Chapter 34: Pandora's Battle

Pandora's Battle

In this stage of battle, maaari nang makagamit ang bawat manlalahok ng sandatang makakatulong sa kanila upang sila'y manalo. Ngunit ang bawat sandatang pipiliin ay nakabatay sa mabubunot ng kani-kanilang pinuno.

What are the rules implemented in this battle stage?

- No trading of weapons

- Each participants will be given a five minutes fight battle

- 10,000 Life Points is at stake on their Enemy Identifier.

- Once the Identifier has stated your opponent, the five minute game starts

- Once you failed to kill your opponent in a five minutes rule, then your life points will be the alternative way to know who among the two of you is the winner.

- Lastly, the first pair of participants who could win in just a short period of time will be given a clue regarding on the Bonus Prize of the whole Battle.

* * *

“AYOS NA BA ang lahat?” tanong ni Xavier sa mga kasamahan niya sa Warlords Platoon. Inaayos na niya ang kanyang sarili sa harap ng isang malaking salamin nang siya’y nagtanong. Tiningnan niya sa repleksyon ang mga kasama. Si William (Voice Box) at Charles (Gate Crasher) ay pawang nangingitata ng chichirya sa may bar stool; si Marco (Silent Keeper) na nakaprenteng nakaupo sa may sofa nila at; si Harold (Solemn Hacker) na busy sa pagkalikot sa Ipad nito.

“Almost done...” rinig niyang sagot ni Harold.

Binigyan niya ng ilang mga gawain ang apat na ito bilang paghahanda na rin sa magaganap na tunay na laban sa pagitan nila ng Death Keepers. To be honest, hindi siya threaten. And he will never. It’s just that...

“Hindi ko talaga aakalain na seseryosohin mo ang susunod na battle stage, Xenon.”

Tiningnan niya sa repleksyon ng salamin si Marco na ngayo’y nakangising aso sa kanya habang sinaad ang tinuran nito.

“I am not, dude.”

“Then bakit mo pinagkakaabalahang alamin ang specialties ng Death Keepers, pare?” nilingon na niya ito at sinamaan ng tingin.

“Haven’t you noticed the scar on her belly, ‘tol?”

“Ni Xyrene? Bakit? Dahil ‘yun ang patunay mo na siya ang pumatay sa nobya mo, Xenon?”

“Oo. Alam ko dahil kahit wala akong maalala nang dahil sa insidenteng ‘yon ay may isang bagay ang hindi ko nakalimutan. At iyon yo’n ‘tol!”

Hinding hindi niya makalimutan noon ang isang parte ng nakalimutan ng utak niya na sapantaha niya’y ang nag-ugat sa kanya upang maghiganti.

Iyon ‘yung senaryong kung saan nagising siya ng bahagya at nakita ang sarili sa may gilid noon ng kalsada. Sa kanyang pagdilat no’n ay isang babae ang kanyang naulinagang may inaayos sa mukha bago tuluyang umalis. Ngunit dahil alam niyang lahat ng nasa paligid niya ng mga panahong iyon ay kalaban, mabilis niyang nakapa sa bulsa niya ang tinatagong patalim. Kahit na hirap na hirap noon ay nagawa pa niyang makatayo at sumugod sa dalagang iyon. Nasugutan niya ito sa may balakang nito. Kitang kita niya ang agos ng dugo sa parteng nahiwaan at nagkorteng ekis.

Napatawa ng pagak si Marco. “So, you’re still on your revenge thingy, huh, dude?”

Hindi niya ito sinagot bagkus ay itinuon niya ang pansin kay Harold. “May nakalap ka ba tungkol sa kanila?”

Bakas sa mukha ng binata ang salungat sa inaasahan niyang sasabihin nito.

“Actually, hinanap ko na ang lahat ng record nila as gangsters dito man sa Pilipinas o ‘di kaya sa ibang bansa ngunit walang Death Keepers ang lumalabas e.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Bumuntung-hininga muna ito bago sumagot. “Pare, alam mong batas na sa Gang Org. na kinakailangan bago maging isang legal na grupo kayo bilang gangster ay nakarehistro ka dapat sa Underground Society. But in their case, all names that related to them was invalid in the Underground Website. Hindi sila legal.”

