Chapter 40: Apollo X49 - Selena
BAKAS SA APAT na Warlords ang pagkabigla nang magsimula nang magpaliwanag ang mga Death Keepers sa kanila. Gulat na gulat sila at talagang hindi makapaniwala lalo na ng inamin ng tatlo na hindi sila mga gangster, na sila talaga’y mga Assassins— Black Death Assassins.
"Hindi ako makapaniwalang isa kang mamamatay tao," mahinang utas ni Marco sa pinsang hindi man lang ininda ang may himig na insultong saad nito sa binata.
Ipinatong ni Andrei ang isa niyang binti sa kaliwa niyang hita. "Isn't cool?"
"Paano naging cool ang pumatay ng tao?"
Ipinagkibit balikat na lamang ni Andrei ang tanong na inutas ni Marco.
“Hindi ba pinagbabawal sa’tin ang ipagsabi kung sino tayo?” bulong ni Eliza sa dalawa.
“Ang sabi sa oath, thou shall kill those people who will reveal our mask. Meaning, we’re allowed to say that to anyone.” Bulong pabalik ni Andrei.
“At nasa sa’yo na ang responsibility na bantayan ang taong ‘yun para hindi niya ipagkalat. Kapag ipinagsabi niya sa iba... kill,” dugtong ni Akihiro.
“Hey, hey, hey, ano ‘yang pinagbubulungan niyo?” tiningnan ng tatlo si William na nanliliit ang matang nakatingin sa kanila.
“Pinag-uusapan namin kung paano ka namin papatayin. Napakamausisa?” pabalang na sagot ni Eliza habang umiirap pa.
“Aba’t—!”
Susugod sana si William nang pigilan ni Marco. “Stop.”
Kitang kita ng tatlong assassin ang pagbuntung-hininga ng binata bago sila muling tiningnan. “Then, ano ‘tong planong sinasabi ni Xyrene? Kung patay na siya, paano pa niya tatapusin ang laro ni Sy na nilalaro rin niya?”
Isa iyan sa mga siniwalat sa kanila ng Death Keepers— or should he say, Black Death Assassins. Sinabi nila na ang tanging dahilan kung bakit sila naririto ay dahil gustong laruin ni Xyrene ang laro ni Sy na siya niyang pinagtakhan. Ano ba talaga ang totoong rason ng dalaga nung sinabi niyang lalaruin niya ang laro ni Sy? Alam niyang may kahulugan ang mga iyon. At hindi lang iyon basta basta.
“Actually, nitong nakaraang araw lang namin napagtanto ang lahat. Maniwala’t kayo sa hindi. Hindi nasabi sa amin ni Xyrene ang kabuuan ng kanyang plano kasi lagi niyang sinasabi sa amin noon na lahat ng nangyayari ay naaayon raw sa plano. But then again, nung unang tapak namin rito, iisa lang ang pumasok sa isipan namin kung ano ang plano ni Xyrene...” paunang paliwanag ni Akihiro.
“Ano iyon?” tanong nila.
“A drastic assassination,” sagot ng tatlo.
“Drastic what?”
Tumayo si Akihiro mula sa pagkakaupo niya sa sofa na napasukan nilang Assassin’s Unit at naglakad diretso sa may bintanang natatakpan ng isang malaking kurtina. Hinawi nito ang kurtina at pasimpleng may tinitingnan mula sa labas.
“Ang pagpapasabog ng isang malaking lugar... na may libo libong tao.”
Nagsinghapan ang apat na Warlords sa narinig. Tila isang bomba ang sumambulat sa kanilang mukha.
“T-Teka, libu-libo? Y-You mean, tulad nung sa pagkamatay ng maraming tao sa birthday arty ng asawa ni Emmanuel Sy?” nauutal na tanong ni Harold na ngayo’y napatigil na talaga sa pagkalikot ng laptop niya.
“Exactly,” sagot ni Akihiro. “Actually, dapat si Mrs. Sy lang naman ang papatayin namin. But Dark Scheduler was merciless that time. We don’t know why.”
“Sinubukan nga namin siyang tanungin noon kung bakit nag-iba ang plano, but she refused to answer us.” Pagpapatuloy ni Eliza.
