Chapter 38: Execution of Plans
NAPAKATAHIMIK NG GABING iyon. Simula nang bumagsak ang katawan ng isa sa tinuturing Legendary Assassin na ngayon ay isa nang malamig na bangkay ay namutawi ang iba't ibang reaksyon mula sa mga taong may pakialam. Sa sobrang katahimikan ng gabi ay wala ka nang ibang maririnig na iba kung'di ang mga kuliglig sa labas at ang mga hikbi ng isang binatang nawalan ng minamahal.
"I'll kill him." Anas ni Akihiro habang nagtatago silang tatlo sa isang sulok at tahimik na nanunuod sa mga nangyayari.
Maagap na hinawakan ni Andrei ang braso ng binata nang maglabas na ito ng swiss knife na nakatago sa bulsa nito.
"Stop it, Akihiro--!"
"'Wag mo 'kong pigilan, Andrei, at baka ikaw ang mapatay ko."
Nalintikan na! Utas ng kanyang isip.
Tinanguhan niya si Eliza na hanggang ngayon ay naiyak sa nangyayari. Sino ba naman ang hindi maiiyak kung isang matalik na kaibigan ang nawala kay Eliza?
Parehas nilang hinawakan ang magkabilang braso ng binata at mariing binalibag sa dingding ng kanilang pinagtataguan.
Mabilis niyang tiningnan ng masama si Akihiro.
"Don't kill him! 'Wag mong sirain ang plano, Aki!" singhal niya rito sa may maliit na boses.
Hindi sila pwedeng umalis rito hangga't hindi pa nila nakukuha ang bangkay ni Xyrene. Pero duda rin siyang makukuha nila 'yun. Base sa hilatsa ng mukha ni Xenon, panigurado nagising na ito sa galit at ngayo'y nagluluksa sa katangahang ginawa sa pinakamamahal.
"The plan is already aborted, Andrei. She's gone!" singhal nito pabalik.
Kitang kita niya kung paano pangiligiran ng luha ang binatang kaibigan.
Sa tanang buhay niya, ito ang pangalawang beses na nakitang pinaligiran ng luha. Ang una noo'y noong nag-aagaw buhay si Xyrene dahil sa nangyari sa mansyon ng mga Villareal. At ang pangalawa, ay ngayon. Ngayong gabi mismo.
Miski siya'y hindi maiwasan ang hindi mapaluha ngunit pinipigilan niya iyon. Kahit masakit sa lalamunan. Dahil kahit ang kaibigang nililigawan niya noon ay wala na, isa itong naging mabuting kaibigan sa kanya at pamilya ang turing sa kanilang tatlo.
But, no! This is not the time to be weak, Andrei. Kahit ikaw nalang ang matirang matatag sa inyong tatlo. 'Wag kang iiyak... 'wag muna.
Tinapangan niya ang kanyang mukha bago muling nagsalita. "Pero kahit na wala na siya, we still need to finish these. We need to finish her plan."
"I know it's hard. I know it hurts. Miski ako gusto ko nang umiyak, Aki. Pero gusto kong tatagan ang loob ko. Hindi dahil wala akong pakialam sa pagkawala niya kung'di dahil sa gusto kong matapos ang nasimulan niya." Pagpapatuloy niya.
Nakita niyang natigilan ang binata dahil sa mga sinabi niya.
Napatingin sila muli sa kanilang minamanmanan nang maramdamang gumalaw na si Xenon mula sa pagkakayakap nito kay Xyrene.
Doon nilang napagtantong wala na sa paligid si Hidalgo.
Shit! Nakatakas ang hayop!
Napabalik muli ang kanilang tingin nang binuhat na ni Xenon ang katawan ni Xyrene in a wedding style position.
Aalis na sana ito nang biglang may nagkasa ng baril.
Napasinghap sila at naging alerto. Nakita nilang tumigil rin si Xenon at hinarap ang taong iyon.
"Take her body down." Simpleng saad ni Cindy.
Hindi man lang nag-abalang gumalaw o sumunod ni Xenon. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa dalaga.
Nakita nilang napapitlag si Cindy at bahagyang napaatras sa paraan ng titig ng binata.
"Oh god..." napalingon silang dalawa ni Akihiro kay Eliza na nakatakip pa ang mga kamay sa bibig nito na tila nagulat.