“What if, kagagawa lang nila ng grupo nila bago sila natanggap dito sa GVA?” tanong ni Charles habang umiinom ng tubig.

“Kung magkagano’n man, kinakailangan nga munang nakarehistro sila sa Society. Dahil sa mismong site kumukuha ng information ang mga organizers ng GVA bago nila isali iyon sa laban. Sa madali’t sabi, kung may ticket ka pasok ka. Kung wala, e ‘di wala.”

Rumihistro sa utak ni Xenon ang malaking pagtataka sa lahat ng sinabi ni Harold. Tama lahat ng sinabi nito. But it doesn’t make sense at all.

Bakit hahayaan ng GVA na makasali ang isang grupong hindi man lang legal at walang background sa kategoryang kanilang nilahukan?

Kung wala silang mga record sa Society then hindi kaya?

Napatingin muli siya kay Harold. “Hand me your Ipad. ASAP.”

Mabilis naman nitong ibinigay sa kanya at mabilis rin niyang kinalikot.

Kung tama ang kanyang kutob. Kung hindi sila rehistrado sa UnderSociety, ibig sabihin lang no’n, sa Assassin category sila napapabilang.

Binuksan niya ang site ng GRA (Grand Royal Assassins)— the biggest institution of all Assassins in the world.

Hindi na niya magagamit ang account niya noon bilang Assassin dahil sa pagtiwalag niya rito ngunit buti na lamang at napulot niya ang dog-tag ng isa sa mga kawani ng GRA.

Nilabas niya ang dogtag mula sa kanyang leeg at tiningnan muli ang nakaukit roon.

GRA – X94

Alam niyang sa mga kawani iyon ng Grand Royal Assassins ang nasabing dogtag na napulot niya sa dalawang taong palihim na nag-usap noong mga panahong bagong tapak lang nila muli rito sa GVA Island. Ito ‘yung panahong napili niyang magpahangin noon at nahuli ang dalawang estranghero na nag-aabutan ng kemikal na hindi niya pa mawari kung ano.

“Sa’n mo nakuha ‘yan?” rinig niyang tanong ni William.

“Ewan ko rin.” Wala sa sarili niyang sagot dahil busy siya pagpindot sa Ipad.

Pinindot niya ang sign-in button ng site at nagpop-up ang isang scanner. Well, when it comes on a highly-advanced profiles of killers, kailangan matindi rin ang computer literacy mo para malaman kung anong klaseng program ang ginagamit ng mamamatay-tao.

Tinapat niya sa camera lens ng Ipad ang dog-tag at ito'y nagsimula ng mag-scan sa mismong webpage.

“Access Granted”

Nakalagay sa screen nang matapos itong mag-scan.

Nang makapasok sa nasabing site ay saka niya hinanap ang Death Keepers. But sa una palang ng kanyang paghahanap ay failed kaagad at sinasabing walang pangalang ganoon sa listahan ng accredited assassins. Sinubukan naman niyang sinunod ang mga pangalan nina Xyrene roon at ng iba pa ngunit gaya ng nauna, wala pa ring lumabas na resulta.

“Dammit!” hiyaw niya nang nauubusan na siya ng pasensya sa paghahanap.

“Ano nang nangyayari sa paghahanap mo?” tanong ni Marco.

“Fuck! Wala rin sila sa site ng GRA. Kung hindi sila gangsters o ‘di naman kaya ay assassins, saan sila kabilang?” tanong niya sa mga ito.

“O mas magandang tanong, Xenon,” tiningnan niya si Marco. “Sino sila?”

* * *

MULING NAGTIPON TIPON ang lahat ng mga natitirang mga kalahok ng GVA sa Coliseum. Nagpatawag kasi ng meeting ang ilang kawani ng GVA upang ipaliwanag ang magiging takbo ng susunod na stage battle.

“Pandora’s Battle?”

Ang halos tanong ng lahat nang ilathala sa kanila ang magiging tawag sa susunod nilang laban.

Rehistrong rehistro sa kanilang mukha ang pagtataka sa pangalang iginawad. Maging sina Xenon ay hindi rin makapaniwala na may binago ang mga ito sa takbo ng buong laro. Hindi kasi ganito ang takbo ng susunod na laro nung huli silang sumali.