Sandaling nanahimik ang ilan at muling bumalik ang malamig na awra sa paligid nila. Hanggang si Marco na mismo ang bumasag ng katahimikan.
“So, ano na ‘yung napagtanto niyong plano ni Xyrene matapos ang assumption niyo sa una niyong akala?”
Tiningnan ni Akihiro ang seryosong mukha ni Marco bago ito sumagot. “Hindi ba mas maganda kung pag-uusapan natin ang planong iyan kapag kasama na natin ang gago niyong lider?”
Doon tila natauhan ang apat na Warlords.
“Teka, oo nga nasaan na ‘yun?” tanong ni William.
“Aba’y ewan ko. Mukha bang kasama natin gunggong?” pamimilosopo ni Charles na sinimangutan naman ni William.
“Gago ka po.”
“Thank you po.”
“Pwede ba? Kung gusto niyong mag-away do’n kayo sa labas at h’wag dito.” Naiinis na utas ni Harold sa dalawa.
“Sa’n ba pupwedeng pumunta ‘yun kung kayo ang nasa posisyon niya?” tanong ni Andrei sa apat.
“Dahil buhat niya ang katawan ni Xyrene, sa bangin?” sagot ni William na siyang kinatingin sa kanya ng lahat. “Ano?! Sinagot ko lang ‘yung tanong.”
“’Yung seryoso kasi pare,” pagsang-ayon ni Harold.
“Mukha ba ‘kong nagbibiro? ‘Di naman ah!” pagtatanggol ni William sa sarili.
“Ewan ko sa’yo.” Mahinang utas ni Charles.
“Laki ng problema mo sa’kin ‘tol.” Komento ni William.
“Hindi naman. Trip ko lang inisin ka. Palag ka—?”
Nanahimik silang lahat nang biglang ikasa ni Marco ang baril na ngayon ay hawak nito. “Isang salita pa, pasasabugin ko ‘yang mga bunganga niyo.” Banta nito.
Muli silang nanahimik. Nang maibalik na ni Marco ang baril sa kanyang bulsa ay muli siyang tumingin sa Black Death.
“Ipaliwanag niyo muna ‘yung napagtanto niyong plano bago natin hanapin si Xenon. Kaya niya ang sarili niya. At kung napatay talaga niya si Xyrene, nakakasigurado akong nasa beast mode na iyon ngayon.”
Tiningnan ni Akihiro si Andrei. Waring nagsasabing sabihin na ang kanilang nalalaman. Mukhang kinakailangan talaga nila ng tulong ng Warlords, may kailangan silang kailangan nila.
Sinabi nila ang naging plano nila simula nang malaman ang tungkol sa Bonus Prize. Ipinaliwanag nila nang mga araw na iyon ay nagtaka na si Xyrene sa kwentong binigay ni Sy, lalo na sa kwento ni Frontier. Gano’n din ang sinabi ng Warlords sa kanila, na nagtaka rin si Xenon sa Bonus Prize na binigay ng GVA. Do’n nagsimulang magplano si Xyrene tungkol sa mga bagay-bagay. Inutusan noon ng dalaga ang Black Death na mangalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa pag-alam ng anak ni Frontier. Nasambit rin ng Black Death ang tungkol sa mga impormasyong nakalap nila.
October 21, 1991 – GVA Started.
October 21, 1993 – Frontier’s body recovered.
Year 2010 – 2nd GVA Battle year; Villareal Mansion Massacre
“Wait, so it is true na si Xenon ang anak ni Frontier?” nakakunot pa ring tanong ni Charles sa tatlo.
“Based sa lahat ng information na nakalap. Apparently, yes.” Pangungupirma ni Andrei.
“B-But, how did it happened? Ibig sabihin, ampon siya ng mga Villareal?” utas ni Harold.
“Maybe,” anas ni Akihiro. “At balak siyang patayin ng GVA.” Apat na pares na mata ang biglang tumingin sa direskyon ng binata.
“Ano?!”
“What?!”
Sabay sabay na utas ng apat.
“Yes,” aniya. “Balak patayin ng GVA si Xenon... this battle year.”
“Pero bakit? Sa anong dahilan?”
Humalikipkip si Akihiro at muling umupo sa sofa katabi ng Black Death.
