Chapter 35: Touch Move
"ANO NANG BALITA?" tanong ni Kasiragi sa kasamahang inutusan niyang magmanman sa Death Keepers.
"They were discussing about the codes, Ragi."
He doesn't care about it dahil alam naman niya ang sagot sa code. Muli niyang tiningnan ang kasamahang si Kennedy.
"Anything more?" umiling ito. "Seryoso ka? Wala silang pinag-usapan tungkol sa anak ni Frontier?"
Muling tumango ang binata. Nakakapagtaka naman 'atang hindi pinag-uusapan iyon ng Black Death Assassins.
Oo alam na niyang sina Dark Scheduler ang mga Death Keepers. Hindi mahirap alamin lalo pa't sinubaybayan nila ang first round of battle ng mga ito. Mga galawang BDA ang kanilang naging hinala. Pero kahit sino man sila, kahit na nagtataka s'ya kung bakit nasa Gangster Category ang mga ito ay wala namang magbabago sa gusto niyang makuha. Ipapanalo niya ang larong ito at sa kanya mapupunta ang premyo at ang titulo. Magkamatayan man.
"How about sa pinaplano nilang isa sa anak ni frontier? Hindi pa ba nila ieexecute?" napatingin siya kay Kara. "Ano? Kailan nila isasagawa yung mga plano nila? Ikaw ang pinadala kong spy sa kanila hindi ba?"
Tumango ang dalagang purong kulot ang buhok. Black American kasi ito at matangkad. Ito nga ang inutusan niyang magmanman sa mga Death Keepers dahil alam niyang malalaman na ng mga ito kung sino ang anak ni frontier.
Kailangan s'ya dapat ang makasagot sa Bonus Prize. At gagamitin niya ang mga Death Keepers upang maisakatuparan mga ito.
"Walang definite day nila isasagawa ang mga plano nila. Hindi ko nga alam kung bakit pa nila pinapatagal e. They're a bunch of stupids."
"'Wag kang pasisiguro sa katabilan ng iyong bibig, Kara." Tiningnan ni Kara si Kennedy. "Parang hindi mo kilala ang Black Death."
Ngumisi ang dalaga. "As if care? Hindi ako natatakot sa kanila. I can kill them by own hands."
Napapailing iling na lamang ang mga kasamahan ni Kara.
"Kakainin mo 'yang mga sinabi mo."
"Whatever."
* * *
"JOB WELL DONE, Miss Selena.” Patuloy lamang sa paglakad patungo sa kanyang upuan sa GVA Conference Room si Selena at inignora ang papuring wika ni Emmanuel sa kanya. Masyado na siyang na-stress sa mga combantants kanina dahil muntik muntikan nang magpatayan ang dalawang grupong parang mga leon kung magbanatan ng mga maaanghang na salita.
“You know what? As much as I want to deal with your shits, I’d rather sit my ass here and shut my hella mouth.”
Pagkawika niyang iyon ay siyang pagtayo ni Emmanuel mula sa center chair at nilapitan siya. Ipinatong niya ang kanyang dalawang binti sa ibabaw ng conference table habang saktong pag-upo ni Emmanuel sa lamesang pinagpatungan ng kanyang binti. Tiningnan niya ito mata sa mata. Tinaasan ng kilay at sabay irap.
Naramdaman niyang dumantay ang mga magagaspang na kamay ni Emmanuel sa kanyang binti na nakapatong parehas sa lamesa. Aalisin na sana niya ito nang idiniin ng ginoo ang mga kamay nito sa kanyang binti dahilan upang hindi iyon maalis mula sa pagkakapatong.
Matapang s'yang tiningnan ni Emmanuel sa kanyang mata.
“’Wag na ‘wag mo ‘kong pagtataasan ng boses at bibigyan ng mga maanghang na salita mula sa matabil mong dila, Selena. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sa oras na inubos mo ang pasensya ko sa’yo.”
Hindi na siya nakaumang pa sa sinambit ni Emmanuel. Nanahimik na lamang siya at hinalukipkip ang kanyang mga braso habang hinihintay na umalis sa kanyang harapan ang ginoo. Ngunit siya’y nagulat na lamang nang biglang hablutin ng isang kamay nito ang kanyang panga at hinarap sa mukha niya.