“Do you have any idea kung bakit Pandora’s Battle ang ipinangalan sa susunod niyong laban?” tanong ni Selena Villareal na siyang punong-patnugot ng buong pagtitipon.

“Because of the Pandora’s Box?” napatingin ang lahat sa nagsalitang si Blare.

Bakas sa mukha ng binata na kahit interesado sa tanong ni Selena ay tila walang kabuhay-buhay ang mga mata nito maging ang ekspresyon ng mukha.

Tiningnan s’ya ni Selena. “Mismo. May ideya ka ba kung bakit mo nasabing Pandora’s Box hango ang battle title?”

“Because this might be helpful to us or yet maybe the cause of our death?”

Nginisian lamang siya ni Selena at mukhang napunto ang gustong mapunto ng usapan.

“Tama ka, Blare. Because in this battle...” mas ngumisi pa itong tumingin sa lahat. “Weapons are now allowed to use.”

Halos mabingi ang mga tainga ng ilan sa kalahok ng biglang nagdiwang ang mga ito sa balitang natanggap. Kung ang iba ay masaya dahil makakagamit na ang mga ito ng sandata, kabaligtaran naman para kina Xenon at Xyrene.

No way na gano’n gano’n lang nila gagawin ito sa battle stage. There must be something twist on the Pandora’s Box concept. ‘Yan ang takbo ng isipan ng dalawang pinuno. Masyado focus ang dalawa sa labang ito at tila hindi mo makakausap ng matino sa mga awrang nakabalot sa dalawa.

“But...” natahimik ang colisuem sa pagsingit ni Selena sa kanilang kagalakan.

“If you’re expecting na mapupunta sa inyo ang mga nakasanayan niyo nang sandata ay d’yan kayo nagkakamali.”

Sa pagsaad niyang iyon ay siyang pasok mula sa backstage ang limang GVA Maidens tulak tulak ang bagay na natatakpan ng tela. Pagkalapit ng bagay na iyon ay Selena ay mabilis nitong tinanggal ang sapin na bumabalot.

Bumungad sa kanila ang isang cardboard na may stand. Mas natuon ang kanilang atensyon sa mga bagay na nakadikit sa board na iyon.

"As you can see, I have several daggers na nakasabit rito," utas ni Selena pagkatapos ay pumalakpak ng tatlong beses. "And this is your target board."

Sabay sabay na nakatingin ang lahat ng natitirang kalahok sa kanilang kinatatayuan at natunghayan ang pagtapat ng spotlight sa tatlong malalaking dartboard.

Napasinghap sila sa nakikita. Hindi sa sila'y mangha kung'di dahil sa tatlong taong nakasabit sa nasabing dartboard habang ito'y umiikot.

Puro impit ng ingay, at hiyaw ang kanilang naririnig sa tatlong dalaga. Nakasabit ang buong katawan sa malaking board sa ekis na pwesto. Umiiyak rin ang mga ito at tila humihingi ng tulong.

Naunang napalingon pabalik kay Serena si Xyrene at nagtatagis ang bagang na nagtanong.

"What the fuck is happening at bakit nakasabit ang Black Lilies sa mga dartboard na 'yan?!"

Napatingin ang lahat kay Xyrene ng ito'y bumulanghit.

"That's what the organization wants for them, Schedulist of Death Keepers." Sagot ni Selena sa dalaga.

"Ang alin? Ang patayin sila sa pamamagitan ng sensors na nakasabit sa katawan nila?!"

Hindi sumagot si Selena bagkus ay muling tumingin ito sa kanilang lahat.

"Upang malaman ninyo kung ano ang mapipiling armas ay kinakailangang ma-bull's eye ninyo ang sensor na nakakabit sa mga dalagang iyon. You are not required to do it twice. One bull's eye is enough."

Nagngisian ang ilan sa kanila. Lalo na ang mga White Larynx na napapahagikgik pa parang demonyo at sang-ayon sa ideyang ito.

Hindi na napigilan pa ni Xenon ang magtanong. "Hindi ba dapat pinauwi niyo na sila dahil sila'y natalo sa laban against the Constellate? That's on the rules!"

Sunud sunod na napailing si Selena.