“Iyon naman kasi ang layunin ng GVA mula sa simula,” sagot ni Andrei. “Hindi totoong ginawa ang GVA para sa mga kalahok na gustong manalo at matulungan sa paghihiganti nila. Maskara lamang iyon para pagtakpan ang mismong adhikain ng organisasyon.”
“Ano raw iyon?”
“GVA is a big assassination project.” Napasinghap ang apat nang marinig ang mga katagang sagot sa kanilang katanungan.
“An assassination project?” tanong ni William.
“Yes, assassination project para sa mga target nilang mahirap pabagsakin at ang mga hadlang sa kani-kanilang mga layunin sa buhay. Nagsama-sama noong taong 1991 ang mga iba’t ibang organisasyon at kompanya para isagawa ang ganitong proyekto. At ang naging unang target ng project nila...?”
“Si Frontier.” Mahinang usal ni Marco na narinig pa rin ng lahat kahit ito’y hindi nakatingin sa kanila at waring pinag-dudugtong dugtong ang lahat ng kanilang sinabi.
"Hindi nila napatay noon si Frontier at hindi iyon matanggap ng buong GVA Organization. Kaya nagplano silang patayin ito sa kahit na anong paraan. Lingid sa kaalaman ng iba, hindi nila alam noon na buntis si Frontier at dala ang susunod na hahadlang sa kanila. Nung time na nakapanganak na si Frontier ay doon nagsimula ang pagkakatuklas tungkol sa anak nito. Sa puntong iyon, napagdesisyunan nilang idamay na ang bata sa gagawing pagpatay kina Frontier at sa asawa nito. At doon na papasok ang kwento ni Sy."
“Pero sa tingin niyo, sa anong dahilan kung bakit nila gustong patayin ang buong pamilyang Casiraghi? Konektado iyon sa mismong adhikain ng buong organisasyon," pa-misteryosong tanong ni Akihiro.
“Wait, tingin ko alam ko kung bakit.” Napatingin ang lahat kay Harold. “Is this all about the... Apollo X49?”
Ngisi lamang ang tanging binigay ni Akihiro bilang kompirmasyon.
“Apollo X49? ‘Yung nahulog na meteorite sa Atlantic Ocean?” nakangiwing tanong ni Charles.
“Oo,” anas ni Harold. “It was fallen on Earth in the year of Babylonians. Sabi noon ng mga archeologists, nagdulot raw ito ng malaking tsunami sa east and west coast ng bawat bansa na malapit sa pinangyarihan ng pagbagsak. Ngunit sa mga tala, ay hindi na nasama ang phenomenon na ito sa kadahilanang wala nang mga kasulatan ang na-revive pa ukol sa Apollo X49. It was all destroyed. Lalo na nung nagsunud-sunod na ang digmaan noong unang panahon. Noong taong 1988 naman, two years bago natatag ang GVA ay natuklasan diumano ng isang mag-asawa ang meteorite nang magsagawa ang dalawa ng isang treasure hunt expedition.”
“Now I get it.” Utas ni Eliza. “’Yung meteorite na ‘yun, maaari iyan na mismo ang tinutukoy ni Xyrene sa atin na alas ni Emmanuel. She told us na nasira natin ang orihinal na plano ni Sy kaya itong alas na niya ang gagamitin niya hindi ba?” sambit nito habang nakatingin kina Andrei at Akihiro.
“Wait, what do you mean?” tanong ni Marco sa dalaga.
“Ang ibig niyang sabihin ay, na kay Emmanuel ngayon ang mismong meteorite na nahanap ng mag-asawang Casiraghi.” Pa-cool na sagot ni Andrei.
“Teka... lilinawin ko lang,” singit ni William. “Nagtagumpay yung mag-asawa?”
“Oo.”
Nagulantang sila nang may boses ng babae ang sumagot sa tanong ni William. Lahat sila ay mabilis na nagkasa ng baril at itinutok ang mga iyon sa taong nakatayo sa may pintuan ng pinagtataguan nila. Silhoutte lamang ang nakikita nila kung kaya’t hindi nila matukoy kung sino.
“Put it all down, assholes.”
Natigalgal ang apat na Warlords nang mapagtanto sa boses kung sino ang dalagang gumulat sa kanila ngayon.
“Ate Selena?”