"He's showing his true form." Narinig nilang utas nito. Nagkatinginan sila ni Akihiro bago muling tinuon ang tingin kay Xenon.
Napasinghap silang dalawa. Kapwa hindi makapaniwala.
Tama ang sinabi ni Eliza.
Ito na ang totoong itsura ni Xenon. May kung ano kasi sa mata nito ang mapapangatog ka ng tuhod. Hindi nila alam kung sila lang ba o sadyang itim na itim ang kulay ng buong mata ng taong may buhat kay Xyrene ngayon.
"The true form of the God of Death." Mahina niyang usal.
"I said... t-take her down." Muling utas ni Cindy na nahalata ang pagkautal nito.
"Why would I?" malamig na tanong ng binata sa dalaga.
"Ako nang... b-bahala sa katawan niya."
"Do you really think that I'm going to give her body to you?"
"You have to..."
"Because you're the daughter of this organization? So, what?"
Anak ng! Hindi alam ni Andrei kung nangangatog na lamang ba ang kanyang tuhod sa bawat salitang binibitawan ni Xenon o sadyang nakakaramdam na rin siya ng takot. Dahil kung iyon nga, ito ang unang pagkakataong nakaramdam siya ng ganito. Never in his entire life na natakot kahit kanino... sa binatang ito lang. Gayshit mang pakinggan pero 'yun ang katotohanan. Para itong equivalent ni Xyrene... na kapag nagalit masahol pa sa demonyo ang ugali.
"I'm going to throw her body in the cliff. Para makasigurong patay na s'ya."
Napakunot noo silang tatlo sa narinig.
Patay na nga 'di ba? Ta's gaganunin pa ang katawan? Aba't!
"Is that the real reason why you want me to put her body down? An assurance that she's dead? Why don't you try to check her pulse instead of doing your pathetic idea?"
Napakuyom si Cindy at nagtagis ang panga nito habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Xyrene.
"Oh, I see," napatingin kaagad ang tingin ni Cindy kay Xenon ngayon ay nakangisi sa dalaga. "Xyrene killed your mother, if I'm not mistaken."
Kapwa silang napasinghap na tatlo sa ginawang pagsisiwalat ni Xenon.
"H-How did you know?"
"What's the use of internet, Cindy? Your mother got killed by an unknown assassin on her birthday when you were 18 years old, 4 years ago. The news exploded like a bomb on that day. And obviously, your mother is the wife of the reigning powerful businessman in the world. I read that on an article a year's ago. And if I'm not mistaken, iyon ang isa sa pinakamalaking massacre na naganap. Imagine? A lot of people killed, natabunan nang sumabog ang gusaling pinagganapan ng event?"
Doon sumagi sa tatlo ang isa sa pinakamalaking assassination project na nagawa nila noon. They cursed under their breath nang maalalang si Mrs. Sy ng target nila ng gabing iyon. Ang misyong iyon ang naging punut-dulo kung bakit kabilang si Xyrene sa mga Most Wanted and as one of the Legendary Assassins.
"But h-how did you know that it was Xyrene?"
"The way you look at her. It's the same rage of what I felt before I killed her. The same emotion when your eyes lingering on hers. All those emotions... I was wearing that on my system a while ago."
Tumawa si Cindy. Tawa na tila isang tagumpay.
"Oh well, since natuklasan mo na lang rin... gusto kong magpasalamat sa'yo. Because you killed her. Bagay lang naman sa kanya ang mamatay, Honey. Wala siyang puso, hindi marunong maawa. My mother is a very kind woman. She thought me everything about being a perfect lady. Tapos isang gabi ng importanteng araw niya?! PINATAY NIYA NG GANO'N GANO'N LANG?!!! SHE DESERVED TO DIE—"
"How about you? Do you think you have a worth in this world? If your mother doesn't deserve to die early, tingin mo deserving kang mabuhay sa mundong 'to?"
Natigilan si Cindy sa naging tanong nito habang nilalapag nito sa may malapit na sofa ang katawan ni Xyrene.
"Nobody deserves to live in this cruel world, Cindy."
Hindi nila inaasahan ang sunod na nangyari. Silang tatlo, kapwa mga nanlalaki ang mga mata sa mabilis na galaw ni Xenon.
"Even you." Utas nito habang sakal nito si Cindy sa leeg.
"X-Xenon..."