"Walang official rules ang GVA, Xenon. Kung mayroon man, iyon ay ang rules ng bawat battle stages. Nothing more nothing else. Nadadagdagan lang rin kung minsan o nababago, tulad sa stage na 'to. Kung sa una ay bawal ang weapons ngayon ay maaari na. But the other rules indicated on the first stage of battle is still implemented in the Pandora's Battle. Do you have any clarifications or questions you would like to ask?"

"But you said na makakauwi ang mga matatalo kahit na hindi sila mamatay--"

"Oo, sinabi namin iyon ngunit hindi ibig sabihin ng sinabi ay siyang gagawin hindi ba? Remember, ang batas ay batas."

Hindi makapaniwala ang reaksyong nakaukit sa mukha nina Xyrene at Xenon. Kapwang hindi makapaniwala dahil tila naisahan sila ng kalaban.

"This is the deadliest game if you may ask, combatants. Two deadliest species were on this battle. Ang tanging paraan niyo lang upang mabuhay ay walang iba kung'di ang pumatay."

Hindi na muling umimik pa sina Xenon at Xyrene. Dahil kahit kapwa hindi inaasahan ang kanilang nalalaman ay wala silang magagawa kung'di ang sumunod na lang.

"'Wag na kasing umangal pa. Napaghahalataang mga mahihina e." Utas ni Kasiragi ng WLA at napahagikhik na animo'y nagbigkas ito ng biro.

"Shut the hell up." Usal ni Andrei na agad namang hinawakan ni Eliza dahil ramdam ng dalagang inis ang binata kapag nasasabihang mahina.

"Bakit pare? Masakit bang aminin ang katotohanan? O ibang katotohanan ang gusto mong malaman nila?" Usal muli ni Kasiragi at muling bumulanghit ng tawa.

"Enough," pagpigil ni Xyrene kay Andrei at binulungan ang dalaga. "They've already figured out that we are the BDA, Andrei."

Tiningnan ng binata si Xyrene na may halong pagkabigla. Ngunit bago pa ito makapagsalita ay pinisil ng dalaga ang braso ng binata at muling tiningnan ng mariin.

"You know exactly what we are doing if someone finds out who we are, B.I, right?"

Natuon ang atensyon ni Andrei sa bulong ni Xyrene. She called him on his codename as an Assassin at muling napanumbalik ang kanyang ngisi nang maalala ang batas ng grupo nila.

Thou shall kill those people who will reveal your mask.

Hindi na nga muling pinansin ni Andrei ang kabilang kampo ngunit iniwanan naman niya ito ng isang nakakalokong ngisi na nakapagtiim bagang kay Kasiragi.

"So, if you don't have any question then let's proceed. Leaders, pumili kayo ng magiging representative sa paggawa ng throwing."

Isa-isa nang nagsilapitan ang mga napili ng kanilang pinuno.

Representatives:

1. Aries (Constellate Assassins)

2. Kara (White Larynx Assassins)

3. Swan (Death Keepers)

4. Silent Keeper (Warlords Platoon)

5. Alessander (Dragon Empire Gang)

6. Fig (Forlorn Gang)

Isa-isa nang nagsipagkuwanan ng daggers ang mga napiling throwers.

"Throwers, please be noted that each sensors on your target will be your official weapon and as said to our rules, you are not all allowed to exchange or borrow to your respective opponent." Paalala ni Selena. "Now, as I count of three... one- two- three!"

Sa puntong iyon ay sabay na naghagis ang sina Kara (WLA), Aries (CA) at Fig (FG) ng patalim. Tinamaan ni Kara ang sensor ni Veronica sa noo, habang si Fig naman ay sa dibdib ng dalaga.

Pinaglaruan muna sa pamamagitan ng paghagis at salo ni Silent Keeper ang patalim at tiningnan ng mariin ang nasa kanang dartboard na si Tiffany. Pagkatapos ng ilang saglit ay mabilis niyang ibinato ang patalim ng ubod ng lakas na siyang sumentro sa noo ng dalaga

"Marunong ka bang magbato, Miss? Gusto mo ako nalang magbato para sa'yo?" Alok na may halong ngisi ni Alessander (DEG) kay Swan (DK) at pagkatapos, ay siyang hagis nito ng hawak na patalim at pinuntirya ang noo ni Jessa.

"'Wag!!!-- ugh!" Sambit ni Jessa sa dartboard na nakatulala na lamang at nakanganga, wala ng buhay habang naagos ang maraming dugo.