“Kapag kinakausap kita, sumagot ka. Naiintindihan mo?”
She mentally rolled her eyes.
“As you wish.” Mahina niyang sambit rito.
Ngumiti ang ginoo at marahas siyang binitawan. Kaagad niyang pinasadahan ng kanyang kamay ang pangang hinawakan nito. Damn! Masakit iyon ah.
Tumayo si Emmanuel at umalis na palayo sa kanya, palabas na sana ito ng conference room nang biglang pumasok ang isa sa mga tauhan niyang nakablack coat pa. May sinabi itong ulat sa kanyang amo at laking gulat na lamang niya nang mabilis na hinablot ni Emmanuel ang baril ng kanyang tauhan at ito’y binatukan. Napaluhod ang tauhan iyon at namilipit sa sakit.
“Open your mouth...” nanlaki ang kanyang mata sa inutos sa kanyang tauhan.
Tiningnan niya ang tauhang iyon. Kahit na namimilipit at takot sa maaaring gawin ng ni Emmanuel ay ibinuka pa rin nito ang bibig.
Napapailing na lamang siya sa katangahang taglay ng lalaking iyon. I bid you a farewell, my friend.
Hindi na niya tiningnan ang sunod na ginawa ni Sy. Kumuha siya ng isang magazine sa lamesa at prenteng binuklat ang mga pahina noon.
Isang malakas na putok mula sa gatilyo ang sunod niyang narinig mula sa mga ito. Tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo dahil natilamsikan ng dugo ng tao ang magazine na kanyang binabasa.
“Sa susunod, kung papatay ka ng mahina. Siguraduhin mong malinis. ‘Yung tipong hindi titilamsik kung sa’n sa’n ang dugong maaaring makamantsa.” Nilapitan niya pa ang ginoo at nilapit ang kanyang bibig sa tainga nito. “Gaya ng mga planong binuo mo. Sa una malinis, pero ‘pag hindi ka nag-ingat... sige ka baka mabahiran ‘yan ng dugo. Ang dugo pa naman kapag nakamantsa ay mahirap na itong maalis... lalo na kung sa puti ito didikit.”
Yeah, maybe your the Supreme Leader in this island, Emmanuel. The King in a chessboard game. But you should be aware in your surroundings... baka hindi mo namamalayang, someone’s ogling at you and just waiting for you to checkmate.
She's grinning on her own thought. In 32 years of her existence, this is the second time na maramdaman niya ang kakaibang excitement na dumadaloy sa kanyang dugo.
Napatingin siya sa malaking glass window ng GVA Office. Kitang kita niya mula rito ang pag-eensayo ng grupong hinihintay niyang gumalaw. Na sa oras naihanda na ang lahat ng dapat na maihanda ay magsisimula na ang deadly event of the century.
Makakaya mo nga kaya...? Matutumbasan mo nga ba ang talentong mayroon ang mga magulang mong sina Lady Leonna Casiraghi at Thomas Casiraghi...? at higit sa lahat... mapapatunayan mo nga kaya na isang teorya lamang ang ginawa ng iyong magulang hinggil sa teknolohiyang kanilang natuklasan? Ikaw nga kaya ang key?
* * *
“NAGBALIK NA SI Emmanuel.” Bulong ni Charles kay Xenon. Napatigil sa kakasuntok ang binata sa isang malaking punching bag nang mapatuon ang atensyon sa binulong ng kaibigan. Kumuha muna ito ng isang towel na dala nila at kapagkuwa’y uminom ng tubig sa waterjag.
“Naghihintay lang kami sa susunod mong iuutos.” Nakangising utas ni Charles na siya niya ring kinangisi.
“Gawin niyo na ni William ang inutos ko sa inyo.” Utas n’ya kay Charles.
“Habang kami?” tanong nina Harold at Marco.
“Maghihintay ng susunod na galaw, mga brad.” Anas niya sabay suntok muli sa punching bag.
“Papaano ang paghahanap ng information about sa Death Keepers? Bakit inialis mo sa tungkuling iyan si Harold?” tanong ni Marco.
Napatigil siyang muli sa pagsuntok at tumingin sa tuktok na part ng GVA Office kung saan naroroon ang isang malaking satellite dish.