“Ako nga,” utas nito sabay lapit sa kanila. Nang matamaan ng sinag ng buwan mula sa bintana ang mukha nito ay saka lamang napahinga ng matiwasay ang lahat.
“You scared us, you know that?” utas ni William.
“So? Pakialam ko?” mataray na sagot nito sa binata at nagpasimangot rito.
“Taray mo,” mahinang usal ni William na sinamaan ng tingin ng dalaga. “Hehehe, joke lang.”
“What are you doing here, Selena?” walang kaemo-emosyong tanong ni Marco sa kapatid ni Xenon.
“Am I not belong?”
“Depende.”
“Depende saan.”
“Depende kung matino ang pakay mo rito.”
“Wow, that’s harsh.”
“So? Pakialam ko?” ngising tanong ni Marco nang maibalik niya rito ang kairi-iritang linya na sinambit nito kay William.
Selena rolled her eyes and ogled the whole room..
“Ah, sa’n nga ba tayo sa pagsisiwalat niyo?” aniya. “Ah, oo nga pala. Yes, natagpuan ng mag-asawang Casigrahi ang mismong Meteorite sa Atlantic Ocean. Nang matagpuan nila ito at mapag-aralan ay ganoon na lamang ang pagkagulat nila sa mga resulta ng kanilang observation...”
Saad ng dalaga at muling nagbalik ang kanyang alaala sa mismong araw ng pangyayaring tinutukoy niya.
* * *
24 years ago, year 1988...
IT WAS A cold evening when Selena entered the laboratory room. She’s wearing a pair of gloves, a surgical mask and a doctor white long dress. She had been given an order to brought some stuffs from the storage area.
Binuksan niya ang pinto nang hindi man lamang kumakatok.
“Sa susunod, kumatok ka muna bago pumasok.” Napalunok siya ng bahagya sa tono ng boses ng babaeng busy-ing busy sa paglipat ng isang chemical gamit ang ilan sa laboratory apparatus sa isang maliit na bato.
“Sorry, Master—" hindi na nito natapos ang pagsasalita nang makitang tumigil sa pagpatak ng kemikal si Frontier. Nasa aktong pagpindot na nito ng aparato nang mangyari iyon. "I-I mean, Leonna."
Ayaw ng ginang na tinatawag siya ng master. Yes, indeed. She was here because of one reason. Isa siyang apprentice ng tinaguriang Most Dangerous person in the world.
"I will kill you the next time I hear the word master from your filthy mouth. Intiendes?"
Pinanghilakbutan siya sa sinabi nito.
Well, supposedly kailangan niyang matakot. This girl taught her several knowledge of being a powerful martial arts master. Iyon naman ang pinakadahilan niya kung kaya siya naririto. Ang matutong ipagtanggol ang sarili laban sa mga kalaban.
She's the heiress of Villareal Clan. All the things that she must to know is indeed needed. Even of protecting herself.
To tell you honestly, she didn't expect that time na makikilala niya ang taong ito. Sabi ng Daddy niya noong araw matapos ang kanyang 18th birthday na ang regalo sa kanya ng kanyang ama ay ito— to become the most powerful heiress in the century. No wonder nabayaran ng kanyang ama si Frontier upang maging tagapagturo nito.
Noong unang mga araw ng training niya ay sobra siyang nahirapan. Lahat ng mga hindi niya nagagawa sa buong buhay niya ay pinaranas ng babaeng ito. Ang matulog sa labas, ang hindi kumain sa isang araw; ang pagtira sa isang maruming baryo at higit sa lahat ay ang mga sangkaterbang dumi sa dumpsite ng basura ay pinagawa sa kanya.
Galit na galit siya rito noon dahil sa mga unrelated things na pinapagawa sa kanya. Naalala pa niya noon na sinigawan niya ito noong panahong pagod na pagod na siya. Well, she's a bitch and a spoiled brat when she was still in her mansion for pete's sake. Nasanay siyang nakukuha ang lahat. Lahat nadadaan sa pera. Kung kaya't hindi niya mawari kung bakit ito ginagawa sa kanya ng babaeng ito.
Ngunit natauhan siya nung time na 'yon. Nung time after niya itong sigawan at nagwika ng isang katagang hindi niya kailanman malilimutan.