Nginisian naman ni Swan (DK) si Alessander at siya'y umikot 360° bago pinakawalan ang patalim. Ngunit bago pa man mabitawan ng dalaga ang hawak na dagger habang naikot ay nadaplisan sa pisngi si Alessander nang hindi nito namamalayan.

Napasapo ang binata sa kanyang pisngi matapos marinig ang sensor sa dibdib ni Jessa hudyat na natamaan ito ni Swan.

"Fuck you!" hiyaw ni Alessander at sinugod si Swan.

Prente lamang na nakahalukipkip si Swan habang pinagmamasdan ang binatang biglang hinawakan sa magkabilang braso nito ng dalawang tila bouncer ng GVA at pinipigilan sa pagsugod.

Well, that's what you get for underestimating your opponent idiot.

"Alessander," napalingon silang dalawa kay Kasiragi. "Babae 'yan. Mahina. 'Wag nang patulan."

Nagtagis ang bagang ni Swan sa pang-aasar ni Kasiragi.

How dare him insult her?

"Swan," napalingon naman ang dalaga kay Schedulist (Xyrene) na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. "'Wag patulan ang mga lampa."

Tila hindi nagustuhan ng WLA ang sinambit ng leader ng Death Keepers. Lahat ng myembro nito ay nakatingin ng masama kay Schedulist. Pinapatay sa tingin. Pinapatay ng brutal sa isip.

Muling tiningnan ni Schedulist si Swan. "Get down here."

Mabilis namang tumalima si Swan.

"I didn't expect that right after this moment, they're still throwing us a tons of daggers and imagining that they're killing us so easily. How pathetic," tumingin naman ng nakangisi si Schedulist sa WLA. "Very dissapointing. Nalunok niyo 'ata lalamunan niyo kaya hanggang tingin nalang kayo? Ooops! I almost forgot, naapakan ko ba ang forte niyo sa pagpatay? Sorry."

Susugod na sana ang WLA nang biglang nagsalita si Selena.

"Enough," nginisian ng Death Keepers ang mga balak sumugod na WLA. "Kung gusto niyong magpatayan hintayin niyong kayong magharap sa battle stage na 'to."

Muling nanahimik ang lahat ng grupong nasa pagtitipon. Lahat naghihintay ng susunod na sasabihin ni Selena.

Ngunit hindi napigilan ni Xenon ang tingnan si Xyrene. Wala talagang makakatalo sa babaeng ito pagdating sa pang-aalaska. She's really a living teaser monster ng kahit sino. Ngunit ang binata'y napapaisip. Hindi kaya ginagamitan ng psychological distress ng dalaga ang sinuman upang makita ang limitation ng isang kalaban gamit ang galit nito?

Isa-isang nagsitunugan ang mga Identifier ng bawat grupo at kanila nitong tiningnan kung anong mayroon rito.

Access: Weapon's Name (Unknown)

Enter decode: _____

"Ngayon, since this is a Pandora's Box concept... kung may box, may lock. At kung may lock...?"

"May susi." Usal ng taga Warlords.

"Exactly. Ito mismo ang magpapahirap sa inyo sa battle na 'to. Kapag hindi niyo magawang ma-decode ang kanya-kanya ninyong weapon number access code bago i-announce ang magiging kalaban n'yo, mangangahulugan itong hindi niyo magagamit ang weapon na nakuha ninyo sa dartboard sensors."

Mukhang hindi magiging madali ang battle stage na ito para sa anim na grupo. Makakakuha nga sila ng sandata ngunit kailangan mo namang kalagan muna mula sa pinaglalagyan.

* * *

MULING BUMALIK SA kani-kaniyang quarters ang natitirang anim na grupo. Lahat ay nagkakaproblema sa susing kailangang alamin kung sa'n hahagilapin.

"Mukhang mamomoroblema tayo, boss." Napatingin si Xenon kay Voice Box (William) habang siya'y nakaupong muli sa kanilang sofa.

"Oo nga, ni wala man lang hints kung paano ko madedecode ang nabigay sa'ting weapon number." Utas ni Solemn Hacker (Harold).