“Gusto kong ibang impormasyon ang hanapin niya at kakailanganin niya ang lugar na iyan para sa kanyang hacking capabilities.” Nakangiti siyang tumingin kay Harold. “Isn’t a great idea, pare?”
“A marvelous idea, indeed.” Sagot ni Harold sa kanya.
“Let’s get back to work. May anak pa tayong kailangang hanapin.” Utas ni Xenon at muling ibinalik ang tuon sa punching bag na kanina pa niya binubugbog.
Nang gabing iyon, luminaw ang mga bagay bagay sa kanya. Kung ano ang dapat niyang gawin sa islang ito at kung bakit pa siya tuluyang namamalagi gayong nahanap na niya ang kanyang pakay? Wala rin naman kasi siyang ibang choice. Hindi rin siya makakaalis sa islang ito hangga’t hindi pa tapos ang laro. Which is isa nga ito sa luminaw sa kanyang isipan. The game is still on the heat, kaya bakit niya iyon papatayin nang ganoong kabilis? At isa pa, kung papatayin man niya ang apoy na namumuo sa larong ito... siya lang rin ang matutupok. Siya lang rin ang matatalo. At hinding hindi niya hahayaang mangyari iyon. He’s Xavier John Ford Villareal, the current God of Death... no one can beat him.
* * *
“NAGSISIMULA NA SILANG kumilos, Xyrene. Tayo? Kailan ba?” tanong na namutawi sa tainga ni Xyrene habang sila’y naglalakad dito sa lugar kung saan nag-eensayo ang mga kalahok. Naabutan pa ng kanyang mata na seryoso sa pag-eensayo si Xenon sa punching bag na iyon. Napangisi tuloy siya.
Huminto siya saglit na siyang tigil rin ng tatlo sa likod niya.
“Sino bang nagsabing hindi pa tayo nakilos, Eliza?” utas niya. “Unang tapak palang natin rito, nagsimula na tayo. Remember?”
Pagkasaad ng mga huling salita ay naglakad siyang muli diretso... kay Xenon.
Naabutan niya itong seryosong nasuntok sa target bag. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pagngisi.
“So, you’re here.” Simple niyang bati sa binata na kinatigil naman nito. Maririin, malalalim ang tingin ang pumukaw sa kanya nang tingnan siya nito pabalik. She was taken one little step backward and that was the first time na nangyari iyon sa kanya, just because of his stares.
“And so, are you.” Utas nito pabalik sa kanya habang kumukuha ito ng towel sa gilid. “What are you doing here?”
Imbes na sagutin ang tanong nito ay nagtanong siya palihis sa tanong nito. “I haven’t seen your friends here. Where are they, anyway?”
“And why are you interested to know, you little fucker?”
Napasinghap siya ng ‘di nito nalalaman. He called her, fucker. Wow, that’s nice for a rival intimate words to each other. Though that’s so cliche.
“’Cause I’ll give them a fuck. Got a problem?” she grinned mentally. Oh, how she loved the look on his face when she said that. So, naughty, isn’t?
“Why don’t you try me, I can fuck you right here, right now.” Just like what she expected. He’ll be more cold and... hot? Oh focus, Xyrene!
“Watch out your filthy words, asshole.” Akihiro uttered.
“Kung ayaw niyo sa bunganga ko, then might as well lumayas kayo rito at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na makapatay ng hayop...” pagkasabi niyang iyon ay siyang bigay lakas nitong suntok sa target bag.
May kirot siyang naramdaman nang marinig ang mga katagang gusto siyang patayin ng dating nobyo. But she ignored it.
“If you’re going to invite a girl to have sex with you... fuck is not the right term, mister.” Pinadausdos niya ang kanyang kamay niya sa panga nito ng dahan dahan habang siya’y naglilintanya. “Make love to me... that’s better rather than saying, fuck me.”
Then with that stance, malakas niyang hinampas paatras ang kanyang braso sa target bag na sinusuntok ng binata kanina. After a second... biglang nabutas ang ilalim na bahagi ng punching bag at nilabas no’n ang sankaterbang pulbos na kapag nabasa mas nabigat.
Iniwanan niya ang binata na nanlalaki ang mga mata. That’s how you spank a big thing in a one-perfect-move.
“Bakit ‘pag ako ang nang-aaya sa’yo, Xyrene. Tahimik ka lang. Bakit ‘pag siya may make love to me make love to me ka pang nalalaman?”