"How will you become like me if the perks of your attitudes was the total reciprocal of your capability? You have all the fame that you can get from everyone. The respect of other people because your the future heiress. But how will you learn from my lesson if this simple things that I want you to do is just a big burden to you?"
Hindi s'ya no'n nakaimik. Waring bigla talaga siya sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha.
"Conceal the pain, unveil the power of cruelty. That's the only way for you to get the power beyond authority."
That time, dahil sa sinabi nitong motivation ay nag-boost ang kagustuhan niyang maging isa sa pinakamagaling na martial arts artist.
Tama ito. Para makuha niya ang lahat ng bagay na dapat niyang makuha mula sa pagiging Heiress ng Villareal Clan, ay kailangan niyang tiisin lahat ng sakit at hirap mula sa mga pagsubok na ito. Nang sa gayo'y higit pa sa pera at awtoridad ang makuha sa kanyang nasasakupan pagdating ng araw.
"You still with me?" siya'y napamulagat mula sa kanyang pagrereminisce nang marinig si Frontier na nakatingin sa kanya.
"Y-Yeah," nauutal niyang sabi.
"Focus, Selena. Now get me some sulfur oxide do'n sa may cabinet roon."
Sinunod niya ang utos ni Frontier at pumunta sa sinabing cabinet. Nang maibigay ay nanuod lamang siya sa isang tabi at pinipilit ang sariling h'wag magtanong tungkol sa batong pinag-e-eksperimentuhan nito.
Makalipas ang ilang sandali ay may pumasok. Si Thomas Casiraghi. Ang asawa ni Frontier.
"Hi, Love." Bati nito sabay halik sa labi ni Frontier.
"Hello, Love. Kumain ka na?"
"Yup. Kumain na 'ko sa labas kasama ng mga business partners." Sagot ni Thomas at hinapit ang baywang ni Leonna at siniil ito ng halik.
"Ugh! I know where it leads. Damn, pati ba naman sa lab?" naghuhuramentadong saad niya at tumalikod na sa kanila. Sus naman alam niyang mag-se-sexy time ang mga ito. Take note, venue? Lab. Fuck that.
"Balik ka after one hour." Nakangising tugon sa kanya ni Leonna.
Mas napangisi siya. "Really? Sapat na ang isang oras? Duh, I highly doubt it... bigtime!"
Tumalikod na siya sa mga ito na kapwa nagtatawanan. Well, as you can see. 'Di naman sila gaanong civil ng tagapagturo niya. When it comes to joke, enjoy. At kapag seryoso... seryoso. Naging maayos naman kasi agad ang relasyon nila ni Frontier after nung confrontation nila. At lalo na nung nag-i-improve siya. Sadyang nakakatakot lang talaga ito pag seryoso.
Palabas na sana siya ng pintuan nang Lab nang magliwanag ang buong kwarto. Nang humupa ang liwanag ay mabilis siyang lumingon sa mag-asawa.
Kapwa nakatigalgal. Kapwa nagkatinginan. Waring may nadiskubre na hindi tama.
Tiningnan siya ng dalawa. Napaatras siya nang bahagya sa mga tinging ginagawad sa kanya. Nakaramdam siya nang panghihilakbot. Hindi dahil sa dalawa kung'di dahil sa bato na pinagmulan ng liwanag.
Hanggang ngayon ay nagliliwanag ito. Para itong silang bombilya na sobrang liwanag.
"A-Ano... 'yan?" 'di na niya napigilang tanungin. Lalo na nung isa isang dumidikit rito ang mga maliit na metallic materials.
Hindi siya sinagot ng dalawa bagkus silang mag-asawa ang nag-uusap.
"This is not an ordinary meteorite stone, Love."
"Exactly. This is damn dangerous."
"Wait, pwede niyo bang i-explain man lang? Anong sinasabi niyong dangerous?" tanong niya muli.
Hinarap siya ni Frontier at ito'y napabuntunghininga.
Doon na siya nabagabag. Minsan lang ito bumuntunghinga ng ganito. Maliban na lamang kung ito talaga ay delikado.
"Nung una ineexpect ko nang hindi magiging normal ang magiging resulta ng pag-aaral ko sa batong ito," sabay tingin sa bato. "Mostly iba't ibang elements ang nakapaloob sa bawat meteorite. Pero sa batong 'to, bawat element content ay triple pa sa natural na dami sa normal na meteorite. Kaya kita pinakuha ng sulfur oxide para matignan kung magbabago ang content nito. Ngunit parang mas napasama pa 'ata. Mukhang inabsorb lamang nito ang nilagay ko at mas naging komplikado."