"'Wag nga kayong mga negatibo mga 'tol," usal ni Gate Crasher sabay akbay sa dalawang binata. "Sa ganitong oras pa ba tayo mabobobo?"

"Bakit? May alam ka bang paraan para malaman kung paano nating malalaman ang gagamitin nating armas?" tanong ni Harold.

Ngumisi muna ang binata sabay ngiti nang pagkalapad lapad. "Hindi."

Binigwasan nina William at Harold ang binata. "Gago. 'Di mo pala alam, pero kung makangisi."

"Pfft! Sorry na, masyado lang kasi kayong stress sa challenge na 'yan e."

"Aba'y loko 'to. Ikaw pa nagsabing ngayon pa ba tayo mabobobo, ta's kung marelax ka? Lolo ka ba?!" Utas ni Harold.

"Gago 'yan e, baon ko 'yan sa baul." Anas ni William.

"Anakng! Sige nga gawa?" paghahamon ni Charles.

"'Tol Harold, pakihanda nga ang sinaunang kabaong tas pakirolyo 'tong hayup na 'to ng tissue!" Utos ni William.

"Ulul, ba't ako inutusan mo? Imba ka? 'Kaw gumawa. 'Kaw nakaisip e."

"Aba't--" hindi na natapos ang sasabihin ni William nang biglang sumingit si Xenon sa kanilang usapan.

"Sandali," napatingin lahat sila kay Xenon. "Ano nga uli 'yung huli mong sinabi, William?"

"H-Huh...? Aba't?"

Mabilis na sinamaan ng tingin ni Xenon si William. "'Uupakan kita."

"Whoah! 'Yun naman ang huli kong sinaad ah!"

"Wow p're! Sinaad! Lalim! Laslas ka na gago!" pang-aalaska ni Harold ngunit sama ng tingin ang ibinato sa kanya ni Xenon. "Sorry na, pare."

"'Yung bang sinaunang kabaong at pagrolyo ng tissue?" pagbabalik sa topic ni Marco na kinatuon ng iba.

"Oo." Sagot ni Xenon.

"Anong mayroon do'n?" tanong muli ni Marco.

Inihilig ni Xenon ang kanyang likod sa sofang kinauupuan at dumikwarto na panglalaki.

"If I'm not mistaken, sa panahon ng gyera noon sa Pilipinas. May ginagamit na codes ang ilang sundalong dayuhan upang madaling matukoy ang sandatang kanilang gagamitin sa laban."

"Teka, 'yan ba yung bawat weapon ay may kaakibat na number code?" tanong ni William.

"Ni-rephrase mo lang, 'tol." Saad ni Harold.

"Para malinaw."

"Gago."

"So," anas ni Marco. "Paano natin malalaman ang mga codes na 'yon kung wala namang nakatala sa internet o 'di kaya rito sa sandatahang lakas ng Pilipinas?"

"At kung mayroon man, panigurado sobrang confidential no'n at malamang, ang Presidente lang ng isang bansa ang may full access sa mga codes na 'yon. Well, those codes were remarkable to our history anyway. Kaya kailangang i-preserve."

Lumukob ang panandaliang katamihikan sa kanila.

"Ano nang gagawin natin? Kung ganoon nga ka-confidential 'yon, then mahihirapan tayo alamin ang code n'yan." Anas ni Harold.

"Boss?" utas muli ni Harold kapagkuwa'y sabay sabay na tiningnan si Xenon na nakahawak ang hintuturo sa kanyang labi habang nag-iisip.

This one is really really tough. 'Yan ang sapantaha ni Xenon sa kanyang isip. Paano mo nga naman kasi malalaman ang hidden code kung ang naiisip niyang codes ay napakaimposibleng mangyari?

Hindi kaya, masyado lang nila pinalalaim ang naiisip na solusyon gayong pwede namang padaliin? 'Yung tipong ginagamitan ba ng common sense.

Kung siya ang organizer ng battle stage... sa papaanong paraan nga ba niya gagawing mahirap ang isang simpleng palaisipan?

Muli niyang tiningnan ang apat na kasalukuyang hinihintay ang kanyang kasagutan. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay kanyang naulinagan ang pag-ilaw ng iPad ni Harold at nakita ang orasan na... 17:46

Biglang may pumasok sa utak niya. Shet, bakit hindi niya iyon napansin agad?