"I was wondering... what if I kill you? Ano kayang mararamdaman ni Emmanuel kapag pinatay ko ang kaisa-isa niyang anak?" anas ng binata. "Am I declaring a war against him? Am I going to win over him?"
"B-Bitawan m-mo 'k-ko!"
Kitang kita nilang tatlo kung paano nagiging demonyo ng tuluyan si Xenon. Sa bawat ngisi nito, bungisngis. Lahat nakakapanayo balahibo.
Nataranta sila nang marinig nila ang red alarm warning sa loob mismo ng kwarto ni Hidalgo.
It only means one thing.
Paparating na ang mga alagad ng GVA.
Pinagpasyahan pa nilang manatili at muling manuod sa nangyayari.
Nakita nilang natigilan si Xenon ngunit kaagad na napawi iyon at muling sumilay ang ngisi ng demonyo.
Nginisian niya ang kasalukuyan pa 'ring sinasakal na si Cindy. Halata na rin sa mukha nito ang hirap sa paghinga at maging ang takot na nananalaytay sa mga mata nito.
"Magpasalamat ka buhay ka pa," untag nito. "Pero babalikan kita, dahil pagbabayaran mo pa ang paglapastangan mo sa taong mahal ko... Cindy Sy. Ako mismo ang magtatapon sa'yo sa bangin."
Mabilis na hinagis ng binata si Cindy sa may table ni Hidalgo. Napangiwi pa nga silang tatlo dahil hindi gano'n tumrato ang isang Black Xenon. May respeto ito sa babae at hangga't maaari ay hindi ito makasakit physically. Pero dahil sa kabrutalang ginawa nitong paghagis sa dalaga ay sadyang patunay lamang iyon na hindi na si Xenon ang nasa harapan nila... ang God of Death na mismo at wala nang iba.
Nakita nilang binuhat muli ni Xenon ang bangkay ni Xyrene at umalis na sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man din makalabas ang binata ay nakita pa nilang tumigil ito at tumingin sa itaas. Mabilis nilang sinundan ang tingin nito at doon nilang napagtantong masama ang tingin nito sa CCTV Camera.
Naramdaman nina Andrei at Eliza na may kumalabit sa kanila. "Let's go, hurry!" anas ni Akihiro.
Mabilis silang tumalima at umalis sa lugar. Nagtatago sila kapag sa oras muntikan na silang makasalubong ng mga bantay na papunta sa red alert warning na pinanggalingan nila.
Nang sa wakas ay nakaalis na sila roon ay saka lamang sila tumigil at sapo ang mga dibdib.
"We need to get Xyrene's body," utas ni Akihiro nang makarekober na sa pagod na natamo. "Baka hindi pa nakakalayo ang gagong iyon."
Tiningnan ni Andrei ang mukha ng kaibigan. Kahit hingal na hingal ay kitang kita nito kung paano nanggigigil sa galit ang mga mata nito.
The fuck! Ba't nga ba niya makakalimutan? Xenon killed, Xyrene.
"At hindi ko nagawa ang dapat kong gawin sa kanya."
Napakunot noo siya sa naging bulong sa sarili ni Akihiro.
"Ano ang hindi mo nagawa, Aki?" tanong niya rito na kinabigla nito.
"Wala. Don't mind me. Nabubwisit lang ako sa nangyayari. And I need to kill that fucking bastard!"
"No, we'll stick to our plan." Mariin niyang saad.
"But, X-Xyrene is gone," pinasadahan niya ng tingin si Eliza na kanina pa nanahimik.
"We can still do it." Pagbibigay nito ng assurance sa dalaga. And he saw a bit tears escaped from her eyes.
Damn! How he hates to see her crying. Fuck!
"No, we will kill that bastard first!"
Matalim na niyang tiningnan si Akihiro. "Gago ka ba? Papatayin mo ang taong pinapabantayan sa atin ni Xyrene? How come na nakalimutan mo ang mariin niyang bilin sa ating tatlo?"
"THE Constellates will do the inside job." Pag-uumpisa ni Xyrene ng pagpapaliwanag ng kanilang plano.
"You really made them to do it?" namamanghang tanong ni Akihiro kay Xyrene.
Tiningnan ito ni Xyrene. "I will help them too as long as they will help us. A simple deal, Aki, na mahirap tanggihan."
"Anong objective mo sa kanila? Hindi ba sila mahuhuli nyan?" hinarap ng dalaga si Eliza.