Wala siyang ibang magawa kung'di ang matigalgal sa bawat explanation ni Frontier. Muli niyang pinagmasdan ang naturang bato na nakalagay pa rin sa isang slate. Nawala na ang pagkaliwanag nito at ngayo'y tila bumalik sa normal.
Ngunit wala pang isang minuto nang bigla itong mag-react muli. Nagbabago ang kulay nito every ten seconds.
Nilingon niya si Frontier upang magtanong kung anong mayroon nang inunahan na siya ng mag-asawa.
"Abnormal composition of elements. Nagkakaroon siya self collision kaya nagbabago ang color fragments niya." Paliwanag ni Thomas.
"Then paanong ang isang simpleng fallen meteor from the galaxy ay nagkaroon ng ganyang klase ng disfunction?" tanong niya muli sa dalawa.
"Maybe because of the gravitational force of the Earth," sagot ni Frontier. "Maaaring bago pa man 'ding lumapat ang meteor na yan sa gravitational boundary ng Earth ay may abnormal content disfunction na ito. At nagresulta naman ng isang unexpected effect."
"Effect? Like what?"
"Chemical absorption, any chemical element ang ilagay o ilapit sa bato ay hinihigop nito na parang isang magnet o parang isang gravity. I-a-absorb niya iyon tapos mag-ke-create muli ng panibagong effect. Pwedeng makapagpalutang na ito; magpasabog ng lugar at iba pa. Sa madaling salita, nagkakaroon ito ng iba't ibang supernatural phenomenons."
"Is it dangerous?"
"Probably not for now. Kung magagawan namin siya agad ng resistor para matigil ang abnormal cycle ng elements at mahanapan ng solusyon kung paano itatama, ay baka matigil pa natin siyang maging powerful bullet. Kaya ikaw, I need you to secure this place para magawan namin ng formula."
"Me?"
"Yes, you. Alam na ni Emmanuel na nakuha na namin ang pinapatrabaho niya sa amin at ito iyon. Kung kinakailangan mong pumatay sa oras na may sumugod ay pinahihintulutan kita."
"T-Teka, paano kung hindi ko magawang–"
Hinawakan siya ni Frontier sa balikat. "Alam kong kaya mo. You're my student at nakakalimutan mo 'atang ako si Frontier."
Napangiti siya nang nginitian siya ni Leonna.
"I will try my very best."
"That's good to hear... so tara, we need to get back at work." Yaya nito.
Palabas na siya nang bigla siyang tawagin ni Leonna.
"Selena," nilingon niya ito. "Mag-isip ka ng design na aakma sa paglalagyan namin ng formula."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ano?"
"A design. Most specifically a tattoo. Gusto ko 'yung unique, okay? Dagdag 'yan sa mga pinapagawa ko. Now, go!"
* * *
"ANG IBIG MONG sabihin... dahil sa isang abnormal balance of meteorite composition ang dahilan kung bakit nagyeyelo 'yung samurai ng Constellate; heated bullets from the guns of WLA and; hot and cold blades from the bows na ginamit namin?" 'di makapaniwalang tanong ni Charles kay Selena nang matapos itong magkwento.
Tumango si Selena bilang sagot. "Ngunit hindi lang 'yon ang kayang gawin ng batong iyon. It could also imitate the natural elements of Earth— The Fire, Water, Wind and Metals... though the metals was already part of the Meteorite classification still they're all dangerous. Ang mas nakakatok lang roon ang power of absorption ng Apollo. Iyon mismo ang pinakadelikado."
"Eh kung gano'n nga, paanong nakuha ni Emmanuel ang bato?"
"He's greedy for pete's sake guys. He wants power. And that power could give him enough to control the whole world. Marami siyang paraan para makuha 'yon kay Frontier. He's also powerful afterall."
"Kailangan natin 'yon makuha sa kanya." Saad ni Marco.
"Tama. Kung ganoon nga kadelikado ang batong iyon then might as well destroy it."
"No!" napatingin sila kay Selena. "Gusto niyo bang sumabog ang Earth?"