"Damn, bakit sa lahat ng kakalimutan ay iyon pa?!" Bulanghit niya na pinagtaka ng apat.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo na ang sagot, Xenon?"

"Siguro naman accurate 'yan."

Tiningnan niya nang nakangisi 'yung huling nagsalita.

"Don't worry, this one is accurate."

"Ano 'yon, Xenon?"

Ngumisi muna ito bago tumayo at muling kinuha ang iPad kay Harold.

"Ano nga uli yung weapon number natin?" tanong niya sa mga ito.

"GVA 16-'19_2-24" Sagot ni Marco. Muling bumalik mula sa kanyang pagkakaupo si Xenon.

"Do you still remember the Air Decoder?"

* * *

"AIR DECODER?!" TANONG ni Eliza kay Xyrene nang tanungin nila ito ukol sa code na nakuha nila mula sa pagpupulong.

Bumuntung hininga ang dalaga bago muling binalingan ng tingin si Eliza.

"Mostly, sa panahon ng mga dayuhan noon nauso ang pagbibigay ng codes sa bawat weapon na kailangan nila sa gyera and for their easiest way to communicate.. Ganoon ang teknolohiya na dinala ng mga dayuhan sa Pilipinas. Ganoon rin ang mga hapon noon, halintulad lang rin sa konsepto ng mga amerikano at sa pamamagitan ng lahat ng iyon ng walkie talkie-- a small and a mini version of phones that serves as the communication device that mostly used in a war."

"Wait, don't tell me Xyrene it has something to do with the radio frequency codes ng mga earlier 1950s 'ata 60s?" tanong ni Akihiro.

"Exactly. The adaption of Philippines of the past civilization of technologies was widely spread even na umalis na ang mga dayuhan noon. Doon nagsimula ang paggamit ng mga radyo. Sa mga radyo noon, may tinatawag na Air Decoders... may mga sariling version ng codes ang mga radio jocks para magkaintindihan sila, like for example... 10-20. 10-20 means location, while 10-4 is copy. Sa paggamit ng ganitong codes dapat pinagkasunduan ito ng gumagawa mismo ng code at ng gagamit ng code para hindi maging mangmang ang tagapakinig kung ano bang mga numero ang mga pinagsasabi ng kanilang pinakikinggan."

"Ako lang ba, o sadyang 'di ko gets?" napapakamot sa ulo na tanong no Eliza.

"Tsk tsk tsk. Slow mo talaga kahit kailan." Utas ni Andrei habang napapailing.

"Aba'y pasensya. Pwede naman kasi i-explain nalang kung anong kinalaman no'ng Air Decoders sa decode natin sa magiging weapon natin 'di ba?" Bulanghit ng dalaga.

"Eh 'di ba tinanong mo kung ano 'yun? In-explain ko na nga in a specific way ta's 'di mo pa rin nagets at naghihimutok ka pa d'yan." Anas ni Xyrene habang iniirapan ang dalaga.

"Eh kase--!"

"Eliza, fine. For your own sake. Bottomline ng sinasabi ni Xyrene about decoders ay halintulad iyon sa ginamit na paraan ng GVA sa'tin. What are the codes again that we have?" Utas ni Akihiro.

"GVA 16-'19, 2-24"

"Ang paggamit nila ng GVA na acronym sa code ay may ibig ipakahulugan. Hindi GVA ang gusto nilang ipaalam sa'tin, kung'di GRA. Sabihin na nating pampalito sa iba. Kasi ang mga numbers na binigay ay masasabi kong sobrang daling malaman. And GRA stands for Grand Royal Assassins if you still remember, Eliza."

"'Di naman ako makakalimutin ano!"

"Siniguro ko lang."

"Such a meanie, Aki."

"Ikaw na Xyrene ang magpatuloy."

"Eliza. Do you have any idea kung ano ang ibig sabihin ng 16-'19_2-24?"

Umiling ang dalaga. "Mostly but I'm not sure if I am right."

"Oo nga pala, hindi ka nga pala interesado sa GRA noon." Biglang saad ni Andrei.

"Huh? Ah, sa inyo lang naman kasi sapat nang maging myembro, kaya hindi ko tinanggap yung offer nilang mapapirma ako sa kontrata."