“Dahil hindi make love to me ang sasabihin ko sa’yo, Andrei.”
“Ano?”
“You’ll fuck me, and I’ll cut your thing as a souvenir... magandang ideya ‘di ba?”
She heard him gulped... bigtime. Narinig din niya ang mahinang tawa nina Akihiro at Eliza.
"Sa'n na tayo pupunta ngayon? Practice?" tanong ni Akihiro habang sila'y naglalakad.
"Practice? Kailangan pa ba 'yon?"
Alam niyang nakangisi ang tatlo sa kanyang sinambit.
"You're so full of yourself, Xyrene. But I like it." Utas ni Akihiro.
"Pupuntahan natin ang Constellate, bilang sagot sa tanong mo."
"Huh? Anong mayroon sa kanila?"
Nilingon niya si Andrei. "Sila ang unang sasabak sa laban."
Tumalikod na muli siya at muling naglakad. Tahimik niyang nilalandas ang daanan patungo sa isang malaking LCD Screen na nakasabit sa isang poste ng practice ground.
"Paano mo ba nalalaman kung sino ang sunod na isasabak sa laban?" rinig niyang tanong ni Andrei.
Napahinto siya. Nang makarating sila sa lugar kung saan sila manunuod ng laban.
"I told you, matagal na tayong nakilos. At sinimulan na ng ating hacking expert."
Pagkasabi niyang iyon ay siyang tingin ni Andrei kay Eliza. "You already hacked the GVA System?"
Kitang kita niyang napakunot noo sa kanya si Eliza.
"Did I?" tanong pabalik sa kanya ng dalaga.
Nginisian niya ito. "Yeah... you forgot?"
Mas lalong kumunot ang noo nito at tila inaalala kung may inutos siya ritong i-ha-hack na system.
"Mukha ngang nakalimutan mo. I asked you about the coordinates of system Delta the night before the Battle Cross had started."
Sa pagkasabi ni Xyrene noon ay s'yang pasok ng isang senaryo na tugma sa sinabi ni Xyrene. That night, patulog na siya no'n nang biglang pumasok sa kanyang kwarto si Xyrene na may dalang iPad at tinanong siya... "What are the coordinates of System Delta that the GRA always used?"
Then she answered her, "Alpha Omega 452910, 'yun lang ba tanong mo, Xy? Pwede nang matulog? I'm so damn sleepy."
"Yeah sure... sweetdreams and thanks."
"P-Paanong kumilos na 'ko kung nagtanong ka lang naman sa'kin at hindi mismo ako ang umasikaso?"
Marahan na tinapik ni Xyrene ang balikat ng dalaga. "I'll give you the credits, for that."
"Wait, System Delta? 'Yan ang mainframe ng GRA, 'di ba? Bakit mo hiningi ang codes no'n."
Ibinaling ni Xyrene ang kanyang paningin kay Akihiro.
"Let's not talk about the whole operation here," anas niya. "But regarding about your question, the GVA's Mainframe system is only an imitation of GRA's Computer System. In short..."
"Ang GRA mismo ang humahawak sa computer system ng GVA, and since we have knowledge about the in and out transactions of the org, madali na para sa atin kontrolin ang GVA mula sa loob."
"Exactly," simpleng utas niya. "But for now, let's watch them kung paano sila makakasurvive. Gaya ng pagiging mata nila para sa atin mula sa labas."
Pagkasabi niyang iyon ay saka lang nagsitinginan sa big screen ang tatlo niyang kasama.
* * *
"WOW, IT'S BEEN a while... Constellates" saad ng isang myembro ng Forlorn Gang. Nasa pool ang mga Constellate ng araw na iyon at nagsusunbathing lamang nang puntahan sila ng Forlorn Gang.
Tinanggal ni Aries ang kanyang suot na sunglasses at umupo ng ayos mula sa pagkakatihaya sa tabi ng pool. Pinasadahan niya ng tingin ang tatlong members ng gang lalo na ang kumausap sa kanya.
"Actually, I don't like your presence here either... Fig."
Hindi niya talaga mawari kung paanong ang isang walang kwentang gang na ito ay nanalo sa Battle Cross at makapasok sa next level. Well, pati nga ang pagkapasok ng mga ito sa GVA ay hindi niya rin mapagtanto kung paanong nangyari.