"Kukunin nilang lahat ng makukuhang impormasyon sa offices ng GVA Officers. And you know them, Eliza. Isa sila sa mga pinakamatitinik pagdating sa gan'yan, alisto at magaling sa taguan."
"Well, yeah. I agree, pero this is GVA we're talking about. Malaking organization ang binabangga natin."
Tumaas ang kilay ni Xyrene sa turan ni Eliza. "And since when you started to get scared towards something, darling?"
"That's not what I mean—"
"Eliza, maybe now you're comparing them as a gods of Olympus. But let me remind you, there is always a titans who will take them down and... that's us."
Eliza rolled her eyes. "Okay fine, you go girl. So, what will happens next? Paano mo makokompirma ang anak ni Frontier?" tanong muli ng dalaga.
Humalikipkip si Xyrene habang dumikwatro ng upo sa sofa. "Ayon sa mga nakalap ko may tattoo ang anak ni Frontier. Pero hindi na-indicate kung ano 'yung design at kung sa'n parte ng katawan iyon nilagay."
Nakita ng dalaga na napangiwi ang mga kasama niya.
"Naku, mukhang mahirap 'yan ah. Lalo na't 'di tayo sigurado sa design ng tattoo." Utas ni Andrei.
"But Xenon has a tattoo." Segunda ni Xyrene.
"Everybody has a tattoo, Xy." Eliza said as a matter of fact.
"At paano mo nasabi?" pinagsingkitan ng mata ng dalaga si Eliza. "Binosohan mo lahat ng lalaki rito, ano?"
Nanlaki ang mata ni Eliza at pinamulahan ng mukha. "H-Hoy! Grabe! Gross, huh!"
"Oo nga, Xy. Karamihan sa mga kalahok rito ay may mga tattoo." Pagsang-ayon ni Andrei na masama ang tingin kay Eliza.
"So, paano na nga natin makukumpirma na si Xenon ang anak ni Frontier, Xyrene?" tanong ni Akihiro.
"We need to see his tats, Aki. Kaya ang plano niyo so far ay ang bantayan si Xenon, alamin ang itsura ng tattoo at kung sa'n yun nakalugar."
"Wait, bantayan?"
"Oo, Aki. Bantayan. May problema ba? And when I said bantayan... bantayan." May himig na pagdidiin si Xyrene sa sinambit nito na waring pinapaalala kay Aki ang pagkahuli niyang pagtatangkang patayin si Xenon.
"'Yung pag-alam sa tattoo niya, Xy, okay pa e. Pero yung bantayan ang God of Death? Parang pinalalabas mong mahina si Xenon." Untag ni Eliza sa dalaga.
"I agree. Xenon can protect himself. Ang laki na niya, kaya na niya sarili niya." Segunda ni Andrei.
"Basta gawin niyo nalang, daming reklamo sa buhay e." Iritadong utas ni Xyrene.
"Fine." Pagsang-ayon nila.
"Susunod din naman pala."
"Do you have any more plans? 'Yun lang ang ibibigay mong gagawin namin?" tanong ni Andrei.
"Hindi ka 'atat ano?" ani Eliza.
"Hindi naman ah..."
"Yeah yeah, whatever."
"Pwede na ba uli akong magsalita?" singit ni Xyrene sa dalawa.
Hindi sila sumagot bagkus ay humalipkip ang mga ito at isinandal ang sarili sa sofa.
"Eliza, once na magbigay na sa'kin ng signal ang mga Constellate ay sumunod ka sa kanila sa loob ta's dumiretso ka sa control room. I need you to hack all the system."
"Got it."
Tumingin naman ang dalaga kay Andrei. "Pupunta ka sa weapon storages ng GVA. Kumuha ka ng mga bombs at ikabit sa madalas mong pagkabitan. You know what I mean."
Sumaludo si Andrei. "Aye aye, captain."
"And you..." sabay tingin kay Akihiro. "Sundan mo ang bawat galaw ng DEG, WLA at ang Forlorn. Gimme some updates. Alam kong nagsisimula narin silang gumalaw. Once na may ginawa sila na makakagulo sa plano? You know what to do. And oh! 'Yung tattoo. Alam mo na."
"On it." Pagsang-ayon nito sa dalaga.
"Eh ikaw? Anong gagawin mo?" tanong ni Eliza kay Xyrene.