"It's okay Eliza. It's also my fault. Hindi ko kasi naituro sa'yo ang GRA Code Conduct kasi hindi na madalas 'yun nagagamit ngayon." Saad ni Xyrene.

"So, ano nga ba ang ibig sabihin no'n?" muling tanong ni Eliza.

"Ginagamit ng GRA ang kanilang sariling version ng Air Decoders upang magamit ng kanilang mga nakakontratang Assassins when it comes to emergencies. Masyadong dense ang kanilang codes kung tutuusin ngunit maniwala ka man o sa hindi... alphabet and its corresponding numbers lang ang gamit nila. Example, A = 1; B = 2; C = 3; and so on..."

"Wait you mean. Kung based lang pala sa letters ang lahat ng decoders... 16 from the first code means, P"

"Correct."

"So, how about dash (-) at underscore ( __ )? What does it mean?"

"Dash ( - ) from the code means the in between letters of the whole word hidden, while underscore means space."

"Ang ibig sabihin, 2 words ang codes: 16 = P, 19 = S and 2 = B, 24 = X... y-you mean the answer is."

Nginisian siya ni Xyrene nang mapagtanto na ang sagot.

"Selena already gave the clue, that's why she asked us about it." Anas ng dalaga kapagkuwa'y itinapat ang Enemy Identifier at nagwika...

"Death Keeper's Access Code."

Permission to speak

Ngumisi muli si Xyrene bago binigkas ang sagot sa kanilang weapon's passcode.

"Pandora's Box"

* * *

HATINGGABI NA NG mapagdesisyunan ni Xyrene ang bumaba sa kanilang quarters at muling magpahangin at makalanghap muli ng simoy ng hangin.

Umupo siya sa isa sa mga bench roon at itinukod ang dalawang kamay sa kanyang kinuupuan, kapagkuwa'y tumingala at pumikit habang nilalanghap ang malamig na hangin na sumasamyo sa kanyang sarili.

Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang pagod na namumutawi sa buo niyang katawan. Waring nag-wa-warning na sa oras na hindi pa s'ya magpahinga'y kusang bibigay na lamang ang kanyang katawan isang araw.

Doon lamang niya naalalang magpapasko na ta's susunod ang new year... magpapalit na ng taon. Next year 2013 na. May pagbabago bang magaganap?

Isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng bench na kinauupuan. Siya'y yumuko at muling ipinikit ang mga matang nais umiglip man lang.

Limang minuto pa lamang ang nakakaraan nang may marinig siyang kaluskos na malapit sa kanya.

May paparating...

Hindi siya gumalaw bagkus ay nagpanggap pa s'yang tulog na dahil iyon naman ang kanyang ginagawa kanina.

Naalerto siya nang biglang umupo ang lapastangan. Uumbagan na sana niya ito nang siya'y napatigil nang muling pumaimbuyog ang malamig na hangin kasama ang amoy ng katabi.

That scent...

Kilalang kilala niya ang amoy ng binata. Sino ang hindi kung kabisado niya ang gamit nitong pabango?

"It's been a while... Xyrene."

Sa 'di malaman na dahilan ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang bigkasin nito ang kanyang pangalan.

"Dati... naalala ko, sa admin office tayo ng Crimson University unang nagkabanggaan. We became enemies and we hate each other before. And now..." parang ayaw niyang marinig ang susunofmd na sasabihin nito. "We hate each other more."

Ilang minuto pa ang nagdaan at nanatiling silang tahimik na dalawa. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Xyrene na may telang bumalot sa kanya mula sa likod at ang hindi inaasahang paghalik ng binata sa kanyang noo.

Mas lalong nanigas ang kanyang katawan nang may binulong ito mula sa kanyang tainga.

Nang matapos siyang bulungan ay doon lamang siya dumilat at naabutang tumatakbong palayo ang binata. Iniwanan siyang may tanong ang kanyang isipan lalo na sa sinambit nito sa kanya.

.

.

.

"H E Y - 53MTEIE? Is that a code, Xenon?"

* * *

Clarifications:

- Battle 2012 ang GVA year nito.

- Lahat ng mga kakaiba at nakakalitong impormasyon na inyong nabasa ay sadyang kathang-isip lamang, 'wag asahang nasa google 'yon kung ninanais niyong i-search.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action