May alam silang tatlo sa grupong ito. But of course, kailangan nilang gumawa ng ganitong klaseng background check nang sa gayon ay makilala nila ang mga kakalabanin. It's a good thing nga na hindi nawala ang internet access nila kahit na ang inaasahan ay wala. Pabor naman sa kanila 'yun dahil kahit papaano ay nabubuksan pa niya ang account nila sa GRA site. 'Yun nga lang, alam nilang may kapalit ang ganitong klaseng kaluwag na patakaran. Something is up with these kind of scheme and she/they need to be extra careful.
"Uhhh. Why is that? Hindi ko naman alam na pwede na palang mang-akin ng lugar ngayon. Maybe I'll try that some other time... but for now."
Kaagad niyang naramdaman ang susunod na galaw ng kalaban. Mabilis niyang naisangkalan ang inuupuan niya upang maging pangharang sa binatong mga patalim ng Forlorn at siya'y nakapagtago. Maging ang dalawa niyang kapatid ay ganoon rin ang ginawa at ngayo'y sila ay namomroblema.
"Oh? Ba't kayo nagtatago? Got scared? Sabagay you have to, lalo na sa armas namin."
Sumilip si Aries ng bahagya sa kalaban upang pagmasdan ang armas nila.
A Cavalry Spear? Cavalry spears were originally the same as infantry spears and were often used with two hands or held with one hand overhead. In the 11th century, after the adoption of stirrups and a high-cantled saddle, the spear became a decidedly more powerful weapon.
But how come na nakakapagbato sila ng maraming knives na ipinambato sa kanila? Muli niyang tiningnan ang Forlorn. Ngayon lang niya napansin ang gauntlet sa braso ni Fig. She's wearing a gauntlet. A special kind of armored gadget. Ngunit napakunot noo siya. Bakit tila may ilang parte ng gauntlet ang halintulad sa pagkakayari ng Enemy Identifier? Wait a minute. Muli niyang tiningnan ang gauntlet na suot ni Fig. Ngayon lang niya nakitang may rectangular screen roon at may numbers.
10000... Life points?
Napangisi siya ng malapad. Naintindihan na niya.
"Sis, ano nang gagawin natin?" tanong ni Virgo sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at mabilis na tumalikod at inapuhap ang suot na identifier.
"Constellate Assassins Access Code."
Permission to speak.
"Pandora's Box"
Access Granted, Weapon Code: 567362910... Samurai Iced Swords. Accept or Decline?
She pressed ACCEPT option sa maliit na touching screen ng Identifier.
Initializing... Transformation Sequence.
Nagulat siya nang parang transformers na gumalaw ang Identifier. Nag-expand ang mga features nito na halos balutin na ang kalahati ng kanyang braso. Natuwa siya sa kakaibang klase ng technology na mayroon ang GVA. Mukhang dinaig pa nito ang modern type of 21st Century. Masyadong futuristic. Masyadong surreal but they manage to make it happen.
Transformation sequence, complete. Gauntlet C640 is now ready. Grab your weapons and fight!
"Paano natin makukuha yung samurai?" tanong ni Aquarius.
Sinuri niyang muli ang gauntlet. Napansin niyang may maliit na timer roon at nakastock sa 5:00. Meaning five minutes. Oh, great! The five minutes rule. Hindi pa officially nagsisimula ang laban dahil hindi pa naandar ang oras.
"Oh, bakit hindi na kayo makaalis d'yan? Lumabas na kayo, mamamatay lang rin naman kayo e."
"Yeah right. Labas na bitches!"
"Labas na sa lungga, weaklings."
Nagtatagis na ang bagang ni Aries sa mga oras na iyon. Muli niyang tiningnan ang gauntlet sa pag-asang makikita niya kung paano makukuha ang armas at kung nasaan na ito. Isang berdeng bilog ang umagaw sa kanyang atensyon. Kumikinang iyon sa gauntlet at tila may hinihintay lang na gawin sa kanya. That' s when she finally thought about it. She hovered her hand on top of the green circle.
Weapon C640 is now online.