"Ako ang magbabantay sa Warlords." Simpleng sagot nito. "Pero sa lahat ng inutos ko, 'wag na 'wag niyong kakalimutan si Xenon. Kahit ako ang magbabantay sa kanila, you need to be alert 24/7. Protect him. Kapag may nangyari masama? Just keep it going. Are we clear?"
"Clear," aniya nila.
"Good." Pagkasabi ni Xyrene no'n ay siyang may kumatok sa pintuan nila at tila nilalagabog ang pinto.
"ANO PARE? YOU know her protocol. Even if she was gone... still, we need to respect her order and obligely do it."
Matagal na natigilan si Akihiro. Siguro naman ay pumasok na sa utak niya ang binilin sa kanila ni Xyrene.
"So..." Akihiro cleared his throat. "Ano nang gagawin?"
"Kailangan muna nating makita ang mga Warlords. We need their help." Utas niya sa naiisip na ideya.
"Are you insane?! Kaaway sila!"
"Ano bang nilaklak ng utak mo, Aki, at puno 'yan ng toyo? Akala ko ako ang slow dito, 'yun pala ikaw." Sibad ni Eliza habang iniirapan si Akihiro.
"Mas matutulungan nila tayo sa paghahanap ng mabilis kay Xenon." Segunda na rin niyang sagot. "At saka nasa plano 'to."
"Okay. Fine. Tara na."
Nauna nang tumakbo si Akihiro. Habang sila ni Eliza ay nagtanguhan.
"Are you okay?" tanong niya rito.
Ngumiti ng malungkot si Eliza. "No..."
Hindi na niya napigilan ang sarili at napayakap na sa dalaga. "Everything is gonna be alright."
"BILISAN NIYO NA! ANO? NAGAWA PANG MAGLAMPUNGAN?!!!"
Mabilis silang napabitaw at tiningnan ng masama si Aki.
Panira ng tsansing. Tss.
Nagawa nilang makaalis sa proximity ng area kung saan maraming kumpulan ng mga alagad ni Emmanuel.
Mabilis silang dumiretso sa floor ng Warlords dito sa Gangster Building.
Pagkarating nila do'n ay doon nilang napansing bukas ang pintuan. Nagkatinginan silang tatlo at kapwa parehas ang takbo ng kanilang isip.
Pinasok nila ang kwarto at doon tumambad sa kanila ang magulong sala. Basag ang mga gamit, nakataob ang mga sopa. Inisa isa nila ang bawat kwarto sa unit. Ngunit gaya ng sala ay pati iyon ay magulo at tila may nag-ransack ng mga gamit.
"Sa'n na natin sila hahanapin ngayon?" tanong niya kina Akihiro at Eliza.
"Hey, may laptop dun."
Napatingin silang dalawa ni Aki nang may kinuha si Eliza na laptop sa isang sulok.
Eliza opened it. "May passcode."
"Makakaya mo bang ma-decode."
"I need a little more time, Aki. Maghanap na lang muna kayo ni Andrei ng kung anumang mahahanap niyo."
Tumalima sila ni Akihiro at nagbulatlat ng mga gamit sa unit ng Warlords. Pati mga kwarto ay hindi nila pinatawad.
"Guys..."
Napatakbo silang dalawa nang mahimigan ang kakaibang emosyon sa pagtawag sa kanila ni Eliza.
"Ano 'yon?" tanong ni Akihiro at kapwa silang dumungaw sa laptop.
Kapwa muling nanlaki ang kanilang mata nang makita kung anong mayroon sa laptop.
"S-Si Harold ang IT Expert ng Warlords hindi ba?" marahan silang tumango ni Eliza sa tanong ni Aki. "He really entered the GVA Mainframe?"
Makikita kasi sa laptop ang GVA logo na naikot pagkatapos ay ang ilang pictures regarding the past battle years.
"Wait..." napatuon ang kanilang tingin kay Eliza na napasinghap at tila may naaalala.
"Ano 'yon?"
"D-Diba, this is exactly what Xyrene expected? 'Yung kaninang sinabi niyang plano bago tuluyang pinasok si Hidalgo?"
"YOU know what? Nahihibang ka na." Saad ni Aki nang makalabas na sila sa kwarto ng Constellate.
