteorite. Hinalintulad niya ito sa positive and negative charges ng electromagnet. Frontier put both the formula in different containers. They are made out of smallest metallic chips. The chips contain undiscovered chemicals that Frontier made herself. If only one of the two formulas required to fully activate the stone is used, it will produce two effects. The positive one is it can increase the abilities of the stone. While the negative one has the power to shut down its abnormal disfunction. But if both the formulas are used at the same time, it can give you the power to fully use the stone and activate its true potential. You can shut it down or control its abilities whenever you want. Sa storya na sinabi mo, si Emmanuel mismo ang nagpakalat ng issue na 'yan para pagtakpan ang ginawa niyang pagkuha sa bato na nasa pangangalaga nina Frontier. Ayaw kasi noon na ibigay ng mag-asawa ang bato dahil sa delikadong epekto nito."

"You mean to say, na kay Sy talaga ang bato? Then what about the formulas? Nasaan na yung mga metallic chips na sinasabi mo?"

Nakita na mismo nila ang pintuan ng laboratory. Binuksan niya ang pintuan na iyon at tinulak rin si Blare sa loob.

Nagtago sila sa isa sa mga sulok. Control chamber pala ang napasukan nilang bahagi ng laboratoryo dahil kitang kita nila ang kabuuan ng lugar mula sa kanilang tinatayuan.

Nasa isang bahagi ng second floor kasi ang Control Chamber na kanilang pinasukan. Sa loob noon ay makikita ang malaking glasswall na tanaw ang ibabang bahagi ng mismong laboratoryo. Tila isang warehouse kasi ang pagkakayari sa kabuuan ng lugar at naging itsurang laboratory lamang ito dahil sa kulay puti ang kulay ng paligid.

Napatingin siya sa kabilang chamber. Nanlaki ang kanyang mga mata ng matanaw ang ilang taong nakatayo roon at nagsusuot ng isang malaking eyeglasses. Lahat ng taong naroon pulos naka-corporate attire. At kung hindi siya nagkakamali. Ang mga taong iyon mismo ang isa sa mga miyembro ng GVA organization.

"Si Xenon!" napatingin siya sa ibaba ng laboratoryo nang ituro ni Blare ang taong kanyang hinahanap.

Napasinghap silang dalawa sa taong nakita.

Si Xavier... nakalagay sa isang containment tube. Topless. Tulog. At tila walang malay.

Maraming tubo ang nakapasak sa mismong tube na pinaglalagyan ng kapatid.

Sinundan ng kanyang mata ang mismong mga tubo at napadako sa isang maliit na bato na nakalagay rin sa isang maliit na container. Sa paligid ng container na kinalalagyan ng naturang bato ay isang higanting makinarya.

"Oo, Blare. Na kay Emmanuel ang bato. At 'yung metallic chips?" tiningnan niya si Blare at iginawi niya ang tingin kay Xavier.

"Inilagay ni Frontier ang isa sa dalawang container ng formula sa kanyang nag-iisang anak." tugon niya habang nakatingin kay Xavier.

Napasinghap si Blare. "S-Si Xenon?"

Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik.

"Teka, ang isa sa dalawang container? Ang sabi mo kanina hinati sa dalawa ang formula. Ang positive and negative. Kung ang isa ay na kay Xenon... nasaan ang isa?"

Nakuha ni Blare ang kanyang atensyon at muli niya itong tiningnan. Sa naging tanong nito, bumalik ang isang pangyayari na karugtong ng kwento niya sa Warlords kanina...

"ANO 'TO FRONTIER?" tanong niya kay Frontier nang ibigay sa kanya ang isang syringe.

"Gusto kong itago mo ito at itarak sa isang mapagkakatiwalaang tao."

"Huh? P-Para san ba 'to?"

Pinakita ni Frontier ang isa pang syringe na hawak nito.

"This is the formulas, Selena. Nagawa ko nang patigilin ang meteorite stone sa patuloy nitong pag-function. But it will not last forever. After 2 or 3 years, tuluyan nang mawawala ang epekto ng nilagay ko sa bato."

"Bakit mo binibigay sa'kin 'to? Bakit hindi nalang ikaw ang humawak niyan para kung sakaling mangyari nga ang sinasabi mo ay ikaw muli ang maglalagay niyan sa bato?"

Umiling iling si Frontier.

"Hindi maaari. Mas magandang wala sakin ang isa. Dahil once na malaman ni Emmanuel ang tungkol sa formula ay madali niya iyon makukuha."

Magsasalita sana siya nang biglang pumasok si Thomas sa pinagtataguan nila.

"Hindi ko na nabawi ang bato kay Emmanuel. I'm sorry."

Napatingin siya sa paligid. Sira sira na ang buong laboratoryo. Sumugod kasi sa kanila si Emmanuel at sapilitang kinuha ang bato. Hindi magawang lumaban ng ayos si Frontier kanina dahil tinatapos pa nito ang ginagawang formula.