Pagkarinig niyang iyon ay siyang tingin nila sa gitna ng pool. Biglang bumaba ang lebel ng tubig doon at tila may iniaangat na malaking cylindrical tube. Nang tumigil sa pag-angat ng naturang bagay ay s'yang bukas ng ibabaw na bahagi nito at lumitaw sa kanilang mga mata ang tatlong samurai swords. Sabay ng pagtigil ng pagbukas roon ay ang pagtunog ng timer sa kanyang gauntlet.
Nagsimula na ang five minute battle.
"PIGILAN SILANG MAKUHA ANG KANILANG ARMAS!" bulanghit ni Fig habang sila'y tumatakbo patungo sa gitna ng pool.
Hindi naging madali ang kanilang pagpunta sa kinalalagyan ng weapon nila dahil sa mga nilalabas na maliliit na kutsilyo sa hawak na Calvary Spear ng kalaban. Napapamura na lamang ang tatlong constellate dahil nakakasiguro silang may ginawang kakaiba ang GVA sa mga sandatang hawak ng kalaban. They upgraded the weapons para mas maging deadly ito kapag ginamit.
4 minutes and 3 seconds...
Tumambling patagilid si Aries, Virgo at Aquarius mula sa edge ng pool upang maabot ng kanilang kamay ang hawakan ng samurai sword. Nang mahawakan nila ang mga ito ay nagulantang sila sa sobrang lamig ng sandata.
For Pete's sake, it's a Samurai Ice Sword. Bakit nila nakalimutan iyon? Pwersahan na nilang hinila ang espada saka maayos na lumanding sa kabilang side ng pool.
3 minutes and 10 seconds left...
Nanggigigil na tumakbo ang tatlong miyembro ng Forlorn at sila'y inatake.
They manage to dodge by using their swords ngunit naiinis na sila dahil sa sobrang lamig na bumabalot sa hawakan. Humahapdi na ang palad nila sa sobrang lamig ngunit hindi nila iyon pinapahalata.
Nagpatuloy ang sagupaan ng kanilang armas hanggang sa matamaan sa kaliwang braso si Aquarius.
Napasulyap si Aries sa gauntlet. 8500 nalang ang natitira sa life points nila. She need to think quick kung paano nila mapapatay ang tatlong 'to.
Sa kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nasipa siya ni Fig at siya'y tumilapon sa pool. Sa kanyang pagbagsak roon ay may napansin siyang kakaiba sa hawak na espada. Sinulyapan niya ito at siya'y namangha nang makitang nagiging yelo ang tubig na bumabalot sa talim ng samurai. Marahil sa sobrang lamig ng samurai ay naggegenerate na ito ng kusa sa pagtigas at maging isang yelo. Sa pag-iisip na iyon ay inilapit niya sa kanyang mukha ang talim ng espada.
May mga crystalize stones ang bumabalot rito. Hindi niya alam iyon ngunit dahil sa taglay na kakaibang abilidad ng sandata ay may naisip na siyang paraan kung paano mapapatay ang kalaban.
Lumangoy siya papunta sa gilid ng pool. Dahil sa laki at lawak ng pool ay alam niyang hindi siya mapapansin ni Fig. Umahon siya at kaagad niyang natanaw na pinagtutulungan ng dalawang myembro ng kalaban si Aquarius na ngayo'y sugatan na habang si Virgo naman ang puntirya ni Fig.
Mabilis na siyang kumilos at pumunta sa controller ng pool. May wave effect ang pool ng GVA at kailangan niya iyong mabuksan nang maisagawa ang plano.
Nang mabuksan ay bumalik siya sa laban. Dehado na ang dalawa niyang kapatid. Kailangan na niyang umaksyon.
Tiningnan niya ang samurai na hawak. Alam niyang kabaliwan ang plano niyang paggamit sa abilidad ng sandatang nagyeyelo. Pero kailangan niyang subukan. Kung nagawa ng GVA na gawing realistic ang isang futuristic concept of technology then might as well na gamitin niya iyon at idepende ang naisip na plano sa isang mala-fantasy na drama. Damn it!
1 minute and 37 seconds...
"Aquarius! Virgo! Umalis kayo d'yan bilis!" utos niya sa mga ito na kinatingin ng lahat sa kanya.
Nagsimula nang umalon ang pool. She placed the sword over the water at huminga ng malalim.
"Kill her." Utos ni Fig sa dalawa niyang miyembro.