Nagsipagsinghapan sila.
"Like what I've said, inaabsorb ng bato ang lahat ng elements na nasa malapit nito. Meaning even radiation maabsorb at once na masira ang bato... magrereact ang lahat ng naabsorb nito at ito'y sasabog na parang bomba."
Sandaling nanahimik ang lahat. Nabalot sila ng katahimikan.
"Paano nang gagawin natin ngayon? Kung na kay Emmanuel na pala ang bato then tapos na tayo." Nag-aalalang tanong ni pahayag ni Eliza.
"No, hindi pa. At iyon ang dahilan kung bakit nandirito ako ngayon." May kahulugang sambit ni Selena.
"Ano 'yon? Tanong nila.
"Hindi pa niya lubusang nagagamit ang full power ng bato. May formula pang kailangan niyang makuha."
"Wait, ayon sa kwento mo. Pinapagawan ka ng design for a tattoo ni Frontier hindi ba? Yung solar tattoo ba?" tanong ni Akihiro na kinangisi ni Selena.
"I guess, I need to go." Sambit nito bigla at tumayo upang maghanda nang makaalis nang pigilan siya ng mga ito.
"Sandali!" hiyaw nila ngunit hindi sila pinakinggan ng dalaga.
Nasa pintuan na si Selena nang muli itong lumingon. "Hanggang doon na lamang ang maaari kong isiwalat sa inyo. Ang kailangan niyo na lamang gawin ay alamin ang lihim na formula sa Solar Tattoo ni Vier. Once na malaman niyo then saka kayo magplano kung paano kikilos. Remember, Xyrene is gone. I'm an ally, of course. I need to find Vier as soon as possible bago siya makuha ni Emmanuel."
"Pero, baka patayin ka rin ni Sy, Selena." Nag-aalalang untag ni Marco.
Ngumiti lamang ang dalaga ang nagwika. "Don't underestimate me, Marco. Frontier taught me how to fight using my mind and body. The world's powerful assassin taught me everything. Besides, kailangan niya pa 'ko sa pagkukumpleto niya ng formula. Kung iyon e, magagawa niya."
Tuluyan na itong umalis at naiwan silang muli.
"Mukhang we need to work together." Sambit ni Marco.
"Hindi kami tututol." Tugon ni Andrei at tiningnan sina Eliza at Akihiro. Tumango lamang ang dalawa kahit mas halata sa mukha ni Akihiro ang napipilitan.
"Okay, ganito. Sina Harold, Akihiro at ako ang bahalang mag-decode ng formula na nasa Solar tattoo. William and Andrei, kayong bahala mag-secure ng area. Timbrihan niyo kami kung papalapit na sa atin ang mga kalaban. Eliza at Charles, kayo naman ang bahalang i-hack muli ang system ng lahat ng CCTV para mas mahanap niyo kung nasaan sina Selena at Xenon. Got it?"
"On it." Sabay sabay na tugon ng lahat sila'y nagsikilos na.
"T-Teka, hahanap lang ako ng CR. I want to pee." Untag ni Eliza ma sinang-ayunan ng lahat.
Mabilis na umalis si Eliza habang pinagmamasdan siya ni Charles na kapartner niya sa ginagawa nila. Kunot ang noo ng binata tila may kutob na biglang nagbunga sa kanyang kaisipan.
* * *
PABALIK NA SI Selena at kanya na sanang pupuntahan si Emmanuel nang bigla siyang salubungin ng mga alagad ni Sy. Sa pangunguna ng isang lalaking nasa harapan.
"What's the meaning of this?" mataray niyang tanong nang hinawakan siya sa magkabilang braso ng mga naglalakihang lalaki.
"Nasaan ang bangkay ni Xyrene?" Ani ng lalaki.
"You must be crazy, anong pinagsasabi mo? Wala sa'kin ang bangkay niya." Sagot niya rito.
Tiningnan ng lalaking nagtanong sa kanya ang dalawang taong may hawak sa magkabilang braso niya. Tinanguhan ito at nagulat na lamang siya nang bigla siyang suntukin sa kanyang tiyan.
"Ugh!" daing niya. Ramdam niyang bigla siyang pinamlambutan ng tuhod at doon bumagsak.