"Hindi ako nahihibang. Seryoso akong ako ang papatay kay Hidalgo." Utas nito habang inaayos ang isang earpiece pagkuwa'y may pinipindot sa relos nito na tila may tinatawagan. "Hello... yes everything is faliing under it's right position.... yes... Akihiro and the others will do that. Ah-huh... I need to kill Hidalgo... don't you even try to stop me... yes hell it is... okay."
"Sino 'yon?" agad nilang tanong sa dalaga nang matapos ang usapan nito sa kabilang linya.
"Sort of alliance." Simpleng sagot nito sa kanya.
"Regarding about—"
"Aki, ako ang papatay kay Hidalgo ngayon. Nangako ako sa Constellate na tutulungan ko sila kaya kahit itali niyo pa 'ko ay hindi niyo na 'ko mapipigilan."
"Pero ang C-Constellate, Xy."
Napalingon sa kanya si Xyrene. "Nasa isang sulok lang kanina ang WLA. Tingin ko narinig—"
"Let them..."
"Huh? Paano kung mapahamak ang Constellate—"
"Hindi. Hindi sila mapapahamak."
"Paano mo nasabi?" tanong ni Akihiro.
"Sa tingin mo, Aki, pagkatapos mo matuklasan about doon sa sandatang may kakaibang specs and capabilities... hindi ka ba macucurious kung anong pakiramdam no'n?" kunot ang noo ni Aki habang nakikinig. "The Warlords were coming after them too to ask anything about the weapons... and besides" napatingin si Xy sa relo nito.
"Warlords vs. Larynx, nakaplano na silang magtapat. Kaya we don't need to mind the Constellate. Kaya nila ang sarili nila and Xavier... would save them in the first place."
Hindi na sila nakaimik noon habang patuloy na naglalakad sila papunta sa hindi nila alam kung saan.
"Anong nang sunod na plano, Xyrene?"
"Tapos na ba ang una kong inutos sa inyo?"
Eliza immediately answered. "Yup. Nahack ko na ang computer system nila.'
"Me too... tapos na." Sagot ni Andrei nang nakangisi.
"And you?" matagal lamang nila tinitigan si Akihiro.
"The tattoo..." panimula nito. "It's not a simple tats, Xy."
Ngumisi si Xyrene. "As expected." She muttered on a very light sound.
Xyrene cleared her throat. "Makinig kayo ng maayos at sundin niyo ang sasabihin ko. Clear the area around Hidalgo's unit. After no'n umalis na kayo. I'm going to kill him when the sun touches the ground. Pumunta kayo sa unit ng Warlords at kunin ang mga impormasyong nakalap nila. Harold— the Solemn Hacker. Alam kong alam na rin niya ang ginawa mo, Eliza. But don't bothered it anymore. Basta kuhanin niyo ang mga makukuha niyo sa kwarto nila. Lalung lalo na ang laptop ni Harold, it's quite important. After niyong makuha lahat. Find a secured place here on island's proximity at pag-aralan lahat ng makukuha."
"Teka, bakit pinauuna mo kami? Hindi ka ba sasama?"
"It would be a deadly match between the two of us." Sagot niya sa tanong ni Andrei.
"Do you need help? Sasamahan kita." Alok ni Akihiro ngunit umiling lamang ang dalaga.
"I can do it on my own, Aki, thanks for the offer. But Eliza and Andrei need you the most."
Ngumiti ito. Ngiting may kahulugan na kinabahala ng binata, winaksi ni Aki ang isipang iyon at bahagyang tumango kay Xyrene bilang pagsang-ayon.
AKIHIRO clenches his fist with rage. Noon nito napagtanto ang huling ngiting ginawad sa kanya ng dalaga. Damn, bakit hindi niya napansin agad na alam na ni Xyrene na ganito ang kahihinatnan niya? She calculated the whole situation. Even Xavier's appearance, alam niyang dadating ito sa unit ni Hidalgo. Desidido ka na ba talagang iwan sila, Xyrene, at nagawa mong magsakripisyo?
"A-Ano 'to?" muling napabalik ang tingin niya sa laptop nang magreact ng ganoon si Eliza.
Nanlaki ang mata nila ni Andrei. Lalung lalo na siya.
Mayroon kasing nagpop-up na window sa laptop na tingin nila'y naiwang bukas ng may-ari.
It's the same symbol he saw on Xavier's right portion of his back shoulder. It was near he's neck actually.
Binasa niya ang caption ng article na kung saan andoon ang simbolong iyon.
.
.
.
"Solar Tattoo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top