Hindi siya gumalaw habang papalapit ang kalaban. Nang sa tingin niya ay tama na ang taas ng alon sa pool ay iwinasiwas niya ang sandata sa tubig.
Sa kanyang pagwasiwas ng espada sa tubig... Ang mga tilamsik na epekto ng ginawa niya ay unti unting naging isang yelo at naghugis patusok. Diretso iyong tumusok sa leeg, dibdib, braso ng dalawang sumugod sa kanya. Ginawa niya muli iyon at ngayon, mas malakas na alumpuhit sa tubig. Mas malakas na wasiwas, mas mahahabang ice popsicle ang mabubuo. Gaya kanina, nagmistulang dartboard ang katawan ng dalawang myembro ng Forlorn gawa ng mga tumusok na yelo sa kanilang katawan at sabay na bumagsak sa kanyang paanan... Wala nang buhay.
"Walang'ya ka! Pinatay mo sila!"
Ibinato ni Fig ang hawak na malaking spear at papunta iyon sa kanya. Muli niyang kinambyo ang hawak na patalim at binigay ang lahat ng lakas sa muling pagwasiwas niya sa tubig. Nagawa niya iyon dahil sumabay ang kanyang hampas sa along papunta sa direksyon ni Fig. Nahati sa gitna ang spear at nagdirediretso ang natirang tilamsik na naghugis ng patalim at dirediretsong sumaksak sa dibdib ng leader ng Forlorn na si Fig.
Time is up... Constellate Assassins, you win!
* * *
LAHAT NG NAKAPANUOD ay nagmistulang estatwa sa unang laban sa Pandora's Battle na kanilang nasaksihan. Lalong lalo na si Xyrene at Xavier.
"A marvelous battle isn't?" napabalik ang atensyon ng lahat nang si Emmanuel na ang pinapalabas sa big screen.
Nakaupo ito sa isang hugis tronong silya na nababalutan ng mga ginto habang ito'y umiinom ng isang tsaa at nakangising nakatingin sa video camera.
"Ang inyong natunghayan ay simula pa lamang ng panibago at kakaibang laban na inyo pang masasaksihan sa natitira nating mga combatants. As you observed, kakaibang teknolohiya ang ginamit sa laban ng Constellate at Forlorn. Nagpapatunay ito na habang papalapit na tayo sa huling kabanata ng laro ay pahirap na ng pahirap ang inyong magiging laban. As well as the innovation of our modern weapons. You wanna know kung paanong ang isang simpleng sandata ay nag-eemit ng iba't ibang specialties?" humigop muna ito ng tsaa bago nagpatuloy. "Well, I think it's better for me to zip my mouth. Wala namang magbabago kung malalaman niyo e. Wala rin naman itong kinalaman sa Bonus Prize niyo so I think mananahimik na lamang ako."
"This is insane. Talagang sinasagad ni Emmanuel ang pasensya ko. Patawarin nawa ako ng lahat ng santo sa kaitaasan ngunit kapag ako ay hindi nakapagpigil... tatapusin ko ng maaga ang laro at sisiguraduhing walang matitirang buhay sa islang ito." Nanggigil na bulanghit ni Xyrene sa Death Keepers habang pinagmamasdan ang mapang-arok na ngisi ni Emmanuel.
"Bakit Xyrene? Anong kabaliwan na naman ito ni Emmanuel?" tanong ni Andrei.
Huminga muna ng malalim si Xyrene at nagtatagis ang bagang na pinagmasdan ang mukha ni Emmanuel.
"Sa larong chess. Hangga't hindi pa nachecheckmate ang hari ay may kapangyarihan pa itong kumilos ng ayon sa gusto niya..." anas niya. "At sa larong ring iyon nauso ang touch move, na sa oras na hawakan mo ang pamato mo ay wala ka nang magagawa kung'di ang igalaw iyon kahit wala iyon sa plano."
"Hindi kita maintindihan, Xyrene." Utas ni Eliza.
Bumuntung hininga siya bago muling nagsalita.
"Sinira natin ang orihinal niyang plano sa paglalaro sa sarili niyang laro, Black Death... Ngayon, ay gagamitin na niya ang alas na maaaring mas makapagpabago pa sa takbo ng larong ito. O kung..."
.
.
.
"... matatawag pa nga ba itong laro kung Touch Move na ang natitirang paraan upang manalo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top