Naramdaman niyang may nilagay si Frontier sa kanyang palad.

"After 3 years, mag-ma-matured ang dalawang formula na ginawa ko. Ang isa sa dalawang formula ang makakapagpatigil ng tuluyan sa stone habang ang isa ay makakapagpalala. As of now, hindi pa madedetermined kung alin sa hawak nating formula ang makakapagpatigil. Kaya ang gusto ko ikaw ang magbantay nitong isa."

"But—"

"Selena, I trust you."

Nakaramdam siya ng tuwa sa tiwalang binigay sa kanya ni Frontier. Isang malaking kagalakan iyon para sa kanya.

"Tinatanggap ko."

Nginitian siya nito. "Let me remind you. Once the formula is ready, itarak mo iyon sa isang mapagkakatiwalaang tao."

"Wait, bakit pa kailangang itarak yun sa isang tao? Bakit hindi nalang sa bato agad ilagay agad?"

Umiling si Frontier. "That would be very dangerous, Selena. At saka mas maganda nang nasa katawan iyon ng isang tao. Upang kung sakaling malaman ni Emmanuel ang tungkol rito... ay hindi niya iyon mahahanap pa."

May punto ito. Kung mananatili nga naman ito sa isang simpleng syringe ay may pagkakataon pa si Sy para makuha iyon. Unlike kung nasa katawan ito ng tao, mananatiling lihim lamang iyon hanggang sa dumating ang tamang panahon.

Makalipas ang tatlong taon... year 1991.

Nasa America siya no'n nang ganapin ang GVA Battle.

Suprisingly, nang mga panahong ito ay hiwalay na siya kay Emmanuel.

Hindi niya inaakalang mamahalin niya ang isang lalaking mas matanda sa kanya. Kaya nagawa niya itong pakasalan. Nung time na magkaroon sila ng ugnayan ni Sy ay wala na siyang komunikasyon kina Frontier. Ngunit isang araw, nakipagkita sa kanya noon si Frontier. Suot ang disguise suit nito at kinausap siya ukol sa pagiging Mrs. Sy niya.

"Ginagamit ka lang niya, Selena."

"Hindi. Mahal niya 'ko Leonna!"

"Hindi ka niya mahal!"

"Paano mo nasabi 'yan—!"

"H'wag kang magpakatanga, Selena! Alam mong nung time na nakuha niya sa'kin ang bato ay wala na iyong kakayahan na gustong gusto ni Sy. Isang ordinaryong bato na lamang iyon ng makuha niya. Alam niyang ako ang may kagagawan no'n ngunit pilit kong itinatanggi sa kanya na wala akong alam kung bakit nagkaganoon iyon. Hindi niya 'ko mapatay dahil marami akong kakampi na mas malakas sa kanya. Kaya ikaw ang nilapitan niya. Kasi alam niyang alam mo ang tungkol sa ginawa ko sa bato. Ngayon mo sa'king sabihing mahal ka niya, Selena? Mahal ka lang kasi may kailangan siya sa'yo?!"

Nung una noon ay hindi niya pinaniwalaan si Frontier ngunit nang isang gabi. Narinig niyang may kausap si Emmanuel at tungkol iyon sa impormasyong alam niya. Walang sabi sabing umalis siya sa puder nito. Pumunta siya sa States at hindi na nagpakita kay Emmanuel.

Isang taon pa ang nakalipas nang mapag-alaman niyang namatay si Frontier at ang asawa nito. She was in shocked that time. Umiyak siya dahil sa namatay ang gurong nagturo sa kanya ng lahat.

She came back in the Phillipines to investigate what happened. Kailangan niyang malaman kung nasaan na ang formula-ng hawak ni Frontier.

Bumalik siya noon sa tahanang huling pinuntahan ni Frontier. Bahay ito ni Leandros, isa sa kaibigan ni Frontier.

Nagtago siya noon sa isang sulok ng bahay nang makita sa may labasan na may kotseng tumigil mismo sa harapan ng mansyon kung nasaan siya. Bumaba ang bintana at doon niya nakita ang mag-asawang Gustave— kabilang sa pinakamakapangyarihang mafia ng America.

Kumunot noon ang kanyang noo nang makitang may dalawang batang sanggol ang iyak ng iyak. Bitbit ng mag-asawang Gustave ang dalawang bata habang nakatitig sa mansyon.

Umalis na rin siya nang umalis ang kotse. Dala ang katanungang anong ginagawa nila roon sa mansyon.

"Magandang gabi mga kaibigan." Napatingin silang dalawa ni Blare sa kabilang chamber kung sa'n nila nakita kanina ang mga taong nagsusuot ng eyeglasses.