"Kaladkarin 'yan papunta kay Mr. Sy." Utos muli ng lalaki.
Hindi na siya nakaumang muli nang literal siyang kinaladkad ng dalawang binatang may hawak sa braso niya.
Anak ng, hindi man lang naawa dahil babae siya?
"Master." Iniangat niya ang kanyang ulo upang tingnan ang hayop niyang ex-husband na nagpagawa sa kanya nito ilang minuto matapos ang nangyaring pagkakakaladkad sa kanya.
Iniangat ni Sy ang kanyang baba habang siya'y nakaluhod at hawak pa rin sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Puno na siya ng sugat dahil sa pagkakaladkad sa kanya kanina. Hindi na niya inaakala nung time na bumalik kanina ang lakas niya ay matuturukan pa siya ng gamot sa panghihina. Kaya ganito siya ngayon at tila nanlalambot ang buong katawan.
"Ugh," daing niya muli nang hinigpitan ni Emmanuel ang pagkakahawak sa kanyang baba.
"Pinaalalahanan na kita, Selena. Binigyan kita ng pagkakataon nang sinabi mong gusto mong makianib sa amin. Tinanggap kitang muli kahit alam kong tatraydurin mo 'ko sa huli ngunit talagang sinagad mo na ang pasensya ko. Nasaan ang katawan ni Xyrene?!"
Tiningnan niya ito sa mukha nito. For some seconds nakita niya ang dating Emmanuel na minahal niya. Ang dating Emmanuel na ibang iba sa Emmanuel ngayon.
"W-Wala sa'kin." Nanghihina niyang tugon rito.
Binitawan siya nito at bahagyang tumalikod at nilamukos ang kamay sa buhok.
Nagulat na lamang siya nang lumatay na sa kanyang mukha ang kamay nito. Sinampal siya nang ubod ng lakas.
Dahil sa sampal na iyon ay nabitawan siya ng dalawang may hawak sa kanya at napahiga sa lupa. Nalalasahan pa niya ang dugo sa kanyang bibig matapos niyon.
"Dalhin niyo sa kanyang kwarto at h'wag na h'wag hahayaang makaalis. Naintindihan niyo?!" Rinig niyang utos sa mga tauhan nito.
Hindi. Hindi siya dapat makulong. Kailangan niya pang makita si Xavier.
"X-Xavier..." mahina niyang daing at narinig iyon ni Emmanuel. Hinarap siya nito at malamig na sinagot siya nang nakangisi.
"Nasa loob na ng laboratory. Kapag sa oras na malaman ko na ang kulang sa formula ay ako na ang magiging pinakamakapangyarihan sa buong mundo," nilapitan siyang muli ni Sy. "At tutulungan mo 'ko, whether you like it or not."
Nagtatagis ang kanyang bagang sa nangyayari. Hindi ito ang planong inaasahan niya. Anong nangyayari? Bakit 'atang bumabaliktad na ang sitwasyon?
"It's a pleasant surprise to see you harassing a girl infront of us, Emmanuel."
Napalingon silang dalawa sa nagsalita.
Nanlalaki ang kanyang mata nang makita kung sino iyon.
"I thought magkakaroon lamang ng meeting sa pagitan ng GVA at ng mga kasapi nito ukol sa pagbabagong nangyari sa laro? Where's the decency, Emmanuel?"
Nagulat siya nang tingnan siya ng ginang kasama ng asawa nito na nasa kanyang tabi lamang. At mas nagulantang siya sa ginawa kindat nito.
"You're not supposed to be here, naroon sa conference room ang iba." Tugon ni Emmanuel sa ginang nagsalita.
"Papunta na sana kami nang makarinig ako ng diskusyon ng asawa ko rito. Malay ko bang kaaway mo na naman sa tagisan ng barahan ang pamangkin kong si Xyrene. Nasaan na nga ba siya? I want to see her."
Halos hindi 'ata siya nakahinga habang pinakikinggan ang dalawa. Tila parang nawala ng parang bula ang gamot na tinurok sa kanya. Paano kaya sasabihin nitong si Emmanuel na patay na si Xyrene?
.
.
.
"She's... somewhere over here the island. C'mon, sabay na tayo ng asawa mong pumunta sa meeting... Mr. & Mrs. Coltrane."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top