"Ngayong gabi... nagkaroon ng mga pagbabago sa takbo ng laro. Dahil sa namatay na ang Constellates, at ilang myembro ng Dragon Empire Gang ay hindi na ito patas upang ipagpatuloy ang laban. And as of now. I'm declaring Xenon of Warlords Platoon as still the God of Death in this year... GVA Battle 2012."

Sa pag-anunsyong iyon ni Emmanuel ay siyang angat ng tube kung saan nasa loob si Xavier.

"Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa kanya upang isali rito sa ating patimpalak mga kaibigan. Talagang pinatunayan sa'tin ng namayapang si Leonna na walang kasing bangis tulad niya... ang kanyang anak."

Nanggigil na siya. Mukhang alam na niya kung ano ang gustong mangyari ni Sy. Lalo na't nasa isang tube si Xavier.

"At ngayon... dumating na ang pinakahihintay nating sandali. Taong 1993, taon kung kailan namatay si Frontier. Napag-alaman nating may tinatagong lihim ang nasabing Assassin sa atin. Itinago niya ang isang formula na kung saan kayang i-activate muli ang kapangyarihan ng Apollo X49. At ayon sa aking nakalap, nasa katawan iyon ng kanyang anak."

Pagkasabing iyon ni Sy ay pumitik ito sa kanyang mga tauhan.

Napasinghap sila nang umilaw ang tube ni Xavier. Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Selena na nagising si Xavier at nagsusumigaw sa sakit.

Sa puntong iyon ay umilaw ng husto ang tattoo ni Xavier. Patuloy pa rin sa pagsigaw ang binata ng sakit.

Kitang kita nilang lahat kung paano dumaloy ang isang enerhiya patungo sa kinaroroonan ng bato. Umilaw rin iyon kagaya ng kay Xavier.

"We need to stop him." Anas ni Blare sa kanya na siya niyang tinanguhan.

* * *

On the other hand...

Binuksan niya ang kanyang mata nang maramdamang nakabawi na siya ng lakas. Sapo niya ang kanyang noo habang iniaangat ang sarili sa pagpag na kanyang kinahihigaan.

"Buti naman gising ka na. Akala ko kailangan pa kitang buhusan ng tubig para lang gumising ka."

Dumapo ang kanyang tingin sa taong nakatayo sa sulok ng kwarto.

"Why did you help me? Akala ko gusto mo 'kong patayin?" tanong niya rito.

Lumapit sa kanya ang taong kausap at humalukipkip sa harap niya.

"Oo, I want you dead. Pero si Daddy na ang gumawa no'n para sa'kin. But I never thought—"

"Na mabubuhay ako?" napaigik siya. "Hindi madaling mamatay ang isang masamang damo... Cindy."

"Tss. So it is true then," tiningnan niya muli ito. "Na ikaw ang missing piece sa formula ng Apollo."

Nginisian niya ito. "Matalino ka rin pala."

"Father told me the whole story about those formula, bitch. Nalaman raw niya iyon mismo kay Leandros— ang kaibigan ni Frontier."

She stood up at unti unti siyang lumapit kay Cindy.

"I have the Lunar Tattoo— the negative charge of the formula. Kaya nagawa kong makaligtas sa panang ipinatama sa'kin ni Xenon. Energy of the stone ang ginamit sa panang iyon. And because I'm the negative, na-reverse lahat ng effect sa katawan ko. And thanks for taking care of me. But I wonder... why did you help me?"

Tumingin si Cindy sa bintana ng kwarto. She saw how this girl clenched her fist.

"Inamin sa'kin ni Daddy na siya ang pumatay kay Mommy. He lied to me... he brainwashed me at ipinatatak sa utak ko na kung hindi dahil sa'yo hindi niya magagawang patayin si Mommy. But I know better..."

She grinned. "Pahiram ng phone."

"For what?"

"Just give me your phone."

Wala sa sariling ibinagay sa kanya ni Cindy ang telepono nito. Natatawa na lamang siya kung minsan kung paanong ang naging kaagaw niya kay Xavier ang siyang tumutulong sa kanya ngayon.

Tinawagan niya ang taong kailangan niyang tawagan agad upang bigyan ng hudyat na simula na ng laban.

"Hello... this is me— Xyrene. Simulan na ang plano."

Ibinaba na niya ito at ibinalik ang cellphone kay Cindy.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya kay Cindy. "Bilang tanaw ng utang na loob for taking care of me?"

Cindy rolled her eyes. "I didn't help you, Bitch."

"Want me to kill your father?" She asked her while grinning. Napapitlag si Cindy sa kanyang suggestion.

Pero alam niya ang isasagot nito.

"No. I'll kill him. He underestimated me, he'll pay for what he did to my mom."

"As you wish."

Naunang lumabas ng kwarto si Cindy. Samantalang siya? Tiningnan niya ang kanyang relos na katutunog lang. Tiningnan niya iyon at siya'y muling napangisi.

"The end is near..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action